Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

UNtitled

Isang bagay sa mundo aking nalaman

mas maganda pa ang virtual kaysa sa katotohanan

Isang ideyang sa akin ay pumasok

aking atensyon sa wattpad itinutok

Nung unay nagbabasa ng kwentong kathang isip lamang

Mga kwentong masasaya ang katapusan

Hindi tulad ng tunay na buhay

Natatapos ang kwento ng walang saysay

naisipang gumawa ng sariling account

pakikipag-usap aking talagang hanap

Isang yhin2x aking nakita at naging kausap

Isang ekstranghero sa akin ay tumanggap

Mga tula ko't kwento kanyang binasa

Hindi nakatanggap ng pula sa kanya

Bagkus siya ay mukhang natuwa pa

tumaas tuloy aking kompyansiya

Parehas kaming mahilig gumawa ng tula

Pakiramdam ko, isip namin nagtutugma

Hindi romatik na relasyon ang kailangan

Isang kaibigan kahit sa virtual na paraan lang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro