
True Love
Napakahiwaga talaga ng buhay ng tao
Hindi alam ang mangyayari sa susunod na minuto
Yung taong iyong makakatuluyan sa hinaharap
Iyo na palang laging kasama at kausap
True love nga kung ito ay tawagin
Kahit kanino ito ay kaya mong sabihin
Yung salitang "MAHAL" na sa kanya naramdaman
Iyong ipahahayag ng walang pag-aalinlangan
Halina't atin itong pag-isipan
Ang "TRUE" na ibig sabihin ay katotohanan
ang "LOVE" naman pag-ibig ang kahulugan
Tila magandang salita pag iyong pinagpisan
Ito ba ay totoo o kathang-isip lamang?
Ating kuro-kuro ay tiyak na maglalaban-laban
Nariyan ang hindi naniniwala dahil sa pag-ibig sila ay sawi
Meron namang naniniwala dahil ito ang nagbibigay sa kanila ng ngiti
Iba't ibang ideya tungkol dito ang lumabas
Nariyan ang isang beses lang daw sayo ipaparanas
Pag daw ito ay iyo pang pinalampas
Parang kalahati ng iyong pagkato ang pinilas
Parang masakit ito kung iisipin
Parang kalahati ng buhay mo dito manggagaling
Paano yung hindi dito nakatagpo
Yung buhay ba nila hindi naging buo???
Sa isang banda marami dito ang naghahangad
Kahit alam nilang sakit ang katumbas pag hindi natupad
Yung pagiging positibo nila sa buhay
Ang mag-aakay tungo sa pag-asang walang humpay
Swerte nga noong nakaranas at nakaramdam nito
Tila yung kanilang pagkatao ay jigsaw na nabuo
Isang kulang na bahagi ng buhay at pagkatao nila
Ito ang nagpuno,nagkompleto at nagbigay sigla.
Ngayon kayo na ang bahalang magpasya
Sa salitang ito ikaw na ang humusga
Ang TRUE LOVE ba ay isang katotohanan?
O isang malaking kathang-isip lamang?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro