Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ring of Faith

isang bilog na bagay aking nakita

kislap nitoy tila napakaganda

ako ay tila kanyang hinalina

kaya aking atensyon ay napasakanya

Ilang buwang inasam-isam

tila isang batang may kaarawan

Ngunit akoy hanggang tingin lang pala

dahil napakamahal niya talaga

Pilit inalisa at sadyang inalam

bakit nabighani sa kanyang kagandahan

tumingin sa ibang mga bagay-bagay

baka mga katanungan magkaroon ng kasagutan

nakakita ng iba na halos kahawig nya

ito ay akin ng pilit kinuha

kahit at ganda at kinang ay wala sa kanya

masabi lamang akoy merong kahawig niya

ngayon aking napagtanto at nalaman

paghanap ng kapalit ay hindi ang kasagutan

isa itong pagkakamali na kokonti lang ang may alam

iyong lamang nakaranas din ng aking pinagdaan

ang Singsing na napakaganda sa akin ay nawalay

dahil sa akoy maagang bumitaw

tila isang bahagi ng buhay ko ang nawala

parang pinayid ng hangin hanggang sa mawala

ang kinang at ganda niyang taglay sa isip nabubuhay

babaunin ang ala-ala hanggang sa aking hukay

Isang malaking aral sa kanya aking nalaman

lahat ng bagay ay may kanyang hangganan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro