Love or Friendship
Dalawang bagay na kapwa mahalaga sa buhay
ito ay ang Pagkakaibigan at pag-ibig na tunay
Ang kaibigan na saya at tiwala ang hatid
At pag-ibig na ikaw lang ang nakakabatid
Paano pag ang dalawa ay biglang nagsama
Lampas sa kaibigan ang turing mo sa kanya
Iyong nararamdaman ay ipahahayag mo ba?
O ikukubli sa puso at hahayaan mo na?
Ganitong pangyayari ay madalas ng maganap
kaya payo ng kaibigan ang kanilang hanap
Dalawang daan ang kanilang tatahakin
alin sa landas na ito ang dapat suungin
Ito ngayon aking nararanasan
pagibig sa aking matalik na kaibigan
Malaking pagkakamali ang aking naging pasya
Parehas nawala, wala ng natira
bakit ganito ang sa akin ay nangyari?
naubos ang lahat, naging parang pulubi
Limos ng konting tiwala ay hindi na maibigay
Hindi ko alam ang magiging takbo ng buhay
Pagkakaibigan na aking iningatan
Ginawa ang lahat para siya ay matulungan
Pag-ibig na sa kanya ko naramdaman
Ipinahayag ko ng walang pag-aalinlangan
tinanggihan mo ito at pilit inilayo
Pagkakaibigan natin ang hindi ko isinuko
Walang katugon kaya kapalit ay hinanap ko
Sinunod lahat ang mga naging payo mo
nag-antay ka sa akin gaya ng iyong sabi
ngunit ngayon nawalan na ito ng silbi
Una pa lamang, pag-asa sa iyo hindi mo naiparamdam
Kaya lumayo ako ng hindi na masaktan
Pagkakaibigan na lamang sa atin ang natira
Subalit sa isang iglap ito ay nawala pa
Atin bang samahan nawalan na ng silbi?
Hindi na ba maiibalik ang lahat sa dati?
Tagal ba ng panahon ang dapat maging batayan para mapili ang tamang daan?
Ito ba talaga ang sagot sa aking mga katanungan?
nawa'y tama ang naging pasya na siya ay layuan
pag-ibig at pagkakaibigan akin ng kalilimutan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro