KUYA
Ganyang salita napakasarap sa pandinig
Nagmumula sa iyong bunsong kapatid
Tila ikaw yung kanyang sandigan
Kanyang mga problema ikaw ang sasabihan
Sa barkada hindi din ito mawawala
Ikaw yung tatayong pinakamatanda
Ang mga desisyon sa iyo magmumula
Sa bawat lakad ng grupo ikaw ang bahala
Subalit tila ito ay nakakarindi
Ang iyong taynga ay halos mabingi
Ito ang tawag sa iyo ng babaeng nagustuhan
ang salitang KUYA,walang labis walang kulang
Bakit ganito ang nangyari at naranasan
kanyang turing sa akin ay kuya lamang
Paano na ang aking nararamdaman
dapat pa ba sa kanya ipaalam?
Hindi alam ngayon gagawin at magiging desisyon
Baka yung pagkakaibigan bigla na lang itapon
Napakahirap naman nitong aking sitwasyon
Ano ba talaga ang magandang solusyon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro