Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Katabi o kaharap

Isang pampasaherong dyip ang dumaan
Pinara ko ito ng ako ay makasakay
Isang pasahero ang aking nakita
Nagtataglay ito ng kakaibang ganda

Akoy biglang nalito, hindi alam gagawin
Umupo sa katabi o sa kaharap ang dapat sundin
Kung sa tabi niya, iba ang pakiramdam
Kung sa tapat naman ganda niya'y masisilayan

Sa kanyang tabi na lang ako naupo
Mga katawan namin biglang nagbunggo
Kuryenteng dumaloy sa aking katawan
Tila sa kanya ko lang naramdaman

Isang ekstranghero nagpabilis ng pintig ng pulso
na para bang siya ang hinahanap ng aking puso
Ninamnam ang bawat sandali na siya ay katabi
Ngiti sa aking labi tila walang makagagapi

paghinto nito sa isang paradahan
ako biglang lumipat sa kanyang harapan
Ngayon tanaw ko na ang kanyang kagandahan
Saya at ngiti ko lalo pang nadagdagan

Ngayon alin ang mas masarap sa pakiramdam?
Maging katabi o kaharap ang babaeng iyong natipuhan?
Dulot nitong saya at ngiti sa iyong labi
Alin ang mas matimbang at alin ang hindi?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro