IKAW
Nakita kita may ballpeng hawak
Iyong presensya ang sa akin ay tumatak
aking atensyon ay sa iyo natuon
Na para bang ikaw lang ang tao roon
Tila tadhana sa akin ay nakiisa
Ikaw at ako ay naging magkagrupo pa
Bawat sandali na sa atin ay nagdaan
Ngiti sa aking labi iyong masisilayan
Ikaw ang nagbigay sa akin ng saya
Ikaw ang nagtanggal ng aking takot at kaba
Ikaw ang nagdulot ng ngiti sa aking labi
Ikaw ang nasa isip ko sa bawat sandali
Bakit ang bilis lumipas ng minuto, oras at panahon
Noong isang araw tayo nagkakilala pero paalis ka na ngayon
Isa lamang ba itong panaginip na ikaw ang bida
Subalit ang wakas ay kay lungkot pala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro