Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hunyo

Ang hunyo ay inilaan ko sa akin
Dahil ang buhay galing sa Diyos ay ibinigay sa akin
Isang anghel nga raw ang isinilang ni inay
Saya at ligaya niya ay tunay na tunay

Dito ko naranasang mabuhay sa mundong ibabaw
Pagmamahal nila sa akin ipinaramdam
Itinuro ang mga aral at mga kabutihang asal
Sa tamang daan ako ay kanilang inakay

Kung ano ako ngayon ay yun dahil sa kanila
Kung wala sila hindi ko alam kung saan ako napunta
Kaya ako ay lubos na nagpapasalamat sa kanila
Kaya sila ay mahal na mahal ko talaga.

Hunyo ang palatandaan ng aking kaarawan
Sa ikalabing apat na araw ako isinilang
Isang napakagandang regalong sa akin binigay
Kaya ito ay pahahalagan kong tunay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro