Dont Judge the Book
Isang tanyag na sawikain aking nalaman
Noong ako'y nag-aaral pa lamang
Sa tagal ng panahon itoy aking pinaniwalaan
Ngayon napagtanto, linya nito pwedeng palitan
"Don't judge the book by its cover" yun ang sabi nila
Ito ay tumutukoy sa taong hindi natin kilala
Huwag husgahan base sa kanilang pustura
Alamin ang tunay na kakayahan nila
Kinikilala natin sila ng husay
para malaman kung ano ang tunay
Kanilang ugali at mga kakayahan
ngayon alam na natin ng lubusan
"Dont judge the book and i will cover it"
Ito ang gawa natin pag ating kaibigan ay may kagalit
Kumiliking sa kanila at pinagtanggol pa
Hindi naman natin alam kung nasa tama sila
Ito ang madalas sa ating mangyari
Tayo na ang mali ayaw pa nating umintindi
Pinagtatakpan pa natin ang ating maga gawi
Kahit alam nating sila ang tama at tayo ang mali
"Dont judge our book and we will cover it"
Ito ang linya ng taong nasa pulitika
Ang katotohanan ay natatakpan ng pera nila
Parang hari pa ng lipunan kung umasta
Ating pagkatao natapakan ng kanilang yaman
Nais bilihin kahit ang ating isip at kaalaman
kanilang baho natakpan na nila ng lubusan
pati sa hustisya pera ang kanilang panlaban
"Dont judge the book and dont cover it"
Ito ang gawa natin sa mababang antas ng lipunan
Walang panghuhusga sa atin ang nagaganap
Subalit pagkilala sa kanila hindi matanggap
Isang sawikaing napakatanyag sa ating lipunan
Pinalitan ng linya madami ang nais ipaalam
Ngayon ating ng alam kung alin ang tama dito
Subalit nagagawa ba natin?. . .yung totoo?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro