Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Demokrasya

Ang demokrasya ay taglay na ng bawat Pilipino

Kalayaang sabihin ang saloobin ang hatid nito

Isang mabisang paraan para nararamdaman ay malaman

Para ating problema ay madaling aksyunan

Dito tayo nagkakaroon ng unawaan

Nalalaman kung tayo ay may natatapakan

Maiiwasto ang maling nating napagdesisyunan

Para pumabor sa bawat mamamayan

Ngayon bawat saloobin nais na nilang ipahayag

Wala ng pakialam sa iba basta ang gusto ay matupad

Konting hinaing na kaya naman nilang aksyunan

Kanila pa din sinasabi ng walang alinlangan

Ang dahilang "Demokrasya" tila naman sumubra

Labis na paggamit dito ay nakakairita

Rally dito, rally doon na ang ating nakikita

Maliit na isyu tila pinapalaki pa nila

Demokrasyang hatid ng ating gobyerno

nagagamit ng hindi tama at tila naaabuso

Panahon na ba para ito ay aksyunan at iwasto

Para bawat tao ay lubos ng matuto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro