Prologue
.
Have you encountered a scenario wherein the person you love abandoned you? Yung mapapatanong ka na lang kung...minahal mo ba talaga 'ko?
Coz me, I am. Ang sakit isipin na yung taong mahal ko, kailangan ko, hinahanap ko...hindi ko makausap, hindi ko makita, at hindi ko maramdaman. It was like...we had a relationship for nothing. Kasi wala siyang tiwala sa'kin. Dahilan kung bakit siya nawala sa'kin.
Isa pang tanong, have you ever felt like you're just alive for nothing? Yung gigising nang wala lang. Matutulog na wala lang. Yung parang bawat galaw mo hindi mo alam kung bakit mo yun ginagawa. Yung hindi mo alam kung para saan. Kasi pakiramdam mo...nakakapagod. Pakiramdam mo wala kang halaga.
Living a life because of nothing is a bit hard. Hindi lang para sa'kin kundi para rin sa pamilya ko. I know that they are also suffering because of my life. Sino ba namang pamilya mo na mahal ka ang hindi malulungkot kung sa pakiramdam mo palagi wala kang halaga. Na kahit kasama mo sila...parang...wala lang.
I love, i loved. Many people could be my inspiration for this life. I have my brothers, cousins, friends, parents and grandparents. Pero sa dami nila...nakakainis isipin na wala siya sa mga iyon. Na siya ang hanap at kailangan ko pero siya pa yung wala.
"Shana?"
Ngumiti ako kay Ate Tamarah. Inabutan niya 'ko ng kape habang nakatingin ako sa langit saka siya umupo sa tabi ko. Nang marinig ko ang buntong hininga niya alam ko na agad ang sasabihin niya.
"Nakatingin ka na naman sa langit."
Natawa ako at tumango. I always stare at the sky whenever sadness attacks me. Madalas naiiyak ako. Pero nang dahil siguro sa tawag ni Hace kanina naging ayos ako kahit paano.
"Lagi mong sinasabi 'yan, Ate," asar ko. Natawa rin siya.
"Paano? Eh kada darating ako galing trabaho ganyan kita maabutan." Ngumiti ako at tumango.
Namimiss ko siya. My cranky Greek. Yung lalaki na madalas sumigaw kapag galit pero kung magalit naman ang mga salita ang lalambing. The way his eyes fire with love and madness...i know those are my favorite. Yung hagikgik niya, yung pang-aasar, pagiging maamo at masungit...nakakainlove.
"Missing him?" tanong ni Ate.
I pouted and nodded my head. "Sobra. Kahit masakit."
I looked at the bracelet-like scar on my wrist. Iniisip ko...paano kaya kung hindi 'yun nangyari sa'kin, nandito kaya ako? Mananatili kaya ako sa madilim? Maiisipan ko parin kayang mawala na lang? Mararamdaman ko kaya 'tong emosyonal na pagod ko?
She sighed. "Malalampasan mo rin 'yan. Kaya mo Shana. Ikaw pa."
Ngumiti ako at tumango. Wala naman akong magagawa. Ilang beses ko nang sinubukang mawala at sa iba't ibang paraan iyon. Ano pang magagawa ko? Wala naman. Meron isa. Kundi ang mabuhay sa dilim. Ang mabuhay ng pinipilit. Ang mabuhay ng malungkot.
"Kaya ko naman talaga," mahinang sabi ko. Ngumiti ako kay Ate nang makita ang titig niya.
"Magpahinga ka muna. May pasok ka pa bukas." Tumango lang ako. Nagpaalam siyang aalis kaya ako na ang naiwang mag isa.
Tumingin ako sa guhit ko sa sketch pad. Humiga ako sa lounge dito sa may balkonahe saka tumitig sa detalyadong guhit.
Ang guhit ng mahal ko. Kung saan ako ang iginuhit niya habang gumuguhit rin ako sa pader ng bahay niya. Ang ganda ng ngiti ko. This is the time wherein it was my first time painting on a wall without the people who will get angry.
"I miss you," sambit ko. "Can you come back?"
Nakakatawang isipin na sa sakit ng mga sinabi niya sa'kin mahal ko parin siya at sobrang lalim parin noon. Siguro ganito lang talaga ang pagmamahal 'no? Yung kahit madalas masakit wala kang magawa kundi ang magtiis dahil mahal mo. Yung iiral talaga ang karupukan at katangahan kahit sobrang sakit na yung dinulot sayo.
Bumuntong hininga ako. Nakakasawang maging malungkot pero at the same time hindi mo rin naman alam kung paano yun matatanggal. O kung alam mo man...hindi mo naman alam kung paano makukuha ang kasiyahan mo.
"Mom?" sagot ko sa tawag.
[Are you okay there? You want me to visit you?] natawa ako sa sinabi niya at umiling. Sa Sabado pa ang bisita nila. Mapapaaga sila kung ngayong Huwebes na.
"'Wag na po. Ayos lang ako. Maalaga naman po si Ate."
Napabuntong hininga siya sa sinabi ko at tumango. Halata pa sa mukha niya ang lungkot. [Everything will be fine. The case is now moving] Tumango lang ako. Wala namang magbabago kung mawawala sila o hindi dahil sinira na nila ang buhay ko.
[Kamusta ang architecture mo diyan?]
Ngumiti ako sa sinabi niya. Halatang naghanap lang siya ng topic para may pag usapan kami. Paniguradong tinawagan siya ni Ate Tamarah na aalis siya at mag isa na naman ako.
"Ayos naman po. Dean's list ako My. Top one," balita ko sa kanya.
Lumaki ang ngiti niya. [Punta kami diyan. Celebrate tayo ha?]
Tumango ako sa sinabi niya. "Sige po. Kayong bahala." She pursed her lips. Alam kong nag iisip pa siya ng panibagong pag-uusapan.
[Kamusta ang pag-aaral mo diyan? Yung environment? Maganda ba? Describe mo nga.]
I chuckled and thought. "Hmm...Ayos naman po. Mahangin dito sa Laguna. Yung school ko po kakaiba kasi kaunti lang kami kahit college na. Tapos yung paligid po...uhh...madaming palayan Mommy."
She chuckled at what i said. [Baka diyan mo na gustuhing tumira ha.] Natawa ako at umiling,
"Pwede rin po. Pero magMa-Manila ako Mom. Tatrabaho ako kina Kuya." she smiled sweetly and nodded. Ilang minutong katahimikan. Napabuntong hininga ako at gano'n rin siya.
[My phone is always on. Pwede mo 'kong tawagan kapag gusto mo ng kausap," mutawi niya.
"Opo Mommy."
Ngumiti siya nang malungkot sa'kin. [Life will always be hard, Shana. Walang bagay na madali. Basta kayanin mo ha. Nandito ako palagi. Pwede kitang puntahan diyan.]
Tumango ako sa sinabi niya. "Opo Mommy. Salamat."
[Anong balak mong gawin? May lakad ka ba?]
Umiling ako sa tanong niya. Magmula ng mangyari ang impyerno kong buhay kahit ang paglabas nang hindi naman kailangan iniwasan ko na.
"Wala po. Dito lang ako sa bahay." She nodded at what I said.
[Mas maganda kung lalabas ka. Kahit diyan lang sa tapat ng bahay ni Tamarah para kahit paano hindi ka mabored. 'Wag mong hayaan na sakupin ang utak mo. Baka hindi ka na naman makahinga niyan.]
Napanguso ako sa sinabi niya at tumango. "Opo My. Sige po. I'll try it sometimes."
Natapos ang usapan namin na iyon nang sabihin kong mag sisiesta na 'ko. Binuksan ko muna lahat ng ilaw sa silid saka humiga sa kama. I took my flashlight and turned it on. Ininom ko muna ang sleeping pills ko saka nahulog sa pagkakatulog.
Days, weeks and months passed. Living in nothing continued. Kapag may mga bagay na ikakasiya 'ko masaya naman ako. But, it didn't last. Masaya ako. Pero bigla na lang akong malulungkot at tatamlay sa buhay.
"Ang ganda ng drawing mo. Sino 'yan?" tanong ni Kinah habang nakatingin sa gawa ko. Drawing ko iyon ng isang bata na may kausap na bulaklak. Pumasok na naman kasi siya sa isip ko.
"Ex ko," deretsong sagot ko. Natawa siya sinabi ko.
"Ex? Sanaol. Ako kasi sa Ex-tra money lang kumakapit!" natawa ako sa sinabi niya at napailing na lang. "Ang tahimik mo. Yung mata mo naman parang makulit. Tahimik ka ba talaga o may pagka bad girl rin?"
Natawa muli ako sa sinabi niya at umiling. "Hindi lang ako sanay na kumakausap ng tao."
That's the truth. Magmula noong mangyari ang helllish life ko hindi na gano'n ka active and social status ko. Naging aluf ako sa tao. Hanggat wala akong kakausapin hind iako makikipag usap. Hindi tulad dati na halos lahat ng tao kahit hindi ko close kinakawayan ko.
"Ay, gano'n pala," Nakangusong sabi niya. Tinapik niya ang balikat ko. "Ang ganda ng drawing mo. Talented ka. Ako nga hindi ko alam kung bakit ako nag architecture." Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Eh bakit 'yan kinuha mo?" Napanguso siya sa sinabi ko.
"Bagay sa surname ko eh. Tapos ang lupit kasi Steminist ako. Sosyal pakinggan. Ang talino sa tainga kahit bobo ako."
Natawa ako sa sinabi niya. "Grabe ka."
"Hoy! Totoo kaya. Tanda ko noong sinabi ko sa mga Tito ko na steminist ako para silang lobo na pumutok sa gulat. Ang talino ko daw pala sa Math. Eh hindi ko nga paborito yun! Nakakadiri! May letters na may numbers pa." reklamo niya habang binabato ang mga manok.
"Matalino ka naman. Nakaabot ka nga ng third year." Inismiran niya 'ko.
"Hmp...kung hindi ko lang inspirasyon parents ko nag drop na 'ko. Alam mo yun? Dugo't pawis ang dahilan kung bakit ako nandito. Nakakasira ng utak kapag sinayang ko. Saka...mahal ko na rin naman ang architecture."
Ngumiti ako sa sinabi niya habang ginaya siyang nangbabato ng manok. "Buti naman."
"Alam mo pa nga, pumasok ako as scholar sa school sa Amerika. Sana makuha ako. Greatest gift ko na yun kina Nanay. At mas may great pa kapag may lisensya na 'ko."
I smiled sadly. Malaking bagay para sa kanya ang mapasaya ang magulang niya dahil iyon ang inspirasyon niya. Naiinis talaga 'ko dahil kahit pilitin kong gustuhin na maging masaya sila hindi ko magawa dahil halata nilang malungkot ako palagi.
"Sana ako rin."
"Huh?" gulat niyang tanong. Tinawanan ko lang siya at umiling.
"Galingan mo. Magiging Architect ka," giit ko saka nagthumbs-up. Her smile widened and nodded multiple times
"Salamat sayo."
Matapos ang usapan na iyon ay mag isa na 'kong umuwi. Kayang lakarin naman kasi ang daan. Ten minutes lang ang lakad at hindi pa gano'n karami ang dumaraang sasakyan kahit na maraming tao.
"Congrats Baby," sambit ko habang nakatingin sa litrato niya. Engineer na siya. Yung pangarap niya na pinangako niyang kasama ako hindi natupad. Pero atleast naging Engineer na siya. "Ang gwapo mo," bulong ko.
I zoomed in on his face. Hindi parin nawala ang paghanga ko sa mukha niya. Ang gwapo parin. Yung natural na sungit ng mata kung tumingin na kapag sa'kin naman ay napaka amo.
Tumingin ako sa langit at nakitang parang uulan. Ngayong medyo magaan ang loob ko, ang lungkot ng langit. Ngayon kaya...anong iniisip niya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Is he doing his new projects? Pagod kaya siya? Masaya ba siya?
"Hello Dad?" sagot ko sa tawag.
[Kamusta ka diyan?]
"Ayos naman po."
Yun naman palagi ang sagot kahit alam nilang hindi.
[Have you eaten your dinner? 'Wag papagutom Shana?] ngumiti ako sa sinabi niya kahit niya 'ko kita.
"Nakakain na po ako. Kakatapos lang po."
[Hmm...sige. Miss ka na namin. Sa susunod na Linggo pupunta kami diyan para diyan muna tumira. Dalawang taon na lang tapos ka na sa college mo tapos Maynila ka na. Mamimiss ka ng mga kapatid mo.]
Ngumiti ako sa sinabi niya. "Sige lang po Daddy."
[Siya sige. Kanina pa nangungulit 'tong si Hace. Kausapin mo muna]
[Ate!]
Nailayo ko ang phone ko sa tainga nang marinig ang boses niya. "Hace? Lower voice please?" pakiusap ko. He giggled at what I said.
[Sorry po. Love you]
I chuckled. "Love you too. Bakit gising ka pa?" I heard him humming. Siguradong nag iisip ng ipapalusot.
[I ate banana cakes po. Many banana cakes, Ate.]
Natawa ako sa sinabi niya. "Baka sumakit tiyan mo. Maya-maya ka na matulog kung kakakain mo lang. Lalamunin ka ng banana cake sige," pananakot ko.
Natawa siya sa sinabi ko. [They are just banana cakes po. I can beat them all. Kuya Rayd taught me martial arts kaya po malakas ako po]
Natawa muli ako sa sinabi niya. "Ang yabang mo naman baby." For sure he breathed against his flapped lips that made a silly noise.
[Totoo naman kasi Ate. You don't believe me? What happened to Laguna that you don't believe me anymore?]
Malakas akong tumawa sa sinabi niya. He sounded so sulky. Na para bang masama talaga ang loob niya na hindi ako naniwala na kaya niya raw labanan ang banana cakes dahil nag aral siya ng martial arts.
"I love you baby," malambing na sabi ko.
[Love you too Ate. Uwi kami diyan. Ingat ka.]
It touched my heart that kahit hindi siya yung magpapaalis ng sakit sa puso ko, kahit paano napapatawa parin ako ng kapatid ko.
To be continued...😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro