Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

.

"Uyy...'wag kang lumapit diyan. Don't you see? He's talking to a flower!"

"Shana...ayusin mo nga ang ugali mo."

"Tss. Bahala ka. I don't talk to strangers. Especially a weird and creepy guy who talks to a daffodil. Iww..."

"Hi?"

Tumingin ako sa kumalabit sa'kin at nakita si Rayd. Tiningnan ko lang siya saka tumingin sa bulaklak.

"Sorry sa kapatid ko. Maarte kasi 'yun."

Tumango lang ulit ako sa sinabi niya. I don't mind. Mula noong mamatay si Mama at sa unang pagsama ko rito kay Papa sa trabaho niya halata namang maarte ang batang yun. Maarte, mapanghusga, spoiled at kung ano pa. Hindi na 'ko magtataka kung walang magkagusto sa ugali niya.

"Condolence." nginitian ko si Rayd. Tinapik niya 'ko sa balikat saka siya umalis.

Sa buong isang linggo ay dito ako kay Papa nanatili. Sa sariling kwarto niya dito sa bahay ng mga Lee habang naghahanap pa si Papa ng magbabantay sa'kin. Pero sa lumipas na araw wala siyang nakita.

"Ako na po bahala sa sarili ko Papa," sambit ko dito. Inayos niya ang uniporme niya saka bumuntong hininga.

"Baka mawala ka bigla." Umiling ako sa sinabi niya.

"Kaya ko po Papa." Bumuntong hininga siya sa sinabi ko at wala nang nagawa. Madami siyang paalala na sinabi sa'kin bago ako nag-impake ng damit. Papalabas na sana ako sa pamamahay ng mga Lee nang may marinig na usapan.

"Is that creepy weird kid leaving this house Mommy?" tanong ng bata. Nangunot ang noo ng Mommy niya.

"Don't say that, Shana." inismiran siya ng bata. Lumapit ako kay Tita Havie at ngumiti.

"Salamat po," sambit ko. She patted my head and smiled.

"Mag-aral ka ng mabuti para makakuha ka ng scholar sa school. Ako na magpapasok sayo. Basta mag-aral ka ng mabuti para sa sarili mo."

Tumango ako sa sinabi niya. Nilingon ko ang batang babae sa tabi niya at nangunot ang noo. She's mocking what her mother was saying with an ugly face. Napaka bata pa pero napaka sama na ng ugali.

"Shana! Practice na!"

"Ayoko!" sigaw nito sa Tatay niya. Ngumiti muli ako kay Tita Havie bago tuluyang umalis.

Lumipas ang mga araw at taon. Ako ang mag-isang nagpalaki sa sarili ko dahil masyadong abala si Papa. Isang beses sa isang buwan na rin siya kung umuwi kaya wala talagang mag aasikaso sa'kin.

I did all things to follow the path towards my dreams. Lahat ng hindi importante ay hindi ko na ginagawa. Katulad ng pagnonobya, pag inom, pagbabarkada at kung ano pa. Yun din siguro ang dahilan kaya kahit kailan hindi ko naranasang maging pangalawa sa klase.

"I'm at a payphone trying to call home..."

Tumigil ako sa pagdaan sa likod ng school nang may narinig na kumakanta. Sumilip ako saglit. I was amazed when i saw it was the stagy kid. Si Shana na may hawak na gitara habang nakapikit na kumakanta.

Nagulat pa 'ko nang magmulat siya bigla kaya nagtago ako. "Nakakainis! Ang pangit ng boses ko! Bakit kasi music pa? Pwede namang Arts!"

I chuckled at what she said. Ang ganda ng boses niya. Ano pa bang boses ang gusto niya at nag-iinarte pa siya?

"Yah!"

My eyes widened when I heard a loud noise. Sumilip ulit ako saglit at umawang ang labi. She threw a paint on the wall! Baliw ba siya?

"Yan...nice color," ngising sabi niya. "I hate to be grade 8. Ano kayang feeling ng college para tapos na agad ang buhay ko?" natawa ako sa sinabi niya ng tumawa siya.

Mula noong araw na 'yun dumalas na ang pagpunta ka sa building nila. Nagtrabaho pa 'ko ng janitor para lang magpakabaliw sa babaeng yun kahit hindi naman kailangan.

"Kilala ko 'yan ah." Itinago ko agad ang papel na hawak ko nang makita si Papa. Nakangisi siya sa'kin habang nagbibihis. "Bago mo makuha yan...dadaan ka muna sa mga leon. Alam mo naman na bantay sarado yan ng mga kamag anak niya lalo na sa pagnonobyo."

Hindi ko siya pinansin. Hindi ko naman balak makipagrelasyon dito sa bata. Ilang taon ang tanda ko sa kanya...tatlo. Tapos ang arte pa.

Pero siguro...dapat kalimutan ko na ang mga sinabi ko sa isip. Kada makikita ko siya sa likod ng school nila nakakabaliw lalo. Kapag susubukan kong hindi siya makita para akong nasa dilim. Ang tamlay at ayoko noon!

Nangunot ang noo ko nang makita siyang papasok ng storage room. Inayos ko agad ang sarili ko sa salamin na pintuan bago pumasok roon.

Nang makita siyang nililibot ang mata sa buong silid ay nangiti ako. Mahina pa 'kong tumikhim saka nagsalita. "Excuse me?" sambit ko. Gusto kong matawa sa reaksyon niya nang magulat pero pinigilan ko.

"Uhh...paint na puti. Tapos panlinis sa pader," giit niya.

That talk of us made my day complete. Masyado akong masaya to the point na habang tumatagal ay naliligaw na 'ko sa mata niya. The way she stares at me after she close her eyes. Parang nalulunod siya sa mukha ko. Kayalang hindi niya pala 'ko tanda. Nilalait niya 'ko dati tapos nakalimutan niya 'ko?

I didn't expect I would fall for her. Ang arte kung madalas at napaka ingay pero hindi ko akalain na may ugali siya napakalambot. She's patient and soft. Nakita ko yun nang magsinungaling siya sa'kin.

"Whoa!" i shouted when i saw her notif on my screen. Bigla kong inopen ang facebook ko para makita ang ginawa niya at dinala ako noon sa luma kong picture. "She's stalking me right?" tanong ko sa sarili. Siguradong oo dahil ang tagal na ng post na iyon.

Days of knowing her, titignan ko lang siya parang ang dami kong naiisip na kasama siya. Umabot pa yun sa punto na paano kaya kapag pinakasalan ko siya? Ganito parin kaya siya kakulit?

"Kuya," inis na banggit ko sa sinabi niya saka siya nilingon. Nakakainis! Nakakadiri ang tawag na yun! Matapos ko siyang pagpantasyahan, Kuya ang itatawag niya sa'kin? Mali yon! Maling mali.

Her heart is beating faster. I don't want to conclude but I could feel it the way she stared at me. Yung mata niyang nagsusumigaw ng katarayan. Pero kada titingin sakin parang ang lambing niya. That's when i knew I should court her. Pero hindi pwede agad. Masyado pang bata ang 15 years old para magkaroon ng relasyon lalo na sa ganda niya.

"Ang tagal mo."

I feel that she's fallen in love with me. Gusto kong ikutin ang oras hanggang sa mag 18 siya dahil pakiramdam ko naiinip na siya. She's so transparent. The way she stare at me, the way she keeps quiet, the way she ignore my eyes tapos bigla nalang siyang mamumula. Alam ko na. Yung mga simpleng yakap niya sa'kin alam kong gusto niyang higpitan. I want so bad to tell her i like her too. Pero baka biglang magbago ang oras at mabigla masyado.

"Archiaus!"

Nailayo ko ang phone ko sa tainga nang marinig ang sigaw ni Papa. Binayaran ko na agad ang bulaklak na binili ko para kay Shana sa kaarawan niya saka nakinig kay Papa.

"Po?" tanong ko dahil ramdam ko ang init ng dugo niya sa'kin.

"Pinag-aalala mo ang batang Lee! Nasaan ka na ba?"

"Opo Pa papunta na 'ko," sagot ko. Pinatay niya agad ang tawag.

Taranta akong nagbihis. Hindi ko pa alam kung tama ang pagkakatali ng buhok ko basta nagmadali na 'ko. I drove fastly. Masyadong inipin si Shana. Siguradong naiinis na yun sa'kin o kaya naman nalulungkot na.

"Pa," tawag ko. Aamba sana siyang susuntok sa'kin nang iharang ko ang kamay ko.

"Tss. Nandoon.Tignan mo at nawalan ng gana sa pakikipagsayaw dahil sayo."

Napanguso ako saka pumasok sa loob. Kinabahan ako dahil puro mamahalin ang mga nandito.

"Si Shana po Tita?" tanong ko kay Tita Havie matapos magmano. Itinuro niya ang kung saan kaya sinundan ko naman.

"Uh." inda ko habang nakahawak sa dibdib ko. My heart is beating so fast. Ang ganda niya. Bagay sa kanya ang pula. She stood out to the crowd. Her matured face, hindi ko na alam. Parang kahit anong galaw ang gawin niya masyado niyang nadadala ang sarili niya ng walang kahirap-hirap.

I smiled when I saw how her expression changed when her eyes met mine. I don't want to assume but i can really see how her face lightened when she saw me.

"I waited for you. Akala ko...hindi ka dadating," i chuckled at what she said. Halata ang lungkot ng mata niya pero ngumiti ako.

"Pwede ba naman 'yun?" tanong ko.

"Bakit ang tagal mo?" She sounded sad. Parang namiss niya 'ko. Kapag ako sinagot ng babaeng 'to hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko. Everyday happy? Para siyang langit eh. Kahit saan ako magpunta lagi siyang pumapasok sa isip ko.

"I miss you..."

As she said that...i made up my mind. Aamin na 'ko. 18 na siya. Wala na 'kong dapat ipag-aalala.

"Gwapo ba Papa?" tanong ko. Kunot noo niya 'kong tinignan.

"Kahit 'di ka magtanong parang tinanong mo na rin ako kaya oo." inismiran ko siya saka umalis.

Papasok na 'ko sa bar para sa after party na gaganapin dito. But...anger filled me. Ano yung nakikita ko sa mata niya kapag kasama ako? Wala lang ba 'yun? Is she playing with my feelings? Alam niya atang may gusto ako sa kanya kaya sinamantala niya 'yun!

"My love please? I'll explain it to you. Calm down fir–

"How can i fucking calm down after seeing you with that man holding at your waist? Kulang nalang halikan ka niya sa harap ko Shana," galit na sabi ko.

This playgirl is getting on my nerves! Napaka samang babae talaga! She played at my feelings tapos bigla niya 'kong hahalikan?

But...i stopped when i felt her lips again. She kissed me? What's with her? Bigla na lang ako natahimik. Nakalimutan ko tuloy kinagagalit ko habang nakatingin sa kanya. She's explaining something. Hindi ko na alam ang pinagsasabi niya habang nakatitig sa kanya. She kissed me? My baby kissed me!

"Because i love you stupid! Hahalikan ba kita kung hindi? Susuyiin ba kita kung hindi ha? Sasabihan ba kita ng love kung hindi?! Ako nga 'tong hirap na hirap sayo dahil akala ko kaibigan lang ang turing mo saking bwiset ka!"

I stared at her for a moment. Iba pala talaga yung epekto kapag naririnig mo na. Napaka inipin niya. But i love it. I love the way she needs me. I love the way she always waits for me until she gets pissed.

"Arch..."

Damn it! I want to claim her so much! Her voice, face, and touch are fighting my senses. Dagdag pa nang hindi ko sinasadyang madali siya. She's turned on and it's driving me so damn crazy!

"But you're hard," sambit niya. I breathe deeply. Pakiramdam ko napaka agresibo niya kapag lasing siya. I shouldn't have kissed her like that! It was also my fault.

Being with her is the happiest moment in my life. Hindi ako sanay kapag hindi siya nakikita. Minsan pa nga ay nahihiya na 'ko sa pamilya niya kahit na alam kong welcome naman ako. Sa pamilya niya kasi siya ang pinaka paborito at pinaka iingatan. Sino ba namang hindi mag iingat lalo na kung nag iisang babae at napaka kulit at maarte?

Having a relationship with her is my biggest dream lalo na sa mga pangarap ko na kasama siya. Tuloy noong muntik na siyang mamatay dahil sa mga lokong bumangga sa kanya sobra ang kaba ko at hindi na napigilang tumalon mula sa tulay. I'm just afraid. I'm afraid that i will loose her. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin ang bagay na yun.

"Bro! 'Di ba jowa mo 'to? Bakit nandito?"

Nangunot ang noo ko sa sinabi ng kaklase ko. Mga nagtatawanan pa sila. I removed my earphones and took his phone. Parang bigla...nasira ang mundo ko. It's her. Having sex with two guys? I could hear her voice. She looks pleasured too. Kaya ba nagmessage siya sa'kin na mahal niya 'ko dahil may ginawa siyang kasalanan?

Me: Where are you my love?

I breathe deeply. Kanina pa 'ko naghihintay ng reply niya ngayong gabi. It hurted me so much. Tulala lang ako sa langit habang naghihintay ng reply niya. What now? Anong nangyari sa kanya? Did i do you something wrong? Wala naman ah. I love her so much. Pero nang magreply siya napuno ng galit ang puso ko.

Baby: I'm sorry. I didn't mean it. lasing ako.

Napapikit ako nang mariin. She's drunk? Bakit naman siya umalis nang hindi ako kasama? I didn't know! Tapos sorry? Ang sakit ng ginawa niya!

Me: What happened? Did I do something wrong?

Baby: I'm sorry Archie. I'm just carried away. Lasing ako. You know when I'm drunk. I'm sorry. Can you forgive me?

Pinatay ko ang phone ko. I don't want to see her. Nasusuka ako. Nandidiri sa kanya. I love her but I can't be with her. I can't manage to see her. i can't accept what she did.

"My Kuyas have an offer. Alam mo na?"

Hindi ako umimik sa sinabi ni Suniz. Panay ang sunod niya sa'kin habang nakangiti na nangumgumbinsi.

"Sige lang." Ngumiti siya sa sinabi ko at nagbigay ng calling card.

"Call them kapag ready ka na. Kailangan ata nila ng representative sa Germany."

Walang emosyon ko lang siyang nilampasan. I want to move on. I badly want to forget everything. Lahat ng pinagsamahan namin Shana. Lahat. Kasiyahasan, kakulitan, kapag tumatawa siya. Lahat. Pero kada titingin ako sa langit parang may sumpa. Naiiyak ako. Nagsisi kung bakit ko siya minahal. Kung sana hindi na lang...edi sana hindi ganito kasakit.

"Umiinom ka naman?" tanong ni Papa. Hindi ko siya pinansin. "Alam mo ang labo. Pinanood ko yung video. Pero pakiramdam ko may kakaiba."

Umalis ako sa harap niya at hindi nakinig. Pumunta ako sa bahay ko at tinignan ang litrato namin. How could my heart still love her? Kahit masakit?

"Archie..."

That name. Yung boses. That's the start when i fell for her even deeper. Pero kada maalala ko yung ginawa niya. Nagagalit ako.

"Archie, I miss you."

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Bakit? Dahil wala nang magpapaligaya sa kanya? Ilang linggo rin siyang wala. Nag resign pa si Papa dahil sa'kin kaya anong lakas niya para sabihin namiss niya 'ko? Ano? Gagamitin niya rin ba katawan ko? Kailangan niya ba ng pera para gawin yun? Nakakasuka.

"Answer me. Mas gusto mo ba na...dalawang lalaki?"

I looked at her when she sat. Hindi niya ba nakayanan yung katotohanan? Walang pinagbago. Maarte pa rin.

"Tang ina ka!"

Napaatras ako sa sakit sa sampal ni Yra. She looks so mad. Tinignan ko si Ian na inaalalayan si Shana. Bakit? Hindi naman siya lampa para alalayan. Baka kaya niya pang umalis ulit.

"Archaius..." Tumingin ako kay Rayd. Halatang galit siya kahit natatawa.

I licked my lips when he punched me. Pero parang hindi ko ramdam. "Masyado kang galit sa kapatid ko. Baka pagsisihan mo yang mga sinabi mo kapag nalaman mo ang totoo?" ngising sabi niya. Halata ang galit sa mata niya.

"Manloloko ang kapatid mo."

Humagalpak siya ng tawa sa sinabi ko. Sa pangalawang beses ay sinuntok niya ulit ako.

"Bulag. Bingi. Hayaan mo. Maghintay ka. Ako mismo ang maglalayo sa kanya sayo," natatawang sabi niya.

I just ignored him. Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho kina Suniz. Everything went well. I earned more money. Napaayos ko rin ang village hanggang sa maipaayos lahat ng bahay roon. Yung nga lang, hindi natapos ng biglaan dahil biglang nawala ng parang bula ang magkakapatid. Tuloy ay nawalan ako ng trabaho at kinailangan mag apply ulit.

"Nakita mo ba? Nabasa ko yung hearing. May link kasi kayalang binura agad."

"Eh? sayang! Ano daw?"

"Death penalty. Patay na."

Nangunot ang noo ko sa narinig na usapan. Hindi naman ako tsimosong tao. Pero madalas kasi mga chismis na lang ang makakapitan.

"Lakas ng mga Lee. Kaya pala nawala sina Suniz. Nagpakadeads rin."

Mas lalo akong naguluhan sa narinig. Tuloy ay wala akong nagawa kundi ang magsearch sa internet.

"Hirap naman," reklamo ko. Nagpatuloy ako sa pagsoscroll. Binuksan ko ang isang public post. Mukhang bago pa lang kaya wala na 'kong sinayang na oras. "Lee family won the case against the three siblings." basa ko.

Bubuksan ko na sana ang file nang mag error na kaya wala na rin akong nagawa.

After years of being alone, parang walang gana. Hindi ko mapigilang tumingin sa langit kapag bigla nalang akong nabablanko. Hanggang ngayon...kahit wala na 'kong koneksyon sa kanila...namimiss ko parin siya. Madalas. Nangingiti pa rin ako kapag naaalala ko yung mga kalokohan niya. Natatawa sa kakulitan at biglang naiiyak kapag naaalala lahat yun.

"Chaius!" napatingin ako kay Papa nang bigla siyang tumakbo papasok sa bahay ko.

"Pa?" Humahangos siyang umupo sa harap ko. Nagtaka ako nang tumingin siya nang malungkot sakin.

"May nabalitaan ako sa pamilya ng mga Lee."

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "Pa, sabi ko naman sayo kalimutan na natin ang pamilya niya."

Umiling siya sa sinabi ko. "Alam ko. Kahit alam kong hindi ko magagawa yun sinusubukan ko. Pero ang malaman na nawala pala ng ilang buwan si Shana hindi ko maintindihan. Dagdag pa na araw-araw raw may doctor na tumitingin sa kanya."

Tumingin ako sa kanya. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. "Baka may sakit." inismiran niya ko.

"Kung gano'n bakit nawala siya ng ilang buwan? Ang sabi pa naglabas ng 50 million ang pamilya niya para lang mahanap siya."

Napaisip rin ako sa sinabi niya. "Papa, niloko ako." bumuntong hininga siya.

"Paano pala kung hindi? Paano kung may nangyayari na palang kakaiba sa kanya noong panahon na yun? Bukod pa sa pakiramdam kong may kakaiba talaga sa video. Parang edited."

Buong gabi yun ang laman ng isip ko. Kung edited yung video...anong ibig sabihin?

"Hindi naman 'di ba?" nanghihinang tanong ko. Nag aalala ako bigla. Naalala ko yung mga sinabi ko sa kanya. Yung pag iyak niya at yung mga salita nila Rayd at Ian sakin. "Imposible naman."

Pilit kong kinumbinsi ang utak ko na hindi iyon nangyari. Kada maiisip ko...nanghihina ako at naiiyak. Paano kung totoo? Ang sama ko. Yung pangako ko sa kanya. Yung hindi ko siya pinagbuksan ng pinto kahit na naulanan siya. Yung hindi ako nakinig.

Umiling ako. Hindi yun nangyari. Baka nagkamali lang.

"Engineer Zeus!" ngumiti ako kay Mr. Harvey. Siya ang ama ng mga kamag anak ni Shana. I wish he could hire me.

"Good afternoon Sir," bati ko.

Pinag usapan namin ang tungkol sa pag aaply ko. Nalungkot ako noong una. Pero nang sabihin niya na ipapasok niya 'ko kina Kuya Carter nagbago. Ibigsabihin mas mapapalapit ako kay Shana. I will find the truth. Gagawin ko yun.

But, i wish hindi totoo. The moment we bumped into each other, hindi nagbago yung puso ko. It still beats her. Sa kanya lang.

"Ouch..."

Napatingin ako sa palapulsuhan niya. Pakiramdam ko lahat ng pagsisi sa mundo pasan ko na. Her wrist. Kakaibang peklat masyado. It was like she was cuffed with full force. Hatang malalim. Yung mata niya kapag tumitingin sa'kin nag iba rin. She looks afraid. Totoo ba talaga? I don't want to conclude. Pero hindi ko maiwasan.

"Wala ka ba talagang planong lubayan si Shana?!" galit na sabi ni Ian. Akala niya ako ang nagpatay ng ilaw.

"Hindi ak–

"Dahil sayo. Ikaw ang dahilan kung bakit siya ganito. Dapat ikaw na lang yung nawala."

I don't know how to react. Kada maiisip ko kung gaano sila kagalit sa'kin at kaingat kay Shana may nabubuo lang sa isip ko. I want to know. Gustong-gusto kong malaman.

"Oh, Engineer Zeus! Kamusta?!"

Ngumiti ako ng pilit sa kakilala kong electrician. "Ayos lang po," sagot ko.

Nakita kong may inaabot siya sa kung saan. Kinuha ko ang pliers saka iyon inabot sa kanya para hindi na siya bumaba ng hagdan.

"Hehe, pasensya na. Halos araw-araw kasi ang pag aayos namin dito." Tumango ako sa sinabi niya.

"Ayos lang po." sagot ko. Nag-isip ako saglit. Baka may kinalaman ang pag aayos niya araw-araw dahil sa mga Lee. "Kuya, 'di ba madalas mag blackout dito?" tanong ko.

"Aba oo. Kaya nga kada mag bablack out galit na galit yung tatlong magkakapatid na yun."

Huminga ako nang malalim at nagtanong pa. "Bakit po?"

Napalabi siya sa sinabi ko. "Usap-usapan na dahil do'n sa nag iisang babae ng mga Lee. Kailan lang naiisue yun kayalang wala nang naglakas loob na buksan ulit kaya nanatiling tahimik lang."

Bumalot ang kaba sa puso ko. Kung gano'n totoo nga.

"A-Ano po bang nangyari?" natawa siya sa tanong ko.

"Ikaw ah," asar niya. Napakamot nalang ako sa batok nang tumikhim siya. "Ilang taon na raw noong lumipas. Ginahasa raw yung bata saka na torture. 'Di ko alam kung totoo pero sa takot niya sa dilim mukhang oo."

Guilt, sadness, anger. Yun ang bumalot sa puso ko. Nakaka guilty dahil sa mga sinabi ko sa kanya. That only means...i triggered her. At tingin ko kada titingin siya sakin naaala niya ang sakit.

"Shana..."

Gusto kong umiyak habang nakikita siya sulok ng silid. She's covering her ears while crying. Takot na takot siya. At nang tumingin siya sa'kin para bang iniisip niya na isa ako sa kanila.

"Alis! Lumayo ka!"

I want to hug her. Gustong gusto ko siyang yakapin. She loves it when I'm hugging her. Alam ko yun.

"Binalaan na kita Archaius," banta ni Rayd saka sila umalis.

Napaupo ako sa sofa at hinilamos ang mukha. I want her to explain it to me. Gusto kong itama lahat ng mali ko.

I gulped when I entered the office where Shana is. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang nakahubad. Ang dami niyang peklat sa katawan. Halata ang sugat ng latigo, mga sunog sa balat, at iba pa.

"Shana..."

She looked at me coldly. Yung mga mata niyang masiyahin puno na ng lungkot. Yung mata niyang puno dati ng mapaglaro kung tumingin ngayon parang wala nang gana.

"Kasi hindi mo naman ako pinakinggan."

Nanumbalik lahat sa'kin. Kung paano niya 'ko hinabol, at yung gabi habang umuulan. I didn't gave her a chance to explain. Iniimagine ko palang yung sakit na naranasan niya sa pamilya, at sa sarili niya...paano pa kaya yung sakit na idinagdag ko?

"Ang daming lalaki sa buhay ko. Pero ikaw pa yung gusto kong dumating."

The pain on her eyes is too visible. Parang nangulila siya ng sobra. Gusto kong saktan ang sarili ko. I want to take her pain away. Gusto kong maparusahan ako lalo na ng sabihin niyang ilang beses na siyang sumubok na magpakamatay. Kasi ibigsabihin lang no'n, iniisip niyang wala na siyang halaga rito sa mundo.

"N-Natatakot ako sa dilim A-Archie kasi...pakiramdam ko dadating sila. T-Takot akong p-pumikit kasi nakikita at naririnig ko sila. A-Ayoko na ng pakiramdam na yun. Gusto ko ng makawala. G-Gusto ko ng maging masaya pero hindi ko alam kung p-paano."

Hindi ko na alam yung gagawin ko. Gusto kong bumawi. Gusto kong puntahan yung mga nanakit sa kanya pero...alam kong isa ako dun. Malaki ang parte ng sakit na dinulot ko. Kasi yung pangakong manatili sa kanya...hindi ko nagawa.

Kaya ang pagkakataong binigay niya sakin, hindi ko na sasayangin. I will stay with her. Kahit saan. i will protect her. Lahat. Lahat gagawin ko para sa kanya.

"Aalis ako."

Ang mga salitang yun ang nagpabago sa plano ko. She wants to heal herself. She wants to love herself. Kaya kahit na ayoko...pinagbigyan ko siya. She needs it to. I'm proud of her.

"Ano?"

Tumingin ako kay Hace at ngumiti. It saddens me that it looks like he doesn't know me anymore.

"Pwede ba tayong mag usap?" natawa siya sa sinabi ko.

"I don't talk to strangers."

I sighed. Shana's family can't forgive me. Kahit si papa ay hindi rin nila pinapansin. In four years I made everything for them to forgive me. Ilang beses akong kumakatok sa bahay nila pero lagi akong pinapaalis. Tuwing susubukan kong kausapin si Tita para akong hangin na lalampasan.

Tuloy ang plano kong suyuin muna sila bago magprose kay Shana ay nagbago. The moment i moved to New York, siya agad ang hinanap ko. But i got confused when she's mad at me. May nalalaman pang boundary eh tape lang naman yun.

Being with her was like the sky. Kapag kasama ko siya para akong nakalutang sa iba't ibang klase ng pangyayari. Her...being stagy, sweet, and playful. Ang saya lang.

"Archie!"

Fear filled me when I saw someone grab her. Bumalot ang takot at galit sa'kin nang itulak ako ng kung sino para lang makapasok agad.

"Chaius kalm–

"Kalma?!" my voice thundered on the plane. Tinanggal ko ang pagkakakwelyo ko sa damit ni Ian at pumikit. "A-Ayoko ng maulit yun, hindi...h-hindi ko kaya," sambit ko. Tumango sila.

Pinuntahan ko ang babaeng nagsasarado ng pinto at tinaliman ito ng tingin. Napaatras siya agad saka iniwang bukas ang main entrance ng eroplano kaya lumabas ako. I run fastly when the other plane was about to leave. Agad akong tumalon para maabot ang hold ng eroplano. Nagulat pa 'ko nang may kumulbit sa paa ko at nakita sina Ian at Rayd.

"Bakit pa kayo sumunod?" inis na tanong ko. Hindi ako sigurado kung makakaligtas kami kaya mas delikado kung kasama sila.

"Kapatid ko yun," sagot ni Rayd.

Huminga na lang ako nang malalim saka binuksan ang hold habang gulong palang ang umaandar sa eroplano. Nang makapasok kami ay dahan-dahan na naming pinasok ang mismong loob.

There, i saw my love thinking of something. Nangiti ako nang makita kung paano niya tanggalin ang tali sa kamay niya nang walang halong kaba. Nang labanan namin ang lima, i realize how cool she is. Siguro dahil nilaksan na niya ang loob niya. It was like some thought inspired her to fight. Na ngayon tatlo na kaming may kailangan sa kanya.

Kaya ang oras na wala ng choice para maligtas siya...ako na. I promised to make her safe. I promised to protect her. Kaya kung ikakapahamak ko ang gagawin ko...kung para naman sa kanya kakayanin ko. Though i know she will get sad again. Na baka mapunta na naman siya dilim. Pero alam ko kaya niya. Kakayanin niya kahit wala ako.

"You didn't change Archaius! You will still hurt me! At ginagawa mo na!"

I smiled while walking. Babalik ako. I will marry her. I will do everything to make myself safe. Tutuparin ko yung pangako kong hindi ko siya iiwan.

"You–

Hindi ko na pinatapos ang Amerikano at sinipa iyon sa mukha.

I breathed deeply. Palakas nang palakas ang alarm ng kung ano dito sa eroplano. I relaxed myself to think properly. The moment I have the plane in a straight line, alam kong umalis na sila.

After a minute of handling a plane, hindi ko na kinaya ang pwersa noon. Tuloy ay kahit puro tubig ang babagsakan hindi na 'ko nagdalawang isip na lumabas sa may emergency exit.

I dived safely. Pero kahit gano'n ay may kirot parin sa tiyan ko dahil sa daplis. Fortunately someone saw me. Mabilis akong lumangoy papalapit sa kanila. Mga Amerikanong nagjejetzkie. Dali-dali kaming umalis sa dagat nang sumabog na at mahulog ang eroplano sa tubig.

"Are you okay?" tanong ng lalaki sa'kin. Tumango lang ako rito.

I stayed at the hospital for one week. Bukod sa sugat ko kasi ay tumulong muna ako sa taong sumagip sakin sa may jetzkie dahil may sakit ang Lola nila at walang pambayad. Tuloy pag uwi ko...suntok na naman ang natanggap ko.

"You made my Ate cry!" sigaw ni Hace sa'kin. Ang kamay niya at nasa kwelyo ko habang umaapoy ang mata sa galit.

"Sorry," sambit ko.

"Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Tita Havie. Ngumiti lang ako at umiling.

"Marunong ka palang magpalipad ng eroplano?" i chuckled at what Ian said. Umiling ako.

"Bumagsak nga eh." Natawa sila sa sinabi ko. Tinignan ko si Hace nang yugyugin niya 'ko.

"Si Ate ko, puntahan mo. She's at your house. She needs you. Miss ka na niya."

Tinignan ko ang pamilya. Ngumiti ako sa kanila nang ngitian rin nila 'ko. Hindi na 'ko dumeretso sa bahay namin ni Papa at pumunta na agad kay Shana. There, i saw her sleeping. Nakayakap pa siya sa unan ko kaya itinabi ko iyon.

"Nakabalik na 'ko. Gising ka na," bulong ko. I kissed her on her forehead when she didn't wake up. Tumitig ako sa kanya. This girl...never gave up on me. Kahit noong mga panahon na kailan niya 'ko hindi nawala yung pagmamahal niya. Kahit masakit para sa kanya...alam niyang ako parin yung taong magpapatahan sa kanya. I'm happy being the only person who can make her calm. Kahit na minsan nag aalala kapag nawala ako. But i know, she knows her worth already.

"Ikaw na bahala dito sa Prinsesa ko."

Ngumiti ako kay Tito Raen at tumango. "Opo Tito." Nagtaka ako nang mangunot ang noo niya.

"You will be her husband. Bakit Tito pa rin ang tawag mo sa'kin?"

Natawa si Shana at Tita Havie nang mapakamot ako sa batok. Hindi ako sanay. I smiled at my girl. She is wearing the most beautiful gown I always fantasize about. A wedding gown and wedding veil. Dati sa imahinasyon lang, ngayon totoo na.

"Shana my love," tawag ko. She smiled and hold to my hand tightly. "I love you. Ngayong kasama na kita rito...isang hiling na lang yung gusto kong matupad. And that's to be with you the rest of life, until the end. Thank you for letting me to enter your heart. Ikaw ang pinaka magandang regalo sa buhay ko. Kaya...this time infront of God, i promised to be with you. To protect you, love you,and take care of you. I will be the light in your sky. Mahal kita, higit pa sa kahit sino."

After our wedding, I knew chapter one started. And that's my life as a husband...to my crazy wife.

"Hercules! I said just for now! Bakit ba ayaw mo?!"

Huminga ako nang malalim. Minsan talaga gusto kong batukan si Yra tuwing magkasama sila. She's teaching my innocent wife some crazy things! Hindi siya pwede sa ibabaw ko. I know she will drive me crazy at baka masanay ako na gano'n!

But, i can't resist my wife. Pumayag ako.

"Engineer, tumatawag po asawa niyo."

Natigil ako sa pagpepresent at kinuha sa secretary ko ang phone. Nilingon ko muna ang mga napili ko sa bagong project saka pilit na ngumiti sa mga ito bago sinagot ang tawag.

"Baby?"

[Hi? I miss you]

Natawa ako sa sinabi niya. Ngayon lang naman kami hindi naging magkasama ng higit isang oras dahil umabsent siya ngayon dahil raw sa lakad niya.

"I miss you too. Is there a problem?"

[I love you.] nangiti muli ako sa sinabi niya. Pero ang weird dahil madalas masungit siya kapag katawag ko.

"I love you too." Walang nagsalita sa kabilang linya. Nangunot ang noo ko dahil parang ang tahimik ata ng asawa ko. "Are you okay?" i asked.

[Anong oras ka uwi?] tanong niya.

I pouted and thought. "Mga gabi po siguro, my love. You want me to go home early?" I asked.

[Opo. I really miss you.]

Tumango ako sa sinabi niya. "Okay."

[Am i disturbing you? Baka may ginagawa ka pa?] I chuckled at what she said. Ang lambing ng boses.

"I'm in a meeting. But don't worry. Tell me something."

Narinig ko ang buntong hininga niya. [Mamaya na lang pag uwi mo.]

"Hmm...sure baby?"

[Oo. I'll wait for you.]

I smiled at what she said. Nilingon ko ang mga nasa unahan ko at ngumiti dahil nakatingin sila sakin.

"Okay baby. Bye."

[Bye. Take care.]

Siya na ang nagpatay ng tawag. Nilingon ko muli ang mga nasa harap at nagpatuloy sa pagpepresent ng new project. Nasa kalagitnaan na 'ko ng presentation nang malakas na tumunog ang phone ko. Tuloy ay napatakbo sa'kin ang secretary ko saka iyon binigay.

"Asawa niyo ulit Sir."

Tumango ako saka sinagot ng tawag. "Baby?"

[Galing akong hospital]

Naalarma agad ako sa sinabi niya at napatayo ng tuwid. "Why? What happened?" nag aalalang tanong ko.

[I'm pregnant. We'll be having a baby]

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Did she just say she is pregnant? Magkaka baby kami! Gracious! I didn't expect being beneath her would give me a gift like this!

"Wait for me for twenty minutes. I'm going home. Take care of yourself. I love you."

Pagkapatay ko ng tawag ay tinuloy ko na ang presentation. Panay parin naman ang tanong ko sa kanila para masigurong nagegets nila. Nang matapos ay umuwi na agad ako.

"Baby?" i called as i got home. Nilibot ng mata ko ang buong bahay hanggang sa maisipan siyang nasa kwarto. "My lo–

Natigilan ako sa sasabihin nang marinig siyang dumuduwal. Napangiti ako saka inilapag ang bag sa sofa saka siya pinuntahan. Naabutan ko siyang halos luhod na sa trono kaya lumapit na agad ako.

"Relax my love..." sambit ko. Halatang hirap pa siya kaya hinawi ko ang buhok niya saka iyon hinawakan. "Ako na," giit ko saka binuhasan iyon. Hinawakan ko pa siya sa bewang nang tumapak siya sa sapatos ko at yumakap sakin. Tuloy ay kasama ko siya habang naglalakad.

"I miss you..." I kissed her on her head.

"I miss you too."

Inalalayan ko siya papunta sa kama at maingat na inihiga roon. Niluwagan ko muna ang necktie ko at tinanggal ang sapatos saka humiga sa tabi niya. She placed her legs on mine. Inikot ko ang braso ko sa katawan niya kaya dikit kami masyado.

"Are you okay?" tanong ko.

"A bit tired." Tumango ako sa sinabi niya saka inabot ang papel sa gilid. I smiled when it's the result of her test. She's three weeks pregnant. "You're early."

Ngumiti ako at tumango. "My wife is pregnant. Gusto ko kasama ako." she kissed me on my chin. "Kaya mo pa bang pumasok sa trabaho?" tanong ko.

"I don't know. Ang sakit sa ulo." giit niya. Iniyakap niya ang braso nia sa'kin at hinila pa 'ko lalo.

"Better don't work muna. Maaga nalang ko uuwi. Dito ko nalang tapusin para mabantayan kita."

Humigpit ang yakap niya sa'kin at tumango. "I love you...Archie."

I smiled. That name really touched my heart. Kada babanggitin niya iyon ang lakas parin ng epekto sa'kin.

"I love you too. Both of you."

Being with her is the best moment of my life. Baliwala sa akin ang mundo ang kung siya ang kasama ko. And now that our love has resulted already, I know a life as father and husband will be quite challenging. But, i'll do everything for them.

Alisha Viviana. She is my sky. The one I always see wherever I go. She cried with the rain, she shines with the sun, she darkened with the moon. I will love and protect them to the utmost.

The End.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro