Chapter 9: Kuya
.
"Where's the precious girl of this family?"
Napailing na lang ako nang marinig ang boses ni Daddy. Akbay niya si Rayd saka sila umupo sa kanya-kanyang upuan dito sa sala. Sinandal ko lang ang sarili ko sa sofa kahit ramdam ko ang titig nilang tatlo. Dagdag pa si Hace kaya apat dahil kanina pa rin ito nakatingin sa akin.
"May boyfriend ka na?" tanong agad ni Daddy sa walang emosyong tono. Kakatapos lang namin kumain ng gabihan at ito na raw ang pag-uusapan bago matulog.
"It's just fake news Dad. Bakit naniniwala ka?" naiinis nang tanong ko.
"Fake news? Masyado kayong malapit, Shana. Ano yun?" inirapan ko si Rayd at bumuntong hininga.
"It was edited. The picture was taken by Suniz. Ilang metro rin ang layo ko sa lalaki. And I don't even know who that man really is. Paano ko naman magiging nobyo 'yun?" dahilan ko pa.
"You don't know him, Shana?" tumingin ako kay Mommy at tumango. Nakatitig lang siya sakin na para bang tinitignan kung totoo nga ba. "Seriously?" she asked again.
"I really don't know him, Mom. Pangalan lang at mukha," sambit ko pa. Nagkatinginan silang tatlo. Parang mga nag-uusap ang mga kaluluwa nila at may pinag-uusapang sikreto sa akin.
"Okay." My forehead knotted when Rayd and Dad stood up at the same time like nothing happened.
"Yun na 'yon? Tapos na?" tanong ko. Akala ko kasi mapupuyat pa 'ko kakakumbinsi sa kanila.
"Yes Alisha. The important thing is that the princess of this family doesn't have a boyfriend. Kaya...sleep na okay? Bye. Goodnight." paalam ni Daddy sakin matapos akong halikan sa noo.
Naiinis na 'ko sa kanila dahil napaka weird nila kung umarte. "What's happening ba kasi? Why are you all acting weird? Sino ba yung lalaki?" I asked annoyingly while stomping my feet to the ground.
"Have your beauty sleep baby. Goodnight," paalam naman ni Rayd at hinalikan rin ako sa noo saka umalis.
Tumingin ako kay Mommy ng nagtatanong na tingin. Napalabi siya at nagkibit balikat habang buhat si Hace saka ako iniwan ng mag isa.
What's with that man ba kasi? Bakit parang halos lahat ata ng tao kilala siya? Nasuspend lang ako para na 'kong na comatose dahil sa pagiging unupdated sa mga chismis. And the way they act was like it was really unbelievable for me to don't know that man.
Famous pala siya. Bakit hindi ko kilala?
"By the way Shana, why did Suniz do that?" napakurap ako sa tanong ni Mommy. Akala ko umalis na siya yun pala ay nasa kalahati palang siya ng hagdan. "Is that girl bullying you?" tanong niya ulit.
Nakagat ko ang labi ko at tumango. "But don't worry. Hindi naman niya 'ko masasaktan, Mommy. Sasabihin ko po sa inyo kapag may nangyari," giit ko.
She let out a deep sigh before nodding. "Promise me. Anak kita kaya ayokong mapahamak ka. At isa rin ako sa may-ari ng school kaya, we don't just tolerate bullies, Shana. We kick them out. Not just for you but for the school's students safety." ngumiti ako sa sinabi niya at tumango.
"Alright Mom. I understand," sagot ko.
Pagkaalis niya ay pumunta muna ako sa may pool. Ibinaba ko ang plastic swimming pool sa pool saka humiga roon. I pillowed my arms while looking at the quarter moon slightly being covered by the clouds. Naramdaman kong pipikit na 'ko nang tumunog ang phone ko.
Achaius Hercules P. Zeus sent you a friend request
I bit my finger as I pressed the confirm button. Napakurap ako nang makitang pinalitan niya ang nickname as 'Archie.' I scrolled down to his account. Para atang pinamulahan ako ng pisngi nang makita ang post niya na kanina lang hapon.
Archie. Nice name.
"Fuck!" I cursed when my phone fell on my face when I saw his name pop up to my screen.
Hinilot ko ang ilong ko saka tiningnan ang phone ko. I blinked multiple times when I found out that he messaged me. Napatitig ako sa buwan, not knowing what to do. Am I going to ignore him or type my pattern password and check his message?
"Calm down Shana. Isang reply lang pagkatapos tapos na." tumango ako sa inisip at tinignan ang message niya.
Archie: Thank you for accepting my friend request!!!
I bit my lip to think of a reply. Like react ko ba? Or maybe I should reply 'okay?' Pero hindi eh. Ano bang isasagot kapag nagpapasalamat ang tao, Shana? 'Di ba 'you're welcome?' Paano kung mag message siya ulit? Edi sunod-sunod na. Paano?
I even noticed that he changed his name in our chats. Iba rin ang kulay dahil kulay red iyon at may emoji kami na palaka.
I sighed and typed a message.
Me: YW
I set my phone to sleep and close my eyes. Pero walang pang tatlumpung segundo tumunog na ulit nang dalawang beses.
Archie: What do you mean YW? 'Yeah, whatever'?
My lips parted. Hindi ko alam kung nagmamaang-maangan lang ba siya o sadyang hindi niya talaga alam ang ibig sabihin ng abbreviation na 'yon.
Me: It means 'you're welcome'
Archie: Oh? Sorry. Do I need to thank you again for welcoming me?
Nangunot ang noo ko sa tanong niya. May balak ba siyang pahabain ang convo namin?
Me: ?
Archie: HAHA. Am I the only one who laughed with that joke? :)
Me: I thought so.
Archie: Aw..Matutulog ka na? :(
I pouted at his question. Parang ayaw niya pa 'kong matulog ah.
Me: yes.
Archie: Oh? Okay! But may I ask you something?
Me: Okay.
Archie: Sa likod ka ulit ng school bukas? :)
Pinalobo ko ang bibig ko saka dumapa sa pool at nagtipa.
Me: yeah.
Archie: Okay! See you tomorrow! Goodnight and sweet dreams!
I just care reacted to it before dozing off to sleep.
Nagising ako kinabuksan nang biglang pulikatin. My eyes widened as I realized that I was already floating into this pool. Nag-init ang ulo ko nang makita si Rayd na nakahawak sa akin para hindi ako tuluyang lumubog.
"You are so stupid!" I cursed at him. Binuhat niya 'ko papunta sa pool side at inupo sa sahig. Napapikit ako sa pulikat. Mukhang kanina pa 'ko nasa pool kanina.
"Bakit kasi dito ka natulog? Alam kong pangarap mong maging shokoy pero 'wag naman sana dito Viviana.
I glared at him when he called me at my middle first name. Inis akong tumayo saka naglakad patungo sa kwarto ko kahit basa pa. "Mop the floor Braxtyn Hayden!" I hissed.
Mabilis akong naligo at nagbihis ng blouse at denim pants saka lumabas.
"Talian kita ng buhok dali!" lumapit ako kay Rayd at umupo sa sahig. Wala pa ang pagkain kaya kung ano-anong pinaggagawa ng unggoy na 'to. "1...2...3...1...2...3..."
Hinawakan ko ang pagkakatali niya sa buhok ko at napanguso. Simple lang iyon na maliit na braid sa magkabila at pinagsama niya sa likod.
"Yan, tapos lagay ka ng korona. Crown princess." inismiran ko nalang siya saka umupo sa upuan. Mukhang masaya siya masyado.
"Nasaan si Ate Shana?"
I smiled when I heard Mommy's voice. Mukhang tinanong niya iyon dahil kay Hace na nakatingin sakin. Mommy gave him to me kaya ako na ang nag-alaga rito habang kumakain.
"Shana, i heard from Yesha na may quiz raw kayo bukas sa AP. Magreview ka mamaya. Understand?" tumango ako sa sinabi ni Mommy at ngumiti.
I continued eating while Hace was on my lap. He is just staring at the food I am eating. Gusto ko sana siyang pakainin kayalang masyado pa siyang baby para dito.
"Shana, umuwi ng maaga." tumango ako sa sinabi ni Daddy. "And tell me if some guys are showing an interest in you."
I swallowed hard at what he said. Ayokong mag-assume na may gusto sakin si Archie. Pero kasi iba ang tingin ko sa lalaking 'yun. Hindi sa nag-aasume ako pero pakiramdam ko may gusto siya sakin. But I'm not sure. Baka guni-guni ko lang yun.
"Sabay tayong kakain mamaya, Shana." napairap ako sa sinabi ni Rayd at nagpatuloy sa pagkain. Siguradong gusto niya lang akong bantayan.
Matapos naming kumain ay umalis na rin kami agad dahil sasabay kami kay Daddy. May meeting pa ata sila kaya siguro kailangan maaga siya.
"Ingat, Shana ha. Rayd, Ikaw nang bahala sa prinsesa natin. Baka may makakuha diyan lagot ka." I rolled my eyes when they even did their fist bump move and laughed. Inakbayan pa 'ko ni Rayd habang tanaw namin si Daddy na paalis na.
"Tara na princess siopao, maglilinis ka pa," natatawa na asar niya.
"Hindi ka sana pansinin ni Kensley." His eyes widened at why I said. Bigla niya 'kong tinaliman ng tingin pero naglakad lang ako saka siya hinarap muli para belatan.
"Personalan ah!" he shouted. Tuloy ay pinagtitinginan siya ng ibang estudyante.
I just ignored him and went to my cleaning area. Umupo muna ako sa may kahoy na upuan at sumandal sa pader saka tumingala.
"New day," mutawi ko habang nakapikit.
I smiled when I felt the familiar breeze of air. This was the same air I felt when my family and I were on a vacation in New York last year. That was the happiest day in my life. Kompleto kami at masayang lahat. Walang iniisip na trabaho at pag-aaral dahil napakasunduan namin noon na pagpapakasaya lang ang isipin.
I opened my eyes slowly. Hindi ko alam kung tulog pa ba 'ko dahil parang nananaginip pa ata ako.
Ngayon ko lang napansin ang pagiging kulay kayumanggi ng mga mata niya. Those brown eyes are dark and rough to stare. He looks like a dangerous warrior. His eyes seem to be firing and intimidating. His eyebrows are thick and dark, his eyelashes are perfectly curved, his roman nose and his lips are perfectly different. It makes him soft because of its soft and symmetrical pink color. His prominent jaw and higher cheekbones all on his fair skin tone.
"Hi?"
I fakely coughed when I realized that I was drowning on his perfect face. Tumayo ako agad at nagkunwari na may hinahanap sa kung saan. Masyado akong nalunod sa itsura niya. It's my first time seeing the perfect beauty of him.
"Are you okay?" he asked in his baritone voice. Sadyang malalim iyon pero malumanay pakinggan.
"Oo," sagot ko lang.
Pakiramdam ko mawawala ako sa sarili kapag tinignan ko pa siya. What's happening to you Alisha Viviana? Matanda na 'yan! He's probably at his twenties at ikaw 15 palang! Kuya mo yan!
"Uhh...s-saan...may alam ka bang...basahan...?" Tanong ko sa kanya. He smiled and nodded. "Kuya palagay nalang dito," mabilis na sabi ko at nag iwas. Naramdam kong hindi siya nakagalaw kaya mas lalo akong kinabahan.
"What did you say?"
Nilingon ko na siya at nag-iwas lang ulit nang makita ang irita niyang mukha. Bakit siya nagagalit? Tama lang na tawagin ko siyang Kuya dahil mas matanda siya sakin! He has no right to be mad at me!
Matapang kong sinalubong ang inis niyang mata saka nagsalita. "Ang sabi ko...Kuya palagay nalang dito," ulit ko habang nakaturo sa may upuan.
Napatingala siya habang natatawa. Is he laughing at me? I think no. He looks pissed. I pissed him. Bakit naman? Tama lang naman talaga ah. I should address him as a Kuya dahil bukod sa college na siya mas matanda pa siya sakin.
"Drop that Kuya. Call me Archie. Archie," utos niya habang nakakunot ang noo.
I shake my head and that made him laugh again sarcastically. "Mas matanda po kayo sa'kin Kuya. Tama lang yun," giit ko pa.
Kinagat niya ang labi niya. He also clenched his palms like he wanted to punch me. "I'm just 19! Call me Archie and drop the po in your sentence!" he shouted. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Napahilamos pa siya mukha saka ako mariing tinignan. "Do I need to go back to high school for you to drop the Kuya huh?" tanong niya.
I pouted. "Tama lang po yun. Mas matanda ka sakin kaya dapat lang po na Kuya ang itaw–
"Shut up!" I blinked as he lashed out.
Napasandal ako sa pader nang bigla siyang umabante at ikulong ako sa braso niya. My heart started pounding like crazy when he put his head on my shoulder. Parang tumigil tuloy ang paghinga ko habang ang puso ko naman ay parang magwawala na.
"Damn it. Sorry I shouted," he whispered. I swallowed hard when I felt his hot breath in my collar bone. "Call me Archie. Please?"
'Di ko mapigilang hindi humawak sa dibdib niya para ilayo siya. Pakiramdam ko mamamatay na 'ko kakapigil sa paghinga ko.
"O-Okay," sagot ko nalang. He looked at me again. Nag-iwas ako nang makita ang ngiti niya.
"Call me Archie. Not Kuya. Understand?" I don't know what happened but I nodded. Parang may biglang sumapi sakin para sundin ang gusto niya.
"O-Okay...Archie," I answered, almost a whisper.
To be continued...😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro