Chapter 8: Archie
.
"Shana, kamusta ang paglilinis mo?" tanong ni Daddy.
"Ayos naman po," sagot ko naman.
Panibagong araw na naman ngayon. Pangalawang araw ko na sa paglilinis pero 'di ko alam ang mararamdaman ko. Buong gabi ang iniisip ko ay kung anong pwedeng dahilan kapag tinanong ako nang lalaki kung bakit ako nagreact sa post niya. Pero napagdesisyunan kong hayaan nalang. Kung ano nang lumabas sa bibig ko tatanggapin ko.
"Hindi ako makakasabay sayo kumain, Shana." napatingin ako kay Rayd nang may marinig na kakaiba sa boses niya. Tumango nalang ako. Mamaya ko nalang tatanungin.
"Sige na. Mauuna na 'ko sa inyo. Ang Mommy niyo tulog pa 'yon. 'Wag niyo nang gisingin." tumango lang kami sa sinabi ni Dad. Humalik siya sa amin bago nagpaalam para umalis.
"Ayos ka lang?" tanong ko kay Rayd. Naghimay ako ng ham sa plato ko at binigyan siya noon sa kutsara.
"Oo." napairap ako saka siya tinuktok ng sandok sa ulo niya. Nakasimangot niya 'kong tinignan habang nagkakamot siya.
"'Sabi ko naman kasing 'wag na si Kensley. Alam mo namang aalis yung tao," giit ko. Nagpakawala siya ng buntong hininga at hindi na nagsalita.
Alam kong may gusto siya sa bestfriend ko. Inamin niya sakin yun sa araw ng graduation namin noong elementary kami at tingin ko hanggang ngayon gusto niya parin ang babae.
Kensley is a productive and responsible woman I've known. She prioritizes herself and studies over everything. At kasama na doon ang pakikipagrelasyon. Alam ko rin na umamin na sa kanya si Rayd. Pero itong babae ay wala lang sagot. It was like she's neutral. Hindi niya sinagot ang kapatid ko pero hindi rin naman tinanggihan. Siguro ay dahil sa pangarap ng babae na makapag-aral sa France ng Law pagdating ng second year college.
"Tara na. 'Wag ka ng malungkot diyan. Bitbitin mo na 'tong pag ko," utos ko sa kanya. Tumayo naman siya at sinukbit ang bag ko sa kanan niyang balikat. Tumalon ako nang bahagya saka siya inakbayan. Tuloy ay yukong-yuko na siya.
"Shana, umayos ka nga," saway nito sakin. Binitiwan ko siya at tumigil sa harap niya.
Pinagsingkitan ko siya ng mata saka pinisil ang pisngi niya hanggang sa ngumiti ang mga iyon. "'Wag ka ng malungkot. Kain nalang tayo ng eggpie mamaya. Tapos tugtugan mo 'ko ng ginawa mong kanta para kay Kensley. Ayos ba?" tanong ko.
He pouted and nodded like a toddler kid. "Okay."
Ngumiti ako saka kumapit sa braso niya at pinagbuksan siya ng pinto. Napatawa siya sa ginawa ko pero sumakay nalang rin. Umikot ako papunta sa may sariling upuan saka nagpatutugtog ng kanta ni Dua Lipa. Nilagay ko sa tainga ni Rayd ang isang piece ng earphone habang kumakanta ako.
"Amoy tutuli."
I gave him a death glare and just ignored him. Sumandal ako sa balikat niya at pumikit dahil sa puyat ko kagabi. Nagising ako nang maramdamang may pumipisil ng pisngi ko. Kinusot ko ang mata ko at nakita si Rayd na tulala lang.
"Tara na. Maglilinis pa 'ko," yaya ko saka kinuha sa kanya ang bag ko. Inalalayan niya kong bumaba dahil isang pintuan nalang ang ginamit namin palabas. May sinabi pa siya sa driver bago niya 'ko lingunin at hinalikan sa noo.
"Umuwi ka ng maaga. Hindi kita masasabayan sa lunch mo." tumango ako sa sinabi niya saka tinapik sa balikat bago umalis.
Dumeretso na 'ko sa likod ng school. Napasinghap ako sa gulat nang biglang may bumunggo sa likod ko kaya napaabante ako.
"Ang tagal mo naman. Kanina ka pa namin hinihintay ah."
Napabuntong hinga ako saka walang emosyon na tinignan ang tatlong babae. Hawak ni Suniz ang paper bag na may lamang damit ng lalaki sa engineering. Yun lang ang dala ko ngayon araw dahil nagdesisyon akong pera nalang ang dalhin at kumain na lang sa labas ng school mamaya.
"Akin na 'yan an-an," pasensyadang sabi ko. They all chuckled and passed the paper bag at each other.
"Kunin mo," sambit ni Crysmyn sakin.
I shifted my weight and looked at them boredly. Kapag pinatulan ko 'to baka hindi na 'ko makasali sa moving up. Wala rin naman kasing CCTV sa lugar na 'to dito sa likod ng school kaya wala din akong ebidensya. Sa dami ba namang atraso ko sa school ewan ko nalang kung paniwalaan pa 'ko.
"Hindi 'yan sakin. Kaya, it will be better if you will give that to me," suhestyon ko. Nagkatingan ang tatlo at sabay na tumawa.
Lumapit sakin si Mirella habang magkakrus ang mga braso niya at nakangisi. "Who are you para sundin namin?" tanong niya. "You are just the owner's child. Pero kahit gano'n, masyado kang maraming records dito kaya wala paring maniniwala sayo," aniya at tinulak pa 'ko.
"Ohh...look at this. Ngayon another issue na naman? A grade ten wall painter dating a college janitor? Yucks. That's disgusting," nandidiring sabi ni Suniz habang hawak ang t-shirt.
Bumuntong hininga muli ako saka inilahad ang kamay sa kanila. "Akin na," seryosong utos ko. Muli silang natawa.
"Not you bitch," si Mirella. My lips parted when they dropped the shirt to the ground and stepped on it.
"Stop it!" I shouted. Calming myself to fight them back. Lumapit ako sa kanila at binigyan sila ng nagbabantang tingin nang kumuha sila ng puting paint sa gilid. It's an easy dry paint kaya naman matutuyo agad iyon sa itim na damit.
"Lumaban ka. Sabi ng iba magaling ka daw sa martial arts. Gamitin mo," hamon ni Suniz.
I am breathing heavily while my palms are clenched. Sa huli ay bumuga ako ng hangin para magtimpi pa.
"Mahina pala 'to eh. Itapon na natin." I swallowed hard when Mirella splash the paint on the shirt. Nakatitig lang ako doon at napapikit nang marinig ko ang tawa nila.
"Masyado kang mahina Lee. Ang layo sa itsura ng pamilya mo," bulong ni Cysmyn sa'kin.
Narinig kong umalis sila habang nakatitig lang ako sa uniform. Sa huli ay dinampot ko iyon at sinubukang basain sa may tubig gripo. Madaming pintura ang natanggal. Pero mas lamang pa rin ang natuyo ng pintura sa unahan noon.
"Nakakainis," sabi ko sa sarili habang nakatitig doon.
Nag-aalala ako dahil alam kong five hundred mahigit ang presyo ng mga uniform dito sa GLHS at GL SHS. Masyado kasing maganda ang tela kaya mahal. Kapag janitor naman ay ang alam ko hindi rin gano'n kalaki ang sweldo. Hindi ko naman pwedeng patulan yung tatlo dahil baka ma-expel na 'ko rito sa school. Magagalit pa parents ko.
"What happened to my shirt?"
Napatingin ako sa unahan at nakita ang lalaki. Magkasalubong ang kilay niya sakin na para bang hindi pa 'ko sumasagot galit na agad siya.
"Sor–
"I'm asking you. What happened to my shirt?" madiing tanong niya.
I sighed. "Natapunan ko ng paint," pagsisinungaling ko.
Hindi ko alam kung bakit pa 'ko nagsinungaling. Siguro dahil imposible na may ibang magtapon dito? Likod 'to ng school. Wala masyadong nagpupunta dito kundi kami lang nila Yra at Kensley. Yung happy tree friend naman kahapon lang.
"Babayaran ko nalang. Hindi ko sinasadya. Sorry," giit ko pa. He just stared at me like he's reading my thoughts.
"You are lying." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Kinuha niya ang t-shirt saka iyon nilagay sa may upuan. Nakasandal lang ako sa pader habang siya naman ay nasa unahan ko.
"What are you saying?" tanong ko. Bumuntong hininga siya.
"I saw what happened." Napairap ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin.
"Nakita mo naman pala nagtatanong ka pa," mahinang sabi ko pero siguradong rinig niya.
Ramdam ko ang mabigat na titig niya sakin. Unti-unti tuloy ay nakakaramdam ako ng pagkailang. "Ayos ka lang?" tumingin ako sa kanya at tumango.
"Sabihin ko nalang sa Dean na bigyan ka ng uniform," ani ko saka siya nilampasan at pumunta sa may storage room.
"'Wag na. Ako nang bahala do'n." napatingin ako sa kanya. Mukhang sigurado na siya sa sinabi niya kaya tumango ako at kinuha na lang ang mga gagamitin. "Ayos ka lang? Sinaktan ka ba nila?"
Nangunot ang noo ko sa tanong niya. "Akala ko ba nakita mo? Bakit ka pa nagtatanong?" Nakagat niya ang labi niya at tumango.
"Wala. Naisip ko lang," sambit nito.
'Di ko nalang siya pinansin lalo na ng maalala kung anong nagawa ko kahapon. Tinignan ko siya at nakahinga nang maluwag nang makitang umalis na siya. Binuhat ko ang balde ng pintura saka naglakad paalis. I gasped when I bumped into someone. Napaatras ako dahil hindi ko kita ang mukha sa tangkad.
Agad din akong nag-iwas nang makita ang lalaki. "Sorry," sambit nito. "Ako na diyan."
"Hindi ako na. Kaya ko." nagtaka ako sa ikinilos niya nang tignan niya ang pintura. Nanlaki ang mata ko nang makitang natapon na naman ang pintura. But this time sa rubber shoes ko na.
"Hubarin mo muna sapatos mo. Samahan kita dito. Magpalit ka muna."
Napapikit ako sa inis sa kanya. Bakit ba kasi bigla-bigla nalang siyang lumilitaw? Tuloy ay pang-ilang pintura na 'to sa katawan ko!
"May pamalit ka ba na sapatos?" tumango ako sa tanong niya. Tumayo ako at walang sabi na lumabas papunta sa treehouse para kunin ang tsinelas ko. "Ito na. Pwede ka nang magsimula," aniya.
"Salamat," sagot ko lang. Inayos ko muna ang gamit ko saka tinignan ang phone mula sa bulsa nang tumunog ito. Bigla akong kinabahan nang mabasa ang chat nila Rayd, Kensley at Yra.
Yrina: Yawa ka Shana!!! Panibagong issue ka naman! Pinagkalat ng happy tree friends na jowa mo yung kuya sa engineering!
Kensley: Go girl! Paint doesn't matter ;)
Rayd: Mag-usap tayo pag uwi sa bahay. Dont you dare to sleep without talking to me
May sinend sakin na link si Yra. Hindi ko na sila nireplyan at tinignan nalang iyon. My lips parted when I saw that it was me talking to Archie. Halatang edited pa dahil masyado kaming magkalapit doon.
Sunneva Miranda Moral is with GL SHS Tea Spreader
Oh...how sweet right? Janitor meets the painter. Lovelots😍 Support ko relationship niyo! BTW you don't have to hide your relationship guys, ayos lang yan. Basta wag sa lugar na 'to okay? Stay stronggggg.,.....
Napapikit nalang ako at tumingala. Another issue na naman. Kailan ba mawawala 'to? Ni hindi ko nga kilala ang lalaki.
"Ayos ka lang?" napalingon ako sa lalaki at nakitang hawak rin nito ang phone niya. Napabuntong hininga ako at tumango.
"Sorry. Nadamay ka pa," sambit ko. "Umalis ka na. Baka may makakita ulit sayo na kasama ako. Mapagalitan ka pa," walang emosyong sabi ko habang nagpipintura.
"Gusto mo tulungan kita? Para matapos ka na agad diyan?" napatingin ako sa kanya nang may pagtataka. Nag iwas lang siya ng tingin sakin.
Umiling ako. "No need," sagot ko. Tumango naman siya.
"Sige. Alis na 'ko," paalam niya saka tumalikod. I bit my tongue when I remembered something.
"Archie!" I called. Napatingin siya sakin nang nakakunot ang noo.
"Ba...kit?" alanganing tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko ang mariin niyang tingin sakin.
"Salamat," sagot ko lang.
Umiling siya. "No. Not that one. Y-Yung...tinawag mo sakin. Can you repeat it?"
Napakurap ako sa sinabi niya at umawang labi. Nag-init ang pisngi ko bigla. What did I say?! Did I just call him Archie? Tang*ina saan galing yun? Why did I say that? We're not even close!
"W-Wala," utal na sabi ko saka nagpintura. Kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin parin siya sakin.
"Archie," bulong niya sa sarili kahit na rinig ko. "I love that name." natigil ang kamay ko sa paggalaw at napatingin sa kanya. I swallowed hard when I saw him smiling. "Can you accept my friend request later?"
Napakurap ako sa tanong niya at nakagat ang labi. Tumingin ako sa kanya at nakita ang mata niyang parang kumikinang. It was like something happened that made him so happy.
"Uhh...b-baka...busy ako mamaya," mahinang sabi ko habang nagpipintura. Nakita kong tumango siya nang sunod-sunod.
"It's fine. Basta accept mo 'ko ah." pinalobo ko ang pisngi ko at tumango nalang. "Sige. Uhh...bye. I-Ingat ka," paalam pa niya saka umalis.
Napaupo ako sa sahig dahil sa bilis ng kabog ng dibdib ko. Masyado ata akong kinakabahan dahil sa mga nagsama-samang problema na naman. Una yung pagreact ko sa picture niya, sunod itong pinagkalat ni Suniz na fake news. Tapos yung pagtawag ko ng Archie sa lalaki.
To be continued...😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro