Chapter 7: Accident
.
"Hoy! Uuwi ka na agad?" tanong ni Yra nang makita akong nag-aayos ng gamit.
"Oo. Ayoko na na kitang makita eh," sagot ko. She raised an eyebrow at me. I chuckled. Yung kilay niya kasi parang invisible sa nipis and the color is also camouflaging in her skin.
"Sa mga engineering students 'yan damit mo ah. Kanino 'yan?" tanong sa akin ni Kensley. Hinawakan niya ang laylayan ng damit para ilingon ako sa kanya. I got confused when her eyes widened the moment she saw the name. Nagtataka ako dahil pati si Yra nanlaki rin ang mata.
"Ano bang meron sa shirt na 'to at pati si Rayd ganyan din ang reaction?" kuryosong tanong ko.
Yrina tapped my shoulders while shaking her head. "Masyado kang focus sa pagpipinta ng pader nitong mga nakaraang araw," giit niya pa.
I rolled my eyes because of her talk. Hindi nalang sabihin. Nangbibitin pa. "Sabihin mo na. Kanina pa ganyan ang reaksyon ng mga nakakita nito," inis na sabi ko.
Kensley smiled at me with a teasing face. Mas lalo tuloy akong nalito. "Kuya Chaius is a hotty in college building, Alisha. At pagdating dito sa Senior high isa siyang hotty janitor. Matalino 'yan at mabait. He have a records of being a straight top one mula elementary siya at graduated rin ng tatlong beses ng valedictorian mula kinder."
Napalabi ako at tumango. "Eh bakit ganyan reaksyon niyo? Ano naman kung matalino siya at gwapo?" tanong ko dahil sa labis na pagkalito. Napairap silang dalawa.
"Kahit mahirap lang sila, ang daming gustong mapatungan niyan 'no. Isipin mo nalang yung mukha niya at katawan. Nakaka-inlove. Though hindi ko naramdaman yun," paliwanag ni Yra.
Pinigilan ko ang sariling magsalita dahil hindi ko parin maintindihan. Like, ang dami kong kilala na sobrang talino. It's true that i admire him a little for being a straight top one pero, anong special? Meron ba?
"Okay?" pilit ngiting sagot ko sa dalawa. They both heaved a sigh.
"Bigyan nga natin 'to ng kaalaman." Napairap ako sa sinabi ni Yra. Dinala niya pa 'ko sa secret spot namin at pinaupo sa kahoy na upuan. "Hindi mo parin ba gets? Ang gwapo na at ang talino pa. Dapat nastar struck ka." Natawa ako sa sinabi niya. Panay lang ang tawa ko habang nakahawak na sa tiyan.
Star struck? Bakit naman? Hindi nga siya artista eh. Saka kaya ko ding maging first honor at valedictorian straight 'no. Though hindi na pwede ngayon dahil late na. Ano naman? Bakit parang napaka special naman ng lalaking 'yon?
Tinigil ko ang tawa ko at tumikhim nang makitang madilim ang tingin sakin ng dalawa. "I-I...I'm just not interested you know? Saka ang OA naman ng starstruck," pigil tawang sabi ko.
"Ang weak mo naman. Tingin ko tatanda kang dalaga sa ginagawa mo," inis na sabi ni Kensley. "Crush ko yun. Dapat crush mo din siya."
My lips parted because of what she said . Sa huli nagpakawala muli ako ng tawa. "Tumigil na nga kayo. Hindi ko siya gusto. 'Di ko rin siya type. Saka grade 10 palang ako. Siya college. Kuya pa nga yon," pagdadahilan ko.
"Shana?"
Napalingon ako sa baba at nakita si Rayd na nakatanaw sa amin dito sa taas.
"Alis na 'ko." Napatingin ako kay Kensley sa sinabi niya. Pipigalan ko pa sana siya pero nakababa na.
"Hoy! Aedish Dissana Kensley!" sigaw ni Yra pero tuloy-tuloy parin sa paglalakad palayo ang babae.
Napangiwi nalang ako at bumaba. Pinisil ko ang pisngi ni Rayd nang makitang wala na sakin ang tingin niya. "Anong nangyari doon? Magkaklase kayo 'di ba?" tanong ko kay Rayd. Napabuntong hinga siya at umiling.
"Nilipat na siya ng section kahapon." umawang ang labi ko sa sinabi niya. Ito ang ayaw ko kapag nasususpend. Huli ako sa chismis.
"Bakit?" tanong ko.
"Ewan," sagot niya lang saka kinuha ang gamit ko. "Nasa main gate na si Tito Damian. Hatid kita sa kanya. Nasaan gamit mo?"
Inabot ko sa kanya ang bag ko. Ako na ang nagdala ng paper bag na may damit ko saka nilingon si Yra na nakakapit sa braso ko. "Notes ha," paalala ko. Ngumiti siya at tumango.
"I'll send it to you later," sambit niya. Hinatid ko muna si Yra sa may bungad ng papasok sa mga classroom saka nagpaalam na umalis.
"May pagkain ka na sa bahay sabi ni Mommy. Baka raw kasi maabutan mo siyang tulog." tumango ako sa sinabi ni Rayd saka sumakay sa kotse.
"Sige. Bilhan mo ko ng eggpie pwede?" tanong ko. Ngumiti siya saka tumango.
"Yung lang ba?" tanong niya.
Napanguso ako at nag-isip. "Orange juice," sagot ko.
"Ayaw mo ng siopao?" i gave him a death glare that made him chuckled. Tinapik niya ang bubong saka niya sinarado ang pinto. Binuksan ko ang bintana nang isenyas niya iyon. "Magreview ka bahay. Turuan kita sa Science mamaya." tumango muli ako bago kumaway.
Pagkasarado ng bintana ay umalis na rin kami at umuwi. Panay lang ang pagbabalat ko sa daliri habang nakatingin sa kawalan nang may maalala.
"Tito Damian, may anak po kayo 'di ba?" tanong ko. Matamis siyang ngumiti at tumango.
"Opo ma'am," sagot nito.
Napanguso ako. "Tuwing huling araw ng buwan lang po kayo umuuwi. Paano yung anak niyo?" tanong ko. Yung kasi ang napagkasunduan nila ng magulang ko.
"Malaki naman na po ang anak ko kaya kaya na niya ang sarili niya. Saka po, malapit lang din naman po ang bahay namin dito sa inyo kaya madali ko lang mapupuntahan," sagot niya.
Naiisip ko na sampung tao na rin nagsisilbi si amin si Tito Damian. Siya ang nagsisilbing tagapangalaga sa bahay namin kung minsan kapag ang buong pamilya ay wala. All around ang trabaho niya pero mas madalas siya bilang driver namin ni Rayd dahil busy sina Mommy at Daddy sa trabaho.
"Matanong ko lang po Ma'am. Bakit suot niyo po 'yan damit ng engineering?"
Nagtaka ako sa tanong niyang iyon. Pati naman siya ganyan kung makapagtanong? Dapat ba hindi ako magsuot nito?
"Ahh...natapunan po kasi ako ng lalaki kanina ng pintura. Ito po yung binigay niya sakin since wala akong pampalit," sagot ko. Mula sa front mirror ay kita ko ang pag ngiti niya kaya nagtaka ako. "Bakit po?" tanong ko.
"Wala po Ma'am. Mabango naman po siguro 'yan ano?"
Pasimple kong inamoy ang damit at tumango. Napaka manly ng amoy. Pero hindi naman masakit sa ulo. Nakakaadik pa nga ang amoy. "Opo Tito. It smells addicting," sagot ko. Tumango naman siya.
"Nandito na po tayo Ma'am."
Bumaba ako ng kotse saka nagpasalamat sa driver matapos magpaalam. Pagpasok ko sa bahay ay dumeretso na agad ako sa kusina para kumain. Hindi naman ako pawis kaya hindi na muna ako nagpalit.
"Shana?" ngumiti ako kay Mommy nang makitang pababa na ito. Buhat niya pa si Hace kaya hindi ko maiwasan tumayo at kunin ito kay Mommy.
"Hi? Miss me baby?" tanong ko. I chuckled when he stared at me. Mulat na mulat siya at hindi kumukurap kaya pinanggigigilan ko itong hinalikan sa pisngi.
"Kamusta?" tanong ni Mommy sakin. Inabot ko sa kanya si Hace at dahan-dahang bumalik sa upuan para kumain.
"Ayos naman po," sagot ko. Nagtitimpla siya ng gatas para sa baby habang buhat niya ito.
"The name on your shirt is a bit familiar to me. Bakit suot mo yan?" tanong niya.
Nagsasawa na 'ko kakasagot ng tanong na iyan. Nakilang sagot na 'ko sa tanong na iyan sa iba't ibang tao. Irecord ko nalang kaya para hindi paulit-ulit? Tapos kapag nagtanong sila iplay ko yung nirecord ko?
"Natapunan po ako ng lalaki kanina ng pintura. Wala akong pamalit kaya ito yung binigay niya sa'kin," sagot ko. Napangiwi siya at tumango.
Pagkatapos kong kumain ay ako muna ang pinagbantay ni Mommy kay Hace habang naliligo siya. Buhat-buhat ko ang baby sa kwarto ko at mabilis na nagbihis para maabutan ko siyang gising.
"Hace, maglalaba ako. Samahan mo 'ko ha?" sambit ko saka siya binuhat. Dinala ko ang laundry basket ko sa utility area sa baba. Gamit ang isang kamay ay nilagyan ko ng kung ano-anong sangkap ang washing saka nilagay ang damit.
"Hungry ka na baby?" I asked when I saw him sucking his thumb.
Kinuha ko ang pacifier niya saka inilagay sa bibig niya habang hinihintay ang labahin. Wala naman kasing kasambahay dito. Ang nagluluto rin sa amin ay si Mommy kapag tanghali at si Daddy pag almusal at gabihan. Kapag naman merienda at hugasin ay madalas salitan kami Rayd. May tagalinis rin naman na hinahire ang parents namin pero kada kinsenas at katapusan lang.
"Huh?" nangunot ang noo ko nang makita ang notification sa taas ng phone ko.
Achaius Hercules P. Zeus sent you a friend request
Pagpunta ka sa facebook ay wala naman. Siguradong napindot lang iyon ng lalaki.
Napangiwi nalang ako at tinipa ang pangalan niya sa search bar. Wala naman sigurong masamang tignan ang account niya. Hindi ko naman siya kilala kaya dapat lang na tignan ko iyon kung sakaling iadd niya 'ko ulit.
Achaius Hercules P. Zeus (Chaius)
only account
civil engineering
💘A
Napalabi ako nang tingnan ko ang profile picture niya. Nasa isang site siya noon at mukhang bumisita lang dahil sa caption na nakalagay. He's also just wearing a white fitted shirt and denim pants. Naka hard hat pa din siya habang may hawak na meter stick. It gained 100k+ of reacts.
There are two 'S' I want to see. This site...and you in my sight.
"Baduy naman," bulong ko. Napangiti ako nang gustuhing umupo ni Hace at tignan rin ang tinitignan ko.
Kumunot ang noo ko nang makita ang mga nagcocoment sa display picture niya. Nakakatawa ang iba pero yung iba rin naman ay makalat.
Unknown: Kaloka! Ano pong size niyo?!
Unknown: Akin po yang ruler!! Susukatin ko po kayo!
St. Peter: Oh my god ang hotty. Pwede bang sunduin ni st. peter ang isa pang st. peter? Parang madededs na ata ako
Shere: Nalaglag panty ko!!!
Wishie: gwapo
Nagpatuloy nalang ako sa pag scroll. My eyes widened because of shock when I accidentally hit the like button. Mas lalo pa kong kinabahan nang makita ang nalike ko. It was him, painting on the wall while he was topless. Kita ang tiyan niya at napakatipuno ng katawan.
"Kalma Alisha, hindi naman niya siguro makikita," kumbinsi ko sa sarili. Pinatay ko phone ko at tumingin kay Hace. "Hindi niya nakita mahal ko 'di ba?" tanong ko sa kapatid.
Napapikit ako nang sumandal siya sa dibdib ko na parang dismaya rin sakin. Naalala ko pa yung kanina. Nagnotif ang name niya sakin na inadd niya ko pero wala naman. Paano pa kaya itong sakin? Lumang picture na iyon dahil noong isang taon pa iyon. Edi mahahalata niyang inistalk ko siya?!
"Hindi naman baby Hace 'no? Think positive," giit ko pa sa sarili.
Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalaba. Tinatamad akong magsampay kaya gumamit nalang ako ng dryer para matuyo na agad saka iyon dinala sa kwarto.
"Dito ka lang okay? Magtutupi lang ako," utos ko kay Hace na nakatingin sakin. Inilapag ko siya sa kama ko habang pinapanood niya 'kong magtupi. "Dapat marunong kang magtupi kapag lumaki ha," sambit ko sa kanya.
Natigil ako sa pag-aayos ng damit at pumikit nang mariin nang makita ko ang t-shirt. Naalala ko na naman yung kanina. Paano kung nakita niyang nagreact ako? Anong gagawin niya? Mang-aasar ba siya? Paano ko siya haharapin?
Umiling ako sa mga naiisip. Ano naman kung inistalk ko siya? Tinignan ko lang kasi hindi ko naman siya kilala. Tama. Ganon dapat. Tinignan ko ang pangalan niya at aksidente kong nilike ang post noong isang taon!
Putek! Baka isipin niyang nagsisinungaling ako!
"Kalma. Wala kang pake," kumbinsi ko pa sa sarili at tinignan ang t-shirt. "Ibabalik kita nang parang walang nangyari. Hindi ko nilike ang post niya. Hindi." I sighed. Trying hard to forget what I did.
Nagpatuloy ako sa pagtutupi hanggang sa matapos. Kinarga ko si Hace at inihiga sa dibdib ko habang sipsip niya parin ang pacifier niya.
"Shana?" rinig kong tawag ni Mommy. "Papasok ako ha?"
"Sige po Mom. Bukas po yan," sagot ko naman. Pagpasok niya ay halatang kakatapos niya lang at may tuwalya pa sa ulo.
"Hindi talaga siya umiiyak sayo?" tanong niya habang nakaupo sa kama ko. Ngumiti ako at tumango.
"He's calm when he's with me," sagot ko.
"Okay, dito ko muna siya sayo. May tatapusin lang ako ha," paalam niya. Humalik siya sa noo ko saka hinalikan si Hace.
"Sige po Mom. Ako na po ang bahala," sambit ko. Natulog nalang ako habang yakap ang kapatid na mukhang matutulog na rin.
To be continued...😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro