Chapter 6: Paint
.
Shana's spray painting in the wall
Photo not mine/Credits to the real owner//Source: Pinterest/Edited
"Shana gising na!"
I opened my eyes and sighed. Masarap ang tulog ko pero napakabitin. Tingin ko ay dahil sa pagod kakagala buong maghapon kahapon. My night was so good that I want to have a beauty sleep pero bitin na tulog ang natanggap ko.
"Oo!" i shouted while forcing myself to wake up. Pero para atang tinutukso ako ng higaan dahil matapos tumayo ay nakahiga na naman ako ngayon.
"Shana! Hindi ko pa naririnig yung buhos ng shower mo!"
Inis akong bumangon dahil sa sinabi ni Rayd. Napakagaling manghula pero nakakainis.
Tamad akong pumasok sa banyo at naligo na. Buti nalang at matapos magbihis ay gising na ang diwa ko dahil sa lamig ng tubig.
"Ouch!" I hissed when Rayd put my comb in my hair. Kinuha naman niya ang libro ko at dinala iyon saka pinatong sa may upuan ko. "Good Morning Mom, Dad," bati ko sa kanilang dalawa.
"Morning," I smiled at Daddy before smiling at my Mom. Hinalikan ko pa si Hace pisngi at napatawa nang kunin nito ang daliri ko.
I furrowed at Rayd when I saw him putting rice on my plate. May kung ano-ano pang disenyo iyon. Perfect ang pagkakalagay niya ng dami ng kanin at perfect sunny side-up din at dalawang hatdog.
"Ano 'yan?" nakakunot kong tanong. He smiled at me and even kiss me in my head.
"Sabi ni Mommy ikaw daw yung pumili ng gitara ko. Ang ganda, siopao."
Inirapan ko siya dahil sa huling salita na binaggit niya. Ayos na sana eh. Dinagdagan pa ng panlalait. Hindi naman mataba ang pisngi ko. Dati lang yun. Pero matagal na kasi niya 'kong inaasar sa tawag na iyon at iyon na ang nakasanayan niya bukod sa tawag na 'Shana'.
"Half day ka lang daw. Anong gagawin mo pagkatapos?" tanong ni Daddy sa'kin. "Half day lang ang paglilinis mo. Pero itutuloy bukas kung hindi mo matatapos." tumango ako sa sinabi at kumain.
"Magrereview po muna. O kaya yung village na sinasabi ni Mommy. But I'm not sure pa patungkol doon," sagot ko.
"Bring your food. Mas maganda kung magkasama kayo ni Rayd na kakain." tumango ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain.
"Dad, pwede paturo magpiano? May sinalihan akong piano lesson eh. I want to have a little idea on it. Para mabilis na lang," giit ni Rayd. Napatingin sakin si Daddy at nangunot ang noo.
"Your sister knows how to play piano Rayd." tinaasan ko ng kilay ang kapatid ng pandilatan niya 'ko ng mata.
"No way! Baka tarayan lang ako niyan." natawa si Daddy sa isinagot nito at tumango.
"Your Tita Kenzie told you she can teach you 'di ba?" napangisi ako sa sinabi ni Mommy at tinignan si Rayd na napainom ng tubig.
"Baka po...busy yun si Tita Kenzie. Ayoko," tanggi niya.
Napangisi ako at tumingin sa kanya. "Talaga? Ayaw mo? Bakit?" nang-aasar na tanong ko. His forehead knotted while glaring at me.
"Shut up," asik niya. I chuckled and continued eating.
"What Hace wants huh?" tanong ni Mommy nang umiiyak ang baby. Dad immediately took him and tried to calm him down.
"Is he hungry?" tanong ni Daddy kay Mommy pero umiling ito.
"Hindi na. Kakatapos nga lang eh. Maybe he's sleepy. Or his diaper is full already," sagot sa kanya ni Mommy. Hace continued crying. Natapos na ko na't lahat sa pagkain umiiyak parin siya.
"Can i try? Maybe he likes me to carry him," i suggested. Nagkatinginan sina Mommy at Daddy saka sakin maingat na inabot ni Daddy ang sanggol.
"Baka lalong umi–
Ngumisi ako kay Rayd nang tumigil sa kakaiyak ang sanggol nang yakapin ko ito. Hikbi nalang ang maririnig sa kanya at mukhang patulog na.
"He's a sister's girl I guess?" kunot noong sabi ni Daddy habang nakatingin parin kay Hace. Hinele ko pa ang sanggol saglit bago ito ibigay kay Mommy.
"Okay. We should go. Baka malate na kayo. Shana umuwi agad ng maaga ha," paalala ni Daddy. Ngumiti naman ako at tumango.
"Sige po," sagot ko.
"Bye Mom, Hace," rinig kong paalam ni Rayd kaya lumapit rin ako at humalik sa dalawa.
"Sabay kayong maglunch. Ang likod Shana punasan," paalala ni Mommy.
Ngumiti ako at tumango. Pinisil ko pa ang kamay ni Hace saka kumaway sa dalawa. "Opo Mommy. Ingat," paalam ko saka sumunod kay Rayd.
"Akin na bag mo," aniya. Inilag ko ang bag ko at umiling.
"Pagkain ko lang 'to." napangiwi siya sa sinabi ko at pinagbuksan pa'ko ng pinto ng kotse.
Tahimik at mabilis lang ang biyahe kaya nakarating agad kami. Nasa main gate na kami nang magsimulang batiin si Daddy ng mga estudyante.
"Ingat kayong dalawa," paalala nito sa amin saka ako nilingon at halikan sa noo. "Punta ka sa may baba ng fire exit. Nandoon ang gagamitin mo. Magpunas ng pawis pagbasa na. Be careful always," dagdag pa niya.
I smiled and gave him a kiss on his cheeks. "Opo. Bye," paalam ko. Tinanguan niya pa si Rayd bago ito umalis.
"Una na 'ko. Sulatan sana kitang notes kayalang hindi naman tayo magka section."
Napairap ako sa sinabi niya saka tumingkayad para sabunutan siya nang mahina. Hanggang dibdib niya lang kasi ang height ko kahit matangkad na 'ko sa edad kong 'to.
"Pasok na. Turuan mo na lang ako sa bahay," giit ko. Tumango siya at humalik pa sa nood ko saka ako sinenyasang lumakad. "Bye bye," paalam ko saka umalis sa unahan niya.
Saktong pagpunta ko sa may likod ng school nakita ko na agad sina Kensley at Yrina.
"Maglilinis ka?" tanong ni Yra. Tumango ako. "Ayos lang sayo?"
Nilapag ko ang bag sa may kahoy na upuan at tumango. "Oo. At least hindi na galit sakin si Daddy," sambit ko naman at ngumiti siya.
"Ito. Notes mo." nagtaka ako sa binigay ni Kensley. Taga Section A-1 siya pero na sa kanya ang notes.
"Pinatago sakin si Yra kahapon," sambit niya. Tumango ako at nilagay iyon sa bag.
"Oh? Nandito ang three musketeers."
Napamasahe ako sa noo at nilingon ang tatlo. Si Sunneva, Crysmyn, at Mirella.
"Naghahanap ka na naman ba ng gulo?" tanong ko. Ngumisi si Sunneva na nasa gitna.
"Nahanap ko na eh. But, hindi ngayon. Masyado akong maganda para makipag-away sa bali-balitang tagapintura."
Napatawa ako ng bahagya sa sinabi at nang-iinis na ngumiti. "Alis na. Baka pinturahan ko yang an-an mo sa mukha para naman magpantay ang kulay ng mukha mo."
My friends at the back chuckled. Ang dalawang kaibigan namang nasa harap namin ay umawang ang labi saka tumingin sa lider-lideran nilang matalim ang tingin sakin.
I raised my eyebrow when Suniz went closer to me. "Strike one," aniya saka tumalikod at umalis.
Tinaasan ko ng kilay ang dalawa niyang kasama nang tignan kami nito. "Alis na! Baka bumaho kami!" sabat naman ni Yra. Pag-alis ng tatlo ay nag-apir pa kaming dalawa.
"Kayo talaga," natatawang asar ni Kensley.
"Umalis na kayo. Magsisimula na 'ko," giit ko. Kinurot pa ni Yra ang bewang ko habang tumatawa.
"Puntahan kita kapag wala akong klase," sambit niya. Tinanguan ko lang siya saka sila umalis.
Napabuntong hininga ako saka umupo. I look at my drawing at the wall. It's a worm's view of a city na kita pati ang kalangitan. I drew and painted it in just two hours. Tapos ngayon kailangan ko nang burahin.
"Baba ng fire exit," sambit ko sa sarili habang naglalakad.
Nasa may baba na 'ko at nakitang puro kahon, pintura, walis tambo, at mga sirang gamit ang nandoon.
"Excuse me?"
Napasinghap ako sa gulat nang marinig ang malalim na boses na iyon. Unti-unti akong lumingon at nakita nag isang lalaki na may dalang mop at caution sign sa sahig.
"Why are you here?" tanong niya. Nilingon ko muli ang buong silid.
"Uhh...paint na puti. Tapos panlinis sa pader," giit ko.
Nangnot niya ang noo niya saka siya tumango at pumunta sa kung saan. Tuloy ay hindi ko siya maiwasang hindi sundan dahil sa pagiging creepy tignan nitong nitong lugar. Puro sapot at alikabok.
"What the?"
My jaw dropped when a cold sticky liquid splash on my shirt. Napakurap ako nang ilang beses bago inis na nilingon ang lalaki. Pero bago pa 'ko magsalita inis na niya 'kong sininghalan.
"Bakit kasi sumunod ka pa?"
Napatawa ako sa sinabi niya at tinanggal ang maraming puting pintura sa katawan ko at matalim siyang tinignan.
"Alam mong ang pangit ng lugar na 'to tapos iiwan mo 'kong mag-isa do'n?" inis kong tanong. Panay lang ang pagpag ko sa sarili nang manlaki ang mata nang makita ko siyang naghuhubad. "A-Anong ginagawa mo?" taranta kong at umatras.
Nag-iwas ako ng tingin nang wala na siyang saplot na pang-itaas."Magpalit ka bilis. Baka matuyo 'yang pintura sa katawan mo."
Kinuha ko nalang ang damit at aalis na sana nang biglang magtaka. Ang layo ng banyo dito dahil sa second floor pa iyon dahil mga sarado ang banyo dito sa ground floor.
"Maghubad ka na. Tatalikod ako."
Napakurap ako sa sinabi niya. Dumapo ang tingin ko malaking kabinet at hinubad ang damit saka nagpait. Napabuntong hinga pa 'ko dahil ang laki noon sakin.
"Ang laki nito," bulong ko sa sarili. Hanggang hita ko na nga laylayan.
"Ito. Ipunas mo sa hita mo. Medyo basa yan para matanggal agad," giit niya paglabas ko. May nilagay rin siyang upuan sa harap ko kaya doon na 'ko umupo at nagpunas.
"Anong pangalan mo?" tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at hindi sumagot. Unang rule kasi iyon na tinuro sa amin ni Mommy. Bawal magpakilala sa taong hindi kami kilala. Dapat kami ang unang makakakilala sa kanila.
"Tss." rinig ko singhal niya. Umalis siya saglit at paglabas niya ulit may bitbit na siyang isang balde ulit ng pintura. "Saan ko 'to dadalhin?" tanong niya. HIndi ako sumagot at tumayo na lang saka umalis. Narinig ko naman ang pagsunod niya at tumigil lang nang nasa labas na ulit ako.
"Dito na lang," sambit ko. Nilapag naman niya iyon sa baba. Kinuha ko ang roller pin. Nangunot ang noo ko nang subukan kong ikutin iyon dahil ang gaspang.
"Akin na." hindi na niya hinintay ang pagtanggi ko at kinuha iyon sakin. May kinuha siya sa bulsa niya at nakitang kong oil iyon saka niya nilagay sa loob. "Ayos na," sambit niya.
Sinimulan ko na ang pagpintura ng pader. Madali lang ang pagpintura kayalang medyo hindi ko abot ang taas kaya kailangan ko pang gumamit ng upuan.
"Ang ganda ng gawa mo. Pinagalitan ka?"
Nangunot ang noo ko. Hindi akalaing hindi pa siya umaalis. Tuloy ay bumaba ako para lingunin siya at makitang nakasandal siya sa pader habang nakapamulsa.
"Bakit nandito ka pa?" tanong ko.
Nangunot ang noo niya at biglang umawang ang bibig. I furrowed when he turned his back against me. Sinilip ko ang ginagawa niya at lalong nangunot ang noo nang makitang sinusuntok niya ang pader.
What happened to this guy?
"Bye."
Inangulo ko ang ulo ko sa labis na pagtataka. Tinignan ko ang t-shirt na suot ko. I pouted seeing his beautiful name and course.
Archaius Hercules P. Zeus -- Engineering
Nagpintura nalang ako nang nagpintura hanggang sa matapos sa ibaba. Ang sunod naman na pipinturahan ay ang sa itaas. Pero pagod na 'ko kaya umupo muna ako at magpupunas na sana ng likuran nang may kumuha noon.
"Kamusta?" tanong ni Rayd.
Tinignan ko ang pipinturahan pa at napabuntong hinga. Hindi pa ito mamatapos ng half day at kailan ko nang umuwi maya maya.
"Ayos naman," sagot ko. Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya at nakitang nakatingin siya sa damit ko.
Tinignan niya pa ang name tag doon at lalong kumunot ang noo. "Bakit na sayo uniform ni Kuya Chaius?"
Nangunot ang noo ko sa pagkakasabi niya sa pangalan. "Kilala mo siya?" nagsalubong ang kilay niya sakin at tumango. Pinaupo niya 'ko sa may upuan at naglabas ng dalawang lunchbox.
"Nagturo siya sa amin dati isang beses. Saka janitor siya dito tuwing umaga at nag-aaral tuwing tanghali hanggang gabi." Napalabi ako at tumango. "Scholar rin siya dito. He's also first year college kaya bakit na sayo 'yang damit niya?"
Sumubo ako ng pagkain saka lumunok. Pinunasan niya ang amos ko saka ako nag salita. "I went to the storage room. Nagkasalubong kami kaya natapunan niya 'ko ng puting paint." paliwanag ko at tumango naman siya.
To be continued...😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro