.
"You made me so tired," giit ko at binaba ang espada. Humiga ako sa malambot na ring. Tumabi naman siya sakin.
"Kamusta?" I smiled at her question and closed my eyes.
"Magaan po. I feel at ease. Ang gaan sa puso," sagot ko.
I really feel happy this day. Dalawa lang kami pero alam kong sobrang saya ko ngayon. It's like I was in cube and someone saved me. At si Mommy yun. She made my day today colorful. Like my drawings.
"Kapag malungkot ka, it's nice if you will go to a gym. Lalo na kapag wala ako. Hindi kita masasamahan eh. I know na hindi ka rin sanay magsabi sa Daddy mo ng problema," sambit niya.
"Naiintindihan ko naman po si Daddy. Kaya ayos lang. Kaya ko na sarili ko."
Napakurap ako nang tapatan niya 'ko ng espade sa leeg. Hindi naman iyon matalim kaya hindi ako natakot. Mas kinakabahan kasi ako sa talim ng mata niya.
"Naiinis ako sa sarili ko," aniya. Nangunot ang noo ko.
"Bakit po?" tanong ko naman.
She sighed and threw the sword somewhere. "Masyado kang nagmana sa'kin. Back then, I also always say to my friends, parents, and Raen na kaya ko. Kahit alam ko na masakit."
Natahimik ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko tuloy alam na niya ang iniisip ko.
"It's not wrong to be weak Shana. Lahat ng tao may kahinaan. Ang mahalaga, kung paano natin nao-overcome yun. I'm here. I'm your Mom. Pareho rin tayong babae kaya you don't have to keep your thoughts and feelings. Pwede mong sabihin sa'kin. I won't force you pero gusto kong alam mo na nandito ako palagi. I can skip my work kung may problema ka."
Tahimik na tumulo ang luha ko at tinignan siya. She smiled for assurance kaya tumango ako. "Thank you," sambit ko.
"All for you, my love." I chuckled and nodded again.
"I love you too."
Matapos ang pagpunta sa gym na 'yon ay naisipan naming mag-Mall muna. Sinabi kong baka kailangan na siya sa trabaho pero sabi naman niya ay 'wag ko nang alalahanin 'yun.
"Anong pwede nating pasalubong sa Daddy mo?"
Natigilan ako sa tanong niya. Bitbit ko ng paper bag na pasalubong para kay Rayd na isang gitara dahil nakita kong sira na yung sa kanya. Hawak naman ni Mommy ang mga damit na para kay Hace.
"Uhh...I don't have an idea," mahina ng sabi ko.
Magmula nang bumagsak ako sa Math subject at sunod-sunod na suspension sa'kin ngayon tenth grade naging ilag sakin si Daddy. Ayoko namang magbigay sa kanya ng kung ano dahil baka isipin niyang nagsisip-sip ako sa kanya.
Tumango si Mommy. "Tara na. Uwi na tayo."
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. We have all pasalubongs for Rayd and Hace pero kay Daddy wala?
"W-We...uhh...can buy him some...ballpen?" I suggested. Ngumiti siya at tumango.
Pumunta kami sa mga store ng ballpen at namili. Si Mommy naman ay kakanta-kanta lang at panay ang tingin sa kung saan. It was like she's making me choose for my Dad.
'Ano may napili ka na ba?" tanong niya.
I pouted. Masyadong marami ang klase ng ballpen dito. Mula sa pinakamura at mahal. Muro sa pinaka-simple at elegante kung titignan.
"Wala pa po," sagot ko. She chuckled and started singing again. "Mom?" asik ko habang nakasimangot sa kanya. She looks at me with a furrowed face like she's pretending. "I'm aware of what you are doing Mommy," sambit ko. She just shrugged and started humming again.
I hovered a gaze in this whole store. I sighed when I realized how huge this is. Bakit pa kasi ballpen ang naisip kong bilhin?
"Have a problem, Shana?" napatingin ako kay Mommy at tumango.
"This store is too big. Baka abutin ako nang mga ilang oras bago makita lahat ng brands. Baka umiiyak na si Hace," giit ko. She smiled at me and shook her head.
"If that so, we can ask some of the sales lady here. Ano bang klase ang gusto mo para sa Daddy mo?"
Napaisip ako sa tanong niya. Humawak siya sa braso ko at dinala ako sa may bench para maupo muna at makapag-isip.
Dad's stuffs are simple but those things are expensive kung susuriin nang mabuti. Hindi siya mahilig sa masyadong elegante at halatang mahal dahil gusto niya ay yung hindi mahahalata.
"Something simple that has an elegant price," giit ko. She nodded and raised her hand to get the attention of one of the sales lady.
"A simple but a bit expensive. Do you have that here?" she asked.
Ngumiti ang babae at tumango. "This way Ma'am."
I smiled at her when she looked at me. Pumunta kami sa mga naka glass box pa na ballpen na nagsusumigaw ang kasimplehan at ang kamahalan.
"This is Caran d'Ache Gothica Pen, Ma'am. This one of the most expensive pens in here. As you can see this Gothica boasts six solid sterling silver faces coated with rhodium, as well as an array of stunning rubies, diamonds, and emeralds. Inspired by Gothic design and the fleur-de-lis."
Umiling ako sa isip nang makita ang tinutukoy ng babae. It's too coated with many diamonds. Baka hindi naman magamit ni Daddy.
Inikot ko pa ang tingin sa buong silid. Hindi ko namalayan na nakakalayo na 'ko nang makita ang nag-iisang ballpen sa may dulo. It has a simple design though it also has few jewels on it.
"La Modernista Diamond Pen," basa ko sa name plate na nakalagay doon.
"You want to take it?" tanong ni Mommy na nasa likod ko na pala. I smiled and nodded at her. Nilingon niya ang babae sa gilid namin. "We will take this," giit niya.
Naghintay muna ako sa may waiting area habang hinihintay si Mommy na magbayad. Nakapikit na 'ko nang biglang may pumisil sa pisngi ko at nakitang si Mommy iyon.
"Tara na," aya niya pagkabigay sa'kin ng maliit na paper bag. "Mag dinner na muna tayo. Sina Daddy mo kumain na 'yun." tumango ako sa sinabi niya at sumunod papunta sa resto. "Pinakbet and Adobo," order niya pagkalapit sa amin ng waiter.
"Mommy oh." she raised her eyebrow when I handed her the small paper bag I'm holding.
"Give that to your Dad. Ikaw ang pumili at nakaisip diyan kaya ikaw ang dapat na magbigay," anya habang tinutulungan ang waitress na nahihirapan sa paglapag ng pagkain.
Nagsalubong ang kilay ko. "Pera mo naman 'to Mommy," giit ko. She remained her look at me and shaked her head.
"You insisted on giving him a gift. Ikaw rin ang nakaisip na iyan ang ireregalo ang disenyo ng ireregalo mo. Money is everywhere but not the idea."
Sumimangot nalang ako dahil sa haba ng sinabi niya. ibigsabihin lang noon ay ako talaga ang dapat na magbigay.
"What's your plan for tomorrow?" tanong niya.
"I will clean of course. Sasabay nalang ako sa pagpasok ni Rayd, Mom. Tapos uuwi na 'ko," sagot ko.
She wiped her lips and nodded. "Isang side lang naman daw ng pader ang pinapapintura sayo. Only the one you vandalized at yung sakop noon. Sigurado namang hindi ka aabutin ng hapon niyan." tumango ako sa sinabi niya at kumuha ng juice. "When will you visit the village? Sabihan mo na si Kuya Damian para alam niya kung kailan ka niya ihahatid."
Napanguso ako sa sinabi niya at nag-isip. Hindi ko kayang magpakasaya kapag alam kong hindi ko pa tapos ang lahat ng gawain. Hahabulin lang ng mga responsibilidad ko ang pagpapakasaya kaya hindi rin ako makakapag-enjoy.
"Kapag natapos ko nalang po yung pagpipintura. Mahaba pa naman ang suspension ko. Mag-aaral nalang muna po ako para sa examination saka ko pupuntahan yung lugar," sagot ko.
Napalabi siya sagot ko at tumango. "Okay. If that's what you want, sige. Tell me kung kailan ka aalis. Wag aalis nang hindi ko alam dahil baka kung anong mangyari sayo," masungit na sabi niya. Napanguso ako at tumango.
Bago kami umuwi at pumunta sa kotse, binilhan muna ni Mommy si Kuya Damian ng mamahaling pagkain galing sa resto. Habang wala kasi kami ay hinahayaan nina Mommy at Daddy na maggala ang driver para maglibang lalo na kapag alam namin na matatagalan kami. Pero mukha atang nahintay maghapon ang driver kaya binilhan na lang ni Mommy.
"Kuya, Shana will probably go at the village next week. The village you are pertaining to me last week. Pakisabi nalang po sa'kin at iuwi siya sa tamang oras," paalala ni Mommy dito. Ngumiti ang driver at tumango.
"Sige po Ma'am. Wala pong problema," sagot nito.
Natulog lang ako buong biyahe sa kotse. Nagising lang ako nang may pumisil sa pisngi ko.
"Siopao gising na. Ano magpapabuhat ka pa?"
Inirapan ko si Rayd saka kinuha ang mga gamit. Si Mommy naman ay kausap si Daddy habang buhat niya si Hace.
"Oh," giit ko kay Rayd pagkaabot ng malaking box.
Umawang ang labi niya habang nakatingin sa'kin. Tinampal ko siya nang mahina sa pisngi saka siya nilampasan at sumunod kila Mommy.
"Rayd!" I shouted when he carried me like a sack.
"Ikaw ah. Napaka-sweet mo talaga kahit ang taray mo," natatawang sabi niya habang naglalakad.
"Rayd ano ba?! Ibaba mo nga ako!" sigaw ko ulit. Binagsak niya 'ko sa sofa. Tumakbo pa siya papunta sa second floor na akala naman niya hahabulin ko siya.
"Nagdinner na kayo?" rinig kong tanong ni Daddy kay Mommy.
Ngumiti ako pagkalapit sa kanila at yumuko ng kaunti. "Akyat na po ako. Good night," bati ko. Pilit akong ngumiti kay Mommy nang tignan niya ang dala kong maliit na paper bag kaya itinago ko iyon sa likod ko.
"Sige," sagot lang ni Daddy kaya humalik muna ako sa kanila ni Mommy saka pinisil nang bahagya ang kamay ni Hace saka pumunta sa taas.
Pagpunta ko sa kwarto ko ay napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa paper bag.
Paano kung hindi niya tanggapin? Baka magalit siya sakin lalo. Pero para sa kanya 'to. Sabi naman ni Mommy ibigay ko daw. Siguro sabihin ko nalang na inutos ni Mommy? Paano kung tanungin niya kung sino ang pumili? Sabihin ko si Mommy ulit. Sige na nga yun nalang.
Naglakas ako ng loob habang nasa tapat na ng opisina ni Daddy. Pakatok na sana ako ang biglang bumukas iyon at iluwa si Mommy.
"Nasa salas ang Daddy," anya at hinalikan ako sa noo saka umalis.
Napapikit ako sa kaba saka bumaba sa hagdan papunta sa salas. Nasa may bungad na 'ko ng salas nang makita siyang tutok sa pagbabasa. Mukhang busy pa siya.
"Bukas nalang," bulong ko sa sarili saka tumalikod.
"Shana?"
I gasped when I heard his strict voice. Huminga ako nang malalim saka siya nilingon. He's staring at me intently before looking at my paper bag. Tinago ko tuloy iyon sa likod kahit nakita na niya.
"Maupo ka," utos niya. Umupo ako sa may harapang couch habang naglilikot ang mga daliri. "What brings you here?" he asked in a monotone voice. Magkakrus ang braso niya habang nakasandal sa sofa.
Nilagay ko lamesa ang paper bag saka yumuko. "Uhh...a-ano po...pasalubong. K-Kasi sina Rayd meron k-kaya po...kayo din," pahinang pahina na sabi ko.
Pinalobo ko ang bibig ko nang taasan niya 'ko ng kilay. Kinuha niya ang paper bag at binuksan iyon. I swallowed hard when his eyes widened. Nag-iba rin yun agad saka napalitan ng kunot na noo.
"Who chose this?"
I swallowed hard at his question and bit my lip before answering. "Ako po." Napalabi siya at tumango. Nanatili lang akong tahimik habang panay ang likot ng mga daliri.
"Sumunod ka sa akin."
Tumayo agad nang maglakad siya sa papuntang kusina. Sinenyas niyang umupo ako sa may countertop kaya sumunod naman ako. I furrowed when I saw him preparing milk.
"Drink this," sambit niya. Umupo siya sa harap ko kaya naman ininom ko nalang agad ang gatas. "Sorry." Nagulat ako sa sinabi niya. Sa huli ay ngumiti nalang ako at tumango.
"Ayos lang po," sagot ko. He sighed and shook his head.
"I know I made you uncomfortable. Alam kong nalulungkot ka at hindi mo masabi sa kahit sino. I just want the best for you and I think...mali yung paraan ko. I'm sorry."
I smiled again. "Ayos lang po. Mali din naman po yung ginawa ko. I just can't help it. I'm sorry too," giit ko. He smiled at me and nodded.
"Ako na ang magsasama sayo papunta sa village. Nalaman ko kay Kuya Damian ang pinag-usapan nila ng Mommy mo. Ayos lang ba?"
My eyes widened and nodded many times. "Sige po," I said happily. Tumayo siya at hinalikan ako sa noo.
"Matulog ka na. Ako nang maghahatid sa inyo ni Rayd bukas," giit niya. "And by the way, I love the pen. Ilang beses akong naghanap ng gano'n dati."
I nodded again and smiled before going to my room. I made my night routine perfectly happy before going to sleep.
To be continued...😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro