Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: Gym

.

Another boring day of life. Lumabas ako ng kwarto papunta sa balcony. The cold breeze of air met my body. Umupo ako sa may couch. Naalala ko yung kagabi. Ang sarap sa pakiramdam. Parang may naalis na sakit. Pero may titira parin. Totoo pala talaga na hug is the best cure of all.

I sighed and took my phone. Plano kong lumabas ngayon. Pero siyempre as usual mag-isa. Si Ate Zia naman kasi, gusto ko siyang yayain. Kayalang sa pagkakaalam ko, ang mga grade 11 ngayon ay busy. Ayoko namang maging istorbo.

Naligo na lang ako at nagbihis. I wear my blouse and highwaisted pants. Dinala ko rin ang jacket ko dahil medyo maulan ngayon.

"May lakad ka?" tanong ni Rayd nang makasalubong ko.

"Oo," sagot ko.

"Wala kang kasama?" tanong niya. Inakbayan niya pa 'ko saka kami bumaba.

"Ako lang. Gusto mong sumama?" I asked. Tumango naman siya pero nakanguso.

"Oo. Kayalang may group study kami." Tumango lang ako sa sinabi niya. Pagpunta namin sa hapag-kainan nandoon na agad sina Mommy at Daddy.

"Good morning!" bati ko sa kanila at ngumiti. I gave them a good morning kiss before sitting on my chair.

"Saan ang punta mo?" tanong ni Daddy.

"Sa resto po nina Tita Kenzie. Ta-try ko po," nakangiting sagot ko.

Kinabahan ako nang kumunot ang noo niya. "Ikaw lang mag-isa?" napanguso ako at tumango. "Bilisan mo lang. Kakain ka lang pero uuwi na agad," giit niya.

Napasulyap ako kay Mommy at nahuli ang titig nito sa'kin. I chinky smiled at her before eating.

"How about you Rayd? May lakad ka rin?" tanong ni Daddy kay Rayd. Pinagmasdan ko si Daddy. I smiled secretly when I saw his eyes. Kapag si Rayd ang kausap niya malumanay ang mata niya. Kapag ako, parang nawawalan agad siya ng gana.

"May group study po Dad," sagot nito. Ngumiti si Daddy sa kanya.

"Shana?" napatingin ako kay Mommy nang tawagin ako nito. She's just staring at me kaya nagsalita na 'ko.

"Bakit po?"

She sighed. "Aalis rin ako. Sumabay ka na sa'kin mamaya." Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Sa huli ay tumango nalang ako.

"Saan ka my love?" tanong ni Daddy.

"Bibili ng damit ni Hace. Wag ka nang sumama."

"Kakabili lang natin last week ah," reklamo ni Daddy.

My Mom glared at him. "Bibili ulit ako," sagot nito.

"Sasama ako kung ganon. Baka mawala si Hace. Saka...'di ba magreready ka pa sa presentation bukas?" umiling agad si Mommy sa sinabi niya.

Why do I feel like she wants to be with me so I won't feel alone?

"Mom, ayos lang po. Kaya ko naman. Mabilis lang po ako. Mga thirty minutes nakauwi na ko," giit ko. Ayan na naman yung titig niya sa'kin na hinahalukay pati kaluluwa ko.

"I will move my presentation then," she said. Napalunok ako.

"My love, sabi mo lang sa'kin kahapon excited ka sa presentation?" tanong ni Daddy.

Mommy shook her head. "Basta. I will do what I want. Don't control me," sagot nito. "Ikaw muna magbantay kay Hace."

Napayuko ako. Pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit pa sila nagtatalo.

Matapos kumain ay dumeretso ako sa kwarto ko. Nagsulat nalang ulit ako saka humiga sa kama. I keep on thinking if I should tell Mom. Pero baka mag-away pa sila ni Daddy sa'kin.

"Shana?"

Nagising ako sa tawag na iyon ni Mommy. Inayos ko ang sarili saka kinuha ang bag ko at lumabas. I smiled seeing her outfit. Pareho kami ng style. A fitted tshirt top tuck in to a high waisted pants. Nakasuot rin kami ng plaid loose shirt.

"Tara na," yaya niya.

"Saan po tayo Mrs. Lee?" tanong ng driver.

"Skulza Restaurant," sagot nito.

Tahimik lang ako buong biyahe. Nakatingin lang sa may labas. I'm a loud person. Sinasabi ko ang gusto kong sabihin pero kapag patungkol na sa nararamdaman ko hindi ko magawa. It was like there's a high wall in my heart. A boundary to stopped myself from talking about myself.

"Shana?" napatingin ako kay Mommy. Tulad ng inaasahan ay nakatitig na naman siya sa'kin.

"Bakit po?" tanong ko.

"Anong...nararamdaman mo?" natigilan ako sa tanong niya. Naglikot ang mga daliri ko kaya tinakpan ko yun ng isang kamay saka ngumiti.

"Ayos naman po. Masaya," sagot ko. She stared at me. Nagpakawala siya ng buntong hininga.

"Hindi naman eh," natawa ako sa sinabi niya at umiling.

"Totoo po. Akala ko kasi ako lang kakain mag-isa. Niyaya ko po kasi sina Kensley at Yra kayalang..."

"Kayalang?" I smiled and shooked my head.

"May lakad po silang lahat," sagot ko nalang. I want to say that my friends are in their family day. Kayalang baka isipin niya na naiingit naman ako.

"Saan mo pa gustong pumunta pagkatapos?" tanong niya.

I pouted. Hindi ko alam. Dahilan ko lang naman na gusto kong kumain sa labas dahil baka sakaling pumayag siya pati si Daddy para may family day rin kami.

I shrugged. "Ewan ko po. Sa bahay na lang siguro," sagot ko.

"Gusto mo maggym tayo?" umawang ang labi ko sa sinabi niya.

Gustong-gusto kong maggym kasama siya dahil sa mga nakikita kong pictures niya sa albums. Nag-paturo pa nga ako kay Tita Kenzie para doon.

Napanguso ako sa huli. "Wag na po. Baka umiyak yun si Hace kapag nagtagal pa tayo. Bili nalang tayo ng pasalubong kina Rayd saka kay baby," sambit ko. Hindi siya nagsalita kaya ngumiti ako. "Gusto ni Rayd ng cake. Eggpie. Tapos kay Hace gatas 'di ba po?" tanong ko. She sighed and nodded.

Sumandal nalang ako sa may bintana at hinawakan ang kanang kamay na panay ang likot dahil sa bigat ng pakiramdam.

"Nandito na po tayo."

Lumabas na kami ni Mommy. Kinausap naman muna niya ang driver saka kami tuluyang pumasok sa loob.

My jaw dropped open when I saw the interior design. It has a concept of nature and modern industrial elements in harmony, intertwined with the best of both Filipino and French design. Natural and mood lighting, the masterful use of space and height, and the fusion of natural elements such as water and fire, all come together in a striking interplay of aesthetics that's uniquely stunning, and distinctively fascinating.

"Alisha Viviana Lee," giit ko sa lumapit sa amin. Iminuswera nito ang upuan kaya umuoo na kami.

"May I have your order?" I smiled at the waitress.

"Uhh...this one. Marinated Gambas and beef salpicao," giit ko. Ngumiti naman ito saka nagtipa sa iPad. Kahit ang paraan ng pagkuha nila ang high-tech.

"This Nacho Deluxe and Salad," giit naman ni Mommy. Nang umalis ang waitress ay kinuha ko na ang phone ko at magtake ng picture.

"Mommy smile," giit ko. I chuckled when she furrowed. "Ngumiti ka Mommy," pilit ko. I smiled when she smiled sweetly. "Tayo naman."

I took many selfie of us before deciding to post it. Pero, pipindutin ko na sana ang 'done' nang matigilan bigla. Maybe I should just post this in my story. Gusto kong kapag nagpost ako kumpleto kaming lima.

Nilagay ko nalang sa IG story at Facebook. Tinuloy ko parin ang pagpost kanina kayalang sinet ko naman sa 'only me' para kahit paano may remembrance.

Nasa gitna ako ng pagsoscroll nang tumunog ang notification ko. My lips parted when I saw that Mommy tag po on post. It's me while scrolling on my phone. I look so happy there like I have no problem.

My treasure I love you

I just reacted a 'care react'. Tumingin ako kay Mommy at ngumiti rito nang mahuli ang tingin nito sa'kin.

"These are your orders Ma'am. Enjoy." I bit my lip to stop my cravings. Pero hindi ko na napigilan at kumain na agad.

"Eat slowly," sambit ni Mommy. Tumango lang ako at nagpatuloy.

"Mmm...taste this Mom. You will love it," giit ko saka siya nilagyan ng hipon sa kutsara. Binigyan niya din ako ng salad. Nangunot ang noo ko.

"Eat the veggies Shana."

I chuckled and nodded. Nasa gitna kami ng pagkain nang tumunog ang phone niya. Nakapalag iyon sa lamesa kaya nakitang kong si Lola Amira ang tumatawag.

"Yes...Sorry I'm with my daughter...opo...gano'n ba?.. It's okay...I will move my presentation next week nalang po...opo...sige...thanks bye..."

"Baka po hanap na kayo. Uwi na tayo," giit ko. Ngumiti naman siya at umiling.

"Punta tayo sa gym," she said, smiling.

"Okay," sagor at kumain.

"You want to be an archi?" tanong niya bigla.

"Opo. I want to design a house," sagot ko. She smiled.

"Architecture was my second option kung hindi ako magiging teacher dati." Tumango ako sa sinabi at nakinig. "I love to draw. Araw-araw na sa rooftop ako ng CNHS dala ang sketch pad at lapis," she uttered. Kita sa mata niya ang kinang na tila ba natatandaan bawat detalye noon.

"Bakit po kayo nagteacher? 'Di ba, architecture ang gusto niyo? Kahit ang mga subject na tinuturo hindi related sa Arts," ani ko. Ngumiti siya.

"I don't know. It just hit om me. Parang tinamaan ako ng pagiging teacher. I want to teach. Kahit strict. Magaan sa pakiramdam kapag may natutununan ang estudyante." Tumango ako.

"Ako din. Gusto ko mag architecture. I want to draw. It lessen my stress," sambit ko. Ngumiti siya.

"And drawing and painting the school wall is good?" natatawang tanong niya kaya napanguso ako. "I understand why you always do that, Shana. Hindi ko alam ang dahilan mo pero alam kong may nababawas sa problema mo kapag ginagawa mo yun. I'm not mad. It's just that, pwede bang wag sa school?" napanguso ako at tumango.

"Okay po..." sagot ko. Pinagsama niya ang plato namin at ngumiti ulit.

"You know our driver? Si Kuya Damian?" nangunot ang noo ko at tumango. "He talked to me. Mukhang hindi niya kinaya ang mga issues mo sa school kaya may inalok siya sa'kin."

"Ano po yun?" I asked curiously.

"They live near Kawit, Cavite. Maraming abandoned house doon. You know? I looked at the place already. There are many abandoned houses but the place are colorful because of drawings and paintings," giit niya.

Malapit lang sa amin ang lugar kung iisipin. "I want to checked on it," giit ko kaya napangiti siya.

"Malapit lang yun. You can ask me kung kailan ka pupunta para samahan kita." I smiled and nodded again.

"Thank you," I uttered. She smiled.

"Just make sure that you will study well. Wag mo nang hayaan na masuspend ka. And your Dad...ako nang bahala at kakausap do'n. Just do what you want basta sabihin sa'kin para hindi ako nag-aalala."

I smiled again. Hindi ko akalain magiging masaya ang brunch na 'to para sa'kin kahit dalawa lang kami.

"Lakasan mo pa."

I punched the bag hardly while panting. Matapos kumain ay dito na agad kami dumeretso sa gym.

"Break time. Let's do fencing later on."

Hinihingal akong umupo sa sahig at uminom ng tubig. Napaangat ang balikat ko sa gulat nang bigla akong lagyan ni Mommy ng sapin sa likod.

"Rayd will be mad kapag nagkaro'n ka ng ubo," sambit niya. Natawa kaming pareho.

Rayd wants to be a doctor. But he wants to be a Psychiatrist. Pero kapag na sa bahay na kami, he served as our family doctor. Not just on a behaviour but also on health. Kaya tuwing iniisip ko ang gusto niyang propesyon, mas nag-iingat ako sa mga kilos at sinasabi ko. Pakiramdam ko kasi malalaman niya agad ang nararamdaman ko.

"Ano? Kaya mo pa?" tanong ni Mommy. She rolled her eyes when I smirked.

"Syempre naman," I said in a boast manner.

She grabbed my hand and pulled me up to stand. Inabot niya sa'kin ang espada saka siya nauna sa matching ring.

"Remember what I told you back then?" tanong niya.

"Don't listen to your opponent. Look at their eyes and think," sagot ko.

I furrowed when she attacked me. I extended my sword arm fully while my back leg remained stationary as my front leg moved forward.

She remained serious while looking at my eyes and moving backward because of my attacks.

I gasped when she blocks my lunge and started hitting it while her arms are on a straight way. Panay ang atras ko dahil baka umabot na sa kamay ko ang blade niya. I did a riposte on her attacked. Napangisi ako nang matigilan siya pero agad din siyang umatake nang mabilis. We keep on moving backward but will also move forward. Sobra na ang pagod ko pero parang ayaw niya 'kong tigilan. Mas lalo pa nga ata niya kong inatake.

"Mom!" I hissed when she continued attacking me. Kaunti nalang didikit na 'ko sa corner.

She didn't listen. Mukhang tatapusin na niya 'ko sa tiyan nang umikot ako at mapunta sa likod niya. I chucked when I place my sword's blade in her neck.

To be continued...😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro