Chapter 36: Fiance
.
Lola's words made me motivated to fight for our love even more. Siguro matutunaw rin yun. We just need to show how we love each other. Na masaya ako kasama siya.
"Hace?" I called. Buong hapon kahit nang maggabihan hindi niya 'ko pinansin.
"Need something?" he asked boredly. Naka head phone pa siya.
"Usap tayo," he sighed and opened the door to welcome me. Umupo ako sa kama niya habang siya naman ay gano'n rin. "Bakit galit ka?" tanong ko.
"Natatakot ako sa kanya Ate. Paano kung iwan ka ulit no'n? Ano nang mangyayari sayo?"
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya at ngumiti. "Hindi na 'yun mauulit. Saka kung maulit man...i already know my worth. Kaya ko na. I can already love myself kahit masakit," sambit ko.
"Ate...I was three years old when I saw the weakest part of yourself. Nagagalit ako kay Kuya Archie kasi hindi ka niya sinamahan. Iniisip ko kung paano kung nasa tabi ka niya, gagawin mo kaya yun? Hindi naman 'di ba?"
My tears fall at what he said. "Ayos na 'ko. Tapos na 'yun. Wag mo nang alalahanin yun."
He sighed deeply. "Tulad mo po, sa lahat ng lalaki sa buhay ko siya yung pinaka paborito ko. We are not blood related. Mababaw isipin na kaya ko siya paborito dahil pinapayagan niya 'ko sa lahat ng gusto ko pero...paborito ko siya kasi hinayaan niya 'kong maranasan yung iba't ibang bagay ng nakangiti. Hindi katulad nila Kuya Rayd na madalas inis."
I smiled. Understanding what he said.
"I didn't want to go to school back then. But he taught me to study in the sweetest and calmest way. I want him for you because I can see how he loves you. The way he protects you. Na handa siyang tumalon mula sa tulay para puntahan ka pero...nagbago yun noong naniwala siya sa nakita niya nang hindi ka kasama."
"Hadrian..."
"Ate...I can't trust him anymore. If he did it once...he can do it twice. If you did what you did back then more than twice...baka wala ka na?"
I can't help but to hug him. Naintindihan ko siya. I really understand him but I love my man. Kung itong dahilan nila ang hahayaan kong maging dahilan ko...baka magsisi lang ako.
"'Wag na siya Ate. Iba na lang. 'Wag na po."
I tapped his back. Umiiyak siya. Kung pwede ko lang tanggalin sa utak niya ang nangyari sakin noon ginawa ko na.
"Masaya ako sa kanya Hace. Sobra. I can't take away my feelings for him. Pakiramdam ko...yung sakit na mararamdam ko kapag nangyari yun...higit pa sa naramdaman ko noon."
He just cried all night in my arms. Nakatulog siyang umiiyak. I stared at him while he's sleeping. He's still 14 years old. Iniisip ko nalang na kapag tumanda pa siya maiindihan niya 'ko. I'm lost, I was hurt, and that pain in the darkness made me suffer for years. Dagdag pa na nakita niya ko noon sa murang edad kung paano ako sumuko.
I closed my eyes and placed my hand on his head.
"Take away my brother's pain. Help him forgive the people who made him in pain. Thank you for giving me a brother who loves me so much. Wala na 'kong mahihiling pa kundi yung pagpapatawad nila. In Jesus name I pray...Amen."
Lumipas ang gabi na yun na magaan ang pakiramdam ko. Magkaiba ang sakit na naramdaman naming lahat. Their love for me affected them too. Kaya alam kong mahihirapan talaga sila. But...that didn't stop me from loving the person I love. Lilipas rin yun. Alam ko.
"Ingat ka," paalam ko kay Hace. Ngumiti lang ito sakin. Hindi na 'ko pumasok sa hotel suite nila nina Lola kasama sina Daddy at dumeretso na sa trabaho.
"Ano? Ayos ka lang?" tanong ni Kuya Carter. Sa pamilya ko...siya lang at sina Tita Chloe ang tanggap si Archie.
"Magiging ayos din. Tiis lang ng konti." Ngumiti siya sa sinabi ko.
Nagpatuloy na 'ko sa trabaho. I smiled when I finished one of my projects. Gusto ko na sanang gawin ang sa Central Tower kayalang sa isang taon pa naman iyon. Ang ginawa ko na lang muna ay ang meeting ko sa may Brazilian steak.
"Kuya, sino ba 'tong kikitain ko?" tanong ko habang pinapakita sa kanya ang clearbook.
"Ahh...about that, the meeting place changed. Sa GCT kayo."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Grand Central Terminal?" tanong ko. Tumango lang siya habang busy kaya umalis na 'ko.
Napabuga ako ng hangin habang hawak ang clearbook na walang lamang dokumento kundi bond papers lang.
"Hello my love?" sagot ko sa tawag ni Archie.
[I love you!] natawa ako sa sigaw niya.
"I love you too. Miss me?" I asked. Nagpark muna ako sa parking lot saka inayos ang heels ko.
[Oo. I have a meeting today. Baka nandito na siya.]
"Okay. I have a meeting too. Bye muna," paalam ko.
[Okay baby. Love you ulit]
I chuckled while walking. "Sige na. Love you too."
Pagpasok ko sa loob ay medyo maraming tao. Hindi ko akalain na ang client ngayon ay gusto sa maingay na lugar tulad nito.
The ambiance of golden yellow surroundings. Umupo ako sa may upuan sa may gitna habang naghihintay ng kliyente.
Me: Kuya Carter, tell me something about the client. Baka ma misinterpret ko.
Kuya Carter: Loves you.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Magtitipa pa sana ako nang may makitang dalawang sapatos sa sahig. I blinked multiple times when I saw Archie. He's just looking at me like nothing.
"Ikaw yun?" tanong ko. He pouted and nodded.
"I need your opinion in building my house."
Umupo siya sa tabi ko at binigay sakin ang isang clearbook. "Baka wala na namang laman 'to ha," konklusyon ko. Ngumisi siya.
Tinignan ko ang copy ng blueprint ng isang bahay. I furrowed when it looked familiar. Tuloy ay tuloy-tuloy kong binuklat ang clearbook. Nag-init ang ulo ko nang malaman na iyon ang drawing na dream house ko.
"Plagiarism 'to!" akusa ko. Tinaasan niya 'ko ng kilay.
"How can you say so? Nasa bahay ko yan. May pirma ko rin oh."
I bit my lip to stop myself from bursting. This is my work! Simpleng two story house na kulay pula at puti! This is my idea from my head to toe kaya bawal niya 'tong nakawin!
"This is mine. Kung gusto mong gawan kita...then i can make it for you. 'Wag mong kunin ang gawa ko. Walang jowa jowa dito sa ideya ko."
He smirked at what I said. Bigla ay naglabas siya ng cheke. "Regarding your idea, I can pay for it. Magkano ba? Name your price."
My lips parted. Lumalala ang kayabangan niya!
"Hindi ko binebenta ang pangarap ko Archaius," madiing sabi ko.
Nagsulat siya ng kung ano sa cheke at pinakita sa'kin iyon. My eyes widened when it's 5 million!
"Five million for your idea," giit niya saka nagsulat muli. "Another five million for the effort in writing," nagsulat ulit siya. "Another five million for the paper...and another five million for the time. Total of 20 million. Ako naman ang engineer niyan."
Siguro kung hindi kapit na kapit ang panga ko sa ulo siguradong nahulog na ito sa sahig hanggang sa magpagulong-gulong palabas para lang tumakas sa kayabangan nitong lalaki.
"Tang*na mo," mura ko. He chuckled.
"20 million. Give it? Or Take it?" natawa ako sa sinabi niya.
"Jowa ba talaga kita? Baka hindi ikaw 'yan ha?" naguguluhang tanong ko.
He crossed his legs and furrowed. "Ano? Decide. May meeting pa 'ko."
"Bakit ito pang bahay ko ang gusto? Ang yaman pero nagnanakaw ka ng ideya? Baliw ka ba?" nauubusang pasensya na tanong ko. He pouted.
"Time is running. Pakibilis."
Natawa ako ng sarkastiko. Ang kayabangan ng lalaking 'to ay nilampasan na ang langit! Pati ang sinkhole! At ang pinakahuling galaxy na hindi pa nadidiskubri nilampasan ng kayabang niya!
"Hindi ako mukhang pera. Alis na 'ko." giit ko saka tumayo.
"Alisha!" natigil ako sa paglalakad at inis siyang tinignan. Sa lakas ng sigaw niya ay napatingin sa amin ang ibang mga tao.
"If you're mad at me for not accepting your offer then it's not my problem anymore," walang emosyong sabi ko.
Nakapamulsa siyang nakatayo sa harap ko saka bumuntong hininga. "Then...accept my last offer."
Napairap ako sa sinabi niya. "It's my house design, Archaius. Pwede kitang gawan kung gusto mo." He pouted at what i said.
"Then...could you accept my marriage proposal to you?"
"Huh?"
Pinagkunutan ko siya noo sa sinabi niya. Marriage means legally or formally recognized union of two people as partners in a personal relationship. And proposal means an offering of marriage.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong bang sinasabi nito? Kanina lang pineperahan niya 'ko tapos ganito ang gagawin niya.
"Will you marry me?"
My knees trembled at his question. Bigla pa siyang lumuhod at naglabas ng maliit na box. I swallowed when he opened it and saw a sparkling ring.
An orchestra around us played a song. Hindi ko na maisip yun dahil sa kakatitig dito sa harap ko.
"Shana...can you live a life with me? Can you let me live in your dream house? Can you let me protect, love, take care, cook and sleep with you legally in your whole life? Can we stay together? I promised not to leave you anymore. I promised you I would love you more than myself. I promise to give you more than anyone can give."
I just stared at him. Ang hina ng utak ko. Ang bagal bigla kaya patuloy na pinoproseso sa utak ko ang sinasabi niya. Is he asking me to be with him until the end? Is he asking me to be him with our future kids? Is he asking me to sleep and wake up with him every morning and night? Is he asking me to take him as my husband soon legally and in heart?
Is he asking me to marry him?
"Baby...I love you. And i can't let you go anymore. Will you...marry me, my love?"
Millions of imaginations in my head, marrying, living, and being happy with him flash on my mind. Nang maproseso na sa utak ang mga sinabi niya ay dumagundong ang puso ko sa bilis.
I want his idea too. Gusto ko din yun. I want to be him...the rest of my life. In the light...and in the darkness.
"Archie..."
He smiled at me. "Will you marry me, Shana?"
Tumango ako sa sinabi niya. "Oo naman."
He inserted my ring finger it. Natawa ako ng yakapin niya 'ko nang mahigpit. "I will prove to your family that I won't break your heart anymore. I'll stay with you. Even during the collapsing sky."
The feeling of happiness filled my heart. Yung saya na pangarap ko dati. Na kahit anong mangyari, na kahit anong problema, magiging masaya ako.
"Babe!" Napatingin ako kay Archie nang magsalubong bigla ang kilay niya. Ngumiti sa kanya si James saka bumaling sa'kin. "Did you eat?" tanong niya. Sumama pa siya saming dalawa ni Archie sa may elevator.
"Not yet," sagot ko. Tumikhim si Archie habang todo naman ang ngiti sa'kin ni James.
"Who is he?" tanong ni James.
I smiled and showed him my ring finger. "Fiance," I answered. I chinkied smile at him when his lips parted.
"Fiance?" tanong nito.
"Yeah," sagot ko. Dahan-dahan siyang tumingin sa lalaki. Nagtaka ako nang bigla itong magpipindot ng kung ano-anong numero na parang nakakita ng halimaw. "What did you do?" tanong ko kay Archie.
He pouted and shrugged. "I smiled at him like he did to you."
I furrowed my eyebrows. "For sure that was creepy. You made him run." Natawa siya sa sinabi ko saka humawak sa bewang ko paglabas.
Pagpasok namin sa opisina ko ay umupo ako sa couch nang may maisip. "Uwi tayo sa Pilipinas," sambit ko.
Nangunot ang noo niya. "You told me you want to be here." Tumango ako.
"Maybe i'll change my mind. Alam mo na, baka nasanay lang ako dito. Isang buwan lang naman." tumango siya sa sinabi ko.
"If that's what you want then...okay." I smiled and kissed him on his lips.
"I love you," sambit ko.
"I love you too."
To be continued...😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro