Chapter 33: Office
.
"Wahhhhh!!!"
"Shut up! You are too noisy, bitch!" I shouted. Kanina pa 'ko naiinis dito sa babaeng 'to. Kakadating lang kagabi tapos mag iingay lang pala sa bahay ko.
"Nakakatakot! Nakikita ni Rayd yung ginagawa ko kahit malayo siya!!!"
Binato ko na siya ng unan. Kauma-umaga nagising ako sa ingay ng bunganga niya. "Can you shut your mouth? Didikitan ko na ng masking tape yang bibig mo," banta ko. Nagpagulong gulong siya sa kama ko habang nakatingin sa phone niya.
"How did he find out that I was in the restaurant yesterday? Hindi ko naman sinabi dahil ang bilis ko lang?" tanong niya. I covered my face with a pillow so I wouldn't hear her voice.
Kakagaling ko lang ng bar kagabi and i still have a hangover. Gusto kong matulog pero parang ayaw ng kaluluwa ni Yra.
"Labas tayo Shana."
Tumalikod ako ng higa para hindi siya marinig. May trabaho pa 'ko at isang oras na lang mag aalarm na ang phone ko.
"Ikaw na lang," sambit ko.
"Dali na! 'Wag ka ng pumasok! Tour mo 'ko rito sa New York. Hoyyyy!!!"
I calmed myself. I breathed deeply, pulling all of my patience for her. Apat na taon na mula noong umalis ako. Madalas na naman si Yra dito kapag November at birthday ko pero kung makaakto siya parang hindi kami nagkikita palagi.
"I have work!" I shouted too. Nag iyak-iyakan na lang siyang parang bata. I continued my beauty sleep. Buti na lang at pinatulog naman niya 'ko kaya kahit paano maganda ang gising ko.
"Sama ako sa work mo. Pwede kaya yun?" tanong niya habang kumakain kami.
"I think so. Basta doon ka lang sa office ko. 'Wag kang lalabas."
Napairap siya. "Sama ng ugali mo. Ginawa mo 'kong batang paslit sa ibang bahay."
Natawa na lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos ay naligo na agad ako dahil five minutes na lang late na 'ko. I wear my black turtleneck and slacks. Binitbit ko na rin ang suit ko saka hinila ang buhok ni Yra habang panay ang tiktok niya.
"Puta ka talaga," bulong niya. Natawa ako saka pumasok sa kotse para magdrive paalis. "Kailan uwi mo? My baby wants to see you," sambit niya habang panay ang picture.
"Who's baby?" tanong ko.
"Alaric and my husband Rayd." Tumango ako sa sinabi niya.
"Not sure. Wala pa sa plano ko." Inismiran niya 'ko sa sinabi ko.
"Apat na taon ka na dito. Wala ka pang balak umuwi?"
Tumango ako sa sinabi niya. Kung pwede nga lang na dito tumira ginawa ko na. Nakaapat na taon na 'ko. Pwede na 'kong kumuha ng American citizenship pero inaalala ko pa ang pamilya ko.
"Gusto ko na dito Yra," sambit ko. Napanguso siya.
"Ikaw bahala."
Napabuntong hininga ako sa sagot niya. Mula sa unang araw ko rito ay naisip ko na agad na tumira dito bilang permanent citizen. It's just that, my family. Si Hace na alam kong miss ako palagi. Gano'n rin sina Mommy at Daddy na madalas man bumisita kada buwan, alam ko parin na iba yung doon na talaga.
"Babe!"
Nasapo ko ang noo nang marinig ang boses na iyon. Yung lang ang ayoko rito. Ang palagi niyang pagtawag sakin ng ganoon.
"Gosh, sino 'yang afam na 'yan?" bulong ni Yra saka ako binunggo sa balikat.
Tinignan ko ang lalaki at pilit na ngumiti. James Miller. Madalas niyang sinasabi na girlfriend niya raw ako kahit hindi naman. Minsan lumalayo ako lalo na noong una. Pero wala naman siyang ginagawang masama kaya hinayaan ko na lang.
"Kumain ka na?" tanong niya. Diretso na siya kung mag tagalog.
"Yup," sagot ko lang saka pumasok sa elevator. Ramdam ko ang tingin ni Yra sakin. Pumwesto pa siya sa gitna namin para hindi kami masyadong malapit ng lalaki. Tuloy natawa si James.
"Hoy...kaya ba ayaw mong umuwi dahil sa kanya?" patay malisyang tanong ni Yra pagpasok ko sa opisina.
"Hindi ah. I don't even love that man. Saka...he's just a friend," paliwanag ko habang nilalabas ang iPad ko.
"Shana, Pinapaalala ko lang sayo ha. Hindi lang pamilya at kaibigan ang naiwan mo sa Pilipinas."
"Alam ko po Doc," sagot ko.
"May connection pa ba kayo?"
Tumango ako sa tanong niya. "Tuwing birthday, Christmas, New year o basta kung anong celebration. Kahit nga holiday at araw ng patay meron," sagot ko. Umirap siya.
"'Wag mo 'kong sagutin ng ganyan. I'm asking you properly."
"Totoo naman kasi. Pakita ko pa convo namin sayo." inismiran niya lang ako.
It's true that we still have connections. Though hindi ganoon kadalas ang pag-uusap. Simpleng batian lang. Kung sinong mahuling magchat siya na ang magrereact sa message ng isa para tapos na agad. Minsan simpleng kamustahan. Pero ilang paalala lang tapos na ult. Tuloy lagi kong tinatandaan lahat ng holidays sa Philippines.
Huli naming chat ay yung birthday ko. Nagpadala pa siya rito ng box na may lamang pictures ng motor ko at mga paintings niya. I chatted him a simple 'thank you for your gift' and he replied 'always welcome :)' tapos finish na.
"Pero alam mo ba yung issue?" Natawa ako sa sinabi niya at umiling. Walang pinagbago. Tsismosa parin.
"Ano?" tanong ko.
She showed me a picture of my engineer. Nakahawak siya sa bewang ng babae. Wala namang caption si Archie pero ang mga comments ay hindi kaaya-aya.
Unknown: Hala!!! Bagay kayo!
Unknown: Engineer x CEO bet ko yannn!!!
Unknown: nako magaling tumayo yan este magtayo ng bahay
Unknown: puking mother bakit bagay kayo? S4mantalang ako parang hayop! Huhuness
"Ano? Uuwi ka na ba?"
Inis kong hinawi ang kamay niya nang paghiwalayin niya ang kilay kong magkadikit pala. Tatawa tawa pa siya kaya mas lalo lang akong naiinis.
I took my phone and went on his account. Since ang post niyang iyon sa facebook ay noong nakaraang apat na araw palang hindi niya masasabi na inistalk ko siya. In-unfollow ko kasi noong unang punta ko rito para hindi ako mapauwi bigla.
"Hoy! Anong gagawin mo?" gulat na tanong ni Yra nang pindutin ko ang comment section.
"Mag cocoment. Bakit masama?" Her lips parted. Kukunin niya sana ang phone ko nang ilayo yun.
Alisha Viviana: Invite me to your wedding! 😀
Tinago ko ang phone ko. Wala pang ilang minuto tumunog na aga iyon ng sunod-sunod.
Killian Hashton: Oh no
Yramina: Ako din! Kahit taga awat lang! Hehe gwapo
Carter: Tumunog notif ko bakit ganon?
Hace: Shanghai at the wedding < popcorn at the wedding watching action = war and heartbreak season 2
Kensley: Itigil ang kasal! Charot abogado pala ko HAHAHAHAHAHHAAHAH
Braxtyn: what's with that smiling emoji? So creepy
Sanrix: Ang ingay naman!
Napailing na lang ako kahit na natatawa. Itatago ko na sana ang phone ko nang manlaki ang mata ko sa gulat nang makitang nagreply si Archie.
Archie: our wedding*
"Wahhhhhh!!! Iba parin talaga magpakilig 'to si Chaius. Nakalimutan ko nang sinapak ko siya noon," natatawang sabi ni Yra.
Tumingin ulit ako sa reply ni Archie. Nagkaroon agad iyon ng 103 reacts.
I puffed my mouth to stifle my smile. Napailing na lang ako saka tinapos ang trabaho.
"Shana?"
Inis kong tinignan si Kuya Carter nang makita ang ngisi niya. Nakipag batian pa siya sakin bago niya binigay ang isang clear book.
"May trabaho pa 'ko. Para saan 'to?" tanong ko sa kanya.
"An engineer wants your opinion for his house. Ikaw na ang kumausap dahil natambakan na ng gawain ang ibang Architects."
"Kuya?" I frowned. Strikto niya kong tinignan.
"Madali lang yan at next week pa naman. Opinion lang ang kukunin niya sayo. And...yun lang. Tapos." Napairap na lang ako at tumango. Pag alis niya ay naiwan akong mag isa dahil sinama ni kuya si Yra para kausapin raw ni Rayd.
"What the hell is this?" inis na tanong ko habang hawak ang isang bondpaper. Wala nakasulat roon. Tinignan ko rin ang buong clearbook pero wala talaga 'kong makita maliban sa huling papel.
Meeting place: Brazillian steak house
Itinago ko na lang ang papel at nagpatuloy sa trabaho. Habang nagpapakabusy, pumasok sa silid ko ang secretary ko at ngumiti.
"There's an emergency board meeting, Architect Lee."
Tumango lang ako saka nag inat. Naglakad na 'ko papunta sa head office. Inis akong naglalakad habang panay ang sipa sa sahig dahil sa heels ko. Pilipit ata ang pagkakatali ko. Tuloy ay panay ang ayos ko doon hanggang sa buksan ang pinto.
"Architect?"
My eyes widened. Napatayo ako nang maayos nang makita ang lahat ng tao sa board meeting. Hindi ko namalayan na late pala ko. Though lagi naman akong late nakakahiya parin dahil nag aayos ako nang heels!
"Sor–
"Good–
Napaabante ako bigla nang bigla nalang may bumunggo sa balikat ko. Sa taas ng heels ko at hindi pa ayos ang pagkakalagay ay napatid na ko. Akala ko pa ay tatama ang noo ko sa lamesa nang bigla nalang may humila sa palapulsuhan ko kaya naman...tumama ako sa dibdib ng kung sino pagtalikod.
"Are you...both okay?" tanong ni Tita Chloe. Aalis na sana ko sa kapit ng lalaki dahil nakahawak siya sa bewang ko nang idiin niya pa iyon.
"We're fine."
I swallowed hard when I heard a familiar voice. Bigla nalang nagtambol ang puso habang pinoproseso sa utak kung sino ang nasa harap ko.
"Are you...okay?"
My lips parted when i saw his face. His eyes. Yung nag-aapoy niyang mga mta. His hair on a manly bun again. Parang gusto ko nalang mahimatay bigla.
"O...Oo."
Natauhan lang ako nang biglang may tumikhim sa likod. Napaharap ako sa kanila at biglang yumuko para magpaumahin saka pumunta sa upuan.
"Thanks," sambit ko sa secretary ko nang bigyan niya 'ko ng tubig.
Tumingin ako kay Archie. I can't believe he's here! Kanina lang nagcocoment pa 'ko sa picture niya tapos bigla nalang nandito siya.
"This is Archaius Hercules Zeus. He will be leading the Central Park Tower while Engineer Sanrix is not here."
Tulala lang ako sa ballpen na hawak ko. I can't process everything. Ang matalino kong utak ay nabobo.
"Architect Lee, anything to say?" napakurap ako sa tanong ni Tita Chloe. Tumingin ako sa lahat at nakita ang naghihintay nilang tingin habang si Archie naman ay nakatingin lang sa papel.
"Uhh...good?"
Gusto kong lumubog nalang sa lupa nang magkatinginan silang lahat. Gusto kong magtanong kung ano ba ang sinasabi nila dahil hindi naman ako nakinig.
"Okay. Since Architect Lee agreed with being partnered to Engineer Zeu–
"Ha?!" gulat kong tanong. Napatingin ulit silang sakin. Si Archie naman ay tinaasan ako ng kilay. "Happy. I-I'm h-happy."
Kung pwede ko lang ibalik oras bago ako mapahiya inayos ko na.
"As I was saying, since Architect Lee agreed with being part of Engineer Zeus' project regarding building and designing the Central Park Tower, this meeting is now adjourned."
Wala ako sa sariling lumabas ng silid pagkatapos. Gusto kong tawagan si Yra pero kakaalis niya lang para pumunta saglit sa ospital dahil sa kakilala niya raw.
"Excuse?"
Inis kong tinignan ang lalaki sa harap ko. "Excuse? Opisina ko 'to kaya ikaw ang umalis," mataray na sabi ko. He licked his lips and put his hands on his pocket.
"Then...let me tell you. Due to being a good listener in board's meeting a while ago... this will be my office too."
Natawa ako sa sinabi niya. Ano? Porket dito lang siya nagtatrabaho magyayabang na siya?
"Office ko 'to. And if you are really an engineer, siguro naman marunong kang magbasa na nandito ka sa architecture department?"
He smirked. Gusto ko siyang sampalin sa inis. "Hindi ka kasi nakikinig kanina. This will be my office. Kahit itano–
"Hindi na kailangan dahil magtatanong talaga 'ko!" sigaw ko saka tumalikod. Inis akong naglakad papunta sa opisina ni Tita Chloe. Sa ingay ng heels ko nadidistract ko lahat ng tao. "Tita Chloe, bakit nandoon yung mayabang na inhinyero na yon?!" inis na sabi ko.
Nagkatinginan sila ng asawa niya at ni Kuya Carter at sabay na natawa. "Walang pwesto sa engineering department Sha–
Hindi ko na pinatapos si Kuya Carter saka umalis. Nakakainis! Makakasama ko talaga ang mayabang na yun?! Nawala lang ako nang ilang taon ang yabang na niya!
To be continued...😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro