Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31: Back

.

"Ayos ka lang?" tanong ni Ian.

"Ayos na 'ko." Tumango siya saka tumitig sakin. Uminom lang ako ng tubig.

"May ginawa ba siya sayo?" umiling ako sa tanong niya. Tumango naman siya saka tumayo. "Tatawagan ko si Kuya Sanrix para makauwi ka na." Hindi na 'ko sumagot. Lumabas siya kaya ako na ang naiwan sa silid.

Umiling na lang ako nang maalala ang nangyari kanina. It was nonsense. Dapat kalimutan ko na siya.

Tumayo ako saka binuksan ang pinto sa banyo para sana magpalit ng damit. Pero napabuntong hininga ako nang nakalock iyon. Tuloy ay dito na lang ako nagbihis sa opisina ni Kuya. His office has no CCTVs. Ang pinto rin naman ay paniguradong lock dahil si Ian ang nahuling lumabas.

"Ang pangit," giit ko habang nakatingin sa salamin. My body has too many scars. Sa dibdib, sa likod, sa tiyan, sa balikat. Napailing nalang ako saka nagbihis. Dahil sa boredom inayos ko na lang ang shelves ni Kuya.

"Shana?"

Napalunok ako nang marinig ang boses na iyon. Nagpakaawala ako ng hininga saka nagpatuloy sa pag aayos ng libro.

"Shana...can we talk?"

Hindi ako sumagot. Hearing his soft voice...parang may alam siya. And i can't talk to him about that. Pakiramdam ko sasabog ako.

"What happened, Shana? Can you...explain it...t-to me?"

I want to laugh. Naalala ko kung paano ako nagmakaawang magpaliwanag sa kanya. The time I ran for him. The time in the pouring rain when I knocked on his door to beg.

"Umalis ka na," malamig na sabi ko. Nagkunyari na lang akong nag-aayos para hindi siya makita.

"I want to know. Hindi ko alam..."

"Kasi hindi mo naman ako pinakinggan," sagot ko. I saw his face. Ang lungkot niya. Parang guilty siya. Parang nagsisisi. "Wala ng saysay Archie. Wala ng halaga yun. Tapos na." umiling siya sa sinabi ko. Humakbang siya bigla nang umatras rin.

"Please? Shana. Makikinig ako. A-Ayokong maniwala sa iba..."

Tuluyan na 'kong natawa sa sinabi niya. "Do you hear yourself, Archaius? O nabibingi ka na naman?" inis na tanong ko. Napahilamos siya sa mukha saka ako mariing tinignan.

"Please...Shana. Dali na. I want to know. Bakit ka ganyan? What happened to you? Bakit takot ka sa dilim? Bakit ang dami mong peklat? Bakit...Bakit takot kang pumikit?" pilit niya.

"Umalis ka na," madiing sabi ko. Taranta siyang naglakad saka lumapit sakin. He hold me on my arms. Napaatras ako saka tinanggal ang hawak niya.

"Shana please. Parang mababaliw ako kakaisip. Everyone knows what happened. Ayokong maniwala basta."

"Pero yun ang ginawa mo dati 'di ba?" tanong ko. Napalunok siya. "Iniwan mo ko kasi naniwala ka sa iba." I sighed when he wiped the tears on his eyes. Sumandal ako sa lamesang nasa likod saka tumingin lang sa kung saan.

"Sorry," sambit niya.

Tears started forming in my eyes too. Kapag sinabi ko...kakalma kaya ako?

"Archie...iniwan mo 'ko kasi naniwala ka sa iba. Sinaktan mo 'ko kasi naniwala ka sa iba. Alam mo kung gaano kita kinakailangan no'n?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Natawa ako. "Ang daming lalaki sa buhay ko. Pero ikaw pa yung gusto ko dumating."

My tears fell while I'm looking at him. Yung matapang niyang mga mata...parang wala ng lakas ngayon.

"Ang dilim ng buhay ko Archie. Ang lungkot. Ang sakit. I live a life because of nothing. Kasi wala ka. Kasi hindi kita kasama. Yung pananatili ko sa impyerno ng isang buwan...sinira yung buhay ko." Napaupo siya sa couch at natutula lang. "Archie...mahal mo ba 'ko?" tanong ko. "I mean...minahal mo ba talaga 'ko?"

He looked at me with pain on his eyes. Na para bang sa buong relasyon namin noon...pinagdududahan ko.

"Kasi Archie iniwan mo 'ko. Hindi ka nakinig. At pinagsalitaan mo 'ko. Ang sakit isipin na yung...y-yung taong nagpapakalma sa puso ko...siya pa 'tong kinatatakutan ko."

He covered his face. It was like he didn't want to hear what I said.

"Archie..." tawag ko sa kanya saka sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "Akala mo ba...nagustuhan ko?" His adam's apple moved hard. "Hindi Archie." I didn't speak for a minute. Calming myself before to say the dagger words. "Archie...they raped me."

Napatingin na siya sakin. Walang emosyon ang mata. Parang pinoproseso kung anong sinabi ko sa kanya.

"A-Ano?"

Napatakip ako ng mukha nang humagulgol ako. "Ginahasa ako Archie. They tortured for a month!" i burst. Humawak ako sa may lamesa para suportahan ang sarili saka tumingin sa mata niyang bumubuhos na naman ang luha. "Kailangan kita! Gusto ko iligtas mo 'ko! G-Gusto puntahan mo 'ko! Gusto ko..." i paused. "G-Gusto ko yakapin mo 'ko."

"Shana..."

"Pero alam mo yung natanggap ko sayo?"I went closer to him and punch his chest. Napaatras siya sa lakas noon pero parang hindi na niya naramdaman. "Ang natanggap ko...panghuhusga mo, pananakit mo, pangtataboy mo."

Lumapit siya sakin. He tried to hug when I stepped back. "Sorry. Sorry talaga. Hindi ko...h-hindi ko alam–

"Kasi hindi mo 'ko pinakinggan! I want you there! Kasi sayo ako lang kumakalma! Sayo lang ako ayos! Kapag kasama kita masaya ako! Pero ngayon...wala na Archie." He shook his head. "I tried to kill myself many times." He looked at me with worry and pity. "I made everything to die Archie!"

"Shana please..."

"Tumawid ako sa kalsada, i drown myself, i jumped from a rooftop and...i hanged myself." Yumakap siya sakin. I gave my strength to push him. Humawak siya sa kamay ko at napaluhod na lang. "P-Pero lahat yun n-napurnada. All people who saved me...a-ang laging tanong kung...a-ayos lang ba 'ko. I want so bad to k-kill myself pero ayaw nila. Gusto ko ng mawala. Ang lungkot ko. Nagagalit ako sa sarili ko. Araw-araw gigising ako ng walang dahilan. Gusto kong magsumbong sayo pero–

"Sorry Shana. Sorry talaga..."

I wiped my tears. Tumingala ako para pigilan iyon pero hindi ko magawa. "Gusto kong magsumbong sayo pero wala akong magawa kundi...yung banggitin lang ang pangalan mo para kumalma ako."

Ang bigat sa pakiramdam. But... i also feel getting better. Parang may nawala na kung ano.

"N-Natatakot ako sa dilim A-Archie kasi...pakiramdam ko dadating sila. T-Takot akong p-pumikit kasi nakikita at naririnig ko sila. A-Ayoko na ng pakiramdam na yun. Gusto ko ng makawala. G-Gusto ko ng maging masaya pero hindi ko alam kung p-paano."

He stood up and hold me on my cheeks. Tumingin siya sa mata ko nang mariin saka nagsalita. "I'll stay with you. Hindi na 'ko aalis. Hindi na hmm?"

I shook my head and removed his hands. "Na...n-natatakot ako." His face softened. "Ayoko na. Nakakapagod. Pagod na 'ko Archie. Ayoko ng matakot." He breathed deeply and smiled at me.

"Hindi na kita sasaktan. I won't hurt you. J-Just...stay with please? Hindi na 'ko aalis. Pangako yun."

I breathed deeply and shake my head. "Umalis ka na lang. Itigil mo na. Tama yung dati–

My knees trembled when i felt his lips in mine. Humawak pa siya leeg ko saka ako marahang hinalikan. My heart started thumping when his hand crawled to my waist. Napapikit ako. But i gasped in fear when i closed my eyes.

"Pumikit ka. Nandito ako. Walang mananakit sayo." he uttered as he hugged me tightly. Pilit ko siyang tinutulak nang mapapakit na lang ako. My head started throbbing. Nanginginig rin ang kamay ko habang panay ang tulo ng luha ko.

"H-Hindi ko kaya..."

Humigpit ang yakap niya sakin habang hinahaplos ang likod ko. I hold to his shirt with eyes closed. Unti- unti...tumigil ang utak ko sa pag iisip ng kung ano. I remembered how happy i was. Since i was a kid. Yung kalokohan ko, kakulitan, kasiyahan, at iba pa.

"Dito lang ako."

New tears fall again. Parang tubig sa batis kung bumuhos ng walang tigil. I closed my eyes while my heart started to calm down. Napahigpit nalang ang kapit ko damit niya habang humahagulgol.

"Archie..."

"Hmm?"

"Bakit iniwan mo 'ko? Bakit mo 'ko sinaktan? B-Bakit mo sinabi yun? Ano bang k-kasalanan ko? Bakit...mo 'ko iniwan kahit...k-kahit na alam mong sayo lang kumakalma?" i asked desperately. He tapped my back calming me even more with eye closed.

"Sorry..."

"Akala ko...hindi mo 'ko iiwan. S-Sabi mo magkasama tayo palagi, sabi mo hahanapin lang kita magkikita na tayo. Sabi mo puntahan lang kita sa bahay mo...bubuksan mo yung p-pinto, sabi mo sabay tayo sa pangarap natin, sabi mo sakin poprotektahan mo. Sabi mo sasamahan mo 'ko. Archie...nasaan ka noong kailangan ko yung pangako m-mo? Nasaan ka noong kailan ko yung comfort mo? Nasaan ko nung kailangan ko yung yakap mo?"

All I want is to be with him forever. Yun lang ang gusto ko. Kahit hanggang ngayon. Yun parin. Hanggang ngayon siya pa rin.

"Sorry Shana," sambit niya.

I hugged him tightly. Not wanting him to let go. "Archie...ayoko na sa dilim. Ayoko na do'n. Dito ka nalang. Don't leave me please? Kasi ang sakit palagi. Parang blanko palagi. Wag mo na 'kong iwan. Tuparin mo yung pangako mo. I miss you."

He made me look at him. Habang umiiyak siya ay pinunasan niya ang luha ko at tumango. He gave me a kiss and hugged me again. "I won't leave my baby anymore. I promise you that."

I closed my eyes again and hugged him tight. I feel that I'm badly longing for his presence. For his kiss, hugs and words. Gumaan yung puso ko. Tumahan ang utak ko. I feel healed. Pakiramdam ko wala na.

"Shana?" boses ni Rayd sa malumanay na boses.

"Hmm?" I hummed, pinning myself harder to Archie's chiseled-chest.

"Uwi na tayo."

Tumango lang ako. Ayokong umalis. Ayokong matapos 'to. Pakiramdam ko mawawala na naman siya.

"Shana?" Tumingin ako kay Archie. Hinalikan niya 'ko sa noo at ngumiti. "Kita tayo bukas. Magpahinga ka muna." Napayuko ako sa sinabi niya. Inangat niya ang baba ko saka ako hinalikan sa labi. "Baby...i will wait for you tomorrow. Let's eat together."

I sighed and nodded at him. "Promise?" He smiled sweetly and gave me a kiss again.

"Promise."

Tumango lang ako saka sumama kina Rayd. "Flashlight mo Shana?" tanong ni Ian habang naglalakad kami.

"Ewan ko," sagot ko. Biglang bumukas lahat ng ilaw sa pasilyo. Ngayon ko lang naalala na blackout nga pala.

"Ayos ka lang?" tanong naman ni Kuya Carter pagpasok sa kotse. Tumango lang ako pumikit para matulog.

"Shana? Wake up. Magpahinga ka na sa kwarto mo."

Bumaba ako ng kotse at dere-deretsong naglakad papunta sa kwarto. Tinanggal ko lang ang heels ko saka dumeretso ng higa sa kama at tumitig sa kisame.

"Bubuksan ko ba 'tong ilaw Alisha?" tanong ni Kuya Sanrix.

"Wag na po."

Umupo ako sa kama pagkasara niya ng pinto. I hovered a gaze in my room and saw how dark it was. Ilaw lang mula sa maliwanag na buwan ang kita ko.

I hugged myself. Ang dilim ng langit. Walang bitwiin at mas lalong dumidilim dahil natatakpan ang buwan ng mga ulap. The sky is sad. Pero ako...kalmado na. I think of my past. Pero parang isang kwento iyon na hindi nangyari sa buhay ko. Kinapa ko rin ang tiyan ko at ang buong katawan habang nakapikit. I remembered again my hellish life. Pero wala na talaga.

"Shana, yung sa New York, sasama ka?" tumango ako sa tanong ni Ian.

Napag isipan ko na. I want to be healed. Completely. Yung alam kong dahil sakin. Hindi yung dahil lang sa kanya. Gusto kong pagalingin ang sarili ko. Yung walang guilt at walang galit sa sarili.

Tumingin ako sa lalaki sa tapat ng pinto ng opisina ko. Ang aga kong pumasok pero mas maaga siya.

"Good Morning," bati niya. Tumango ako.

"Sa rooftop ako. Saan ka?" tanong ko. Sa aga ko ay wala pa 'ko sa mood para tapusin ang trabaho.

"Sa rooftop din."

I nodded. Sabay kaming pumunta sa rooftop. Nagulat ako ng bahagya nang hawakan niya ang kamay ko pag upo sa upuan.

"Archie?" tawag ko. He smiled at me.

"Bakit?"

I sighed. "Aalis ako. For New York." Natigilan siya sa paghaplos sa kamay ko.

"Bakit?"

I smiled and held his hand tightly. "I'll do my therapy there. Doon rin ako magtatrabaho."

"Pwede sumama?" umiling ako kaya mas lalong nalungkot ang mukha niya. "Bakit?"

"Archie...i want to heal myself. Ayokong isipin palagi na gumaling ako dahil sayo. Gusto ko gumaling ako kasi alam kong kinaya ko." Napabuntong hininga siya at tumango. "Hindi ko alam kung kailan ako babalik. Pero babalik ako. Babalikan kita kung...may...babalikan pa nga ba ako sayo."

"Meron. Hihintayin kita. Yung susi ng motor mo na sa akin. Babalikan mo 'ko. Sabi mo." I smiled and nodded.

Tatlong araw ang lumipas. This is the day to leave. Iiwan ko kay Ian ang blueprint na gawa ko. Siya kasi ang maiiwan dito sa Pilipinas sa kanilang tatlong magkakapatid dahil sa personal niyang dahilan.

"I love you."

Ngumiti ako kay Archie at tumango. "I lo–

"Ibalik mo sakin yan kapag nakabalik ka na." Natawa ako sa sinabi at tumango. Natahimik kami nang marinig ang announcement ng flight ko. "Sige na. Mamimiss kita." He kissed me on my forehead. Inabot niya sakin ang bag ko.

"I'll be back. Siguraduhin mong hindi ka mambababae." banta ko.

Ngumiti siya at tumango. "Opo Ma'am. Kahit wala pa tayong label hindi ako mambababae." i chuckled.

Kumaway ako saka tumalikod. Hindi ko na siya nilingon. I just smiled while walking, feeling how happy I am to leave and be alive. May dahilan. At alam kong masaya ako.

"Shana." I gasped when he ran towards me. Napahawak ako sa dibdib niya nang halikan niya 'ko ng mariin. I closed my eyes. After years, dark has been my favorite.

Mula sa gulat ay tutugon na sana ako sa halik niya nang itigil niya iyon. I looked at irritatedly that made him laugh. "Kiss me back when you're back." Inismiran ko nalang siya. Sinenyasan niya 'kong umalis kaya napairap nalang ako bago tuluyang tumalikod.

I will be back. Just wait for it.

To be continued...😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro