Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29: Spilled

.

"Architect Lee!"

I stopped walking. I can't help but to massage my nose bridge because of irritation.

"What now?!" I asked. Annoyed again because of his face.

"Give me her number. Dali na!" sigaw niya rin sakin.

"I don't give my number to a stranger." Inirapan ko siya saka tumalikod. Kinuha niya sakin bigla ang kahon ko at hinarangan ako sa daan.

"Architect...ibigay mo nalang pwede?" nang-iinis na tanong niya.

"Attorney? Pwede wag kang makulit? Baka ma late ako. Saka...if you really want my bestfriend, then reach for her. Hindi yung ako ang inaabala mo," asik ko kay Uziel na kinanguso niya.

Uziel is an annoying attorney of my Kuya Carter's company. Siya rin ang ex ni Kensley at hanggang ngayon kinukulit ako ng lalaki para hanapin ang babae. He is important to me also. Mabuting kaibigan at syempre...guardian angel rin dahil siya pala ang nagligtas sa akin noon sa may rooftop bago noong tumalon ako.

"Saan ba kasi? Clue."

I smirked and chinky smiled at him. "Lowbrow." tinapik ko siya sa balikat saka siya nginisian. Kinuha ko sa kanya ang box ko saka sumakay sa kotse.

I pursed my lips and smiled at myself. Today is my new day as a licensed Architect. Yun nga lang...kabado. Kahit na kay Kuya ako magtatrabaho kinakabahan parin ako. Sa lumipas kasing mga taon...wala parin bago sa buhay ko. Walang kulang at walang nadagdag ka. My fears are still going wild. Pero hinahayaan ko na lang at nag iingat.

There will always be a time that i have to be in a hospital due to passing out because of my panic attacks. They said it's rare. Kaya mas naalarma sina kuya. Imbis tuloy na bumili ako ng sariling condo...tumira ako kasama sila.

"Shana..." yumakap ako kay Ian at inabot sa kanya ang box ko. "Musta?"

"Ayos naman." ngumiti siya sa sinabi ko saka ipinasok ang box sa loob.

"Your flashlight? Dala mo?" i smiled and nodded. "How about your pills? Baka ubos na daan tayo kay Doc. Zia." ngumiti lang ako sa sinabi niya at umiling.

"Pwede pa 'to. Hindi ko naman madalas nagagamit." He smiled and nodded at what i said.

Mabilis ang naging biyahe namin. Inakbayan pa 'ko ni Ian nang maramdaman niya siguro ang kaba ko. I don't know to myself. Hindi naman ako dating ganito. Halos lahat pa ay binabati ko. Mula lang noon taon na yun. Madalas akong makaramdam ng takot lalo na kapag hindi ko kilala.

"How are you?" tanong ni Kuya Carter. Ngumiti ako sa kanya at yumakap.

"Nervous." He patted my head and smiled.

"Kaya mo yan." Tumango lang ako sa sinabi niya.

Giniya niya ko papunta sa Residential designers. Ngumiti ako nang bahagya at tumungo. Siguro na sa mga 20 people sila dito. They are all smiling at me. Hindi ako makangiti ng maayos at nanatiling pilit lang.

"Architects...let me introduce to all of you. This is Architect Alisha Lee. Kayo na ang bahala sa kanya. Mapagkakatiwalaan ko ba kayo?" nakangiting tanong ni Ian.

"Oo naman Architect! Pwede humingi ng number?"

Napakurap ako sa sinabi ng lalaki. He looks jolly. Nakapuppy eyes pa siya. Pagtingin ko naman sa dalawang lalaki sa tabi ko ay parang pumapatay silang tumingin rito.

"Joke lang boss. Ito naman," giit niya. Napakamot pa siya sa batok saka ako kininditan.

Inismiran lang siya ni Ian saka muling nagsalita. "And since Architect Alisha will work here...I want to know kung sino ang may pinaka maliit na office dito. Alisha will be transfer there."

Tulad ng inaasahan ay nagtataka silang tumingin sakin. Sino ba namang aayaw sa isang malaking opisina 'di ba? Kayalang kasi...in my case I need to transfer into a small office habang inaayos pa ang isang opisina sa loob ng office ni Ian. Ayoko sa masyadong maluwag na lugar.

"Bakit Architect Hashton?" tanong nila kay Ian. Napataas ng kilay ang lalaki.

"Bakit bawal? Ayaw niyo yun? Malaking office sa inyo?" pagtataray nito. Nagkatinginan ang mga architects bago nagtaas ng kamay ang babaeng nakasalamin.

"Okay. Architect Villazer will be in Architect Lee's office. Villazer...ikaw na ang magsama dito kay Architect Lee," utos ni Kuya Carter. Ngumiti ang babae saka inayos ang salamin niya.

"Shana...just call me when you need something." Ngumiti ako kay Kuya saka yumakap sa kanya. Bumaling naman ako sa babae na kapalitan ko at tinulungan ito sa pag-aayos ng gamit.

"Architect...sigurado po ba kayo?" tanong nito sakin.

I smiled and nodded. "Oo."

Paglipat ng mga gamit niya at sinuri ko ang buong silid. Hindi naman gano'n ka liit. Size lang ito no'ng napaka laking banyo nila Mommy na kulang pwede ng isang bahay.

"Are lights working?" tanong kay Bian pagkatingin ko sa ID niya.

"Oo maayos lahat. Yung nga lang po...sa buong floor, dito madalas magbrown out. Pero last two months pa naman iyon nangyari. Dito lang talaga."

Tumango ako sa sinabi niya. Pagkaayos ng lahat ay lumabas na rin siya kaya nilinis ko muna nag siid. I placed my flashlights on my side table. Meron rin ako sa drawer. Flashlights served as my anxiety reliever. Though minsan parang kaunti lang ang epekto.

"Shana...this will be your work." Ngumiti ako kay Ian at kinuha ang clear book sa kanya. It's an urban houses in Pasig City. Kailangan ng renovation dahil parang gubat na kung tignan. "We will also visit that place next week with the engineers. Pumipili pa ng Engineer si Daddy kaya next week pa."

Tumango lang ako muli. New project as an Architect. Hindi na 'ko magtataka kung bakit kahit masaya ako parang may butas. It was like my happiness is the air in a balloon na may maliit na butas kaya sumisingaw.

"Sige. Thanks," sagot ko lang. Umalis naman siya agad.

Nagsimula na 'kong gumawa ng design. I sighed in my half hour when my mind started slipping away again. Mula sa pagkakaroon ng masipag na utak unti-unti iyong dumulas at napalitan na naman ng kaba at lungkot.

"Kailan ba?" tanong ko sa sarili.

I don't know when this will end. Yung takot ko sa lahat. Yung kaba, yung lungkot at yung paggiging iwas. Most of my things I want to do are avoided. Yung pagiging party girl ko noong first year, pag wall painting, pagmomotor. Lahat yun sa kanya. Iniwasan ko dahil sa kanya. I want to move on. Pero hindi ko magawa. I remained in the darkness. I remained in my past. And my heart still remains to him.

"Hi?" Bati ko kay Hace.

[Kailan ka uuwi Ate?] tanong niya habang kumakain ng banana cake.

"Matagal pa po. Ikaw? Kailan mo 'ko bibisitahin?"

He pouted at my question and took off his specs. Tinanggal niya rin ang tshirt niyang suot saka humiga sa kama niya.

[Next month pa,] malungkot niyang sabi.

"Why are you sad?" He rolled his eyes.

[Si Kuya Rayd, Ate. Ang corny niya eh. Buti pa si Ate Yra pinapayagan akong magmotor kahit angkas. Si Kuya Rayd hindi,] sumbong niya sakin.

"Sige. Kakausapin ko." He smiled at me. Ilang segundong katahimikan bago siya nagsalita.

[Ayos ka lang diyan?] napanguso ako at tumango.

"Ayos lang naman."

[Ate?] i gave him a questioning look. Parang may gusto siyang sabihin nang bigla siyang umiling. [Pagaling ka. 'Wag kang lalayo kay Kuya Ian saka kina kuya Carter at Sanrix.] ngumiti ako at tumango sa sinabi niya.

Noong nawala si Archie sakin...kahit kay Hace nawala na rin siya. Ni kailan hindi siya sakin binanggit ni Hace. Kada susubukan kong ipunta roon ang usapan nilalayo niya na agad. Kung pwede lang sigurong hindi matakot, ginawa ko ang lahat para puntahan siya ulit.

In my whole life since my hellish life, nawalan ng kulay ang mundo ko at napalitan ng dilim. Malungkot, mag-isa, masakit. I always get tired of living in this life. Pinipilit ko na lang kasi sayang. Ang daming humihiling ng mabuhay tapos nag iinarte ako.

But i think, paano kung ayoko na talaga? Yung hindi ko sila isipin? Nakakapagod kasing magtiis. Matutulog at lalabanan ang bangungot kahit hindi mo alam kung bakit mo yun nilalabanan. Gigising at maghahanda sa pagsikat ng araw sa di alam na dahilan.

All those years...I live empty. I live in nothing.

"Shana?" Bumaling ako kay Ian at ngumiti sa kanya. I mouthed 'why' while making my sketch when he stared at me. "Ayos ka lang?" ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Oo naman. Bakit?" tanong ko. Napapikit siya ng mariin saka umiling.

Days went on. Gigising ng walang dahilan at matutulog ng walang dahilan. Mabilis akong naghanda dahil siguradong parating na si Kuya sanrix. Hindi nga ako nagkamali dahil saktong pagsarado ko ng pinto ay ang pagdating niya.

"Yeah...Ilipat niyo na lang yung sched ng meeting." giit niya habang may kausap sa telepono. He took my bag after kissing me on my forehead. "Oo. I'm an important person today, so do it."

Sumandal lang ako sa may bintana at bumuntong hininga.

For sure he's late again. He moved again to his morning meeting because of me. Laging gano'n kapag siya ang susundo sakin. Sometimes it comes to my mind that I'm disturbing them too much. Minsan pa nga naisip ko na ako ang dahilan kung bakit hindi makapag asawa si Kuya Sanrix. They are taking care of me too much. Alam kong maganda ang intensyon nila pero pakiramdam ko nakakaabala ako.

"Kuya?" tawag ko pagkababa. He smiled at me. "Bukas po. Kahit 'wag mo na 'ko ihatid–

"Shana? We talked about this already 'di ba?"

Napabuntong hininga ako at tumango. "But...your meetings. Lagi napupurnada dahil sakin." Niyakap niya ko at umiling.

"Hindi naman. Ngayon lang yun. Siningit lang yung meeting na yon kaya hindi importante."

Napabuntong hininga na lang ako nang ihatid niya ko sa loob at hindi na pagsalitain. Dahil alas otso pa ang pasok ko ay dumeretso muna ako sa roof top para mag isip.

"Alisha?" sumandal ako kay Ian nang sumunod siya sakin. "Why? May nangyari ba?"

Ngumiti ako at tumango. "Parang naiistorbo ko na kayo." Naramdaman kong natigilan siya dahil sa tumigil niyang mga daliri sa paglilikot.

"Shana..."

"Ian kaya ko na sarili ko. I can take care of myself," he sighed and shook his head.

"Hindi ka pa magaling. Kung kaya mo na...bakit may flashlight ka pa? Bakit laging bukas ang ilaw sa kwarto mo kapag matutulog ka? Bakit lagi kang nakatingin sa langit kapag umuulan? Bakit hindi mo magawa yung hobbies mo dati?"

Ako naman ang natigilan ngayon. Sa dami ng sinabi niya ngayon ko lang naisip na wala pala talagang nagbago. Kahit katiting wala.

"Shana...hayaan mo na kami. Hindi namin kakayanin kapag may nangyari pa sayo ulit."

"Kaya ko Ian. Kaya ko mag isa." He chuckled at what i said and kiss me on my forehead.

"Hindi pa Shana. Hahayaan kita. Namin. Hahayaan ka namin kapag may pagkakatiwalaan na kami sayo. Yung hindi ka iiwan at hindi ka sasaktan. Yung makikinig sayo bago ka husgahan. Yung ipagtatanggol ka kahit na saktan niya pa ang sarili niya."

I sighed in defeat. "Kaya ko," bulong ko. Sinandal niya lang ulit ako sa balikat niya saka ako inakbayan.

"Magiging kaya mo Shana."

Nang magdesisyon na kaming bumalik sa opisina namin pareho ay ginawa ko na ang sketches ko. Tumigil lang ako nang makaramdam ng antok kaya lumabas muna ako ng opsina saka pumunta sa coffee room.

"Engineer! Akin cappuccino!"

Nakatitig lang ako sa flashlight habang hinihintay na magtimpla ang kape. Automatic kasi. Pagkakuha ko noon ay babalik na sana ako nang may makabunggo.

"Fuck!"

My eyes widened when i spilled it to him. Pero mas nanginig ako nang tumama iyon sa balat ko kaya agad kong tinanggal ang relo ko.

"Ouch..." i mouthed while tracing my bracelet-like scar. Hinipan ko pa iyon bago nilingon ang nasa harap ko.

My lips parted when i realized who was him. Nakatitig siya sa palapulsuhan ko na agad kong tinakpan.

"Shana..."

I clenched my fist before leaving him in shock. Naibagsak ko ang sarili sa swivel chair habang pinoproseso sa utak kung bakit siya nandito.

To be continued...😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro