Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23: Black

.

"Shana?"

Nagmulat ako nang marinig ang boses na iyon. I smiled when I saw my boyfriend's handsome face. I hugged his neck and closed my eyes again. Masyado akong napagod at nahulog sa pagkatulolog. Napabuntong hininga ako nang maalala na may problema pa 'ko.

"I love you..." bulong ko.

He caressed my back and kissed me on my head. "I love you too."

Binitiwan ko siya saka kinuha ang bag ko. I have to change. Ang lagkit ng pakiramdam ko pero satisfying.

"I'll take a bath. Magreview ka muna dyan," sambit ko. Ngumiti naman siya at tumango.

I'm taking a bath while shaking my head. Naalala ko yung nangyari. But I got confused when I remembered something. He's going to be rough? Anong ibig niyang sabihin? Rough means in tagalog is magaspang. Magiging magaspang siya? 'Di ko gets.

"Coffee," sambit ko pagkalapag ng kape sa harap niya. Tumango naman siya habang patuloy sa pagbabasa.

"Tell me kung anong oras ka uuwi. Hahatid kita."

"Sige," sagot ko habang naglalabas rin ng libro.

I did my best not to think of my problems. Nagfocus muna ako sa exams ngayon. Pero, sa huli ay napabuntong hininga ako at natulala na lang. Paano si Rayd? Si Hace? And Kuya Carter and Sanrix who's problematic? Sina Mommy at Daddy na alam kong nag-aalala kay Hace.

"Uuwi na 'ko my love. Sa ospital. Puntahan ko si Hace," mahinang sabi ko. He looked at me and smiled.

"Tara na."

I'm just quiet as we went inside the hospital. Sina Mommy sa pagkakaalam ko ay kausap ang pamilya ng mga Santaella. For sure they are also asking for help. I'm thankful that we have family friends that are close to us. Hindi yung mutual lang. Mapagkakatiwalaan na agad.

"Ate...K-Kuya Archie..." sambit ni Hace nang makarating kami sa ospital.

I kissed the back of his hand and smiled. "Uuwi ka na bukas. Pero magpapahinga ka muna ha? 'Wag ka muna magpapagod," giit ko. My parents talked about that he should be in house. Baka mas lalo siyang magkasakit dahil nandito siya sa ospital dahil ayaw niya sa ganitong lugar.

"You're sad Ate?" I smiled and nodded a little.

"Basta, magpagaling ka. Tuturuan kitang magmotor Hace. Saka, I will teach you how to bake banana cakes," sambit ko. He smiled at little.

"Okay..." I bit my lip to stop my emotions. Ang ikli niyang sumagot. Hindi siya ganito. Ayoko nang ganito siya. Hindi ako sanay.

"Hace, kapag gumaling ka...we will go to Kidzania. You want that?" Hace chuckled a little at what Archie said. Tumango ang bata rito.

"Sige ba. Kasama ko sina Kuya at Mommy ko ha? Pati si Daddy po," ngumiti si Archie sa kanya at pinisil ng bahagya ang pisngi nito.

"Lahat ng gusto mo. Kahit si Lilian..." I chuckled when Hace faced changed into a unemotional. Parang hindi niya ata nagustuhan. "Joke lang," bawi ni Archie na kinanguso nito.

Nakatingin lang ako sa kamay niya. Kada iisipin ko na may sakit siya sa puso, kinakabahan ako. Paano kung hindi niya kayanin? Ano nang mangyayari? Next week, he will undergo a Catheter Ablation operation. Kinakabahan ako dahil sabi ng doctor lumala daw ang sakit niya nang tinignan sa monitor. Tuloy ay walang ibang nasa isip ko kundi siya.

"Ate?" napalingon ako kay Hace. Kakaalis lang ni Archie dahil may gagawin pa raw siya kaya ako lang ang mag-isa rito sa silid kasama si Hace.

"Bakit?" tanong ko saka hinawakan ang kamay niya. He smiled at me.

"Worried?" I pouted and do a nod. Ngumiti naman siya na halos pikit. "I'm already three years old, Ate. Don't worry about me. Gagaling po ako."

Yumuko lang ako sa sinabi niya at tumango. Gagaling siya. Alam ko yun. Alam niya rin. Kaya bakit ako matatakot? Siya 'tong may sakit pero siya ang matapang. I should be strong too.

"Siguraduhin mo ha," giit ko. Nainis ako nang bahagya nang ngumisi siya.

"You promised me that we will be together all the time. Tutuparin ko po yun Ate. Hmm?" I pursed my lips and nodded at him.

He thinks so maturely. Magtitiwala ako sa kanya. At sa Kanya.

"Kensley...sinabi mo na kay Rayd?" deretsong tanong ko habang nakatingin ang mata ko sa binabasa. Kakatapos lang ng exam namin ngayong hapon at mayroon ulit mamaya. Maya-maya ay bibisita na 'ko para pumunta ulit sa ospital.

"Huh?"

I looked at her emotionlessly. Si Yra naman ay nag-iwas lang ng tingin. "I heard what you have talked about. Alam kong hindi madali para sayo pero, Rayd has a big problem today. Alam mo yan." Bumuntong hininga siya at tumango.

"I know. Kaya hindi nga hindi ko alam kung paano sasabihin. Your family has too much problems. Ayokong sumingit Shana."

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "Kailan mo sasabihin? Kapag nakaalis ka na?" tanong ko. Pinipigilan ang sarili na mainis dahil masyado nang marami ang problema ni Rayd ngayon. Hindi ko alam kung nagpapabaya ba siya sa pag-aaral o talagang wala lang pumapasok sa isip ng kapatid ko.

"Ewan ko."

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Bukas na ang operasyon ni Hace. Kapag naging successful yun at magtuloy-tuloy, hindi na niya kailangan ng transplant kung sakali. I always pray to God that he will survive this. Kaya...alam kong maliligtas siya balang araw.

Nasa gitna ako ng pag-iisip nang tumunog ang phone ko. I wondered when I saw Kuya Carter. Hindi niya ugaling tumawag kapag nasa school ako.

"Hello?"

[Shana, sumabay ka muna kay Rayd ngayon. Don't you ever go home without Rayd or Chaius. Understand?]

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Opo Kuya. Pero...may I know why?"

I heard his deep sigh. [Hindi kita masusundo. We have so many problems here in the office. Ang daming nagrereklamo. Kinukuha na rin ng mga Moral ang titulo nitong building.]

I sighed and pursed my lips.Ganito ba talaga? Dadating ba talaga ang problema sa 'di inaasahang oras?

"Okay Kuya."

Pinatay niya rin agad ang tawag. Napatingin nalang ako sa langit. The sky, is with me. Malungkot rin. Mukhang iiyak dahil madilim.

"Mom?! I told you I will go with you next month!" Napatingin ako kay Kensley at nakitang may kausap siya sa phone. My lips parted when I saw her crying. "What?! Ayoko!..Hindi!..Hindi ako aalis!..Hindi kita maintindihan Mommy ano ba?!"

Napalingon nalang ako sa tabi nang makita ang mga personal guards ni Kensley. Napatayo kami ni Yra nang hawakan ng dalawang guard si Kensley.

"Hindi siya aalis!" sigaw ni Yra. Nagkatinginan ang dalawang bodyguard at gamit ang laki ng katawan ay binunggo lang nila ang babae.

"Kensley!" I shouted when she was carried by them. "Ano bang nangyayari Yra?" naiinis na tabi ko. Nakatakip lang ang kamay niya sa mukha.

"Her parents. Lalo na si Tita Kenzie. She wants Kensley to leave this country right away. Hindi ko alam kung bakit pero...tingin ko...she used Kensley's obsession to her dreams to convince her to study on that country without any hardships."

I swallowed hard and closed my eyes tight. "Si Rayd?"

Napailing siya sa sinabi ko. "Hindi ko alam Shana. Parang hindi ko naman kayang palitan si Kensley sa puso niya," mahinang sabi niya.

Life here in Earth is temporary so as problems. But, have you ever questioned yourself how temporary your problems will be? They say that, ang problema sinusolusyunan at hindi tinatambayan. But how about the people who doesn't know how to solve it? What will they do? Susubok? Pero hanggang kailan? Kung ang pag-usbong ng problema ay...kung hindi man tuloy-tuloy, sabay-sabay naman?

"Alisha!"

Mapatingin ako sa bungad nang pinto at nakita si Yra na humahangos. Nagtetake kami ng exam ngayon kaya lahat ng estudyante at ang professor namin na istrikto ay tumingin sa babae.

"Yra bak–

"Miss Yrina, ano ang–

"Pasensya na ho Mrs. Fuzer ngunit hindi ko kayo mapagtutuunan ng pansin ngayon."

Nagulat ako nang bigla nalang niya 'kong hilain. For sure she run from her classroom papunta rito. "Ano ba?" inis na sabi ko.

"Si Rayd. Naaksidente si Rayd!"

My lips parted at what she said. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "A-Ano?" nanghihinang tanong ko. Napaupo siya sa sahig habang umiiyak.

"Puntahan mo na Shana. Sa ospital Rivination Hospital."

Hindi na 'ko nag-abalang alalahanin ang lakas ng buhos ng ulan pagkasabi niya ng address. Patakbo akong pumara ng jeep para lang mabilis.

"R-Rivination Hospital," kabadong sabi ko. I stared at my stomping feet. Nanginginig ang kamay ko sa kaba. Malakas ang ulan. Anong nangyari? Hindi ko na maintindihan ang mundo.

I closed my eyes tightly when I saw that it was traffic. Tinignan ko ang daraanan at nakitang medyo malapit na. Probably 3 minutes. Siguro pwede ko ng takbuhin 'to.

I run faster as I could. Ramdam ko ang lamig sa paa ko habang tinatakbo ang daan dahil nakapalda lang ako at malakas parin ang buhos ng ulan. Worry is devouring my heart. Naiyak nalang ako habang tinatakbo ang daanan.

"Tabi!" I shouted when two guys bumped on me. Nang malampasan ko sila ay nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makapasok sa loob.

I hovered my gaze in this hospital and saw my brother being transferred to ICU. "Rayd!" I shouted as came closer to him. "He's my brother! Papasukin niyo ko!" Sigaw ko. "Ano ba?!" inis na sabi ko. Patuloy ang buhos ng luha ko nang may lumapit sakin.

"You can wait here po. Kami na po ang bahala sa pasyente," giit ng nurse saka pumasok sa loob.

Napaupo nalang ako sa sahig at umiyak. Ang bigat ng puso ko. Ito na naman yung pakiramdam dati. Yung pakiramdam na para akong mag isa. Yung pakiramdam noon pero mas malala na ngayon. I feel so alone. Alone with my problems. Alone with my family who's in a danger situation.

"H-Hello?" sagot ko sa tawag ni Mommy.

[Shana? Umalis kami ng daddy mo kasama si Hadrian. Take care of yourself. Kayo ni Rayd. Wag aalis ng walang kasama. Okay ba?] Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Basta ang alam ko lang...I heard a familiar noises from an airplane.

"Mom...I need you..." mutawi ko habang patuloy sa pag-iyak.

[Rayd called me a while ago. Magiging maayos rin Hadrian.May nakita na kaming donor. Don't worry about him sweetie.]

Naitakip ko ang kamay sa bibig ko dahil sa narinig. Si Hace. Nasa delikado rin siya. Mommy didn't know what happened to Rayd. Anong gagawin ko? Nauubos na 'ko.

[Shana...aalis na kami. Good luck sa exam. Love you.]

Yumuko nalang ako pagkatapos ng tawag at humagulgol. Hindi naman sunod-sunod ang dating ng problema sa buhay ko pero sabay-sabay naman ang paglala ng mga iyon. Ang sakit sa dibdib. Halo-halong lungkot, pag-aalala, at takot dahil mag isa ako. Hindi ko alam ang gagawin.

"Maam?" Tumingin ako sa nagsalita at nakita ang isang doctor. She looks familiar to me but I can't recognize.

"What happened to my brother?" tanong ko.

"Ayos lang ba kayo?" tumango lang ako sa sinabi niya. Inanyayahan niya kong punasok sa loob ng isang silid saka pinaupo sa upuan. "I'm Doc. Sasha," pakilala nito. "He encountered a car accident. Bumunggo siya sa puno. We expect that he will be in coma for one to two months."

Napahilamos na lang ako sa mukha at tumango. I left the room with no any emotions in my face. I sat on the bench here. Hindi na umuulan. Pero yung langit kasing dilim lang ng gabi at wala man lang ni isang bitwiin. Buwan lang na natatakpan pa ng ulap.

"Archie...can you go here with me?" tanong ko sa voice mail. I tried many times to call him pero hindi sumasagot. Siguradong nasa library pa ito ng school para magriview.

"Archie...I love you," I whispered.

Pumunta na lang ako sa silid ulit para ihabilin si Rayd saglit. I should tell Lola para kahit paano naman hindi ako mag-isa rito.

"Bakit po?" tanong ng receptionist paglapit ko.

"Sa ICU 403 pwede pakibantay muna? Mabilis lang ako." Ngumiti sakin ang nurse at tumango.

"Sige po. I will call someone to take care of him."

Matapos magpasalamat ay umalis na rin agad ako. Napayakap pa 'ko sa sarili dahil sa lamig. Nakalimutan kong naulanan nga pala ako. My uniform was already dry. Siguradong magkakasakit ako nito.

"Excuse," sambit ko nang may nakaharang sa daan ko. I got confused when she didn't moved.

"Really Princess?"

I stared at the girl who's infront of me. Hindi ko mamukhaang pero pamilyar sakin ang boses. She's on her black outfit. Black fitted jacket and black fitted jeans. Naka head mask rin siya kaya doon na 'ko kinabahan.

"Hi?"

I swallowed hard when someone covered my mouth. Suniz chuckled and waved her fingers. Naramdam ko nalang na nasa van ako at magma matigas pa sana nang may humampas sa batok ko bago mawalan ng malay.

To be continued...😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro