Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21: Tagpuan

.

"Why are we here?" takang tanong ni Hace habang nakaupo kami dito sa may bus stop.

Ang dami pang lumalapit sa aming tatlo na mga pulubi. Nakabigay na kami sa ilang bata pero parang dumarami lang ang lumalapit kaya naubusan na rin kami ng ibibigay.

"Wala lang," sagot ni Archie habang kandong parin ang bata.

"Ayoko dito. Too much pollution Kuya," reklamo niya. Masyadong naimpluwensyahan ni Rayd ng kalinisan.

Natawa si Archie saka inayos nito ang face mask ng bata. "Bakit yung mga bata nandito? Bata ka rin naman ah," natatawang sabi nito.

"I have house po, Kuya," sagot naman niya habang nakatakip ang dalawang kamay sa ilong kahit naka facemask na siya.

"Then, you're lucky that you have a house unlike them. Sila...they will have to beg for money and food just to eat and survive."

Sumandal ako sa pole at nakinig sa kanila. I stared at my hand clasped to Archie. Kanina niya pa hindi mabitawan ang kamay ko. Bibitawan ko saglit pero agad rin niyang ibabalik. Siya pa kung minsan ang hihila sa kamay ko kapag nananahimik na.

"Because they don't have parents I think?" giit ni Hace sa kanya.

"Probably some of them have. Pero alam mo yun? They don't have money for their own needs, kaya nanghihingi sila," he answered.

"Ah...okay." Inupo ni Archie ang bata paharap sa kanya at nginitian ito. Si Hace naman ay gano'n din ang ginawa kaya natawa ako.

"Their parents don't have money to provide for their children to go to school. Do you know how lucky you are that you have healthy parents and money that they have? You also have a house to live in, unlike them living in a dirty place. You eating your banana cakes while them eating a few pieces of bread," he stated directly. Yung mukha niya ay walang emosyon na ngayon. Tuloy ay nag-iba rin ang mukha ni Hace. Nakakunot ang noo.

"I don't understand," he whispered. Archie sighed and kissed him on his forehead.

"You, if you will not study hard...and you will have your own family, your kids might be beggars too. And you will have a poor life Hace. Do you know how hard it is? Walking in a street finding good people to beg for food?" Bumuntong hininga ang bata. He sighed on his lips that made a silly noise.

"I have parents Kuya. I also have Ate and Kuya Rayd." Napailing ang lalaki sa sinabi niya.

"Your parents won't leave forever. Also your sister and brother. Time will come that you will be alone in your life. You will sleep alone, travel alone, eat alone, suffer alone. You have to learn how to be independent. And that will start in school."

I smiled how I see Archie convince my brother. He is gentle with a bit of a strict eyes and is really convincing. Dagdag pa ang boses na malumanay at ang mga salitang binibitiwan niya.

"Mommy won't stay with me forever?" tanong niya. Tumango ang lalaki kaya lumungkot ang mukha niya. "Also Daddy? Kuya and Ate? Saka po sina Kuya Ian ko?" tanong niya. Tumango ulit ang lalaki.

"They will probably have a long life, but not forever. That's why you need to learn how to study. Para kapag may kailangan ka para sa sarili mo, kaya mo na. Hindi ka na aasa sa kanila," sambit niya. Napayakap sa kanya ang bata. It softened me seeing he's about to cry again.

"I don't want them to leave me," he muffled. Archie is tapping his back.

"They won't leave you. Matagal pa yun. Pero kapag nangyari yun, for sure they are happy because you are fine. You are successful. You have money, and they see you happy in your life. Kaya...will you study? Kasi...kahit gaano karami ang ibigay sayo ng parents at kapatid mo, your education is most of it. Yun lang yung bagay na madadala mo hanggang dulo, Hace."

Hadrian slowly nodded his head. Patuloy siya sa pag-iyak hanggang sa tignan niya ang lalaki.

"I will study. Even though it's boring." Archie and I chuckled.

"Hace, studying is not boring. May mga subject ka naman magugustuhan roon," giit ko. He pouted.

"Okay, but promise me you will not leave me Ate." Natawa ako sa sinabi niya at tumango.

"Kasama kita. Palagi Hace."

Matapos ang usapan na iyon ay nagdesisyon na kaming bumalik sa school. Nasa may gate na kami nang tumigil ako habang buhat si Hace dahil parang kinakabahan siya.

"Gusto mo bukas na lang?" tanong ko. He pouted and shook his head.

"Ngayon na po. Magsorry ako kay Teacher Hilary po." Tumango ako sa sinabi niya at pumunta sa classroom. Nakayuko siyang pumasok sa silid habang ang mga kaklase niya ay nagsusulat ng kung ano.

"Hi Hadrian," bati ng guro. Lumapit kami ni Archie nang senyasan kami ng adviser nila.

"Sorry po," paumanhin ni Hace. His teacher patted his head and smiled.

"It's fine. Mag-aaral ka na ba?" tanong nito at tumango naman ang bata. "Okay...your banana cake is here." Hace's eyes widened. He looked at his tupperware with a surprised expression as if he missed it.

"Thank you po," giit niya. Humalik siya sakin at kay Archie saka pumunta sa lamesa niya. He even placed his food in front of him and took his materials as if they were his inspiration.

"He looks just like you Shana. Magkaugali rin kayo." Napanguso ako sa sinabi ni Ate Hilary at ngumiti lang. "Sige na. Baka may klase pa kayo. Your brother will be fine here." Tumango ako sa sinabi niya.

I looked at my brother and chuckled. May babae siyang inalok ng banana cake ngunit tinarayan lang siya nito. Tuloy ay ang kapatid kong hindi magpapatalo ay inirapan rin ito.

"Bye Ate! Kuya Archie!" sigaw niya. I gestured to him to keep quiet and waved my hand.

"Thank you," mutawa ko pagdating namin sa parking lot. He made me wear my helmet.

"Wala yun. He's a kid. Maiindihan niya pa yun lalo kapag lumaki siya." Ngumiti ako sa sinabi niya at yumakap sa kanya.

As we went to our each other's schedule, naging maayos naman. Ilang oras lang ang klase ko dahil wala masyadong gawa ngayong araw. Maliban na lang sa maraming plates.

"Tanga nitong babaeng 'to. Bobo eh. Akong papatay dito."

Napatingin kami ni Kensley kay Yra sa sinabi niya. She's looking at her phone disgustingly. Parang may nakita siyang kung ano.

"Bakit?" tanong ni Kensley. Uminom ako ng frappe tea habang naghihintay ng sagot sa kanya.

"Itong si Suniz, nagshared ng post ng chemical melatonin. Tapos icacaption, 'mahihimatay kaya ako kapag inamoy ko 'to?' bobo eh."

Natawa ka sa sinabi niya. Parang kulang nalang hilingin niyang makapasok sa phone para lang saktan ang babae.

"Bakit mo kasi in-accept friend request niya kahapon?" tanong ni Kensley.

"Ewan ko. Ginaya ko lang si Shana. Kahit kaaway friend niya."

Napairap ako at nagpatuloy lang sa pagtatype. I accepted Suniz's friend request dahil trip ko lang. Saka ang tagal na no'n. Highschool pa 'ko. Kahit magkaaway kami ng babae hindi ko naman siya pinlanong i-unfriend.

"Kailan ka lilipat Kensley?" tanong ni Yra. Napabuntong hininga ang babae.

"Third year College na. Matagal pa naman," sagot nito. Sinulyapan ko si Yra at nakitang nakatitig lang ito sa phone niya.

"Si Rayd?" Nagkatinginan silang dalawa.

"Bantayan mo. Para sakin." Natawa ang babae sa sinabi nito at napailing.

"Gusto ko ang boyfriend mo Kensley. Pero 'wag naman ganyan. Dapat si Shana sinabihan mo. Grabe ka," natatawang sabi niya kahit halata na nasasaktan siya.

I knew that Yra confessed to her that she loves her boyfriend since then. Hanga ako na kahit gano'n ay open parin sila sa isa't isa. Pero minsan naisip ko rin na paano kaya ang nararamdaman ni Yra?

"Masyado akong mahal ni Rayd. Parang hindi ko kayang higitan yun kung ganitong mas gusto ang pangarap ko," giit niya saka sumandal sa upuan. "Ikaw...tingin ko kaya mo yun." Nagulat ako nang ihampas ni Yra ang libro sa lamesa. Tuloy ay naglikha iyon ng ingay.

"Kensley, pwede ba? Kung hindi mo kayang mahalin si Rayd ng higit pa, o kaya naman kung pangarap mo talaga ang gusto mo...pwede naman kayong magpahinga. Akong bahala sa boyfriend mo. Pero alam mong kapag ginawa ko yun...parang binigyan mo na rin ako ng tsansa para agawin siya sayo."

Tahimik lang akong nakikinig. Ayokong may kampihan. Kung kailan kong lumayo sa kanila gagawin ko. It's a love between my best friends, loving my brother. Mahihirapan ako kung susubukan kong may may panigan sa isa.

Isang babae na gustong tuparin ang pangarap. Isang babae rin na may pangarap pero mas gusto pa rin ang lalaking mahal niya. At nasa gitna nila ang isang lalaki na mahal ang isa, ngunit hindi alam na may nagmamahal pa pala sa kanya.

"Mas gusto ko...ang pangarap ko Yra," mutawi nito. Napapikit si Yra at bumuntong hininga.

"Mahal mo si Rayd 'di ba? Mahal mo ang kapatid ko?" tanong ko kay Kensley.

Tumango siya. "Oo. Sobra. Kung pwede ko lang itapon yung pagmamahal ko sa pangarap ko...ginawa ko na para sa kanya," sagot nito.

"LDR Kensley. Kaya yan. Saka matagal pa naman," suhestiyon ni Yra.

"I'll try. Pero sana kaya ko at ni Rayd. Mahihirapan yun," giit nito.

Sa lumipas na mga araw at linggo...ayos naman ang lahat. Normal ang mga kilos kahit ang mga isip ay parang baliw na. Personal problems, school problems, family problems. Minsan iniisip ko na pwede bang isa-isa munang problema? Hindi yung sabay-sabay palagi.

"What happened Kuya Sanrix?" tanong ko habang tinitignan siya kung paanong mamroblema sa hawak niyang dokumento.

"My Riviria San Corporation is being destroyed. Akala ko gagana yung plano. They are too cunning. Nakalusot sila," inis na sabi niya.

"What will happen?" tanong ko.

"Kung hindi 'to maaayos, my company will be in their hands," he answered problematically.

"Sinong rival ba Kuya? Bago lang? Maybe we can ask for Tito Tycus's help," I offered. He looked at me and smiled sadly.

"The SamKin Builders."

Napakurap ako sa sinabi niya. SamKin builders. The owners of it are the Moral twin brothers. I didn't expect that a new company like them can beat a legend one. Kaya pala gano'n kung makaakto si Suniz, napakayabang. May ipagmamayabang naman pala.

"Hays...asikasuhin ko muna 'to. Dito ka lang Shana. 'Wag lalabas ng walang kasama."

"Okay. Ingat."

Pag-alis niya, nagdesisyon muna akong puntahan ang kwarto ni Mommy. Tulad ng inaasahan ko ay tulog sila ni Hace kaya lumabas rin muna ako. Tahimik lang ang bahay. Rayd is on his group study this Saturday. Si Kuya Sanrix ay kaaalis lang kaya siguradong magkasama sila ni Kuya Carter para sa trabaho. Si Ian naman ay siguradong na sa school ng CNHS dahil sa pinopormahan niya.

[Shana?] I smiled when I heard his voice. Halatang antok pa siya.

"Good morning. I miss you," nakangiting sabi ko habang hawak ang alarm clock na hindi ko namalayan na nasa kamay ko na pala.

[Want me to go there?]

Pinalobo ko ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Kahit magkasama kami kahapon gusto ko parin siyang kasama halos minu-minuto. "Ako nalang. Kaya ko naman. Mabilis lang ako," giit ko habang nagpapalit ng damit.

[You're not allowed to go out without someone, Shana. Ako na ang pupunta.] Napanguso ako nang marinig ang masungit niyang boses. Tuloy ay napaupo nalang ako.

"Okay, Wait kita. I love you."

[I love you too. Wag kang lalabas ha? Understand?]

"Opo na po. I'll wait for you."

Pagkamatay ng tawag ay ginawa ko na lang muna ang ibang assignments ko. Mas mabuti na iyon para kahit kasama ko siya walang magpapagulo sa isip ko. Ang hassle sa utak ng may inaalala.

"Nagpaalam ka ba sa Mommy mo?" tanong niya pagdating. Giniya ko siya papunta sa sala at tumango.

"Oo. Doon tayo sa bahay mo. Gusto ko do'n," sambit ko.

Since the day he brought me to that place, gustong-gusto ko na ang lugar na yon. For sure it's because I'm with him, doing my favorite things.

Nang pumayag siya ay umalis na rin kami agad. He drove so fast kaya naman wala lang bente minutos nakarating na agad kami.

"Let's sleep," sambit ko. Tinapik ko ang kama habang nakatingin sa mukha niyang ang sama na naman ng tingin sakin.

"It's early to sleep Shana," sambit niya. I pouted knowing that I woke up too early.

"Maaga akong nagising. Dali na." umiling siya sa sinabi ko kaya napairap ako. "Wala naman tayong gagawin. Ang dumi ng utak mo."

"Promise?" he asked. Napairap ako. Mukha ba 'kong sinungaling?

"Oo na. Wala naman talaga," sagot ko. I smiled when he lie down beside me. "Hindi ka umuwi sa bahay niyo ni Tito Damian?" tanong ko. He caressed my hair. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya habang kinukutkot ko ang daliri ko.

"Minsan lang. Madalas na naman ako pumunta doon. Dito lang talaga 'ko umuwi." Tumango ako sa sinabi niya. Kung tutuusin lahat naman ng bahay rito sa kanila. "Saka, whenever you want to find me, dito mo lang ako hanapin. I'll open the door for you." I chuckled and kissed him on his chin.

"Tagpuan?" tanong ko. Natawa rin siya.

"Oo. This house will be our meeting place. Kapag hindi mo 'ko makita...punta ka dito. Nandito lang ako." I smiled and nodded.

"Ito ang tagpuan natin. Kapag wala ka dito lagot ka sakin. Kahit kailan walang sumubok na dedmahin ako. Kahit ang indianin. Kaya wag kang magkakamali," paratang ko.

He kissed me on my forehead. "Promise."

To be continued...😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro