.
"Kamusta? May masakit pa ba sayo?" tanong agad ni Mommy pagdating niya.
"Wala na po. Maayos naman bagsak ko kaya ayos na," sagot ko. Tulad ng inaasahan ko ay tinitigan niya 'ko. Tuloy ay natawa ako at hinawakan ang kamay niya. "Mom, I'm alright. Yung pagkakabagsak ko sa motor medyo masakit pero mawawala din naman 'to. Saka yung sa tubig, I dive into it safely. Yung sa pagkakabaril sakin...siyempre masakit pero ayos na 'ko ngayon." Bumuntong hininga siya at tumango.
Sabay kaming napatingin kay Daddy na may hawak na phone. He looks mad base on his expression. Nawala lang ang galit sa mukha niya nang lumapit sa kanya si Hace at yakapin ito.
"Tito...we hired a private investigator already. Pero sabi peke raw yung plate number na ginamit. Yung bala hindi rin rehistrado kaya hindi kilala," Kuya Sanrix explained.
"Si Shana ang puntirya. Pero bakit naman?" tanong ni Ian habang nakatingala.
"Because they think that she is important to us," sabat ni Mommy. Nagkatinginan silang lahat. "Look, kung sinasabi niyong si Rayd at Ian ang nasa unahan pero si Shana ang binungo, at sinandyang barilin, she's definitely the target. Lalo pa sa sinabi ni Carter na prinsesa raw ang itinawag sa kanya."
They all sighed. Maging ako ay nalilito. Ano namang atraso ko? I have no opponent in school. Maliban kay Suniz at sa kaibigan niya. Pero hindi naman halata sa mukha noon na kayang pumatay. Saka lalaki ang gumawa nito sa'kin. Wala naman akong ibang lalaki nakakasalamuha ng matagal bukod sa mga lalaking narito at kay Archie.
"We should hire guards at house. Ikaw Rayd at Ian bantay kay Shana. You Carter and Sanrix look forward to the investigation. Kami na ni Havie bahala sa paghahanap ng clue," Dad commanded to the boys. Nagsitango naman ito na para bang isa iyong mahalagang misyon.
"I want a task too Daddy! What will I do?" masayang tanong ni Hace sa kanya.
Pilit na ngumiti si Daddy at sumulyap kay Mommy na ngayon ay natutuwa sa bata. "I will assign you as your sister's reminder. Ipapaala mo kay Ate mo na dapat kumain siya ng healthy foods, matulog ng maaga, ipapaalala ang mga dadalhin at iba pa." lumaki ang ngiti ni Hace sa sinabi ni Mommy at tumango.
"I have tasks. I will take care of Ate. Okay!" he shouted happily.
"Ngapala Tita, Tito, mas madalas na kasama ni Shana si Archaius. Paano namin siya babantayan?" tanong ni Ian.
"Kapag hindi kasama ni Shana si Chaius. The important thing is don't let Alisha be alone. Baka mawala na lang siya bigla. Pagdating sa school, ako nang bahala roon." Tumango ang lahat sa sinabi ni Daddy.
Napanguso ako. Hindi ba masyado silang protective sa'kin? I mean I understand dahil bukod sa isang babae ako ay pamilya nila ko. Pero 'di ko maiwasang isipin na baka makaabala ako sa kanila masyado.
"Sakto Chaius, meeting tayo pare," bati ni Ian pagpasok ng lalaki. Nagmano muna ito kina Mommy at Daddy saka lumapit sakin.
"How are you?" tanong niya pagkahalik sa noo ko.
"Ayos naman," sagot ko. Kumuha siya ng isang monoblock chair saka umupo sa harap ko. "Kailan ako pwedeng umuwi Mom?" tanong ko habang nakatingin kay Hace nang kumandong siya kay Archie.
"Bukas pa. Maga pa 'yang sugat mo," giit niya.
"Uhh...Tita, Tito, sabi po sa'kin ni Papa na pwedeng siya raw ang magbantay sa buong bahay niyo kung wala pa kayong nahahanap." Napangiti si Mommy sa sinabi niya.
"Sigurado ba siya? You know, your Dad worked for us for ten years. Baka gusto na niyang may gawin na iba." Ngumiti ang lalaki at umiling.
"My father treasured your family so much Tita. Kaya kahit ito man lang maoffer niya sa inyo."
My Mom pursed her lips and nodded. "Sige. Salamat."
Days, weeks, until months had passed. Lahat ng pamilya ko pati si Archie ay protektado ako. It was like they were expecting that someone would attack me again. Though sa buong limang buwan na nagdaan wala naman. Pero kahit gano'n ay pinanindigan parin nila. Kuno hindi raw kasi makita ang dalawang suspek. Kahit ang pwedeng dahilan hindi namin alam. Or siguro alam na nina Mommy pero ayaw pang sabihin.
"Ate!"
Tumigil ako sa paggawa ng plates nang marinig ang hagulgol ni Hace. He knocked on my door reason for me to open it. Bigla niya 'kong niyakap sa hita ko habang patuloy sa pag-iyak.
"Bakit naiyak ang baby ko?" tanong ko at lumuhod para magpantay kami. Yumakap siya sa leeg ko habang humihikbi.
"Si Mommy. S-Si M-Mom...Si Mommy..." nahihirapang hagulgol niya. Umupo ako sa kama ko at niyakap siya.
"Why? Anong ginawa ni Mommy?" tanong ko.
"Nasaan ang baby ko?" boses ni Mommy papalapit na sa kwarto ko. Siniksik ni Hace ang mukha niya sa leeg ko na akala naman makakapagtago roon.
"Wala po dito si Hace," sambit ko kay Mommy nang makapasok na siya sa silid ko.
She sighed and smiled at me. "Hindi ko makita si Hace. Nakita mo ba?" tanong niya kunyari. I chuckled and shook my head.
"Hindi ko po nakita si Hace Mommy," sagot ko. She nodded and gestured to me to talk to my brother.
"Okay...since I can't find my baby I will try to find him in the kitchen!" paalam niya pag-alis.
Nilingon ko na si Hace na panay pa rin ang tulo ng luha habang yakap ang stuff toy niyang dinosaur. Kinuha ko ang extra towel sa drawer ko saka pinunas sa mukha niya.
"Anong nangyari?" tanong ko. Yumakap ulit siya sakin.
"Mommy told me to go to school. Ayoko. I don't want to study."
I sighed at what he said. He's still two years old. Alam kong ayaw niya pang mag-aral at puro enjoy palang ang nasa isip. But, like what Mom did to me and my twin brother, gusto niya mag-aral kami ng maaga. Kahit hindi pumasok sa school, at least kahit tutor agad sa bahay.
"Why?" tanong ko.
"School is boring. I heard it from Kuya Ian. School is boring."
Napapikit ako sa inis sa lalaking yon. Sana man lang naisip niya na hindi magandang salita iyon. O kaya naman sana sa isip na lang niya sinabi para hindi marinig ni Hace.
"School is a bit boring but you will have many friends, Hace," ani ko. He shaked his head.
"I don't mind having one." I sighed again. Hace is a kind of boy who doesn't make friends. Siguro sa isip niya ay sapat na kami ng kapatid niya at nina Kuya Carter kahit hindi naman namin siya masasamahan ng matagal.
"You should have friends Hace. Hindi palagi nandito ako na sasabihan mo ng problema mo." He shook his head again.
"Ayoko parin ng school. I hate school." I raised my eyebrow and made him look at me. His face saddened seeing how I looked at him.
"Don't say that Hace. Kapag nag-aral ka, madaming mangyayari sa buhay mo. Yes sometimes it's boring. But with the people you will get to know, magugustuhan mo. Lalo na pag may kasama ka," giit ko. Napayuko siya.
"Ayoko." Napabuntong hininga muli ako at nag isip ng pwedeng pangkumbinsi.
"Kapag nag-aral ka at nagsipag, you will have a lot of money because you can find work. Kapag nagkatrabaho ka...you can buy many banana cakes."
He looked at me attentively. Maybe I already got his interest.
"Banana cakes?" tanong niya at tumango naman ako. "When I have work already?" tanong niya. "But, when?"
I pouted and think of an answer. "Kapag...matanda ka na. Kapag malaki ka na," sagot ko.
"Katulad ni Daddy?" tumango ako sa sinabi niya. He sighed. "Matagal pa yun." Ngumisi ako nang may maisip na dahilan. Hindi naman kasinungalingan pero sana gumana.
"Kahit naman wala kang pera, basta mag-aaral ka makakain ka ng maraming, maraming, super dami na banana cakes." His eyes widened. Napalitan ng excitement ang mata niya.
"How?" he asked.
I pouted. "If you go to school, mommy will bake banana cakes for you. Always. Yun ang baon palagi hanggang sa magsawa ka na." he swallowed and nodded. Pakiramdam ko kaunti nalang papayag na siya.
"How about you? Hindi kita makikita palagi Ate kasi nagschool ka. Does that mean I won't see you anymore?" I smiled and shaked my head.
"I can visit you in your classroom kapag may vacant ako. Papanoorin kitang mag-aral kaya dapat magyabang ka sakin." I chuckled when he smirked and nodded.
"Okay! I will go to school. I will have many banana cakes and you will visit me. Right? Right? Right Ate?" he asked while doing a puppy eyes. I chuckled before nodding.
"Yes baby," sagot ko. Tumayo siya sa kama ko at tumalon-talon doon.
"I will tell Mommy. Samahan mo po ako," giit niya habang hawak ang kamay ko. Hila niya 'ko papunta sa kusina at naabutan si Mommy na nagluluto ng tanghalian.
"Nahanap ko na ang baby," Mommy said while smiling at him. Hace hugged her legs and kissed her tummy.
"Papasok ako sa school po. But promise me I will eat banana cakes regularly," sambit niya. Natawa si Mommy saka siya binuhat.
"Kapag talaga kay Ate pumapayag ka. Sige. Oo na." Hadrian clapped his hands.
Pumunta muna ako sa pool kung saan nandoon ang mga lalaki. Lumapit ako kay Ian at tinampal siya sa balikat. Naka topless lang siya kaya kita ko kung paanong namula ang puting balat niya.
"Aray naman Shana!" Singhal niya sakin.
Nilahad ko ang kamay ko kay Rayd habang umiinom siya ng wine. Sumimangot siya saka sakin binigay iyon na ininom ko naman.
"Don't talk bad things about school, Ian. O kahit ano basta masama. Naririnig ni Hace ang sinasabi mo. Ayaw na tuloy niyang mag-aral. He heard you saying school is boring."
Napalabi siya sa sinabi ko at tumango. "Sorry naman. Sige, ibubulong ko nalang."
Inirapan ko na lang siya sa sinabi niya. Ian is a bit lazy at school. Pero lazy na matalino. Parang may libro siya sa utak na alam ang lahat kahit hindi mag-aral.
Days and weeks had passed again. Ito rin ang unang pasok ni Hace kahit na late siyang nag-aral as nursery. I expected him to be happy. O kung hindi naman tahimik lang. But...I'm wrong.
[Ms. Lee, nagtatrums po ata si Hadrian. He wants you here right away. Kanina pa po siya umiiyak]
Napabuntong hininga ako at tumingin kay Archie. Vacant namin pareho kaya nagkita kami at kumain muna ngayon bago sana pumunta kay Hace. Kayalang mukhang mapapaaga ata kami.
"Pupunta po ako Ma'am. Pasensya na po."
[Ayos lang po ma'am. Wait nalang po namin kayo.]
"Sige po salamat." I sighed and smiled at Archie. "Pupunta ako kay Hace. Ngayon na." Napanguso siya at tumango.
"Tara. Baka nagwawala na yun," aniya habang pinagsasama ang pinagkainan namin bago siya tumayo. "Tara."
Motor na niya ang ginamit namin para pumunta sa GLES. Malapit lang naman kung lalakarin kayalang nag-aalala ako dahil baka nagwawala na yun Hace.
"Ate! Si Ate ko! Call her! Call my Ate!"
Nagkatinginan kami ni Archie nang marinig ang boses niya. Malapit na kami sa classroom pero masyadong malakas ang iyak niya dahil may mga classroom pang madaraanan. Paglapit ko sa classroom nila ay kita kong pinapatahan siya ng dalawang guro. Ang banana cake niya rin ay nasa gilid lang at halatang hindi ginalaw.
"Good Morning po," bati ko. Bigla ay napatayo si Hace at tumakbo palapit sakin.
"I don't want to study anymore! Even banana cakes! I-I don't want it!" he shouted while crying. Napabuntong hininga ako at lumuhod para magpantay kami.
"Bakit?" I asked softly.
"Nakakainip. Ayoko dito. Toys here are just few. Bawal ko daw dalhin yung toy car ko. Kahit si Sauru bawal," sumbong niya. I carried him. Yumakap naman siya sa leeg ko habang patuloy sa pag-iyak.
"Ma'am, kakausapin ko lang po," paalam ko sa adviser nila. Ngumiti naman ito at tumango.
"Sige po. Kahit bukas nalang po siya magsimula kung kaya na niya. May assignment rin po siya kung makukumbinsi niyo po siya mamaya." I smiled and nodded at her.
Pumunta kaming tatlo sa ice cream store nang magyaya si Archie. Umupo muna kami sa bench habang kumakain si Hace na panay pa rin ang hikbi.
"Hace, anong gusto mo paglumaki ka?" tanong ni Archie sa kanya.
"Kay Daddy. I want to be a teacher," mahinang sabi niya. Tumango ang lalaki at kinalong ito.
"Kung gusto mong maging teacher, you should study. Para makapasa ka bilang guro." Hace shook his head.
"Edi wag na."
Napanguso ang lalaki saka tumingin sakin. Nginitian ko lang siya para hayaan na kumbinsin ang kapatid ko.
"Why do you want to be a teacher ba?" tanong niya.
Hace pouted while eating his ice cream. "So I can teach." Natawa si Archie sa sinagot ng bata at niyakap ito. He pinned his chin on Hadrian's neck.
"Paano ka magtuturo kung wala ka namang ituturo?" natatawang tanong niya.
"That's why I don't want to be a teacher anymore." Napabuntong hininga muli ang lalaki.
"Let's go somewhere. You will understand more why you should study." Hinawakan niya ang kamay ko saka kami pumunta sa motor niya. Isinuot niya kay Hace ang maliit na size ng helmet saka kami sumakay.
"I want to drive Kuya," giit nito sa lalaki. Ngumiti si Archie at pinasakay siya sa unahan kaya panay ang ngiti nito. Nakatingin lang ako sa kanila habang pinapanood silang sumakay na dalawa nang halikan ako ni Archie sa pisngi.
"I love you." I chuckled at what he said to me and nodded.
"I love you too."
To be continued...😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro