Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: Pain

.

Nakasimangot ako hanggang sa makauwi sa bahay. Naiinis ako sa kanya! He got a big point pero naiinis ako sa kanya! He is acting too perfect! Nakakainis!

"The principal called me Alisha. Ano na namang ginawa mo?" inis na tanong ni Daddy pagpunta namin sa opisina nila ni Mommy. This will always be the set up when my parents want to tolerate and talk to us.

"I just painted the wall Dad. Hindi naman po mara–

"But it's a school Shana! Ilang beses mo nang ginawa 'to at hindi ka pa rin nadadala! What do you want me to do? To kick you out of this school?! Saan ka mag-aaral?" he bursted. Tinuklap-tuklap ko ang balat sa gilid ng daliri ko at yumuko dahil sa kaba.

"Hindi naman po marami," mahinang sabi ko. He closed his tightly. Si Mommy naman ay nakatingin lang sa'kin habang nagtitimpla ng gatas.

"The principal wants to talk to you. Wish you luck," ngising sabi ni Daddy. I swallowed hard when I heard that 'principal' again.

"I can talk to Lola Amira naman–

"It's principal Shana. Principal Alenie." I nodded at what Mom said even though my heart is being possessed by fear.

"I will t-talk to principal to l-lessen the days of my s-suspension," mahinang sabi ko. Napailing si Mommy saka lumabas. Si Daddy naman ay nagsuot ng earphone.

I just sighed and went out of the room. Lola Alenie is kind. She is soft and understanding. But she was like wearing a black hoodie. Kapag sinuot niya na ang pagiging principal niya sa school she is a terror. She always makes every student's knees tremble in fear. The way she looks at a student will make them feel tense. Napakatalim ng mata kung tumingin. The way she talks is too soft na para kang lalasunin sa tainga. Ilang beses na 'kong na 'kong nakapunta sa principal office pero ang laging nakakausap ko lang doon ay si Tira Amira.

"Ano?" inis na tanong ko kay Rayd nang makita siya sa tapat ng kwarto ko.

"Lagot ka. Principal na ang tawag kay Lola Alenie. Baka maihi ka sa palda mo?" I punched him on his shoulders and went inside my room.

"Alis dito," utos ko nang sumunod siya. He didn't listen and even lie down on my bed like a king.

"Shana, Shana, Shana. I told you many times to stop vandalizing. Pero hin–

"Can you stop? I don't need your opinion," gigil na sabi ko habang kumuha ng damit. Narinig ko pa ang buntong hininga niya.

"Do you want me to buy a spray paints and canvas? Para hindi ka na magdrawing sa wall," sambit niya.

I looked at him with confused look. He just smiled at me. "Gusto ko sa pader. You know? Wall painting. It's my hobby," sambit ko. Napabuntong hinga siya.

"Ano bang gusto mo?" tanong niya.

"I want to be an architect. I want to draw, paint, design a house, design everything that looks like nothing," sagot ko.

"But the wall in school is not considered as nothing Shana. School yun. Hindi dapat yun ginagano'n. Kahit maganda ang gawa mo, the place is not right," mahinahong sabi niya.

Tumingin ako sa kawalan habang minamasahe ang daliri. "For sure suspended ako ng five days. Si Lola na 'yun eh," ani ko.

"It's principal, Shana."

I rolled my eyes. Kada talaga patungkol sa eskwelahan dapat ang tawag sa Lola namin ay Principal. Masyado silang masunurin.

"Alright," sagot ko nalang.

"Want some eggpie? I'll make it for you."

I stared at him with a furrowed expression. Napabuntong hininga nalang ako at tumango. "Okay."

Pumunta kami sa may kusina. Umupo ako sa countertop habang siya naman ay naghahanda ng gagamitin.

"Hey, what's that?" I asked when he took off his shirt. Nakatopless na siya ngayon at napansin ko ang guhit sa may bandang tiyan niya.

"Alin?"

Hinigit ko ang buhok niya at pinalapit siya sakin. Sinuri ko ang tiyan at tumingin sa kanya. Nakanguso siya.

"What's this? Bakit may sugat?" tanong ko. He pouted more. My eyes widened because of an idea. "Don't tell me dahil 'to sa railing nila Kensley? Akyat-bahay ka na naman ba sa kanila?"

He covered my mouth immediately. Nang tanggalin ko ang kamay niya ay inis na siyang nakatingin sa'kin. "It's not akyat-bahay. Hanggang terrace lang ako," inis na sabi niya.

"No way. Not my best friend Rayd," sambit ko. He just rolled his eyes before wearing an apron.

"Tie it please."

Napairap ako bumaba saka itinali ang apron niya. Pagkatapos ay tumaas na rin ako. Nagphone muna ako nang saktong magchat si Kensley at Yrina.

Kensley:
Punta ba ko diyan?

I smiled before typing a reply.

Me:
Oo. Bilisan mo!

Kensley:
Ge

Napairap ako sa reply niya saka binuksan ang message ni Yrina.

Yrina:
May notes ka d2

Yrina:
Suspended ka na ba?

Me:
Hindi pa, pero ramdam ko na

"Who's that? Why are you smiling?" tanong ni Rayd.

"Si Yrina," sagot ko.

Yrina:
HAHAHHAHAHAHAHAHAH buti nga!!!!

Sarkastiko akong natawa sa reply niya. Kapal nito. Parang hindi kami na suspend ng sabay noon ah!

Me:
Isasama kita gaga

Yrina:
Ayos lang ☺ at least bagsak tayo pareho HAHAHHAHAHAHHAAHAH

Me:
Baliw!

Yrina:
Bye na nga! Magluluto pa ko

Yrina:
More suspension to come!!! Lobr you bibi kwooo

Yrina:
Love*

Nagtoktok pa ko sa may lamesa saka nagtipa ng reply.

Me:
Masunog sana bahay niyo!🔥🏠

"Tao po!!!"

Tumayo ako nang marinig ang boses na iyon ni Kensley. Napangisi pa 'ko nang makita kung paanong nagulat si Rayd.

"Tagal mo," reklamo ko sa babae. Tinanggal niya ang roller shoes niya saka umupo sa couch.

"Kapal mo. Pagkasabi ni Mommy na pumunta ako dito pumunta na agad ako," asik niya. Natawa nalang ako at kinuha ang plato na bigay ni Rayd pagdating niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kapatid nang makitang aalis na siya. Si Kensley naman sinunggaban na agad ang eggpie.

"Kwarto," sagot nito saka umalis.

"Doon tayo sa kwarto mo. Gusto kong humiga. Nakakapagod."

Tumungo kami ni Kensley sa kwarto ko. Siya na ang may bitbit ng mga juice habang ako naman sa pagkain.

"Mom told me what happened. Ayos ka lang?" napalabi ako at tumango.

"Immune na 'ko. Yun nga lang, si Lola Alenie ang principal. Kinakabahan pa rin ako," sagot ko.

She tsked. "I told you naman kasi. Sinabihan ko na rin 'tong si Yrina pero enjoy na enjoy sa kalokohan niyo. 'Yan tuloy," reklamo niya.

Tatlong kaming magbabarkada. Si Kensley, Yrina, at ako. Kami ang madalas na magkakasama. Pero kapag kalokohan na, hindi kasama si Kensley dahil masyado siyang mabait. Siya ang tagapangaral sa'min kapag napapagalitan kami ni Yrina.

"Bahala na. Ayoko nang mag-isip. Malapit na last quarter exam," sambit ko.

"How about your parents?" I sighed at her question. Siguradong hindi na naman ako papansinin nina Daddy.

"Galit syempre," sagot ko.

"Ano ba kasing problema mo? Ang kulit mo kasi palagi. Yan tuloy," aniya.

Napaisip ako. Hindi ko din alam. Parang may gusto akong gawin na sa pagdrawing at paspray paint ko lang naiilabas. Parang kahit magdrawing lang ako maghapon, masaya at kuntento na 'ko.

"Ewan," she sighed again.

"Suyuin mo parents mo," umiling ako sa sinabi niya.

"My parents are too hard kapag education na ang usapan," sagot ko. "Alis tayo sa susunod? Tayo nina Yrina. Linggo. For sure sarili ko lang kakausapin ko magdamag," sambit ko.

"May family day kami," I pouted and nodded.

"Hindi busy si Tito?" napangiti siya at umiling.

"Busy. Sobra. Pero nagfile siya ng leave kaya lalabas kami nina Mommy. Excited nga ako kasi pati si Lola kasama."

I smiled seeing her reaction. Nakahiga na siya sa kama habang nakangiti sa may kisame.

"Si Yrina nalang isasama ko," sagot ko at tumango siya.

"Bukas pwede ako. Kayalang hanggang 6PM lang ako ha. Uuwi na 'ko kapag 5:45 na." tumango ako sa sinabi niya. Hindi ako pwede bukas.

Nilabas ko ang phone ko para tawagan si Yrina at sumagot naman 'to agad.

[Wassup siz?] bungad niya. Nagsusulat pa siya habang may binabasa.

"Pwede ka sa Linggo? Labas tayo? Bawal si Kensley kaya tayo lang," yaya ko.

[Wait.] may inilabas siyang notebook. [May family day ka noon eh. Sa hotel kami nina Kensley!] tili niya.

"Totoo? Doon rin kami!" sabat rin ni Kensley.

'Di ko maiwasang tuklapin mang balat ng daliri ko. Ibig sabihin wala akong kasama sa linggo. Lahat sila may family day.

[Pa'no yan? Bukas pwede ako Shana.] napanguso ako at umiling.

"Kakausapin ako ni Lola sa bukas," Sagot ko. Pareho silang natigilan dalawa. Humiga ako sa kama at kunyaring nagsulat sa ere. "Si Ate Zia nalang yayain ko. Baka pwede yun," nakangiting sagot ko. They both smiled and nodded.

"For sure pwede yun. Monday ang family day nila." Tumango ako sa sinabi nila ngumiti.

[Yra! Kakain na!] sigaw ng ni Tita Yesha.

[Yes Mom! Wait lang po!] nilingon kami ng babae at kumaway. [Bye na. Ingat!] kumaway kami ni Kensley saka pinatay ang tawag.

"Kapatid mong bunso na saan?" tanong ni Kensley.

"Na kay Mommy. Ang cute ng baby. Kamukha ko," mahinang sabi ko.

"Kapal naman." Natawa ako sa sinabi niya.

"Ang boring..." sambit ko. Parang kanina lang gusto kong magpakasaya pero ngayon parang nakakawalang gana.

"Nood tayong movie," giit niya. Binuksan niya ang laptop ko saka nagsearch ng palabas. "Ito nalang Titanic. Nakakaiyak daw 'to eh. Ayokong panoorin kasi wala naman akong kasama kaya ngayon nalang," sambit ni Kensley. Dumapa kami sa kama at nanood.

The movie is nice. Kayalang hindi iyon rumerehistro sa utak ko. Parang lumilipad ang isip ko sa kung saan. Tuloy ay hanggang sa matapos ang movie lutang lang ako.

"Uwi na 'ko. Balitaan mo 'ko bukas. Goodnight."

"Sige. Bye," paalam ko.

Pumunta ako sa kusina pagkatapos. 7PM na kaya kumain na 'ko. May nakahain na naman doon at siguradong si Daddy ang nagluto.

I sighed. Unlike my friends na lahat sila may family day kami lang ata ang wala. Si Mommy kasi busy sa online tutoring. Si Daddy naman ay professor sa college.

"Oh? Saan ka?" tanong ko kay Rayd nang makitang bihis na bihis siya.

"Kina Jake. Nagpaalam ako kila Mommy. Uuwi rin agad ako. May kukunin lang," sagot niya.

"Ano?" tanong ko.

"Yung flute ko. May exam kami bukas sa Music," tumango ako at tinapik siya sa balikat.

"Ingat," paalala ko saka siya nilampasan. Nasa may tapat na 'ko ng opisina ni Daddy nang matigilan. Binuksan ko iyon at nakitang nakatutok siya sa laptop. "Dad?" tawag ko. He glanced at me before continuing his work.

"Ano? Kung sasabibin mong kausapin ko ang principal hindi pwede." Umiling ako sa sinabi niya habang kinukut-kot ang daliri.

"Busy po kayo sa linggo?" tanong ko. Nangunot ang noo niya.

"Hindi naman masyado. Why?" my smile widened. Nag-isip ako nang pwedeng dahilan.

"Si...Tita Kenzie po. May bago siyang branch ng resto sa malapit. I w-want to try it," kinakabahang sabi ko.

Tumango siya sala lumingon sakin. "Yun lang pala. Magpasama ka nalang sa driver. Malaki ka na. Dapat kaya mo nang mag-isa,"

Nakagat ko ang dila ko at tumango. "Si Mommy po kaya? Pwede po siya?" tanong ko. Umiling siya.

"Tingin ko hindi rin. Baka aalagaan niya pa si Hace. Pero ask her. Para sure." Tumango ako saka tumayo.

"Sige po. Goodnight. Love you," giit ko saka umalis. Nagdalawang isip pa 'kong pumasok sa kwarto nila Mommy. Pero sa huli ay binuksan ko parin.

"Hi?" I whispered to my younger brother. Nasa may kama siya at mahimbing na natutulog. Mukhang nasa banyo pa si Mommy kaya humiga muna ako sa tabi ng sanggol.

I caress his head gently. Nakakatitig lang ako dito nang marinig kong bumukas ang pinto kaya tumayo ako.

"Oh, gabi na ah," sambit ni Mommy habang nagsusuklay.

"Mom...busy po kayo sa Linggo?" tanong ko. Nangunot ang noo niya.

"Oo eh. Babantayan ko si Hace. Bakit?" I smiled and shook my head.

"W-Wala po. Pero...pwede po akong lumabas sa linggo? Kina...Yrina lang po ako," palusot ko.

She smiled and nodded. "Sige. Ingat ka," humalik muna ako sa pisngi niya saka lumabas ng silid. I don't know what to feel. Nakatulala lang ako sa kisame. Ang bigat ng loob ko. Parang ang sakit lang. "Hayaan mo na. Atleast pwede kang lumabas," kumbinsi ko sa sarili.

To be continued...😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro