Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19: Princess

.

"Hoy Chaius, baka matunaw si Shana niyan," si Ian.

Napasulyap ako kay Archie na kanina pa pala nakatingin sa'kin. I gave him a questioning look. Nagtaka pa 'ko dahil tumingin lang siya agad sa kung saan kaya hinarap ko na si Rayd na nagkakabit ng helmet ko.

"Masyado kang maganda Shana. Magugulo rin yan." napairap ako sa sinabi ni Rayd.

"Hindi nagugulo ang ganda ko Braxtyn." He just gave me a disgusting face. Tuloy ay inis akong lumapit sa motor ko at pinabusina iyon ng tatlong beses. "Ian yung gul–" Nagtataka akong tumingin kay Archie nang mahuling nakatitig na naman siya sakin. Tuloy ay lumapit ako sa kanya at sinampal ang pisngi niya ng bahagya.

"Problema mo ba?" tanong ko. He swallowed hard and shook his head.

"W-Wala." I tsked at his answer before riding on my Ducati.

"Ingat Shana," paalala ni Kuya Sanrix.

"Shana yung hawak mo ayusin mo," giit naman ni Kuya Carter at bumaba pa para ayusin ang pagkakahawak ko sa manibela kahit tama naman.

"Alisha, need mo seat belt?" tinaasan ko ng kilay si Ian sa sinabi niya. Tumingin ako kay Archie at nahuling kakatingin lang nito sa akin pero agad ring nag-iwas.

"Sa unahan kayo ni Shana, Rayd at Ian. Kaming tatlo dito sa likod. Kayong dalawa sa harap niya."

Naiinip na 'ko sa mga pinaggagawa nila. Halos thirty minutes na ata kami dito. Marunong naman akong magmotor pero kung umasta sila parang kahit pati bike na may support hindi ako marunong.

"Can you do it faster Ian? Ang bagal mo," inis na sabi ko.

"Wait. Picture tayo. With the princess in red."

Ngumiti ako sa camera na hawak niya. Nakailang posing pa 'ko bago muling naghintay dahil kinakabit niya pa raw ang camera niya sa motor.

"Let's go!" Rayd shouted, making me more excited.

Nang umandar na kami ay kalmado lang akong nagdrive. Hindi gano'n karami ang taong naglalakad dito sa subdivision kaya kahit paano ay mabilis ang patakbo namin.

Nang makalampas na kami ng barangay ay highway na ang dinadaanan namin. Ang saya pa dahil hindi ngayon traffic kaya ramdam ko ang hangin na sumasalubong sa'kin.

The feeling of being free on something. Tapos ang mga kasama ko pa ay ang mga mahahalagang lalaki sa buhay ko. I feel so secured. Parang kahit anong daanan ko basta kasama sila ligtas ako.

"Take me a picture Ian!" i shouted. Tumigil kami rito sa Manila Bay bridge. Bukod sa walang mga dumaraang sasakyan ay sobrang ganda rin ng view.

"Magpapapicture tapos kapag ako na kukunan ng litrato ang pangit," bulong niya. Halatang sinasadya na iparinig sa'kin.

"Pangit ka lang talaga," asik ko habang tatawa-tawa.

Hinawi ko ang buhok ko patalikod saka umupo sa sasakyan. I made cool poses before the catchy one. Siya naman ay seryoso sa pagkuha ng litrato sa'kin.

"Kami naman ni Kuya Sanrix!" sigaw ko dahil busy si Kuya Sanrix sa pagseselfie. Nang marinig niya 'ko ay lumapit siya agad saka umakbay sa'kin.

"Ako naman." tumango ako sa sinabi ni Ian. I took a picture of him. Most of it are handsome but some are so stupid. May higa higa pang nalalaman.

"Kami ng boyfriend ko," giit ko saka tumingin kay Archie.

I furrowed when I caught him spacing out again. Nakatitig lang siya sakin na parang wala sa sarili. Tuloy ay 'di ko na napigilan ang sarili na lapitan siya. He's just on his motorbike while staring at me.

"Are you really alright?" tanong ko. Hindi siya sumagot. "Archie?" i called again but he just looked at my face like he's memorizing it. "Baby?"

"Hmm?" napabuntong hininga ako saka hinawakan ang kamay niya.

"Let's take a picture. Mamaya pag-uwi mag-usap tayo. Kanina ka pa tulala diyan," sambit ko. Pumwesto kami sa gitna ng daan. Si Ian ay may sinisipat pang kung ano. Sinisiguro ata na nasa gitna kami.

"Hoy ang panget! Magjowa ba talaga kayo o mag friends?" reklamo ni Ian. I pouted. Ewan ko din sa sarili ko pero bigla akong nailang.

"Ganito kasi..." i blinked when Archie held my hand and put it on his nape. Mas nagtambol ang puso ko nang hapitin niya ang bewang ko paharap sa kanya. He even face the camera without minding me.

"Shana ayos na! Ang ganda na oh! Panira ka."

Tumikhim ako saka kinalma ang sarili. I looked at the camera seriously. Si Archie naman ay seryoso lang din.

"Another pose! Parang lutang amputa!"

Ramdam ko na ang inis ni Ian sakin. Pero paano naman kung ganito makahawak ang lalaking 'to? Masyadong marahan! Nakakailang masyado.

"Tara na. Good take. Nagchat si Tito Raen uwi na daw," giit ni Kuya Carter.

Inalalayan ako ni Archie na sumakay sa motor ko. He also made me wear my helmet. Ang tahimik lang namin dalawa. Ano bang nangyari? Ganito na ba kalakas ang epekto niya sa'kin? Na kahit impleng bagay na gawin niya parang aatakihin na 'ko sa puso.

"Shana sa gitna ka lang. 'Wag kang magmadali!" saway ni Rayd nang subukan kong bilisan ang patakbo. I pouted and drove moderately.

I was driving in a moderate speed when i heard a loud noises of an upcoming motorcycle too. Hindi nga ako nagkamali dahil may makakasalubong kaming dalawang motor. Otomatiko kaming sabay-sabay na kumanan para hindi maging hari masyado sa daan.

But on the thought that the two motor riders will go their own way, I gasped together with the loud beating of my heart. Sinalubong kami ng isang motor. Nilampasan niya lang sina Rayd at Ian na nasa harap pero napasinghap ako lalo nang mukhang bubungguin ako nito.

"Shana!" Archie shouted. Nakahinga ako nang maluwag nang mailagan ko ang motor. Pero agad rin akong nabigla sa pangalawang pagkakataon nang bigla nalang akong bungguin ng isa pa.

I rolled my whole body to balance and fell to the ground. The speed of my fall is too fast and too pressured due to the air. My heart started beating in the fastest rhythm when I saw where I'm going to end. Sasakto ako sa butas dito sa tulay at siguradong mahulog.

"Alisha!" rinig kong sigaw ni Rayd nang tuluyan na 'kong mahulog sa tulay at bumagsak sa tubig.

The feeling of nearly death experience. Yun ang nararamdaman ko. Pananakit ng katawan mula sa pagkahulog galing sa motor. Dagdag pa ang pagkakagulong ko sa lupa at ang bagsak ko dito sa tubig. Siguro kung hindi lang ako naturuan dati ni Mommy ng tamang pagdive baka lasog na ang organs ko. Though, medyo sumakit ang katawan ko sa impact.

"Rayd! Archie! Kuya!" I shouted while swimming. Halatang taranta sila sa gagawin. Nagulat pa 'ko nang bigla nalang tumalon si Archie at bumagsak rin sa tubig. Crazy how I have the time to admire how he dived. Para siyang professional.

"Tanggalin mo yang damit mo," utos niya. He held on my waist while I'm removing my clothes. "Masakit ba katawan mo?" tanong niya habang sinusuri ang bahagi na nakikita niya.

"Medyo," sagot ko naman.

I let out an air when I feel that I can't take the cold pressure of cold already. Sinukbit niya ang pants at jacket ko sa balikat niya saka ako hinawakan nang mahigpit sa bewang.

"My love, I think I can't take this...c-cold already," paalala ko.

His eyes softened. He kissed me on my forehead before nodding. "I'm here. Akong bahala. Hawak kita." I nodded and tightened my grip on his nape. Sinandal ko ang ulo sa balikat niya habang iginagalaw ang mga paa kong malapit nang mamanhind.

"Mga Lee!" A deep voice shouted from the bridge.

Nagmulat ako at nakita na sina Kuya na sakay ng yate. Yung nga lang ay sa taas ng tulay nakita ko ang dalawang lalaki. The one with the red motorbike has a gun. And I think it's pointed at me.

"Archaius! Si Shana!" rinig kong sigaw ni Rayd.

"Bilisan niyo na!" sigaw ni Ian.

Binitiwan na ni Archie ang mga damit ko at hinayaang yung agusin ng tubig saka lumangoy nang mabilis. Rinig ko rin ang matunog niyang mura ng paulit-ulit habang yakap ako kasabay ng paglangoy nang mabilis.

"Langoy Archaius! Your girl will be in our hands!"

Habang pinipilit ang sarili na lumangoy rin ay ang daming naghahalo sa isip ko. Who are they and what they need? Yung ang dalawang tanong na hindi ko alam kung ano ang sagot.

"Fuck!" I cursed when I felt a gunshot in my stomach.

"Shana...malapit na. 'Wag pipikit nang tuluyan ha," giit ni Archie.

I forced myself not to close my eyes. Nakita ko na rin na lumangoy na si Kuya Carter at Rayd. My vision is becoming blurry and fuzzy. Nakakaramdam na rin ako ng hilo. The water here that surrounds me are also colored with blood. Siguradong sa'kin.

"Shana! Shana do you hear me?" tanong ni Ian. I moved my fingers for an answer. Nasa loob na 'ko ng yate. Ilang saglit nalang siguradong mahihimatay na 'ko.

"Tumawag ka ng ambulansya Ian," utos ni Kuya Carter. Rayd is doing something on my stomach. Si Archie naman ay nakahawak lang sa kamay ko.

"Mga Lee! At ikaw Archaius Hercules! Better take care of your beloved princess! Baka mamalik mata kayo...wala na 'yan," rinig kong sigaw ng lalaki habang natatawa. Probably they used a speaker so that we could hear them that loud.

"I'm going to...faint," I said weakly. Maya maya lang ay tuluyan nang nagdilim ang paligid ko.

I can't understand what's happening. Hindi ko maintindihan kung bakit may gustong kumitil ng buhay ko. I know I'm a bit stagy. Or I must say I am stagy type. Maarte at mataray ako pero hindi naman umabot sa punto na may nakasakitan. Salitaan nga lang ang ginagawa ko dahil baka mapahamak naman ang magiging kaaway ko.

"Ate..."

Nagmulat ako at nasalubong agad mukha ni Hace. He looks worried about me. Nginitian ko siya saka hinawakan ang kamay niyang nasa noo ko.

"No fever Ate?" tanong niya.

"Ate has no fever," sambit ko na kinangiti naman niya.

"Mommy and Daddy talked outside. Kuyas are outside except Kuya Archie who's in his own house to get some stuff." Tumango ako sa sinabi niya. Inalalayan niya pa 'kong umupo saka kumuha ng orange fruit sa gilid.

"You have small hands. Kaya mo?" tanong ko.

"Yes Ate. This orange is a bit soft," sagot niya habang binabalatan ang prutas. Humawak ako sa bewang niya saka siya binuhat paupo sa tabi ko. "Don't carry muna po ako. Sabi ni Kuya Rayd baka magbuka sugat mo po," saway niya sa'kin na kinatawa ko.

"Okay." I opened my mouth when he placed the piece of fruit in front of my lips. Ngumiti siya sakin na halos singkit saka kumain rin ng prutas.

"Masakit pa po sugat mo?" tanong niya. Umiling naman ako. "I will call Mommy."

Nangunot ang noo ko nang kunin niya ang phone ni Daddy sa may gilid. Memorize niya ang sampung numero para sa password saka dinial ang number ni Mommy. Two years old palang napaka advance na ng isip.

"Mommy? Ate po gising na," sabi niya habang nakahawak ang dalawang kamay sa cellphone na mas malaki pa sa palad niya. "Sige po. Love you too."

I observe how he acts. Nagtaka ako nang parang may hinahanap siya. He even looked under my this hospital bed before getting something. Maliit na upuan pala. Nilagay niya iyon malapit sa'kin sa sahig saka doon tumungtong para makabalik ulit sa kama ko.

"Mom and Dad are about to come Ate. Wait ka lang diyan po," sambit niya habang pinaghihiwlay na ang piraso ng orange.

"Sige baby," sagot ko naman. Kukunin ko na sana ang phone ko sa may gilid nang ilayo niya iyon gamit ang paa niya.

"Sabi ni Kuya Rayd bawal ka daw mag phone. Baka daw po masira eyes mo." I bit my tongue at what he said. Masyado naman niyang sinusunod ang Kuya niya.

"Hmm...Kuya Rayd won't know about it." Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Don't tell Kuya." I bit my tongue when he raised his one eyebrow at me. Parang mas strikto pa ata 'to kay Rayd.

"I don't want to lie to Kuya Rayd, Ate." Napanguso ako sa sinabi niya at tumango.

Kabata-bata pa Shana tinuturuan mo na ng hindi magandang asal! Ikaw pa tinanggihan ng bata, dimonita!

"I want to call Archie," mahinang sabi ko. He sighed before he took Mommy's phone again.

"Mommy, Ate wants to use the phone but Kuya Rayd said bawal," panimula niya. "Okay...Can you ask Kuya Archie to go here? Ate wants to see him po."

I smiled seeing how caring he is. Para siyang batang Rayd. Yung nga lang mas sweet. Si Rayd kasi may pagka masungit kung madalas. Kahit na gusto niyang ako ang manalo sa asaran gusto niya munang napipikon ako.

"Ate, si Kuya Archie po dadating mamaya. Wait ka lang ha?" tumango ako sa sinabi niya at ngumiti.

"Okay baby."

To be continued...😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro