Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: Wax

.

"Shana?"

"I'm here!" I shouted here from his room.

Kakatapos ko lang magpinta kaya nililigpit ko na. Itong bahay niya agad kasi ang pinuntahan ko. Hindi na 'ko pumunta sa bahay nila ni Tito Damian dahil mukhang tulog pa sila. Alas otso palang kasi. Nagbike ako at dito dumeretso kaya ito na ang naisipan kong gawin.

"You should have chatted me. Nainip ka ba?" tanong niya habang nakayakap sa'kin mula sa likod. He even kissed my nape that made me chuckle a little.

"Hindi. I painted something kaya hindi ako nabored. And...please stop hugging me? I'm a bit sweaty," giit ko habang inaayos ang mga gulo-gulong materyales. Hindi ko alam kung dahil ba sa isang hugutan ko lang ito kanina o nahulog yung iba.

"Mabango ka pa rin naman." Napairap ako saka siya hinarap. I gave him a peck of kiss before going out of his room.

"I bought egg pies. Kumain ka muna. Maliligo lang ako," paalam ko saka kinuha ang extra towel. Kinuha ko ang bag kong may damit saka dumeretso sa banyo.

His bathroom is a bit small. Pero ayos lang naman dahil isa lang siyang nakatira dito. Buti pa nga dito mabilis ang buhos ng tubig. Sa amin kasi ay may kabagalan. Kahit kasi may pera ginagawa parin ni Mommy lahat para makatipid kahit paano sa bills.

Pagkatapos maligo ay dumeretso na 'ko sa kwarto ni Archie. I smiled when I took my phone when it beeped.

Mommy: Hace wants you to buy him banana cakes Shana

I smiled again. Knowing that, that kiddo misses me again. I typed a reply while locking the door.

Me: Tell him I will(●'◡'●)

Nilapag ko ang phone ko sa kama. I was about to take off my towel when my phone beeped again for the second time.

Mommy: Don't you dare to make a wrong move (message from your grumpy twin brother while he's frowning)

I chuckled at Mommy's message. Napanguso rin ako dahil alam kong nag-aalala yun si Rayd. Isang buwan na kasi ang nakalipas mula noong kaarawan namin.

Me: Tell him "I know the consequences"

Pagkatapos noon ay nagbihis na rin ako agad. Napasinghap ako nang buklatin ko ang bag ko. I left my brassiers in the house. Nasapo ko ang noo saka kumuha ng t-shirt sa kabinet ni Archie. I can't wear the shirt I brought because of its thin cloth. Ang laki tuloy ng damit ko.

"I used your T-shirt," bungad ko paglabas habang nagpapatuyo ng buhok. Umupo ako sa tabi niya at tinignan siyang naglalaro sa phone niya.

"Why?" he asked while still focused on his game. Kumain muna ako ng eggpie saka binuksan ang tv.

"I don't have my brassiers. I left it," sagot ko habang nakatuon ang sarili sa palabas.

It's about a painting contest in New Zealand. A competition of teenagers with their masterpiece world wide. Ang gagaling nila. Parang gusto tuloy magpinta. Yung madiscover. Yung nga lang, I really wanted to be an architect first. Pero tingin ko kung hindi ako tamad kung minsan baka sumali na 'ko.

"Shana, I'm talking to you." Napalingon ako kay Archie. 'Di ko namalayan na kinakausap niya pala ako.

"Bakit?" tanong ko.

"You left what?"

Tumango ako nang maintindihan ang tanong niya. "I said that i left my brassiere at home," pag-uulit ko. Dumilim ang tingin niya sakin habang nakatingin sa dibdib ko. Tuloy ay tinakpan ko yun.

"And you went here without wearing one?"

I chuckled at his question and shake my head. "I wore a sports bra a while ago. Hindi mo napansin?" tanong ko.

Mas lalo lang siyang sumimangot. "Yun lang ang top mo? You must wear two tops clothes, baby. One brassier and one shirt."

I kissed him on his lips and smiled. "Sports bra na yun my love. Ang init naman. Hindi dapat ganon," depensa ko.

"Then, don't wear a sports bra." Nasapo ko ang noo at tinignan siya.

"Sports bras are thick. Hindi makikita ang first base. Kaya wag kang oa diyan." inismiran niya lang ako saka siya nagpatuloy sa paglalaro niya. "Bili tayong pagkain. Gutom pa 'ko." tumango siya sa sinabi ko saka tumayo.

"Wait. Let me see." Napayakap ako bigla sa sarili at pinanlakihan siya ng mga mata. Inirapan niya pa 'ko saka iniharap sa kanya.

"Hey!" singhal ko nang sipatin niya ko.

Napalabi siya at tumango. "Ayos na. Hindi naman bakat. Bihis lang ako."

Inirapan ko nalang siya saka pumunta sa terrace. Tinignan ko ang phone ko nang tumunog iyon. Pagtingin ko ay sa GL SHS tea spreader lang pala. Gaya ng inaasahan ay si Suniz ang nagpost. A post where she have no face and she's with his two brothers. Madilim ang kuha kaya hindi kita ang mukha nila. May hawak pang frame si Suniz habang nakataas iyon.

Wild justice will be in our hands

#missyoumy
#dispatchtheirjewel
#princess

Napangiwi nalang ako nang makitang madaming nagreact ng heart. Kahit kasi madaming kaaway marami pa rin siyang kaibigan. Kahit napaka bully kung madalas.

"Tara na." tumayo ako at humawak sa kamay niya. Binuksan niya ang payong. This is the most favorite thing I want to do with him. Ang maglakad kasama siya.

"Baby come here. Let me tie your hair first," sambit ko. Nakalugay kasi ang buhok niyang hanggang leeg na niya. Medyo mahangin rin kaya nililipad. "Luhod ka ng kaunti," utos ko at ginawa naman niya. I took his pony tail in his wrist and tied his hair on a manly bun. "Perfect," mutawi ko. I took my phone and took a video of him.

"Don't do that Shana," saway niya nang itapat ko sa mukha niya ang phone ko at izoom iyon.

"Bakit ba nahihiya ka sa mukha mo? Ang gwapo mo kaya. Arte mo," asik ko habang nilalakihan pa ang mukha niya sa phone. I pouted seeing how smooth his face is. Walang open pores. Napakakinis.

"Nakakahiya sayo." tinaliman ko siya ng tingin at binitiwan ang kamay niya habang naglalakad patalikod. "Baka matumba ka," saway niya pero 'di ko siya pinansin.

"Nahihiya kang izoom mukha mo? Samantalang yung mga post mo dati kulang nalang ipakita mo yang dragon mo?" i ranted while glancing in between his thighs.

Nagdilim ang tingin niya sakin. Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil rin ako. "What? Anong dragon?" tanong niya. Napairap ako.

"Bakit? Hindi ba? Nakalimutan mo na ba yung mga pinagpopost mo noong 18 ka? Topless topless pa 'to. Bakat pa yung ano mo," asik ko.

His lips parted before letting out an unbelievable laugh. Tumingin siya sa kung saan saka ako tinignan. "Ahh...oo nga. I remembered how you like one of my topless pictures, you stalker."

Nagsalubong ang kilay ko kahit na medyo nag-init ang pisngi. Akala ko hindi niya alam! Alam niya pala?

"Atleast ayos lang sakin na zinu-zoom mukha ko. Ikaw ata mas gusto mong zinu-zoom yang dragon mo. Tapos pag may nagcomment na malandi tatawanan. Nagpalandi pa talaga," singhal ko pa. Medyo naiinis na sa bardagulan na sinimulan ko.

"Ahh...so you're jealous of the people who commented on my post years ago?" tanong niya.

"Oo! May problema do'n?" taas kilay kong tanong. I tsked when i heard him chuckled. Tinalikuran ko nalang siya saka naunang naglakad.

"Baby, you don't want me posting sexy pictures?" tanong niya pagkahabol.

"Hindi. Ayos nga yun eh. At least they will envy me because of having you. But still, the thing is I don't like you replying and reacting to those dirty comments," sabi ko sa kanya. He nodded as if he really understood what I said.

"Okay. Do I need to post it again and put your name as a watermark near my dragon, baby?"

My jaw dropped at what he said while he's smirking. Natigilan rin ako sa paglalakad habang pinoproseso sa utak ang sinabi niya.

Dragon? Watermark? He will use my name as a watermark near his dragon? What dragon? Bastos 'to ah.

"Pervert."

Nagkadikit na ang mga kilay ko nang marinig ko pa ang malakas niyang pagtawa. Humabol naman agad siya sakin saka hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang pang-aasar sa tingin niya sakin kahit na hindi ko siya lingunin kaya nakasimangot parin ako.

"Ano bang pangalan mo ang gagawin kong watermark? Shana? Alisha? Viviana?" tanong niya habang nakatingala. "Kung Viviana kaya? More powerful."

"Ang bastos nito jusko," asik ko. He pursed his lips stopping himself to laugh.

"Oh siya hindi na po. Galit na ang baby na 'yan." napailing nalang ako sa pang-aasar niya saka pumasok sa convenience store.

"Kuha ka ng cart," utos ko habang kumukuha ng gatas.

"Sasakay ka?" walang emosyon akong tumingin sa kanya. Napanguso naman siya at ngumiti. "Sorry na nga."

Napailing nalang ako sa pagiging mapang-asar niya. I just continued grabbing some foods. Kumuha rin ako ng beers saka inilagay sa cart. Nakasunod lang siya sakin habang sumisipol kaya nilingon ko siya.

"Kukuha ako ng sa'kin. Diyan ka lang." umiling siya sa sinabi ko at humawak sa palapulsuhan ko.

"Sama ako," sambit niya. "Ako na magbabayad ng sayo." nangunot ang noo ko sa sinabi niya at umiling.

"This is mine. Hati tayo sa bayad sa groceries. Itong akin, akin lang," giit ko.

He pursed his lips while shaking his head. "I'll pay for it, my love. I have money."

I raised my eyebrow, not liking what he just said. "I have money too. Pakasalan mo muna ako bago ka magbayad sa napkins ko," deretsong sabi ko sa kanya.

Lumaylay ang balikat niya kaya ngumisi ako. "Pakakasalan kita. Hintay ka lang." inismiran ko lang siya sa sinabi niya saka tumungo sa hygiene sections.

"Wings...wings...wings...gotcha," I smiled as I got what I needed.

Tanaw ko si Archie na may tinitignan rin na napkin kaya natawa ako nang bahagya. I was about to go to him when two guys bumped on me. Napaatras tuloy ako at lumayo.

"Sorry," paumanhin ng lalaking nakaspecs. Tumango lang ako lalampasan sana sila nang harangin nila 'ko ulit.

"Excuse me?" sambit ko. Nagkatinginan silang dalawa at ngumisi.

"You are Alisha Viviana Grimaldi Lee. Am i right miss?" tanong ng lalaking naka-cap. Napansin ko rin na diniinan niya pa ang pagbanggit sa apelyido ko.

"I don't know you. Excuse." I glared at them when they both blocked my way again.

"But we know you," the man with a cap said.

I angled my head to try to remember them. Pero kahit anong isip ko hindi ko sila matandaan. I have a great memory in remembering people. Kaya siguradong hindi ko pa sila nakikita kahit kailan.

"Thanks?" i thanked sarcastically. Nagkatinginan muli ang dalawa saka natawa. I can't feel any fear. Kung may gagawin naman siguro silang masama hindi naman siguro ganito ka expose ang pagmumukha.

"Lovely," mutawi noong nakasalamin. Nilingon ko ang lalaking nakacap nang pantayan niya ang mukha ko.

"They will definitely go crazy."

I furrowed at what the spec guy said. Ngumiti siya na halos pikit ang mata saka sila tatawa-tawang umalis sa harap ko. Napalabi nalang ako at binatukan si Archie na may hawak na Ph care.

"You need this?" tanong niya.

I shake my head and took it from him and returned it to its place. "Ang dry niyan sakin. And i also visit my ob-gyne regularly. She recommended something i want," giit ko habang kumukuha ng tissue.

"Okay," rinig kong sagot niya saka umalis.

Matapos kumuha ng iba't ibang wipes at tissue ay hinanap ko na siya. I chuckled seeing him in the feminine heated hard wax. Seryoso pa siyang nagbabasa doon kaya inakbayan ko na siya saka kinuha ang hawak niya.

"I have one of this already. Don't look at it," sambit ko habang hila siya sa may Men's hygiene. "Ikaw? Ano sayo?" tanong ko.

"I have many stuffs at home," giit niya. Napalabi ako saka dumapo ang tingin sa wax. "Shana, i don't use that kind of thing. I prefer in shaves."

"Try it. Sa armpit mo?" sambit ko. He swallowed hard and shook his head.

"Masakit yan. Ayoko," tanggi niya.

"Ang lago na ng buhok mo. Na se-shave mo pa bayan? Dali na...ako maglalagay," pilit ko. He furrowed.

"Only in my armpit?" tanong niya. I smiled sweetly and nodded. "Masakit yan Shana." napanguso ako saka kinuha sa kanya ang wax.

"Oo na po. 'Wag na po," sambit ko habang binabalik iyon sa lagayan.

"Okay fine."

Nanlaki ang mata ko at tumingin sa kanya. He looks scared but at the same he looks like pulling all his courage.

"'Wag na. Baka umiyak ka," ani ko. He sighed.

"Hindi. Basta ngayon lang. Sa kili-kili ko lang." i smiled before grabbing some of it. "Shana ang dami." i smiled chinkly.

"Pati si Rayd at Daddy. Pati sina Kuya pipilitin ko," nakangiting sabi ko. Natawa siya saka ako sinamahan sa counter at nagbayad.

He went with me at home. Iniwan ko ang bike ko sa bahay niya kaya sa motor kami sumakay para ihatid ako. Bumili rin muna ako ng pagkain ni Hace kaya kumpleto ang lahat.

"Good after noon!" i greeted as i got home. Nilagay ni Archie ang mga binili ko sa sofa.

"What's with you?" tanong ni Kuya Sarix.

Umupo ako sa isahang upuan. All of them are here in the salas. Si Rayd sa sahig habang gumagawa ng test dahil may microscope pa siya. Si Kuya Sarix naman at Kuya Carter na may mga hawak na clear book, si Daddy na naglalaptop habang si Ian ay naglalaro.

"I want to try something. Mommy will help me. Right Mom?!" malakas na tanong ko dahil nasa kusina siya.

"Yes!" i smiled at her answer. Alam na kasi niya ang gagawin ko.

"Ano ba yun?" tanong ni Ian.

I opened the eco bag excitedly. Kinuha ko ang wax at pinakita sa kanila. "Charan! Let's try thi–

"No Shana!"

To be continued...😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro