Chapter 13: Bitten
.
"Hoy! Magbihis ka na!"
Tinaasan ko ng kilay si Rayd dahil sa pagiging demanding niya. Inabot ko sa kanya ang tuxedo niya at inayos ang neck tie saka siya inirapan.
Today is March 30 and it's me and my brother's birthday. Gabi na sa labas at may mga kaunti nang bisita. While me on my robe and underneath is my seamless underwear. Ang tagal pa ng oras. Isang oras pa bago ang mismong start ng program at itong unggoy na 'to nagmamadali.
"Wag kang atat," asik ko.
"Shana, alam kong broken hearted ka pero 'wag mo munang isipin 'yan pwede?" napairap ako at hindi na siya pinansin. Bumaba ako at pumunta sa may kusina at nakita si Tito Damian.
"Oh, Ma'am. Happy birthday po." ngumiti ako dito at tumango. Katulad ng lahat ng lalaki ay naka tuxedo rin siya. Bagay sa kanya dahil kahit may edad na ay halata parin ang pagiging adonis nito noong kabataan.
"Uhh...pupunta po kaya si Archie, Tito?" tanong ko. Nakagat ko ang labi ko nang makita ang nanunudyo niyang tingin kahit pinipigilan niya.
"Hindi ko po sigurado Ma'am. Pero siguro oo."
Tumango ako at bahagyang ngumiti sa kanya. "Sige po salamat," sambit ko.
Mas lalo lang akong nawalan ng gana. Hindi ko rin sigurado kung makakapunta siya dahil ang alam ko ay ang dami niyang inaasikaso. Minsan na ngalang niya 'kong ihatid noong nakaraang linggo kaya hindi malabong hindi nga.
"Shana, magbihis ka na," utos ni Mommy. I sighed while staring at my red gown. It's a crimson red off shoulder quinceanera dress.
Pupunta kaya siya? Nagtanong kasi ako ng isang beses sa chat pero wala pang reply. Ayoko naman siyang kulitin dahil baka isipin niyang masyado siyang importante sakin. Ayoko namang magmukhang ulila sa kanya.
"Shana?" My lips parted when i heard that familiar voice. Nilingon ko ang pinto at napatakbo sa kanila sa tuwa.
"Kuya Carter!" I shouted as I hugged him. Natawa pa ko nang makita si Ian sa likod na nakasimangot sakin. "Ano? Yayakapin kita?" I asked at him. He pouted and nodded.
"Happy birthday princess Lee." napairap ako sa itinawag niya sakin habang siya ay tatawa-tawa.
"Drop that," utos ko. Umupo kami sa may sofa. Nasa gitna ako nina Kuya Carter at Ian habang si Rayd naman ay sa harap ko katabi ni Mommy.
"Why Shana? Totoo naman ah. 'Di ba Tita?" tanong pa ni Ian kay Mommy. Natawa naman si Mommy at tumango.
Sa lahat ng mga Lee ako pinaka protektado. Bukod sa isa ako sa dalawang babae na Lee sa ninuno namin, they will always treat me like a princess. Masyado akong secured kapag kasama ko sila dahil daw ako ang prinsesa ng mga Lee ancestors.
Dahil daw kasi sa mga naging Lee sa ninuno namin, dalawa palang daw ang ipinapanganak na babae. Si Tita Chloe at ako. Sabi kasi ni Daddy dati na ang Lolo ng Lolo niya ay nagkaanak ng mga lalaki. Ang naging anak ay lalaki din at sumunod ulit lalaki. HIndi man marami ang anak na lalaki pero pareho parin ang gender. Tumigil lang iyon nang ipanganak na si Tita Chloe. Ngunit naputol nang mag asawa siya dahil puro lalaki na ulit at ako na ang sumunod nang dahil kay Daddy.
"Kuya Carter buti dumating kayo. As you can see, our princess is not ready yet. Masyado siyang nalulungkot dahil sa boy–
"I told you he's not boyfriend, Braxtyn!" asik ko. "Mommy oh!" natawa lang siya kaya napanguso ako.
"I mean, Kuya Carter, she's sad because of the guy she likes."Nakagat ko ang dila ko nang kumunot nang sabay ang mga noo nila at tumingin sakin.
"Who is he?" tanong ni Ian. Nakangisi.
"Si Chaius, Ian. Tanda mo? Yung nasa may garden namin dati?" sabat ulit ni Rayd. Napalabi ang lalaki at tumango.
"Ahh...that guy is nice. Bet ko siya para sayo," giit niya sabay kindat kaya napangiti ako.
"Nako Shana, pasalamat ka at wala pa si Sarix. Baka kulitin ka noon at hanapin agad sayo." i chuckled at what Kuya Carter had said. Kuya Sarix is a bit strict. Pero mabait yun. Siya ang laging nagbibigay advice sakin noon tungkol sa mga baho ng lalaki kahit na lalaki rin siya dahil sabi niya para sakin rin naman yun.
"Shana magbihis ka na," utos ni Mommy.
"Oo nga Shana. Kapag nagbihis ka sasabihin agad namin ang surprise namin sayo."
Pinagsingkitan ko ng mata si Ian dahil sa nakakalokong tingin niya. Tuloy ay na excite ako at nagbihis na agad. I even told Mommy to move faster dahil parang binibilang niya ang bawat glitters sa damit ko.
"Kuya Sarix!" tawag ko at yumakap sa kanya. Pinasadahan niya ng tingin ang damit ko habang nagsisingkit ang mga mata.
"Beautiful," he said while his hand was on his chin.
Lumabas muna si Mommy saglit kaya kaming lima ang naiwan dito sa sala. Binigyan pa 'ko ng upuan ni Kuya Carter para daw hindi nakatayo.
"Tell me. What surprise?" I asked excitedly.
"Our Mom let us study here for two years." my lips parted at that good news. Ibig sabihin makakasama namin sila ni Rayd ng matagal. For sure we will be often in an arcade, motorides, video games, and others and that will be ecstatic to celebrate.
"Totoo?" i asked blissfully and they all nodded. "How about Tita Chloe? Yung company niyo? Paano yun?" ngumisi sina Kuya at humilig sa upuan.
"We accepted many projects here in Philippines kaya magtatagal kami." tumango ako sa sinabi ni Kuya Sarix. Nang tawagin na 'kami ni Rayd ni Mommy para maghanda ay lumabas na rin sila para maghintay sa may pool.
The party is themed as a red party. Sinakto dahil lunar eclipse ngayon. That's the reason why everyone wears black and red. This debut and birthday party of me and my brother is very cool.
"We are gathered here tonight to witness the transformation of a young girl to a beautiful lady. We are very lucky for we are chosen to be here and be part of this momentous occasion in the debutant's life. You see her grow up. You see her smile. You see her laugh. You see everything about her everything. And now you are about to see her as a grown up lady. A lady of good heart, character and ambition."
Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ng host habang nakakapit sa braso ni Rayd. Panay ang silip ko sa mula sa maliit na awang ng bintana sa mga bisita sa labas kung kasali ba si Archie.
"Let's welcome the debutante with his twin brother. The Princess of the Fifth Generation of the Lee family, Alisha Viviana with his twin brother Braxtyn Hayden!"
Palakad na sana si Rayd para lumabas nang hilain ko siya. He held on to my shoulders and gave me a kiss on my forehead and smiled.
"Pupunta 'yun. 'Wag kang mag-alala," sambit niya. Napabuntong hininga ako at tumango. "Enjoy your day. Debut mo tapos ganyan ka?" tanong niya sakin.
"Tingin mo pupunta talaga siya?" mahinang tanong ko. Inayos niya pa ang damit ko dahil parang bababa na iyon.
"Walang pwedeng manakit sa prinsesa ko." I rolled my eyes. Pero kalaunan ay nangiti nalang rin at tumango.
"Tara na." he winked at me and fixed my gown at the back. Sunod ay kinuha niya ang kamay ko at hinawakan muli iyon.
Paglabas namin ay napunta agad sa amin ang spotlight kaya nagsingkit pa ang mga mata ko. Nang makabawi ay doon ko na naanig nang maayos ang venue.
The venue was here in our house. Pero sa likod bahay dito sa may garden hanggang sa swimming pool. The red lights, red lanterns, black shades lahat. Pakiramdam ko tuloy ay nasa movie ako at nasa isang vampire party dahil sa mismong ilaw na nagmumula sa kulay pula na buwan.
The first program started. Message from parents ang nauna kaya kahit paano ay nawala sa isip ko saglit si Archie. Mommy's message is emotional. Tuloy ay tahimik lang at bukod sa boses niya ay ang mahinang tunog ng kanta ang maririnig.
"Shana, i know i always tell you this but remember na kahit anong mangyari, you should believe in yourself and God. Kasi not all people will stay with you physically. Your dad and I will have our own destination at kayo ng kapatid mo, magkakahiwalay rin balang araw. So i want you to believe and trust yourself. Be your own strength. Para kung iwan ka man ng lahat, hindi mo naman iiwan ang sarili mo at hindi ka maliligaw.
"Also you Rayd. I know how much you love your sister. But now that you are both in your legal age, hindi malabong magkahiwalay na kayo ng madalas. Follow your dreams Braxtyn. Ikaw din Shana. All I want for the both of you is to be successful and happy. Yun lang." I smiled at her and nodded. Hindi siya umiiyak pero kita ko sa mata niya ang emosyon.
Mommy is a cold type for me. Hindi siya yung para salita na tao. But the moment she will speak, for sure you will be awake from the truth, and happy because of the realizations.
Napatingin naman ako kay Daddy nang tumikhim siya. I smiled seeing his emotional eyes. Parang kaunting tulak lang iiyak na siya.
"Shana and Rayd, I didn't expect na dahil sa pagiging mainitin ng ulo ng mommy niyo mabubuo kayo."Everyone laughed at what he said. Tuloy ay si Mommy matalim na ang tingin sa kanya. "Just kidding my love," bawi niya kay Mommy at inakbayan ito saka kami nilingon. "Shana and Rayd, I think that in my humble opinion, of course without offending those who think differently. It is my point of view, but looking a little deeper without fighting and trying to make everything clear, taking into account the characteristics of each one, and taking into account my research on the problem that this generates, I sincerely think that happy birthday and that's all."
Napailing nalang ako sa sinabi ni Daddy. Maya maya lang ay tinaas niya ang kamay niya para tumahik ang mga tumatawa.
"Okay. Serious mode," sambit niya at tumikhim. "We have so many hardships encountered. Sa buhay namin ng Mommy niyo wala kaming pinagdaanan na hindi mahirap. But, we remained strong. Not just because, para sa isa't isa, kundi para sa sarili namin. We build ourselves before building a family. And that's why... i want to tell na...buoing niyo muna ang sarili niyo bago ang iba. Study, work, save. Ang gusto ko para sa inyo ay maging masaya at successful. Now that your age are increasing that means our life our decreasing. Kaya ang gusto ko, bago sana kami umalis, makita namin kung paano niyo makamit yun. I want the best for the both you. I want you to have a better life."
I smiled at my father when his eyes met mine. Dad is strict. Pero madalas masaya siyang kasama sa lahat ng bagay. Siya ang tagapaalala kapag may nakakalimutan kami sa sarili namin. He didn't fail to be a father. Kaya, i don't want to fail him as well.
"Kanina pa panay ang likot ng ulo mo. Babaliktarin ko na yan," sambit ni Ian habang nakanguso.
Nandito kami sa gitna ngayon at nagsasayaw. Marami ang nagsasayaw kaya komportable ako sa gitna. Yung ngalang ay isang oras na ang lumipas pero hindi ko parin makita si Archie.
"Sorry," giit ko nalang at tumingin sa neck tie niya.
"Bakit? Hindi mo ba siya makita?" tanong niya. Napairap ako.
"Hahanapin ko ba kung hindi?" tanong ko at natawa naman siya.
Patuloy lang akong nagsayaw. Second to last na si Ian na isasayaw ko at si Archie nalang ang kulang. Pero mukhang wala ang lalaki kaya umupo nalang ako sa tabi ni Yra. Tanaw namin sa unahan si Kensley at Rayd na masayang nagsasayaw.
"Ano kaya pa?" tanong ko sa kanya. Inismiran niya ko saka uminom ng wine.
"Kaibigan ko. Siya pinili. Talo tayo do'n bhe."
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Masyado niyang tinago ang nararamdaman kaya ngayon nahihirapan siya.
Wala naman akong pake sa lovelife ng kapatid ko. I mean...may pake ako. Pero kung sino ang gusto ng kapatid ko, at wala naman siyang ginagawang masama ayos lang sakin. Hindi rin naman kasi alam ni Rayd na may gusto sa kanya si Yrina.
"Hayyss...ayoko mag-isip. Shana bilisan mo ang oras at gusto ko ng mag after party. Inom tayo."
Ngumiti ako sa sinabi niya at magsasalita na sana nang may matanaw na nakatayo sa bungad ng gate.
My heart started beating against my ribcage when I saw him walking towards me with a bouquet of roses. His long hair he didn't tend to cut for two years is now on a brow flow style and made him look sexy. Dagdag pa ang red tuxedo niya. It was like, among all vampires, I'm very willing to be bitten by him.
To be continued...😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro