Chapter 11: Sweet dreams
.
After a long smooth ride, bumaba kami sa harap ng isang bahay. The houses here are a bit messy. Halatang wala na ang mga nakatira dahil sa mga malalagong damo at mga kalawang na gate ng mga iyon.
"Anong lugar 'to?" tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong bumaba.
"Sabi sakin ni Papa na gusto mo daw mag wall painting."
Napatingin ako sa kanya ng nagtataka. "Dito na yun?" tanong ko. Ngumiti siya at tumango.
"May ipapakita ako sayo." Sumunod ako sa kanya. Pumasok kami sa abandonadong bahay at lumabas sa isang pinto sa likod noon. My mouth formed an 'o' when I saw what my eyes met.
A high and huge wall full of drawings. Kita ko ang mga batang mga naroon na may kanya-kanyang hawak ng mga iba't ibang pangkulay at nagkakasiyahan sa pagguhit, pagpinta, at pagkulay ng malaya sa malawak na pader.
"My father owns this village. He wants to be a wall painter. Kayalang wala masyadong kinikita doon kaya nagtrabaho siya sa pamilya mo. I can say we were rich in houses and lots. Pero dahil sa sentimental na rason kaya ayaw niyang ibenta ang village na 'to wala rin kaming pera."
Tumango ako sa sinabi niya. "Your Mom?" i asked. He smiled and nodded.
"My Mama was a teacher. Kaibigan ng Mommy mo sa trabaho. She loves colors. Kaya siguro mas naging malapit sila ni Papa."
I continued looking at the wall and smiled. Kahit hindi maintindihan ang ibang imahe sadyang maganda paring ang mga iyon dahil sa pagsasama-sama ng mga kulay at guhit.
"You want to try?" napatingin ako kay Archie at tumango. "I have a secret spot. Puro drawing at guhit ko lang ang nandoon."
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at dalhin sa kung saan. Nilampasan namin ang mga tao at batang kanina ay tinatawag siya pero parang wala siyang narinig.
"Dito ang bahay namin." Nangunot ang noo ko at tumingin sa kanya.
"And?" tanong ko. He chuckled and opened the door. "Papasok ako?" tanong ko. Natatawa siyang napailing saka ako hinawakan sa kamay at hinila sa loob. Hindi ko na nakita ang buong bahay nila dahil dinala niya ko sa likod noon.
"Akyat ka," he ordered while we were in front of a ladder. Dahan-dahan akong umakyat doon at napahanga nang makita ang asul at maliwanag na kalangitan. "Tara."
Nagpahila muli ako sa kanya. Ang daming pasikot-sikot ng lugar na 'to. Bumaba kami sa hagdan at taas muli. Paulit-ulit lang hanggang sa may kakaibang bahay akong nakita.
"That house is mine. Pinangalan yan sakin ni Mama. Walang nakakaalam niyan bukod sayo, sakin, at kay Papa at Mama," paliwanag niya.
Ang sinasabi niyang bahay ay hindi naman ganoon kalaki pero sapat na sa isa at dalawang tao. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang pintuan doon na bumukas. Tuloy ay napaatras ako.
"Don't be afraid. Ako ang nagbukas." napatingin ako kay Archie at nakitang may hawak siyang lubid. Mukhang konektado iyon sa pinto kaya bumukas.
I opened the door widely. Umawang ang labi ko nang makita ang malawak na pader. It has many paintings and drawings. Minsan pa nga ay abstract ang iba at 3D.
"This is cool," bulong ko habang haplos ang pader. There, I saw 2 wall paintings of a father, mother, and a son. Buhat ng mag-asawa ang anak. Ang sumunod naman ay yakap nila ito.
"You want to try?" napatingin ako kay Archie at ngumiti.
"Hindi muna. Mamaya nalang. I'll take a look at these first," sambit ko.
I was too overwhelmed seeing these paintings. May spray, brush, charcoals, at iba't iba pa siyang ginagamit ngunit hindi ko na iyon mapagtuunan ng pansin kundi ang mga gawa niyang guhit. Puro tungkol sa pamilya. Especially her mother.
"I want to do a spray paint," sambit ko pagkalapit sa kanya.
He smiled at me. Sumunod ako sa kanya pagpunta niya sa may loob ng bahay. Napatigil lang ako nang marealize na ang papasukin niyang silid ay kwarto na niya.
"Hey! Come here!" i breathed deeply before entering his room. Pagpasok ko sa loob ay napaawang ang bibig ko nang makita ang view doon. It was like he is floating in the air. Para siyang na sa ulap dahil iba't ibang shades ng asul at puti ang makikita.
"Kuha ka. Hindi ko 'to madadala doon lahat kasi hindi kasya sa pinto," tukoy niya sa sandamakmak na dami ng pangkulay.
"Salamat," giit ko pagkakuha ng mga pangkulay. Sinamahan niya ko papunta sa pader. I pouted when I remembered I don't have an idea on what to draw. Nag-isip muna ako saka napabuntong hininga. I don't know myself but an idea of a ten years old boy with sad eyes, sniffing the sweet and musky smell of a daffodil came to my mind.
"You painted it so well." Ngumiti ako kay Archie at tumango. I can see the sadness but the contentment on his dark eyes that made him soft.
"Because i remembered it so well now," nakangiting sabi ko. Tumango siya sakin. "I often see you in our garden at that time. Side view lang ang kita ko sayo dahil...natatakot ako. You used to pick flowers everyday, sniffing, staring and talking to it," sambit ko saka tinakpan ang pintura.
He chuckled while nodding. "It's my mother's favorite flower," tumango ako at tinapik ang balikat niya. I entered his house and toured it. Hindi gaano kadami ang mga gamit dahil siguro sa siya lang ang nakatira dito.
"You want to be an architect?" tumango ako kay Archie na na kasunod pala sa akin. I smiled when I realized that I completely remembered the detour of this place. Tumigil ako sa may rooftop ng bahay nila at umupo sa may upuan.
"Ikaw, engineering 'di ba?" tanong ko. Tumango naman siya at umupo sa unahan ko sa gilid habang nakatugod ang siko sa sahig.
"Oo. I want to rebuild this village. Para kahit hindi na magtrabaho si Papa, mapapaayos namin 'to," giit niya at tumango naman ako. "How about you? Bakit architecture?"
I pouted at his question and shrugged. "I don't know. I just realized that I love to be an architect. Design a house, plan it, color, lahat," paliwanag ko.
"We can be partners. Engineer ako, architect ka." natawa ako sa sinabi at umiling.
"Kuya, mas mauuna ka sakin. Baka maging boss pa kita Kuya," asar ko habang madiin ang pagkakasambit sa huling salita.
I raised an eyebrow when he looked at me darkly. "I told you not to call me Kuya anymore. Its disgusting," he said, pissed.
"Tama lang naman kasi yun eh. Mas matangkad ka sakin, mas matanda, at college ka na. Dapat lang na Kuya," asar ko ulit.
He remained his dark stare at me. "Archie is my name Viviana."
My jaw dropped open at what he said. Did he call me by my second name? Wala siyang karapatan na tawagin ako sa pangalan na iyon! Not that I don't like it but it sounds so strict!
"That hits you?" asar niya sakin habang nakangisi na.
"D-Don't say that again," mahinang sabi ko.
"Anong itatawag ko sayo? Baby? Love? Babe? Sweetie pie–
"Shut up! Call me Shana!" inis na sabi ko. He chuckled seeing how pissed I am.
"I got my baby pissed?"
I clenched my fists at what he said. "It's Shana," madiing sabi ko. Napalabi siya at tumango.
"My baby wants me to call her Shana. Okay." I laughed sarcastically and glared at him as I saw him smirked.
"Baby kasi matanda ka na. Sige Kuya," asar ko naman. His jaw clenched reason for me to smile teasingly.
"Shana?" nagbabantang tawag niya.
I chinky smiled at him. "Yes Ku–
"Damn it! It's disgusting! Stop calling me that way!" he shouted. Pinigilan kong matawa.
"Okay po," sambit ko sabay irap.
"Tara, magluluto ako." Sumunod ako sa kanya papunta sa maliit na kusina. Umupo ako sa may countertop at hinintay ang gagawin niya.
"Anong gusto mo?" tanong niya.
"Kahit ano basta pagkain," sagot ko naman.
"I'll make bananacue. Is that fine?" he asked.
"Sige lang," sagot ko. Bumaba ako sa counter top at umupo sa may upuan sa may salas. My forehead knotted when I saw his picture frame. Kandong siya ng Mommy niya habang may hawak silang spray paints.
Kahit noong bata pa pala siya mukha na siyang delikadong tignan dahil sa mga mata niya. Siguro kung hindi ko lang narinig ang makulit na boses niya matatakot rin ako sa kanya. Paano ba naman, kung makatingin siya parang may ginawa ka na agad na mali. O kaya naman parang galit na agad siya sa tao.
"Shana?"
"Hmm?"
"Gabi na. Hindi ka pa kakain? Ihahatid na kita."
Namulat ako sa sinabi niya at tiningnan ang paligid. My eyes widened when I realized that it was already 6:15. Hindi iyon mahahalata dahil sadyang maliwanag pa sa labas.
"Eat first. Tinawagan ko na ang Mommy mo." tumango ako at binalik ang picture frame na hawak ko parin pala. Mukhang hindi siya kumain kaya sinabayan niya pa 'ko.
Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos. Tulad ng ginawa niya kanina ay siya na ulit ang nagsuot sa akin ng helmet. Hindi ko tuloy maiwasang hindi matawa dahil sa naisip.
"Kuyang-kuya eh." nagdilim lalo ang tingin niya sakin kaya natawa ako.
"I told you many times to–
"Yes Archie," putol ko sa sasabihin niya. His eyes softened. Maya-maya lang ay nangingiti na siya. "Umayos ka," giit ko saka kumapit sa braso niya para sumakay sa motor bago pa 'ko ngumiti pabalik.
"Bibilisan ko patakbo?" tanong niya pagsakay.
"Oo naman," nagtatakang sagot ko. Nagsalubong angnkilay niya habang kagat niya ang labi.
"Kung gusto mong bilisan ko, yakapin mo ko nang maluwag." hinampas ko siya sa balikat na kinatawa niya.
"Tigilan mo ko. Bilis na. Magagalit Daddy ko," ani ko. Natatawa siyang nagdrive kaya nangiti nalang ako. He drove just right. Feeling the the cold air of night, my hug tightened as I closed my eyes.
Napalunok ako nang maramdaman ang puso ko. Ito na naman yung tibok niya. Wala namang kakaibang nangyayari pero ang bilis. Tuloy ay nagmulat ako at niluwagan ang yakap sa lalaki nang hawakan niya iyon at higpitan.
"Hayaan mo na. Kumapit ka."
My heart started pounding again like crazy. Anong ibig niyang sabihin na hayaan ko na? Did he feel my heartbeat? Wala namang meaning yun. Siguro kinakabahan lang ako dahil sa motor kami?
"Kailan ako pwedeng bumalik doon?" tanong ko. Nasa harap na kami ng bahay ngayon at tinatanggal niya ang helmet ko. Pagkatanggal niya ay may kinuha siya sa bulsa niya at nilapag iyon sa kamay ko.
"Password yan sa kandado. Only the two of us know that. You can go there whenever you want. Pero mas maganda kung sasabihan mo 'ko para may kasama ka," paliwanag niya.
Tinignan ko ang paasword at nangunot ang noo. 6783 "Parang–
"Pasok na. Goodnight. Chat kita mamaya." Napanguso ako nang itulak niya pa 'ko papunta may gate at kawayan. Wala na 'kong nagawa at pumasok nalang sa loob.
I ate my dinner alone. Si Rayd kasi ay wala pa at ganon rin si Daddy. Si Mommy naman ay siguradong tulog na at maya maya lang ulit gigising.
"Hello? Who's this?" sagot ko sa tawag habang nakababad na muli ako sa tub.
[Your Archie]
I bit my lip and nodded when I heard his deep low voice. "Why do you call?" tanong ko.
[Nothing.] hindi ko alam ang sasabihin kaya hindi ako nakapagsalita. [Are you doing something now? Baka nakakaistorbo ako]
"Uhh...hindi. Naliligo lang ako." Napatingin ako sa phone ko nang walang magsalita. Umawang ang labi ko nang marealize ang sinabi kaya nagsalita muli ako. "I mean...nakababad palang ako sa tub. Kaya...wala naman," bawi ko.
[Ahh...okay. Pwede tayong...magkita bukas? Mga lunch? Tingin mo?]
Nakagat ko ang daliri ko para iwasang hindi iyon maglikot dahil sa kaba. [Kasabay ko sina Yra at Kensley. Pwede naman," sagot ko.
[Gano'n ba? sige. ] nabalot muli kami ng katahimikan dalawa. Wala naman akong masabi masyado. [Sige na. Bilisan mo na diyan sa banyo. Goodnight, sweet dreams]
I smiled at what he said before nodding as if he could see me. "Ikaw din. Good night."
To be continued...😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro