Chapter 10: Safe
.
"Did I make you...scared?"
Umiling lang ako sa tanong niya at tinulak pa siya. Nang makalayo siya ay naipaypay ko sa sarili ang kamay. Nasa harap ko parin siya hanggang ngayon habang ramdam ko ang bigat ng titig niya sakin.
I just ignored him and did what I needed to do. 'Di ko maiwasang maisip kung bakit ba siya narito knowing that he have work in the morning. Napailing nalang ako sa sariling isip at nagpatuloy sa ginagawa. Konti nalang iyon kaya siguradong matatapos ko na ito nang mabilis.
"Uhh...can I have your number?"
Natigil ako sa ginagawa at tumingin sa kanya. Walang emosyon lang siyang nakatingin sakin. Walang expresyon o kung anuman kaya hindi ko alam kung para saan ba ang ginagawa niya.
Nagpatuloy lang ako sa ginagawa. "Bakit?" tanong ko nang hindi siya nililingon.
"Wala lang. Para...may number ka sakin," sagot niya.
"I don't give my number to a stranger," sambit ko.
"Huh?" I sighed and looked at him. Kita ko ang pagkakunot ng noo niya. Sa dami ng tao na nagtaka kung bakit hindi ko siya kilala sa tingin ko yun rin ang pinagtataka niya.
"You see...I don't know who you are. Pangalan mo lang ang alam ko at kaunting background tungkol dito sa school. Kaya hindi parin kita kilala. I am also wondering how my family, friends and all students here know you but I'm not," paliwanag ko.
His lips parted. "Ahh...okay," sambit niya at napating sa sahig. Halatang hindi rin makapaniwala sa sinabi ko. "Then, can you let yourself know more about me?"
Nangunot ang noo ko bigla at nag-iwas ng tingin. Paano naman niya gagawin yun? Ano lagi kaming mag-uusap? Malamang Shana. Pero ano ba? Papayag ba 'ko? Sino ba kasi siya? Mamaya santo pala siya at hinihintay lang akong mamatay. Bakit ba kasi kilala siya ng lahat at ako lang ang hindi?
Sa huli tumango ako. "Okay," sagot ko lang. I saw that his face brightened. As if he is happy with my decision.
"Pwede ka ba mamaya? Papaalam kita sa Mommy mo."
Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano? Pumayag lang ako niyaya niya na agad akong lumabas? Saka what did he say? Ipapaalam niya 'ko kay Mommy? Why does it seem to be that they are close to each other? Bakit parang kilala niya kung sino ako?
"Bakit?" tanong ko.
He smiled at me. Bahagya pa siyang yumuko saka nagsalita, "In case you don't know, I know your family. Lalo ka na. Don't feel creepy to me. I'm just...thankful to your family."
Inanggulo ko ang ulo ko sa labis na pagkalito. Close siya sa pamilya ko at thankful pa siya? Bakit? Dahil ba scholar siya? Hindi naman dapat pinagpapasalamat yun sa pamilya ko dahil talino rin ang ginamit niya doon.
Binigay ko na ang buong atensyon sa kanya at tiningnan siya. My Mommy knows him. Kung papayag si Mommy na sumama ako sa kanya ibig sabihin safe naman siguro siyang tao.
"Sige sasama ako," sagot ko. Lumaki ang ngiti niya at tumango.
"Okay. Sunduin kita mamaya sa bahay niyo. Bye."
Napakurap ang maraming beses sa sinabi niya. He knows where I live? Sino ba siya? Nakakainis! Bakit hindi ko siya kilala? Ang tagal ko nang nabubuhay rito sa mundo tapos hindi ko siya kilala?!
Pumikit nalang ako nang mariin saka nagpatuloy sa ginagawa. Ayoko ng pilitin ang sarili ko na kilalanin siya dahil sasakit lang ang ulo ko. Mas mabuti pa sigurong sumabay nalang ako sa agos. Alam naman ni Mommy. Hindi naman ako ipapahamak no'n.
"Kanina ka pa tulala. May problema ba?" tanong ni Rayd habang kumakain kami.
"Niyaya ako ni Archie na lumabas." Kumunot bigla ang noo niya saka binitiwan ang kubyertos. He looked at me confused. Mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Bakit Archie ang tawag mo sa kanya?" pinalobo ko ang bibig ko at nagkibit balikat.
"I don't know. Kahit ako hindi alam." He sighed and nodded.
"Pumayag ka?" tumango ako bilang sagot. "Bakit daw?"
"Sabi niya kilalanin ko daw siya. Ayoko sanang pumayag kaso naku-curious talaga 'ko. Napaka famous niya pero hindi ko siya kilala. Mukha ring close siya kay Mommy dahil ipapaalam niya pa daw ako."
He sighed again and nodded. "I think...he is a safe guy naman. Matagal ko na siyang kilala but i don't think he can still remember me." giit niya saka nagpatuloy muli sa pagkain.
"Sino ba kasi siya, Rayd? Ikaw alam mo tapos ako hindi," nagtatampo kunyaring sabi ko. I frowned when he laughed.
"Ako nga itong nagtataka sayo eh. You are a bubbly and loud girl Shana. Lahat kinakausap mo. Ako itong may pagka-cold at suplado sa tao kilala siya samantalang ikaw na halos lahat ata ng tao dito sa mundo kilala mo pero siya hindi? You're really weird."
Sumimangot ako sa sinabi niya at tinuktok siya ng kutsara sa ulo. Natatawa siyang lumayo sa akin habang kumakain.
Matapos kumain ay umalis na rin siya agad dahil may quiz pa raw sila. Sina Yra at Kensley naman ay ganon rin kaya hindi na sila na kapunta at sinendan nalang ulit ako ng notes.
"Tapos," bulong ko sa sarili matapos magpintura. I smiled looking at the clean wall again. Pero agad rin akong napangiwi dahil ang boring na naman noon tignan.
"Good afternoon Ma'am!" ngumiti ako kay Tito Damian nang masaya niya 'kong salubungin at pagbuksan ng pinto. Mukhang masaya pa siya dahil pasipol-sipol pa siya.
Pagdating sa bahay, pumunta na agad ako sa kusina tulad ng madalas kong ginagawa. Kumain ako mag-isa dahil siguradong tulog pa iyon si Mommy.
"Ang gulo naman ng sulat na 'to," bulong ko sa sarili. Kakatapos ko lang kumain kaya sinulat ko sa notebook ang mga formula sa Math.
"Yes?..Alright...pakihatid nalang siya dito sa bahay bago mag six...okay...Yeah she's here...okay...Thank you."
Umupo si Mommy sa harap ko habang buhat si Hace. Napairap ako pero natatawa dahil sa mukha niyang nang-aasar.
"Your boyfriend wi–
"He's not my boyfriend, Mom," putol ko sa sasabihin niya. She also rolled her eyes and smirked.
"Mamayang 2PM nandito na yun. Bring extra clothes kung sakaling madumihan ang damit mo. The place you are going to is a bit messy, kaya para sigurado." Tumango ako sa sinabi niya at nagsulat.
"Mom?" tawag ko sa kanya.
"Why?"
Pinalobo ko ang bibig ko saka nagsalita. "Paano kapag...nagustuhan ko yung lalaki, ayos lang sayo?" I asked curiously. Nangunot ang noo niya at tumango.
"Oo naman. Why did you ask?" tanong niya. Umiling ako.
"Kasi po, mas matanda siya sakin ng apat na taon," sagot ko. I frowned when she chuckled.
"You're turning sixteen next month at kaka-19 lang niya last month Shana. Saka hindi naman gano'n kalayo ang edad niyo. Tingin ko nga...mas maganda yun. Chaius is matured enough to be patient and handle you." I pouted at what she said. Parang sinasabi niya na hindi ako mature. "Why? May gusto ka na ba sa kanya?" tanong niya.
Umiling ako. "Wala po. I'm just curious. Para kasing masyado kayong close sa kanya," giit ko. Ngumiti naman siya tumango.
"His family is special to me Shana." tumango nalang ako saka nagpaalam na mag sisiesta muna.
Pagpasok ko sa kwarto ay naghanap na agad ako ng damit na susuotin. Ano bang gagawin namin? Saan kami pupunta? Mamaya maghahiking kami tapos naka dress ako. O kaya naman baka pupunta kami sa mall tapos nakapambahay ako.
I shooked my head and grabbed it a little.
Hindi naman 'to date kaya 'wag mo masyadong ayusin ang sarili mo. You must be simple. Or for sure, maybe he's online right now and you can ask him where to go.
Tumango ako sa naisip at nagtipa sa phone.
Me: Saan tayo pupunta?
Bibitiwan ko palang ang phone ko nang tumunog agad iyon at nakita ang reply niya.
Archie: sicret
I rolled my eyes. Mukhang wala siyang balak sabihin kaya pinicturan ko nalang ang dress na napili ko at ang pantalon partnered by a tank top.
Me: Choose one. Dress or Pants with Tank top?
Archie: Jojowain?
Napabuga ako ng hangin dahil sa pagiging maayos niyang kausap. Napairap pa 'ko nang makitang mag reply ulit siya.
Archie: ikaw
Me: Stop playing. I dont know where are we going kaya i dont have an idea what outfit is nice
Archie: Okay.................the pants.
Hindi na ko nagreply at dumeretso na agad sa banyo para maligo. Sa mainit na tubig ako nagbabad sa tub kaya nakatulog pa 'ko at nagising lang nang dahil sa katok.
"Shana! Chaius is here!"
Dali-dali akong nag-asikaso nang marinig ang boses na iyon ni Mommy. Nagliptint pa ko at kaunting pulbo at nagbraid pa ng buhok saka lumabas.
"Ganda ah." sumimangot ako nang makita ang nang-aasar na mukha ni Mommy. "Nasa may garden siya. Puntahan mo. Ask too if he wants to eat here first." tumango lang ako saka bumaba.
Hinanap ko pa siya sa buong garden. Nang makitang wala ay bumunta ako sa may garahe nang makarinig ng nagtatawanan.
"Arch–
My jaw dropped when i saw him with Tito Damian. Pumikit ako nang mariin nang may mapansin kakaiba. As i opened my eyes they are both looking at me, smiling. Kinusot ko muli ang mata saka sila salitang tinignan. Archie on his black leather jacket. Mas nalilito ako.
"You are his..." I can't continue my words seeing their same features.
"Papa ko siya, Shana," sambit ni Archie.
I swallowed hard. Sampung taong nang nagtatarabaho dito si Tito at hindi ko man lang alam?
Doon lang rumehistro sa utak ko ang mga pangyayari noong mga nakaraang taon. Ibig sabihin si Archie yung lalaking nasa may garden namin noon. He always plays in our garden alone after the funeral of his Mom. Natigil lang iyon sa 'di malamang dahilan. Kahit kailan hindi ko rin siya kinausap. I found him creepy that time at alam yun ni Rayd dahil madalas naming nakikita ang lalaki na kausap ang bulaklak.
"Shana, let me introduce them to you. This has been our driver for almost a decade. Damian Achilles Zeus and this is his son Achaius Hercules P. Zeus. Family of my co-teacher who died. Milida Perilla," pakilala ni Mommy sakin.
Natawa ako sa isip. Ang tagal ng nagtatrabaho dito ni Tito tapos hindi ko pa nakilala ang anak niya.
"Magmemerienda ba kayo dito?" tanong ni Mommy.
"Hindi na po Tita. May pupuntahan rin po kaming kainan." ngumiti lang si Mommy sa kanya at tumango.
Lumapit sakin si Mommy at hinalikan ako sa tungki ng ilong ko. "He's not a creepy baby. He's a safe guy. Okay?" inismiran ko nalang siya pag-alis niya.
Pagkalingon ko sa dalawa ay ngumiti ako ng pilit kay Tito Damian. "Sorry po. HIndi ko alam," paumanhin ko. Natawa naman siya at tumango.
"Ayos lang Ma'am. Mukhang nagulahan pa kayo masyado." pilit nalang akong ngumiti sa kanya at nilingon ang lalaki nang tumikhim ito.
"Tara na," sambit niya. Ngumiti ako sa Ama nito saka sumunod sa lalaki. "Magmomotor tayo. Ayos lang ba sayo?" Nilampasan ko siya pagkakita sa motor niya. I can't help but admire his vehicle. A Honda Rebel 300. Kumikinang pa iyo sa kalinisan.
"This is yours?" tanong ko.
"Yeah. My Mom's money she saved before she died," sambit niya.
I smiled knowing that this is very precious to him. "Alis na tayo," giit ko. Sumakay naman siya agad.
Sasakay na sana ako nang hawakan niya 'ko sa palapulsuhan at hirap sa kanya. Napalunok ako nang marinig ang tibok ng puso ko. His hand on my wrist also sent an unrecognizable effect through the spine to my heart.
"Helmet," aniya at sinuot sakin ang helmet. Matapos noon ay bibitaw na sana ako nang higpitan niya pa ang hawak. "Baka mahulog ka. Ingat," sambit niya.
Nilagay niya ang kamay ko sa bewang niya kaya madali akong nakasakay dahil doon. I was about to take my hand from him when he tightened his hold and circled it to his waist.
"Other arm," sambit niya. Umling ako.
"M-May hawakan dito sa likod," giit ko. He just shook his head and took my another arm and circled it on his waist.
"Mas safe kapag sakin."
To be continued...😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro