Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Yeolnet

School Feast

*bow wow wow*

Imessage: Hoseokie: Where are you?

Sya pa talaga nagtanong kung nasan ako ngayon. Eh sya tong nawawala! Kung hindi ko pa titignan yung paligid ko, hindi ko pa malalaman na wala na pala sya sa tabi ko.

We're at my school. After the practice at the studio last week, naalog yata ang utak nya kaya naisipan nyang sumama sakin sa school ngayon. I told him that we have this special event at school every year. Parang taunang festival ng school kung saan pwede kang magdala ng outsiders. Ang only condition lang para sa mga estudyanteng gustong magdala ng taga labas ay magdala ng pagkain.

Pag pasok namin ng gate, na ngayoy ako na lang magisa, ay bumungad sakin ang mga banderitas na iba iba ang kulay. Pa triangle ito at malalaki. Kahit san ka tumingin ay puro ganon ang nakadisplay. Maglalakad pa lang ako palayo sa lounge area na katabi lamang ng gate nang may tumawag sa pangalan ko. 

"SAPPHIRE!!" Kahit di ako lumingon ay alam ko kung sino ang sumigaw ng pangalan ko. Tono pa lang ng boses nya nakakairita na.

"Rinig kita, okay? You don't need to scream my name. Nakakahiya dami daming tao dito" sambit ko nang makalapit sya sa kin. Hila hila nya sa braso ang lalaking kinaiinisan ko. Nakangiti ito ng malapad sakin at kumakaway kaway. I force a smile. 

"Tapos na ang project natin kaya hindi mo na kailangang ngumiti ng ganyang kalapad sakin" 

"Why? Can't I smile whenever I see you?" he grin. I roll my eyes in return. Pinalibutan na kami ng maraming hindi magkamayaw na mga tao. Sigaw rito, sigaw doon. Tawanan dito, tawanan doon. Ang bilis mapuno ng lounge area pati na ng buong campus. Sari saring mukha ang nakikita ko. 

Napasapo ako ng aking noo nang maalalang nawawala nga pala si Art. He doesn't know this place! Baka mamaya pinagpipiyestahan na sya ng mga babaeng estudyante rito sa kung saan. Baka mamaya nawala na yung pangdisguise nya at nakilala sya ng mga taga rito. Kinapa ko ang bulsa ng palda ko at laking gulat ko nang wala akong makapa na gamit maliban sa wallet ko. Isinukbit ko sa harapan ang bag ko at hinalungkat lahat ng gamit na nandon. But still, I can't find my phone! Ibinaba ko ang bag at inipit ito sa gitna ng aking mga paa para kapain ang buong katawan ko, baka namisplace ko lang ang phone ko sa kung saang parte, pero wala pa rin. 

Nanlalaki ang matang tinanong ko si Amber na ngayoy may kunot ang noong pinapanood ang ginagawa ko "Ber, have you seen my phone?" 

"No. Kita mong ang daming tao rito Sap. Nako ka talaga. You know that outsiders are allowed in here. You should really take an eye on your belongings" sermon nya pa sakin. Tumingin ako kay Yuri at umiling rin sya. Pano ko na ngayon hahanapin si Art? 

"Hindi mo na mahahanap yon. Sa dami ng tao rito" Yuri mocked at me. 

"Kelan ba talaga mananahimik. Masisipa na kita, makikita mo" I hissed. 

Hindi ko na dapat dinala si Art dito. I have a feeling that this will happen. Nagpaalam akong aalis na muna dahil may hahanapin akong tao. Amber eyes widened, she knows who I am talking about so she look at me with those 'I know who. I'll help you' and Yuri on the other hand, wants to go with me. He said he wanted to help but I ignore him. 

"Laki talaga ng inis mo sakin noh?" he ask in the middle of our walking. Of my walking pala, makulit lang talaga syang tao kaya sumunod sya sakin kahit hindi ko sya pinansin. 

"Can you please shut up. I hate you and I know you know that" singhal ko. I hate him from the very start. He court me just for fun. Yes, dahil lang sa bored sya at wala nang babaeng matatarget kahit maraming nagkakandarapa sa kanya. He decided na ako ang isusunod nyang ibibiktima but that move was hella wrong. 

Lumingon lingon ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ko sya. I call him on his nickname so no one knows that I'm finding an idol except him. 

"You're finding a guy?" usisa ni Yuri ng marinig ang pangalang isinigaw ko. I nod and he whisper something to himself. I didn't bother to ask why and what is it. Huminto ako sa malaking puno sa likod ng complex para mag obserba. Baka mamaya nalalagpasan na namin si Art, hindi ko pa alam. Bumili si Yuri ng sago't gulaman para saming dalawa. 

"Thanks" 

"So tell me, is that your boyfriend? Hoseok?" pagkatanong nya sa akin ay nabilaukan ako sa sagong iniinom ko. 

"Sap, you okay?" tinapik tapik nya ang likuran ko na may bahid ng pag iingat. 

Bago pa ako makasagot ay narinig ko ang boses nya "Yes. I am her boyfriend." 

"Hoseok!" lumapit ako ng dahan dahan, iniingatang hindi matapon ang sago't gulaman na hawak ko at niyakap sya. Hindi nya ako mayakap pabalik dahil may dala dala syang mababang pulang basket na punong puno ng sari saring pagkain. "Where have you been! Leche ka alam mo bang pinakaba mo ako dun! I lost my phone and I don't know how to find you!" kumalas ako sa yakap at hinawakan ang braso nya. I look at him. 

He laugh at me "Easy. You lost your phone? I decided to bring you some food kaya nagpunta ako dito sa complex." pagpapaliwanag nya. 

"I thought nawawala ka na." 

"Ikaw ang nawala. Pagdating ko sa lounge ay wala ka na. Hinanap kita at bumalik ulit ako sa complex para dun ka hanapin. Then I heard my name" 

"I never left the lounge. Ngayon ngayon lang nung hinanap na kita. You didn't see me maybe because of the crowded people." inipit nya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga. 

"So who's this guy that is with you?" 

Lumapit si Yuri samin at nagpakilala "I'm Yuri, her classmate. Nice meeting you Hoseok" he lend his hand para makipagkamay kay Art. Art gladly accept the handshake. 

Is it me or ang awkward talaga bigla nung atmosphere? 

"Ladies and gentlemen, please gather all together here in the complex for we are starting now the event. Thank you." Tawag samin ng babaeng host para sa piyesta ngayon. Tumingin ako sa aking relo at napatango. Alas otso na pala kaya tinatawag na kaming lahat ng host.

Sabay sabay kaming tatlo na ngalakd papunta sa complex. Nasa likod lang kami nito kaya nakaupo agad kami sa pinakaunang bleachers. Pinagitnaan nila akong dalawa sa upuan. I don't mind as long as pupunta dito si Amber at tatabi sa pagitan namin ni Yuri. Binaling ko ang tingin ko kay Yuri. 

"Yuri can you call Amber" he nod and immediately call my bestfriend.

"Who the hell stole your phone? Don't worry I'll buy you one" napalingon ako kay Art nang bigla syang magsalita. May diin sa tono ang tanong nya.

"No. I can manage. Ako na bibili, besides hindi ko naman pera ang gagastusin. Pera ni kuya" we laugh together with my response. "It's true. Well depende na lang kung matauhan si kuya at sabihing responsibilidad ko yung phone ko at ako na ang bumili ng gamit for myself." Napatingin ako sa kabilang side ko, sa side ni Yuri, nang bigla syang umepal.

"She said she's coming" ibinulsa nya muli ang kanyang phone at ipinatong ang parehong siko sa magkabilang binti. I nod at him for my response. Muling nagsalita ang host, this time dalawa na sila sa stage.

I felt an electricity flowing on my veins when Art hold my hand. Napakibot ako ng kaunti at tumingin sa mga kamay namin. He intertwined his fingers into mine.

"MYGAD YURI UMALIS KA DYAN KAKAGATIN KA NA NG LANGGAM!" muntik ko nang hablutin paalis ang kamay ko sa kamay ni Art nang marinig ang luka luka kong bestfriend na iniinis kaming dalawa. Art must have felt that motion so he tighten his grip on my hand. Kinilig naman ako don ng konti. Like very very konti.

And as I thought, Yuri gave space for Amber in order for her to sit beside me.

"How did you find him?" Bulong nya agad sakin pagkaupo nya. I look at Art that is now looking at the stage wherein the hosts are setting something. Napako ang mata ko sa mata nyang nakatingin sa malayo. His eyelashes are so damn long and it attracts me eveytime. His lips are kinda pinkish that always invites me to kiss it. Damn why are you so perfect, Art? Do I even deserve your beauty?

Staring at him might have melt him that's why lumingon sya sakin. Akala ko'y hahalikan nya ako nang bigla nyang ilapit ang mukha nya sakin. I guess I'm right. He did kiss me, in the forehead. He then look at the stage again.

Siniko ako ni Amber that is still waiting for my response. I whispered "What's important is I found him."

I'm so damn lucky that I found him.

_________
A/N: Yes nakapagupdate na rin. Sorry if i took too long for updating this. Finals na namin sa May 24!! Yes nasa ibang bansa ako kaya magkaiba ang time dito and dyan sa pinas. I'm really thankful for Hoseokie's reader! I'll do my best.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro