YeolDaseot
The games
"Form a group of four!"
Lahat ng tao dito sa complex ay nagkagulo ng ianounce ng host ang direction para sa aming unang game. We're not required to join any games but joining can increase the chance na tumaas ang grades namin dun sa project na huli naming ginawa. They will reward us an incentive, as an individual syempre.
Sakto at magkakasama pa rin kaming apat. Ako, Art, Amber at Yuri. Kaming apat na rin ang bumuo ng aming grupo ayon na rin sa napagkasunduan.
"So itong mga taong ito ang makakasama nyo hanggang sa kahuli hulihang game. Yes, hindi na mapapalitan ng bagong members ang grupo niyo. Form a line guys!"
I heard a lot of comments from the crowd. May napa 'YESSSS. WOHOOO!' may na pa 'AY ANO BA YAN. SABI KO KASI SAYO SI ANO ISAMA NATIN DITO. YAN TULOY' at may na pa 'AY SHEMAY. DI KO NA MAGIGING KAGRUPO SI CRUSH. KAINIS NAMAN!'.
Bumuo kami ng linya ayon na rin sa utos ng host. Nasa likuran ako ni Art na syang unang una sa linya. Sa likod ko ay si Amber na pinapalo palo pa ang likod ko sa sobrang excitement nya kahit di pa nagsisimula ang tunay na laro and the fourth member, Yuri, is the last. Nakaharap kami sa stage pero ilang metro ang layo namin mula roon. Nakahilera rin sa apat ang ilan pang grupo.
"Art, di ka ba naiinitan sa suot mo?" tanong ko mula sa likuran nya. Kahit banggitin ko ang pangalan nya ay walang ibang mkakarinig kundi kaming dalawa lang dahil sa ingay dito sa complex.
"No. Why?"
"Ako naiinitan sayo eh. You're in a jeans, polo, cap and naka mask ka pa. Ang init dito sa complex since ang daming tao tas maaraw pa." I sounded like a concerned citizen but yes, I'm worried na baka mahimatay na lang sya bigla dito sa sobrang init o di kaya ay mahilo.
"Do you want me to remove my mask and my cap?" tanong nya. Hinarap nya ako at tinanggal agad ang cap nya kahit hindi pa ako nakakasagot. His hair lay low below his eyebrows and making his forehead disappear.
"Uy, okay lang ba sayo? Baka may makakilala sayo rito at dumugin ka Art."
"Yeah it's okay. Besides you're right, it's really hot in here. And I don't care if someone can recognize me. As long as you're here with me, I'll do fine. And one thing, didn't I mention to you that it's okay for us to go anywhere to know everybody here?" he immediately remove his mask at nilagay ito sa bulsa nya. He wear again his cap pero binaliktad nya ito. Nasa likuran ang bill nito. Isinama nya ang buhok na tumatakip sa noo nya when he wear it. I can now clearly see his forehead.
Pucha, bat ang hot nyang tignan sa ganitong style! Muli syang tumalikod sa akin at hinarap ang stage. Naguusap usap pa rin ang dalawang host, pinaplano sigurong maigi ang mga larong gagawin.
His face is now visible for everybody to see and hindi nga ako nagkamali sa hula kong may sisigaw ritong babae pag nakita ang mukha ni Art. Pag nakita syang nandito sa shool complex namin, nakaform ng line with us three.
"OMYGOD! SI ART BA YUN? ART DE CUEVAS?"
"Asan!? Omg Omg Omg!"
"Hala te saan!"
Napatingin ang lahat sa amin, I mean sa kanya lang, nang lapitan sya nung babaeng sumigaw. Suddenly, there is a huge crowd in front of me. Art was surrounded now by the female students who idolizes him. Ito na nga ba sinasabi ko, dapat bang dinala ko sya rito kahit na ang sabi nya pwede syang magpagala gala sa kung saan? Dapat ba di ko na lang to binanggit sa kanya? I'm pretty sure he'll have a hard time talking with all of this girls.
Patingin tingin ako sa likod, kay Amber specifically. We're not talking pero nasesense kong gusto nyang makisawsaw ako sa gulo. I noticed Yuri's face with a hint of concern....and madness.
Sinunod ko ang instincts ko at nag dive papasok sa mga nagkakagulo. Hinila ko si Art palabas. Sinundan ako ng maraming pares ng mata. Ang iba'y naguguluhan kung bakit ko sya hinila o kung sino ba ko para hilahin sya ng ganun. Kung may karapatan ba ko para hawakan sya basta basta. Ang iba'y namangha dahil isa akong estudyante sa school na ito at malapit kay Art.
I open my mouth to say something but Art speak before I could utter any word.
"I told you guys, she's amazing, isn't she?"
I could only say one word right now. "W-what?"
"Omg Sapphire, you're so lucky, girl!"
"Goodluck sa inyong dalawa Art!"
"I'm sorry to interrupt all of you guys pero--" the girl host stop and inhale deeply "Wahhhhh Art!!"
Namayani ang sigawan at tilian ng mga tao dito sa complex. After that, she told us to get back to our own lines to start the game.
The event must go on.
May mga estudyanteng naglalakad at ipinamimigay ang mga dalang puting plastik na kutsara. nagbibigay rin sila ng isang kalamansi kada line. Pagdating sa grupo namin, may bahid ng pagka inis ang lalaki ng ibigay sa amin ang kalamnsi at kutsara.+ The two host clap once and speak "Everyone, our first game is 'ipasa ang kalamansi gamit ang kutsara sa isa pang kutsara'!" she exclaimed.
"What is this?" Art face me, confusion's all over his face. "I've never played and heard this before."
"She'll gonna explain it so pay attention" inginuso ko ang stage para malaman nyang magsasalita na muli ang host. I don't know what's going on with this guy's mind but he lean forward to me. I stop him immediately by pushing his forehead by my finger before his lips touch mine. "Ginagawa mo? Ang ibig kong sabihin, tumingin ka sa stage" I said while laughing.
"I thought you want a kiss" he whispered before turning his back on me. Bubulong na nga lang yung maririnig ko pa. And when did I say I want one?
Well yes I want.
"This game is simple. You see this chair, right? Bawat linya ay may isang upuan." turo nya sa mga plastik na upuang malapit sa dulo ng stage. "Maglalakad kayo mula sa kinatatayuan nyo at iikot dito sa upuan na to bago bumalik sa pwesto nyo habang kagat kagat ang kutsarang may laman na kalamansi. Kapag nalaglag ay kailangang tumakbo ulit sa pwesto at don simulan ang paglalakad. Kapag nakaikot ng walang problema ay ipapasa ang kalamansi gamit lamang ang bibig sa kutsara ng kagrupo. And!" huminto sya at kinausap ang kasama nyang host. "You need to pose kapag nakarating na sa upuan. That is a mandatory at kapag hindi nag pose ang isa sa mga member ay automatically disqualified na sila." pagpapatuloy nung lalaking host. "Are you ready?" sabay nilang tanong. Nagsigawan naman ang lahat ng 'ready!'.
Hindi pa man nagsisimula ang game ay tuwang tuwa na si Amber. When it start, she jump continously in excitement for Art and for our group. The song 'Anpanman' starts to fill the complex.
Mabilis na nakarating si Art sa upuan ng hindi nalalaglag ang kalamansi sa kutsarang kagat kagat nya. He stop there and do a pose that takes female students breaths away. And mine, of course. Natawa na lang ako napatakip sa bibig ng gawin nya yon.
He sits down in the chair, winks and do a heart pose with his two hands in his head. He stood up right after doing that at patakbong naglakad sa pwesto namin. I'm kinda nervous right now, ako na ang sunod!
He's now right in front of me. Kagat kagat pa rin ang kutsara, he lower down his body para ipasa sakin ang kalamansi. Nakuha ko naman agad in his first attempt. Kaagad akong naglakad papunta sa upuan at nagmamadaling mag pose. Pagkatapos ay naglakad ulit ako ng dahan dahan papunta kay Amber na ngayon ay kagat kagat na ang kutsara at hinihintay na lang ang kalamansi. So far, sa tingin ko, ay nangunguna kami sa ibang grupo.
Ipinasa ko kaagad sa kanya at mabilis nya itong nakuha gaya nung sa amin ni Art. She run, yes she freaking run at nakarating na sa upuan. She did a crazy and funny pose. She run again para ipasa kay Yuri ang kalamansi. Yuri, on the other hand, ay hindi mo makikitaan ng kahit anong kaba sa mukha. Naitakbo nya ang kalamsi sa upuan. What he did surprised me. Ipinatong nya ang isang paa sa upuan at sumayaw na parang isang macho dancer. Nagsitilian ang mga babae nang makita ang ginawa nya. Well, he's none other than Yuri. The one and only pervert Yuri.
"We have a winner!" the host interrupted us, not me and my team because we are done "It's Sapphire's team!" the four of us yell and scream. Art and Amber hug me while jumping. Isinulat ng host ang mga pangalan namin at ibibigay mamaya sa aming teacher to receive our incentive. Walang prize na natanggap si Art but I can see that he enjoyed it a lot.
"You have fun?" I asked Art ng idismissed kami ng host at nireready na ang second game. He nod at me and hold my hand, not looking at me, habang naglalakad kami papuntang bleachers. "There's more" I said na ikinangiti nya.
"Can I talk to you sapphire?" Yuri ask ng makarating kami sa bleachers. I look at Art and he nod at Yuri. Lumabas kami ng complex at nagpunta sa puno na inistayan namin kanina na nasa likod lang nito.
"Spill it." naka pameywang kong utos sa kanya.
"Are you really his girlfriend?"
"And I should answer that because--?" I don't really get it. Kailangan nya ba alamin lahat sa buhay ko? He's my ex-suitor nor my friend so I can't see the point.
"Because I care for you. And I am jealous"
I raise my right eyebrow "Jealous? Naririnig mo ba yung sarili mo? Sinasabi mo dyan?"
"I still like you Sapphire. And I'm really determine to win you back." hinampas ko sya ng malakas sa braso. Napa aray sya at hinimas ito.
"Ako Yuri tigil tigilan mo ko ha at mahahampas talaga kita sinasabi ko sayo"
"No. I'm saying the truth. If I can't win you back and he's really your boyfriend, then I'm willing to be your friend. Walang malisya, hindi ako manggugulo. I just want to be your friend. Gusto kong maayos ang lahat sa atin." Sinuri ko ang buong mukha nya and he looks sincere with those eyes. Maybe I should trust him, after all wala namang mawawala sakin kung magiging mag kaibigan kami. I lend my hand in front of him, waiting for his handshake. He accepted it immediately even though he can't believe it.
_______
"Yuri! Sandali kasi, bwisit to" natatawang sambit ni Amber ng unahan sya ni Yuri na tumapak sa dyaryo.
Our second game is the newspaper dance. Sasayawan ang newspaper ng paikot hanggang sa tumigil ang kanta at tatapak dito ng hindi nakasayad nag mga paa sa labas ng dyaryo. Paliit ito ng paliit as the game continues.
Nasa 4th level na kami kung saan maliit na ang dyaryo. Pinatugtog muli ang 'Go Go Go' at signal na iyon para magsayaw ulit. Art is my partner, of course, who will it be and Yuri's with Amber. Sa 5th level na ito, kailangang buhatin na ng isa ang kapartner nya.
"Mabigat ako Art, want me to carry you?" sigaw ko sa kalagitnaan ng sayaw namin habang tumatawa. He smiled at me at isinigaw din ang sagot nya.
"Kahit gano ka pa kabigat, bubuhatin at bubuhatin pa rin kita. You know why? Because that's love. And I love you" right after he yell those words, the song stop. Naramdaman ko ang kamay nya sa binti at likuran ko na unti unti akong binubuhat. Hindi ako makasigaw sa sobrang kilig. Tumapak kaagad si Art sa maliit na tinuping dyaryo habang buhat buhat ako.
But luck is not on our side right now.
Art lost his balance and fell in his feet. How did he do that? I don't exactly know for I am just looking at his face. I land on his chest. Ngayon lang nag sink in sakin ,while looking at his brown eyes, ang isinigaw nya kanina. We both laugh ng marealize ang posisyon namin ngayon at kung anong nangyari. Then i stop and smiled at him. I sat down and extend my hand to raise him up.
"And I love you too."
_______________
A/N: Woooo pambawi chapter for a one week na walang update dahil sa school. Finals na namin this week! wish me luck!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro