
Dul
Minty Coffee
August 14 2016
2 years earlier
I am on my way home when suddenly, bumagsak ang malalaking tipak ng tubig. It is raining....hard. Pumasok agad ako sa pinakamalapit na masisilungan, It's the famous SonyeonScene Coffee Shop. Pinagpag ko ang sleeves ng aking polo and look at my watch, It's 3:15 pm. I scan the surrounding and I saw few people sitting in the high stools. Some are just sipping into their coffee at yung iba ay busying busy na tinitipa ang kanilang mga laptop. Napagisip isip kong bumili na rin ng coffee tutal saktong sakto sa panahon. Nang makaorder ako ng paborito at usually kong inoorder na kape ay mas lalong lumakas ang ulan. Balak ko pa namang umuwi na at inumin na lang ito sa bahay.
I have no choice then kung hindi patilain ang ulan. Ayoko namang sumugod at maging tanga sa kalsada. Basang basa with matching nakabaligtad na payong or worse nasira na. Umupo ako sa table na pinakamalapit sa bintana. Kitang kita ko kung saang direksyong pumupunta ang ulan. Napakahangin sa labas at tinatangay ang ilang bulaklak sa kalsada. Ang ganda mo sana panahon kung pinauwi mo lang ako sa bahay bago ka bumuhos. Hmpp.
Kinuha ko ang earphone sa bag ko at ipinasak to sa magkabila kong tainga. Inilabas ko rin yung laptop ko para tapusin ang presentation na ginagawa ng grupo. Sa kalagitnaan ng pagtitipa ko ay, finally, tumugtog ang paborito kong kanta. I sip on my coffee. My favorite coffee.
Now playing: Coffee
Sinabayan ko ang isang part ng kanta. "Baby baby geudaeneun caramel macchiato. Yeojeonhi nae ipgaen geudae hyanggi dalkomhae. Baby baby tonight." I hope na hindi gaanong malakas ang pagkanta ko. Hindi ako tumingala para makita kung may nakarinig ba sakin. Nakakahiya kung meron nga. Tuloy tuloy lang ako sa pagresearch at pagtype sa slides. Kailangan ay matapos ko na tong part ko sa slides. Magkakabisado pa ko. Several songs had passed at sumasabay pa rin ako sa ilang part.
Natigil ako nang makaramdam ng kakaibang feeling. Feeling ko ay may nakamasid sa gawi ko or should I say, sakin. Tinanggal ko ang earphones ko at tumingala. I gasp when I saw a guy sitting across me, on the same table. He gave me half smile. I didn't respond. Napansin kong puno na ng tao ang shop at humina na ang ulan. Tumingin ako sa aking relo and damn, it's 5:00 pm. Nagsimula na kong ayusin ang gamit ko at ilagay ito sa bag. Nakatingin pa rin sakin ang lalaki kaya minabuti kong tanungin sya.
"Sorry to ask this but why are you looking at me?" I ask, straightforwardly. Napangiti sya ng bahagya at tumingin sa labas. "Mister?"
"I-i like your voice. But not your type of coffee."
"W-wha-"
*bow wow -bow wow wow* Napatingin ako sa phone kong nakalapag lamang sa mesa. Nakaharap ang screen nito sakin.
2 notifications
Imessage: Amberthemadaldal: Besss!!! Look! May bagong artist na magdedebut sa 2018! Look at him! ang pogi.
now
Imessage: Amberthemadaldal sent a photo.
now
I click on the photo and to my surprise, napamura ako ng mahina. Tumingin ako pabalik balik sa picture at kay kuyang nakaupo sa harapan ko. Totoo ba tong nakikita ko? Hindi kaya nakatulog ako kanina habang nakikinig ng music? But nope nope nope. It's real. I even heard his soft laugh when he saw my expression. Loud enough for me to hear.
"It's you."
"The what?" his voice is so manly and calm.
"The new artist." he nodded slowly. "W-wow. Is it safe for you to go somewhere? I mean like you're now famous kahit di ka pa nagdedebut. Maraming magkakagulo sayo."
"That's why I have this." sinuot nya ang plain black mask na kanina pa nasa ibaba ng baba nya at kinuha ang plain black cap mula sa lamesa. I didn't notice na meron syang dalang ganyan. "Can you sing once again?" he requested.
"What? No way A-art! Hindi maganda ang boses ko." Sa loob loob ko ay nagwawala ang puso ko. Dapat ko ba syang tawagin sa pangalan nya o sa pen name nya? And what? Gusto nya kong pakantahin sa harap nya? Is this really real!? Ang isang idol kinakausap ako?
"But I like it."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro