Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

A-Hop

Jarred

"Kanina ka pa tulala." komento ni Amber paglabas namin ng mall. Hindi ko namalayang gabi na pala. Madilim na at umaambon pa. "Hindi kita maintindihan eh. You said you don't like him." pinatunog nya ang sasakyan at binuksan ang likuran nito. I immediately put our stuffs.

"May sinabi ba kong ganon." tinalikuran ko sya at inunahan nang sumakay ng sasakyan. Nagmamadali naman syang sumunod sakin na nanlalaki ang mata.

"What do you mean?" tanong nya agad sakin. Nagkibit balikat na lang ako. "You like him? Then let's go and confess to him." i crossed my arms and ignore her. She haven't started the car. She's jut looking at me. I know she's frustrated. "Sap!" she yelled.

I heaved a sigh before answering. "Yaan mo na yon. Hindi ako sure kung gusto ko ba talaga sya. Besides sino ako para guluhin sila?" she open her mouth but I stop her from talking. "I think they love each other." sa sinabi kong yun ay natahimik sya at hindi na tinangka pang magsalita. First of all, bakit ba naman kasi napunta ang usapan kay Art?

Nakauwi ako nang bahay na puro 'okay ka lang ba, sure ka? Sigurado ka dyan ah' 'babanatan ko yan si Art pag narinig ko pa yang magsabi ng sweet words sayo' 'nako talaga!' ang narinig ko kay Amber. Hindi na sya pumasok pa ng bahay. Gusto na nyang dumiretso sa kwarto nya kaya hinayaan ko na. Parehas lang naman kami ng gusto. Matapos ba naman akong hilahin sa kung saang saang store. Ni hindi na nga kumain ng hapunan yon. Well, dami rin kasi naming nakain dun sa buffet na kinainan namin kaninang tanghali.

Pagpasok ko ng bahay ay patay lahat ng ilaw. Ang dilim na nga sa labas, pati ba naman dito sa loob ng bahay madilim pa din. Kadiliman everywhere, psh. I try to reach the lights near the door, malapit sakin. I don't want to walk in darkness. Pero shutangina. Iba ang nakapa ko.

"WAAAAAAAAAHHH!" napasigaw ako nang may makapa akong mga daliri. Dali dali akong lumabas ng bahay at pinakalma ang sarili. "Inhale ka lang. Inhale exhale." pinaypayan ko ang sarili. Nang makakalma ay pumasok sa isip kong baka si yaya lang yon or si butler so I open it again.

"SURPRISE!!" my jaw dropped. I'm trying not to cry, I'm trying so hard. I am really surprised. He's here!

Nakatayo lang ako sa tapat ng pintuan. Not moving an inch. Not even blinking. Lumapit sya sakin at nabingi ako sa torotot na itinapat pa nya sa tenga ko. "Surprise!" sigaw pa nya sa mukha ko.

"Letche ka. Laway mo!" sinakop ko ang mukha nya ng isang buong kamay ko then I hug him. "I miss you." he hug me back, tighter than mine. Bumitaw ako sa yakap at hinampas sya sa dibdib. He acted like he's in pain. "How come hindi ko alam na ngayon dating mo! Bwisit ka." he laughed and didn't answer me. Hinila nya ako sa kusina.

Bumungad sakin ang sari saring putahe. Ng sushi! "Don't be mad. Here, I prepared these for you." napanganga na lang ako at niyakap ulit sya ng mabilis na mabilis. Pagkatapos ay pumwesto na ko at tinikman ang mga sushing inihanda nya. "Namiss ko to kuya. Grabe ka wag ka nang aalis ha. Sasapakin na kita."

__________

We are in our rooftop and he is strumming the guitar. Hindi pa rin sya nagbabago. Magaling pa rin talaga sya maggitara. Isa to sa mga namiss ko. Well syempre unang una yung sushi nyang walang kupas.

Base on the beat and his humming, I know this song. He look at me and smile. I started to sing the first verse.

"Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo
Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko"

He continued to strum and reach the second verse. This time I didn't sing. Naintindihan naman nya ang gusto kong mangyari. He sing the second verse.

"Ilang isaw pa ba ang kakain, o giliw ko?
Ilang tanzan pa ba ang iipunin, o giliw ko?
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko"

I miss this. I miss his voice. I miss his cooking skills, his smile, everything. I miss everything about him. "Wag ka ng umalis ulit." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa gitara nya.

"I will." he said. Napatingin ako sa kanya. He heard me? "Sa susunod hinaan mo kasi bulong mo." he pat my hair and pull me to a hug. "I won't leave again." it put a smile to my face. Sumandal ako sa balikat nya at tumingala sa kalangitan. Ang daming stars ngayon. Probably because hindi na uulan ngayon.

"Lagi na lang kayo pabalik balik nila mommy dito sa pinas. Ano ba kasi ginagawa nyo dun?" I always ask this to him. And he always left me dumbfounded. Hindi nya ako sinasagot ng matino.

"Look at me Sapphire." umayos ako ng upo at muling humarap sa kanya. Sasabihin na nya ba sakin? "Kung ano mang sasabihin ko sayo, sayo lang to. Don't tell anyone what you know. It's between me and you. You promise me?"

"I promise."

"Do you know Art?" nagulat ako sa tanong nya. He knows him? Hala Amber ano bang sinabi mo dito kay kuya?

Wait, si Amber agad? Oo si Amber the madaldal!

Kunot noo akong tumango "Bakit kuya?" bumaba ang tingin nya sa gitara.

"You know that he's an idol right?" tumango ulit ako. "Do you like him?" umangat ulit ang tingin nya sakin. I open my mouth but I choose not to speak. "Yung mga idols na hindi pa nakakapagdebut, they're supposed to be single. Because kapag isinabay nya ang pagtetrain at pagkakaroon ng girlfriend or boyfriend, they seem to be distracted. Proven and tested." Kinakabahan ako sa patutunguhan ng topic na to. So Art should be single? But who is he with earlier? Yes he's wearing his disguise but I saw his face when the girl kissed him. Kung nakita ko, malamang makikita rin sya ng ibang tao. Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "SR means your name." he continue.

"ANO!?" napatayo ako bigla. Hinila naman nya ulit ako paupo. "Seryoso kuya? Kuya sasapakin talaga kita pag nagloloko ka."

Tumawa lang sya bilang sagot then he's being serious again "Totoo nga. SR Entertainment means Sapphire Rivera. He's one of our trainees. Ito yung pinagkakabisihan nila mommy. Nasama lang ako dun because they want me to handle and encourage him. Art... i-is my bestfriend." di ko maiprocess sa utak ko yung mga sinasabi ni kuya. Ang daming revelation na nagaganap.  "Sinasabi ko to sayo dahil we have a rule." bumilis ang tibok ng puso ko.

"A-anong rule?"

"You can't date an SR trainee."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro