Simula
Bata pa lamang ako ay palagi nang sinasabi at ipinapaalala sa akin ng aking magulang na maging maingat sa pagpili ng lalaking mamahalin. Minsan nga'y nauumay na ako pero wala naman akong magawa kundi ang magpanggap na nakikinig at interesado sa mga sinasabi nila.
"Trisha, dapat piliin mo 'yong mayaman at kaya kang buhayin. Doon ka dapat sa magiging sigurado na ang buhay mo at hindi ka maghihirap," ani Tatay bago naniningkit ang mga matang sumimsim sa kaniyang kape.
"Naku, huwag kang maniwala riyan sa mga pinagsasabi ng tatay mo!" pagtutol ni Nanay at masamang tingin ang ipinukol niya sa aking ama bago nagpatuloy. "Hindi mo kailangang iasa ang pag-unlad ng buhay mo sa lalaki. Hindi mo kailangan ng pera. Babae ka, kaya mong magkaroon ng sariling pera na walang tulong nila!" She hissed.
Nangingiti akong umiling nang magsimula na naman ang bangayan sa pagitan nilang dalawa. Hindi ko sila masisisi, magkaiba sila ng pamantayan sa pagmamahal. Si Nanay, pinakasalan si Tatay dahil gwapo at mahal niya ito. Si Tatay, pinakasalan si Nanay dahil may kaya ito sa buhay pero alam ko namang mahal din niya ang Nanay ko. Hindi naman sila magtatagal ng tatlong dekada kung hindi nila mahal ang isa't isa 'no!
Para sa akin, pareho silang tama at mayroong punto. Sa murang edad pa lamang ay pinanindigan ko nang hindi ako pipili ng lalaking walang kinabukasan. Kaya kong gumawa ng sarili kong pera pero hindi ako papayag na ang tipo ng lalaking mapapasakin ay walang plano sa buhay at walang pera sa bulsa. Ayaw kong magkaroon ng ka-relasyon na magiging sakit lamang sa ulo. Na pabigat at walang ambag.
Mariin kong itinatak iyon sa isipan ko.
With my always on fleek eyebrows, almond-shape eyes, fleshy nose, thin lips, clearskin face, and a body like an hourglass, no wonder man's extremely drooling after me especially when I got in highschool. At doon ko nga unang nakilala si Primo.
He's on senior year while I was a freshman student. I rolled my eyes mentally, halatang tirador ng first year. Fine, he got the looks, Guwapo siya at hindi naman maipagkakailang mabait din, 'yon nga lang...
"May SSS ka na? PAG-IBIG? PhilHealth? Or kahit ipon na pera sa bangko?" diretsahang tanong ko at hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang hagikhikan ng mga kaibigan kong si Eloisa at Trisha sa aking tabi.
"H-Ha?" naguguluhang tanong ng lalaki at bahagya pang napakamot sa ulo.
He's asking permission to court me... in front of my classmates. This is a wrong move for him. Bigla na lang siyang sumulpot sa classroom sa kalagitnaan ng breaktime. He caused an ear-splitting noise for heaven's sake! Binulabog niya ang buong third-floor eh hindi naman siya siguradong papayag akong magpaligaw sa kaniya!
I pouted my lips. Bumagsak ang mga mata ko sa hawak kong bulaklak at marahang ibinalik iyon sa kaniya. "Sorry Primo, hindi ka puwedeng manligaw. Guwapo ka naman, mabait, at saka matalino pero siguro... bumalik ka na lang kapag mayroon ka na no'ng mga hinahanap ko."
Awang ang labi niyang tumitig sa akin. Bahagya pang nagpakawala ng pagak at hindi makapaniwalang tawa. Na para bang isang napakalaking joke ng sinabi ko. I can't blame him, though.
"You're unbelievable," iyon ang huling salitang binigkas niya bago tuluyang lumabas ng silid. Bagsak ang kaniyang balikat na itinapon ang bulaklak sa basurahan sa labas ng classroom.
Marami pa ang sumubok at nagbakasali sa akin pero tanging isang tanong lang ang nakukuha nila mula sa akin.
Eloisa roared with laughter. "Parang tanga naman kasi 'tong si Panerio. Ba't mo naman agad tinatanong kung may SSS, PAG-IBIG, PHILHEALTH, o ipon 'yong mga nagkakagusto sa 'yo? Mukha ba silang may paghulog do'n?"
"Oo nga, baka nga sa pang-kwek-kwek ay kulang pa ang pera nila! Kakaiba talaga 'tong si Trisha. Masiyadong sigurista!" natatawang wika naman ni Reyster, boyfriend ni Eloisa.
"Pili nang pili, mauuwi lang sa bungi!" ani naman ni Kean.
"Pili nang pili, mauuwi sa lalaking tambay!" sabat naman ni Shaeynna.
Tanginang mga 'to! Ilang taon ko nang mga kaibigan pero pinagtatawanan pa rin ako! Hindi pa ba sila nasasanay sa akin?
"Huwag ka sanang magdilang-anghel, Shaeynna." I groaned.
Pero mukhang marinig yata nang nasa Itaas ang sinabi ng kaibigan dahil noong tumuntong ako ng kolehiyo, second year college to be exact, I met a guy. He caught my attention. He destroyed my strong conviction in love. He ruined the set standards of mine. By the way, he's name is Jose Carlo or most acquaintances are calling him by his nickname, Jolo.
A certified tambay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro