Kabanata 9
I was stunned into silence at that moment. Pilit kong hinahagilap ang tamang salita na isasagot sa kaniya ngunit wala. Bigo. Hanggang sa matapos ang gabing iyon, pakiramdam ko'y lumulutang ako sa kalangitan.
I shouldn't feel this way, right? Hindi dapat kumakalabog nang husto ang dibdib ko. Hindi dapat nagliliyab ang magkabilang pisngi ko sa mga salita niya. Hindi dapat nangangatog ang mga binti ko, hindi ko dapat nararamdaman ang mga paru-parong naglulumikot sa loob ng tiyan ko, at higit sa lahat. . . hindi dapat nagwawala ang sistema ko.
Simple lang naman iyong tanong niya, ngunit kahit lumipas na ang isang linggo, kapag naaalala ko iyon ay iba pa rin ang epekto sa akin niyon.
And I can't help but to shake with laughter whenever I remember our last conversation before we part ways that night.
"Kapag ano. . . puwede na ba akong manligaw?" he asked and let out a manly chuckle.
My heart doubled its pace but I was still able to give him a tiny smile. "Oo naman. Basta huwag sa'kin. . ."
His mouth fell open and before he could even protest, I turned my back and walked away.
Bumalik ako sa reyalidad nang magsalita si Nanay. Tapos na kaming maghain ng pagkain para sa hapunan at hinihintay na lang si Tatay para sabay-sabay kaming kumain. Kausap pa kasi nito sa Jolo at tila seryoso ang kung anumang tinatalakay nilang usapin. Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap na iyon at kaagad kong narinig ang pagpapaalam ng lalaki.
"Aalis ka na agad? Hindi ka na ba muna sasabay sa amin maghapunan?" tanong ni Nanay.
Umiling si Jolo at matipid na ngumiti. "Naku, hindi na po. Shy type po kasi ako kaya sa bahay na lang ako kakain pero kung pipilitin–"
"Hindi, Nay. Huwag ninyong pilitin," sabat ko pa dahilan para matawa si Jolo.
Tinapik ito sa balikat ni Tatay at bago tuluyang tumalikod ay tumango pa ito sa akin. Umupo si Tatay sa kabisera. Siya ang nag-lead ng prayer bago kami nagsimulang kumain. Like we always do, our dinner is filled with utmost happiness.
"Ano nga palang pinag-usapan ninyo ni Jolo?" tanong ni Nanay nang humupa ang tawanan.
"Ah iyon ba. . ." ani Tatay at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi.
Patuloy lang ako sa pagkain na tila wala nang pakialam sa pinag-uusapan, ngunit ang hindi nila alam ay atentibo ang tainga ko sa pakikinig.
"Nagpaalam siya sa akin na simula raw bukas ay hindi na siya makakapamasada," ani Tatay.
Literal na natigilan ako sa pag-kain dahil sa narinig. My forehead creased as my brows furrowed. Pilit pa ring pino-proseso ang aking utak ang sinabi ni Tatay.
"Ano bang ibig mong sabihin? Hindi siya mamamasada bukas o hindi na talaga siya mamamasada kahit kailan?" dagdag na tanong pa ni Nanay.
"Hindi na siya magtratrabaho sa atin," paglilinaw naman ni Tatay.
Mas lalong lumalim ang gatla sa aking noo at naguguluhang tumitig aking ama. "Bakit daw? May problema ba?" I asked and trailed off. "Bakit. . . parang biglaan naman yata?"
Nagkibit balikat si Tatay. "Iyon ang hindi ko alam. Wala naman kasi siyang sinabi na dahilan kung bakit. Personal na rason daw kaya hindi ko na rin pinilit pang alamin. . ."
"G-Gano'n ba?" I uttered, almost a whisper but enough for them to hear.
Patuloy akong binabagabag ng isiping iyon kaya naman matapos kumain at maghugas ng pinggan ay nagdesisyon akong kausapin si Jolo. Una kong pinuntahan ang tindahan kung saan sila palagi tumatambay kaso sa kasamaang palad ay ni isang anino mula sa Kanto Teens ay wala akong nakita. Kaya naman sa huli ay nagdesisyon na lang akong pumunta kina Eloisa. Baka sakaling alam niya kung nasaan si Jolo o baka sakaling alam din niya ang sagot sa mga tanong ko. They're cousins afterall.
"Wala akong alam sa mga pinaggagawa ni Jolo,"
Bumagsak ang balikat ko sa sagot ni Eloisa. Bumuntonghininga ako at tamad na isinandal ang likod sa sandalan ng malambot na sofa.
"Ni ngayon ko nga lang nalaman na close na pala kayong dalawa. Nakakagulat, huh? Parang kailan lang ay bangayan pa kayo nang bangayan." dagdag pa nito.
Dinampot ko ang throw pillow at hinampas iyon sa kaniyang pagmumukha. "Ang issue mo kahit kailan 'no? Kulang ka ba sa aruga?"
Humagalpak siya ng tawa. "Ang sungit mo naman. Kulang ka sa dilig?" she teased me and so I hissed.
Excuse me, never been kissed and never been touched by anyone kaya 'to!
"Alam mo kumain na lang tayo sa labas! Namimiss ko na ang lugaw sa Joe, eh!" Hinatak nito ang braso ko at sapilitang tinayo. Wala na akong nagawa kundi magpatianod sa kaniya.
"Galante ka yata. Libre mo?" nangingiti kong tanong.
She shot me a death glare. "Namo ka, ako na nga nag-aya tapos libre ko pa? Masiyado kang user ha! Siyempre libre mo 'ko!"
"What? Saan ka naman humuhugot ng kapal ng mukha? Mag-KKB na lang tayo!" asik ko.
"Hoy, Trisha! Naaalala mo ba noong paanong wala kang mahingian ng papel tapos may quiz tayo? Tapos 'di ba, binigyan kita ng dalawa–"
"Oo na! Oo na! Nanumbat pa ang walanghiya! Kakarmahin ka rin gago!"
Akala ko ay magiging matiwasay ang mga sumunod na araw ngunit hindi pala. Patuloy nitong ginugulo ang isipan ko. Sa bawat segundo, minuto, at oras na lumilipas ay walang sandaling hindi sumagi sa utak ko ang lalaki.
I couldn't fucking understand myself. Bakit ba iniisip ko pa ang lalaking iyon? Bakit hinahanap-hanap ko ang presensya niya? Bakit ako umaasa na paglabas ko ng pinto ay maaabutan ko ang nakangiti at maaliwalas niyang mukha?
I shouldn't be feeling this way. I shouldn't be thinking about him. It's already been one or two weeks since the last time I saw him. Gano'n kabilis pero para bang bagal na bagal ako sa pag-ikot ng mundo.
"Tama!" I nodded my head in conviction. "Hindi ko dapat iniisip ang gagong 'yon. Kung nasaan man siyang lupalop ngayon, bahala siya. Sana lang humihinga pa siya."
Desidido na ako sa sinabi kong iyon. Kung kailan naman unti-unti nang gumagaan at nagbabago na ang pakikitungo ko sa kaniya, saka naman siya mawawala na parang bula.
Oo, siguradong sigurado na ako, ngunit lahat sinabi ko ay kinain ko rin nang makita ang isang lalaking na naghihintay sa labas ng bangko. He's wearing a black muscle tee paired with sweat shorts. Ang mahaba nitong buhok ay malayang nakalugay at nililipad ng hangin.
Humigpit ang kapit ko sa strap ng aking itim na shoulder bag. My heart skipped a beat when our eyes locked. I was obviously running hot and cold. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang lapitan at tanungin kung saan siya nanggaling, anong nangyari sa kaniya at bakit bigla na lang siyang nawala. However, I stopped myself from doing that thing.
Sa huli ay mas pinili ko na lang na magpanggap na lang na hindi siya nakita, tumalikod at handa na sanang maglakad papalayo. Ngunit hindi pa man ako nakakaisang hakbang ay mayroon ng humawak sa aking braso para patigilin ako sa paglalakad.
"What?" I faced and snorted at him. "Who you?"
"Uhm. . . dito na me, where na you?" parang gagong sagot niya na mas lalong nakapagpainit ng aking ulo.
"Dati ka bang baliw? Ano bang problema mo?" singhal ko at pilit na kumawala sa kapit niya.
Suminghap siya at halatang nagulat sa pagsigaw ko. His eyes widened as his mouth fell open.
Fear crossed his face. "B-Bakit galit ka?"
My jaw tightened and released a sarcastic laugh. "Hindi naman. Naiinis lang ako na bigla-bigla kang mawawala tas ngayon susulpot ka na parang kabute."
"Hindi ba sinabi sa'yo ng Tatay mo o nina Enzo kung saan ako nanggaling?" Nagsalubong ang kaniyang kilay.
"Sa tingin mo?"
Yumuko siya at hinilot ang sentido. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang pagbigkas nito ng mahina at malutong na mura.
"At saka akala ko ba ay hindi ka na mamamasada? Bakit nandito ka?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin at binasa ang kaniyang pang-ibabang labi. "Hindi na nga. Pinilit ko lang ang tatay mo dahil gusto kitang makita. . ." Umiwas siya ng tingin kasabay ng pamumula ng kaniyang dalawang tainga.
"Ulol," I muttered.
He breathed out and offered his hand again. "Tara na. Babawi ako sa'yo at ipapaliwanag ko kung anong pinaggagawa ko sa buhay nitong nagdaang linggo na wala ako. Ililibre kita, ano bang gusto mo, hmm?"
I pressed my lips together and glared at him. "Sa tingin mo ba madadala mo 'ko sa ganiyan ha? Basta! Okay na sa akin ang street foods!"
Tatawa-tawa siyang umiling at iginiya ako patungo sa tricycle. Hindi ko man maamin nang diretso, napuno ng galak ang puso ko nang muli ko siyang makita at makausap.
Dinala niya 'ko sa foodcourt. Maraming tao ang kumakain at hindi nakakaligtas sa mga mata ko ang pagbaling ng tingin sa kaniya ng mga kababaihan. I fought my urge to roll my eyes.
Siya ang umorder ng pagkain para sa aming dalawa habang ako'y nauna nang umupo. Chineck ko ang phone ko. Kailangan kong itext si Eloisa na mamaya na lang pumunta sa bahay dahil matatagalan ako ng uwi. But unfortunately, deadbat ang phone ko. Wala tuloy akong nagawa kundi ang lumapit kay Jolo para makitext.
"Uhm Jolo, puwedeng maki-text?" paalam ko at walang pagdadalawang isip naman niyang inabot sa akin ang kaniyang cellphone.
"Apat na zero ang passcode. . ." he informed.
Tumango ako at bumalik sa table habang binubuksan ang kaniyang cellphone. Nahigit ko ang aking hininga nang tumambad sa screen ang picture ko. Umawang ang aking labi sa labis na pagkagulat.
I cleared my throat and composed myself again. Pagkatapos kong itext si Eloisa ay kinalikot ko muna ang cellphone niya. . . with his permission of course. Medyo mahaba pa kasi ang pila kaya nilibang ko muna ang sarili ko. Una kong tiningnan ang gallery ngunit wala naman akong masiyadong nakita bukod sa mga stolen pictures ko at picture nina Javien. Kung anu-ano pa ang pinindot ko hanggang sa mapadpad ako sa app na notepad.
Out of curiosity, I opened the application. And to my surprise, mayroon siyang tatlong notes na naroon. Binuksan ko ang isa at gano'n na lang ang pagkalabog ng dibdib ko sa nabasa.
SAMPUNG M NA DAPAT GAWIN PARA KAY TRISHA:
1. Maligo araw-araw.
2. Magpapogi.
3. Magpapansin.
4. Mag-aral ulit kahit 2 years course.
5. Mag-apply ng insurance at life plan kagaya ng SSS, PAG-IBIG, PHILHEALTH at St. Peter.
6. Maghanap ng mas maayos na trabaho.
7. Mag-ipon ng pera at ayain siyang lumabas.
8. Magpakabait at umiwas sa mga bisyo.
9. Magpayaman.
10. Mahalin nang wagas at pasayahin si Trisha sa abot ng makakaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro