Kabanata 8
Wala nang nagawa pa si Jolo nang kaladkarin ko siya patungo sa pinakamalapit na convenient store. Pagkapasok pa lang ay agad na akong kumuha ng mga nagugustuhan kong kainin at direktang inaabot iyon sa nakabuntot na si Jolo. Napapangiwi at napapakamot lang siya sa ulo ngunit hindi naman na nagreklamo pa.
"Kumuha ka na rin ng gusto mong kainin," ani ko habang abala sa pagkuha ng mga chichirya.
Favorite ko 'yong mga chips na cheese flavor. Kahit anong klase pa 'yan, basta cheese, hindi ko iyon tatanggihan. Nang lingunin ko si Jolo ay nanatili pa rin siyang nakatayo at halos yakap na ang mga pinapamili namin.
I shot my brows up at him. "Kumuha ka na kung anong gusto mo. Libre nga kita," saad ko pa na may kasamang pag-irap.
He then scoffed. "Paano naman ako makakakuha nito? Ang dami ko na ngang dala," dinig ko pang bulong niya sa sarili at nagkibit balikat naman ako.
Oo nga pala. May basket naman kasi pero bakit hindi siya kumuha?
I sighed. "Oh sige. Ako na lang ang kukuha. Nakakahiya naman kasi sa'yo, baka isipin mo, inaalipin kita. Ano bang gusto mo?" I asked, still not looking at him. Tumungo ako kung nasaan ang cup noodles at kumuha ng isa.
"Ikaw,"
"Huh?" I looked at him, confused.
"Ang ibig kong sabihin ay ikaw na ang bahala tutal libre mo naman ako, 'di ba?"
I pouted my lips as I shrugged my shoulders. "Okay. . ."
Iced coffee ang ibinigay ko para sa kaniya. I almost laughed when I noticed how he struggled holding all the foods I bought. Pagkalabas namin ng convenient store ay tumambay muna kami sa labas kung nasaan mayroong mga lamesa at upuan na puwedeng tambayan.
A deafening silence filled between us. The pale crescent moon shone like a silvery claw in the night sky. It was completely aglow with bright city lights and we've just enjoyed the tranquility of surroundings.
I can feel the serenity of my inner system. For the first time in a while, I felt safe and at peace.
Matapos kumain ay binuksan na namin ang soju na binili namin. He just opened the bottle using his teeth. What the hell . .
"Alam mo akala ko talaga masarap 'tong soju na 'to, eh. Since madalas kong mapanood sa kdrama," pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa.
"Gagi ang mahal naman nito. Ka-presyo na 'to ng empe, eh."
Natawa ako sa sinabi niya. The simple conversation went on and on. Nakakamangha lang na mayroon din pala siyang sense kausap kahit papaano. I've discovered that we have the same political beliefs. Somehow, we still have different opinions and perspectives in life. That's okay for me, though. As long as wala naman siyang tinatapakang ibang tao sa opinyon niya, wala iyong problema.
"Curious lang ako. Bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring trabaho?" I tilted my head and shook my head when I realized that it may sound offensive for him. "I mean. . . no offensement, kailan mo balak humanap ng mas maayos na trabaho?"
He sipped on his drink first before answering. "Bakit hindi ba maayos na trabaho ang pagiging tricycle driver?"
"Wala akong sinasabi!" nanlalaki ang mga matang depensa ko. Oh my gosh! Hindi naman talaga iyon ang ibig kong sabihin.
Wala akong kahit anong hard feeling para sa mga tricycle driver and seriously, I am admiring their never-ending hardworks. I mean, they are portraying a big role in the community, aren't they?
I heaved a frustrating sigh and shook my head. "Nevermind."
Nagpakawala siya ng isang malutong na tawa at muling sumimsim sa kape. "Ano nga? Sige na ituloy mo. Binibiro lang naman kita, masiyado kang defensive."
Umirap ako at tumuwid ng upo. "So ayon nga, ang ibig kong sabihin. . . hanggang diyan ka na lang ba? Wala ka bang balak bumalik sa pag-aaral or maghanap pa ng ibang trabaho?" sunud-sunod kong tanong at pasimpleng kumuha sa chips na kinakain niya.
He saw me but didn't say anything, though.
"Wala na akong balak bumalik sa pag-aaral. Matagal ko nang tinalikuran ang pangarap na 'yan dahil simula una pa lang, alam kong hindi na iyan para sa akin. . ."
Nahihimigan ko ang lungkot sa kaniyang tinig at hindi rin nakaligtas sa akin ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata. Natutop ko ang aking bibig at bumagsak ang paningin sa cup noodles na hawak ko.
Nakikita ko sa ekspresyon ng kaniyang mukha na hindi pa siya handa kaya naman mas pinili kong ibahin na lang ang usapan.
"Sige na nga, ito na lang. Tell me your two what ifs,"
"Bakit ako?" He frowned. "Ikaw na ang mauna!"
I groaned and gave him an unfriendly look. "Ang arte! Okay fine! Unang what if ko. . . what if I fail in life? I fail in everything?" wala sa sariling usal ko. "My second what if is. . . what if wala nang magmahal sa akin dahil sa standards na hinahanap ko?"
Sa totoo lang ay aaminin ko na minsan talaga natatakot ako sa mga maaaring mangyari sa mga susunod na araw. Walang kasiguraduhan ang lahat. Lahat malabo. Hindi lahat nagtatagumpay. Paano kung dumating ako sa punto na ma-realize ko na hindi naman pala talaga ako magaling sa larangang pinasok ko? Paano kung masaya ako ngayon, maayos ang lahat pero bukas paggising ko ay hindi na? At isa pa, paano kung dahil sa standards na hinahanap ko ay wala nang pumili at magmahal sa'kin?
Come to think if it, hindi lahat ng tao ay naiintindihan at nauunawaan ka. Mayroong mga tao na iisipin na mukha akong pera o ano dahil sa mga katangiang hinahanap ko. . . but that's reality. Money makes our world go round. Besides being physically, emotionally, mentality, and spiritually stable, you also need to become secure financially.
"Ba't mo naman naisip ang mga bagay na 'yan? Alam mo Trisha, totoong walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa buhay. Ang tanging magagawa mo lang ay sumabay sa daloy ng agos nito. . ." he commented and so I gave him my full attention.
"Ang buhay hindi lang iyan puro saya, nandiyan din ang walang katapusang problema. Kung ma-realize mo man na hindi ka magaling at hindi para sa iyo ang mga bagay na ninanais mo, tanggapin mo. Ganiyan talaga ang buhay Trisha. Para lang 'yang life. Ayos lang ang mapagod. Ang hindi ayos ay ang sumuko. . . iyon ang tunay na depinisyon ng pagkatalo. In short, wala kang no choice." he then added.
I let out a soft sigh then my lips curved for a tiny smile. In fairness, may sense naman pala talaga siya kausap kahit kaunti lang. Ayon nga lang, hindi pa rin talaga niyang maiwasang magsingit ng mga kalokohan. Hindi ko na lang pinagtuonan pa ng pansin.
"Ikaw, anong dalawang what ifs mo?" tanong ko.
Tumingala siya at tumulala sa kawalan. May maliit na ngisi sa labi. "What if. . . what if hindi ako pinagkaitan ng mundo ng maayos na buhay? What if dumating iyong araw na kaya ko nang abutin ang standards mo. . . may pag-asa kaya ako?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro