Kabanata 7
"Tara na? Saan mo ba gustong kumain–"
"Kim, sorry. Hindi na ako magpapaka-plastic pa, ha? But I think you should stop pursuing me," walang patumpik-tumpik kong saad habang hindi siya nilulubayan ng malamig na titig.
"W-What?" he asked, surprised yet I can already sense the anger in his tone. "Why?"
"Anong why?" I fired back. "Simple lang, hindi kita gusto at wala kang pag-asa sa akin."
His face darkened as his jaw clenched in an aggressive way. "What the fuck was that? Wala pa nga akong dalawang buwan na nanliligaw sa iyo. Ni hindi ko pa nga masiyadong napapatunayan ang sarili ko–"
"Hindi na kailangan," putol ko sa kaniya at nagpakawala ng tamad na buntonghininga. "You see, wala talaga akong nararamdamang romantic feelings sa'yo."
"Pero akala ko ba'y gusto mo sa mayaman? Ito na ako, oh? Trisha, nasa akin na ang hinahanap mo. . ." he frustratedly respond.
I shut my eyes tightly and pinched the bridge of my nose, getting irritated with this conversation. Jusko, naturang gwapo, mayaman at matalino pero iyong simpleng 'hindi kita gusto' ay hindi pa niya maintindihan. Huwag na sanang umabot sa puntong kinakailangan ko pang isulat sa papel at marahang ipabasa sa kaniya.
"Is this about the guy earlier? Iyong mukhang sanggano?"
I didn't answer and just stared at him using my weary eyes. He then poured out a mocking laugh.
"Huwag mong sabihing tama ako? For heaven's sake, Trish! Y-You've disappointed me."
Umangat ang kilay ko at palihim na kinuyom ang dalawang kamao sa sobrang pagtitimpi ng gigil. "Come again?"
"Ang sabi ko, you've disappointed me. Akala ko pa naman ay mataas ang standards mo pagdating sa pili ng lalaki–"
"Mataas talaga ang standards ko. Kaya nga hindi kita pinili, 'di ba?" I cut him off then smirk. "Alam mo, Kim. Wala akong panahon para makipag-paliwanagan pa sa kagaya mong siraulo. Saka mo na ako yabangan ng yaman mo kapag nakaya na ng pera mong bumili ng maganda at maayos na pag-uugali."
Humigpit ang kapit ko sa strap ng bag at mabilis na tinalikuran ang nakatulalang lalaki. "Dalawa na nga ang ulo, hindi pa ginagamit nang tama. Punyeta! Ganiyan ang napapala kapag nilalagay ang utak sa bayag!" maktol ko habang naglalakad palayo.
Mas lalo akong napasimangot nang bago ako tuluyang lumiko sa kanto ay narinig ko pa itong sumigaw ng 'gold digger'. I just rolled my eyes heavenwards and raised my middle fingers at him.
Kagaya nga ng plano ay dumiretso ako sa bahay ni Terrence at doon ako naglabas ng sama ng loob tungkol sa pangyayari kanina. Abala siya sa pagre-review ngunit nagagawa pa ring pakinggan ang mga walang kwentang rants ko.
"How can you expect a guy to have an insurance and life plan at a young age?" Mula sa binabasang libro ay nag-angat siya ng weirdong tingin sa akin.
My lips twitched. "Bata pa ang 24 years old? Ay mali, ang pagkakaalam ko 25 na rin 'yon this year, eh."
"And so?"
"Anong and so?" I said in disbelief. "Teh, dapat sa gano'ng edad, mayroon ka nang SSS man lang. Eh tingnan mo naman si Jolo, ang tanda na wala pa matinong trabaho."
"And that's out of your problem anymore, Trish. You don't know what his reasons are. And hindi mo naman mapipilit ang taong magkaroon agad ng mga gano'n lalo na't kung perang mayroon sila ay sapat lang para mabuhay sila sa araw-araw. You see, different people, different responsibilities. At isa pa, hindi mo dapat kinu-kwestyon ang mga bagay na kaya lang ibigay at ialok sa iyo ng ibang tao," seryosong pangaral niya kaya naman napanguso na lang ako at hindi na nakasagot pa.
Sabagay, may punto nga naman siya ro'n. . . pero hindi naman siguro maging sigurista ka para sa kinabukasan mo? Na piliin ang pagiging praktikal kaysa sa pagmamahal?
Wala namang bago sa akin sa mga sumunod na araw. Para ngang may pattern na ang buhay ko at paulit-ulit na lang ang mga nangyayari. Gigising, papasok sa OJT, uuwi, at matutulog. Kung minsan naman, kapag may libreng oras si Eloisa ay pumupunta siya sa amin para manggulo, kaso busy siya sa trabaho this past few days kaya naman madalang ko lang siyang makasama.
Sumapit ang araw ng sabado at mag-isa lang ako sa bahay. Si Nanay mayroong dinaluhan na seminar sa Tagaytay at isinama niya si Tatay. Date na rin nila kumbaga. Inubos ko ang buong maghapon sa panonood ng KDrama at make-up tutorial sa youtube.
Nang maumay ay naisipan ko namang tumambay sa balkonahe ng second floor. May hawak akong isang tasang kape at marahang hinihipan iyon. Mula rito sa itaas ay dinig ko ang ingay ng kantahan at tawanan mula sa katabing tindahan.
Obviously, it was Jolo and his gang again. The Kanto Teens. Nag-uumpukan na naman sila ro'n at nagkakantahan. And all of a sudden, an idea popped in my mind. Wearing my oversized shirt and dolphin shorts, I went outside our house.
Dumiretso ako sa tindahan kung nasaan sina Jolo. Nagulat pa nga sila sa biglaang pagsulpot ko sa harapan nila. They all flashed a wide smile and gave me a warm smile. Well, except lang kay Enzo na umingos at inirapan ako.
"Hi, Trisha of the world! May bibilhin ka?" Tinapon ni Jolo ang hinihipak niyang sigarilyo. Tumayo ito upang salubungin ako at pinasadahan ng mga daliri ang kaniyang buhok.
"Mangungutang siguro," sabat ni Enzo na hindi tumitingin at abala sa pag-i-strum ng gitara.
"Excuse me?"
"Dumaan ka na," wika pa niya kaya naman nagtawanan ang dalawa pang tukmol na si Javien at Diego.
"Enzo!" Jolo uttered in a warning tone. Agad na humupa ang tawanan sa isang saway pa lang ni Jolo. I can't help myself but to bite my lower lip to suppress my laugh.
Umasim ang mukha ni Enzo at inismiran ako. Nang mag-angat ako ng tingin kay Jolo ay nahuli ko ang mariing titig nito sa akin, may multo ng ngiti sa mga labi.
"Puwede akong. . . uh, sumama sa inyo rito? Wala kasi akong magawa sa bahay–"
"Oo naman!" putol niya sa sinasabi, halos mapunit ang labi sa lawak ng kaniyang ngiti.
Iginiya ako patungo sa isang upuang semento at tumabi siya sa akin. Noong una ay hindi pa ako maka-relate sa kwentuhan at alaskahan nila, ngunit kalaunan ay nakasabay na ako.
They even forced me to sing with them, but when they heard my voice. . .
"How's my voice?" I asked them, smiling.
"Uh, maganda ka. Kanina no'ng tinititigan kita, na-realize ko na napakaganda mo," Javien answered.
"Hindi 'yan ang tinatanong ko! I'm asking you, how's my voice?" Nilingon ko si Diego at pinagtaasan ng kilay. Umawang ang kaniyang labi at palihim na siniko ang katabing si Enzo.
"A-Ano. . ." Tumikhim si Diego at namumula ang taingang umiwas ng tingin. "Mabait ka naman."
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahina ngunit malutong na hagikhik ng lalaki sa aking tabi. Nang lingunin ko siya ay natutop niya ang kaniyang bibig upang pigilin ang pagtawa at marahan pang ginulo ang buhok ko.
"Aysus! Binobola n'yo pa! Ba't hindi n'yo na lang kasi sabihing pangit ang boses? Parang kambing na hindi maihi!" Enzo snorted and stuck his tongue out at me.
"Aba't–"
"Tigilan mo na nga 'yan Enzo. Isang asar pa rito kay Trisha, hihilahin ko na 'yang dila mo. . ." banta ni Jolo sa kaibigan kaya naman napangiti ako nang malawak.
Nang magtama muli ang paningin namin ni Jolo ay nangggigil niyang pinisil ang aking pisngi.
"Ang cute cute naman ng Trisha na iyan." He then let out a soft and hearty laugh.
Napasimangot ako at tinampal ang kaniyang kamay. "Aray ko naman! Anong cute? Mukha ba akong aso?"
"Hindi, ah! Mukha kang future mapapangasawa ko," aniya na sinabayan pa ng halakhak.
I wrinkled my nose in disgust. Ang corny ha! "Tigilan mo 'ko, Jolo. Nagdidilim paningin ko sa mga sinasabi mo."
"Nagdidilim din ang paningin ko at wala na akong makitang iba bukod sa'yo. . ." ganti niya, dahilan para magliyab sa init ang magkabilang pisngi ko.
Madilim na ang kalangitan nang magdesisyon akong bumalik na sa bahay. Pagkauwi ay saka ko lang napagtanto na wala pala akong kahit anong kakainin para sa hapunan. Mayroon namang mga frozen meat sa freezer at mayroon ding stock ng mga delata sa cabinet, ngunit hindi ko naman type kainin.
I am craving for something I couldn't pinpoint what it is. Because of that, I grabbed my jacket and decided to go to the nearest convenient store. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng gate ay natigilan na ako sa paglalakad nang makita si Jolo na mukhang papauwi na.
I heaved a deep sigh and glanced on my wristwatch. Maaga pa naman. Wala naman sigurong masama kung magpapasama ako sa kaniya, 'di ba?
Kaya naman dala ang inipong lakas ng loob ay mabilis akong humakbang patungo sa kaniya. "Jolo," pagtawag ko sa lalaki.
Nang magbaba ito ng tingin sa akin ay halos mapaiktad siya sa gulat. Nanlalaki ang mga mata niyang humawak sa kaniyang dibdib at luminga-linga sa paligid. "You're scared me. . ."
"You're scaring me," I corrected him and laughed.
Nalukot ang kaniyang mukha at kapagkuwan ay ngumuso. "Gano'n din 'yon. Close enough. . ." he trailed off and wet his lower lip. "Bakit nga pala nasa labas ka pa? Gabi na, ah. Saan ka pupunta? Baka mapano ka pa–"
Hinawakan ko ang palapulsuhan niya para matigil siya sa kakadada. "Samahan mo 'ko. Nagugutom na ako. . ."
"H-Huh? Saan?"
"Kahit dyan lang sa malapit na convenient store!"
"S-Sandali lang!" He tried to get away from my grasp but I didn't let him.
"Saglit lang naman, Jolo. Ayaw mo ba? Sige ako na lang–" Binitawan ko siya at akmang tatalikuran na ngunit agad niya akong pinigilan.
"H-Hindi naman. Wala na kasi akong dalang pera rito. Puwede bang umuwi muna–"
"Huwag na! Ililibre na kita!" I muttered.
A small smile formed into my lips when I saw how eyes glistened in surprised.
And I had absolutely no idea that it was the start of something pleasing between us. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro