Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

I met Jose Carlo a few years ago. I was in my second year college that time. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon yata iyong araw kung saan pumunta ako sa bahay nina Eloisa at naroon din siya. Iyon ang unang pagkikita at bangayan naming dalawa.

Hindi ko maintindihan kung bakit unang pagtatama pa lang ng mga mata namin ay naramdaman ko kaagad na hindi ko siya gusto. Hindi ko gusto ang presensya niya at talagang naiirita ako kahit wala siyang sabihin at makita ko lang ang kaniyang mukha.

"Matagal ka na ngang gusto ni Jolo. Ikaw lang 'tong hindi naniniwala." Ynna sipped on her frappe.

I scoffed and stopped myself from rolling my eyes. "Mukha bang kapani-paniwala? Huwag kayong magpapalinlang sa sinasabi ng lalaking iyon, malakas lang ang amats no'n."

Though deep down inside me, there's a part that I want to believe in what they're saying. Ilang tao na rin kasi ang nakapagsabi niyan sa akin. Halos lahat ng makausap ko na malapit kay Jolo ay palaging sinasabi na may gusto nga raw ang lalaki sa akin.

"Napaka-choosy mo naman kasi. Ang dami-daming nanliligaw sa'yo na mabait, gwapo, at matalino pero lahat 'yon tinatanggihan mo lang," wika pa ng naiiling na si Shaeynna.

"Choice kong maging choosy. Sayang naman 'tong ganda ko kung kanino lang ako mapunta, 'di ba?"

"Kahit na! Hindi ka ba naiinggit na kami ni Eloisa ay may mga bebe na?" pang-aasar pa niya, dahilan para umangat ang sulok ng aking labi.

Inagaw ko sa kaniya ang hawak niyang frappe at sumimsim muna roon bago sumagot. "Bakit ako maiinggit? Magbre-break din naman kayo."

"Aba't–"

At bago pa nga niya ako tuluyang masaktan ay tumayo na ako at naglakad pabalik kung saang department ako naka-assign. Hindi pa naman tapos ang breaktime pero dahil tapos na naman akong kumain ay nagdesisyon akong bumalik na sa mga gawain ko.

In all fairness, hindi naman masiyadong ramdam ang bigat ng mga tasks. May mga times din naman na puro simpleng utos lang ang pinapagawa sa amin kagaya ng pagpho-photocopy, pagpri-print, pagti-timpla ng kape, at kung minsan ay pagbili ng meryenda sa labas. May mga araw din na kung saan-saang department kami ina-assign ni Manager.

Ngunit mas madalas na puro chika lang din kami kasama ang ibang empleyado lalo na kapag patay na oras.

"Pagka-graduate mo, balik kayo rito ni Shaeynna. Dito kayo mag-apply," alok sa amin ni Manager Gloria. She's on 50's now but still looks young.

Shaeynna smiled shyly before answering. "I'll try po. Baka po kasi sa Manila ako mag-take ng board exam at doon na rin ako maghanap ng trabaho."

The great pretender talaga ang babaeng 'to! Akala mo kung sinong mahiyain at mahinhin sa ibang tao pero kapag sa amin, ang balahura ng ugali!

"Ikaw, Trisha? Dito ka na magtrabaho!"

Nahihiya akong ngumiti sa sinabi ni Ma'am Ellen, isa sa mga teller at pinaka-kasundo ko sa lahat. Kita ko kung paano ako pagtaasan ng kilay ni Shaeynna at tila ba nandidiring ngumiwi dahil sa pagiging biglang mahiyain ko.

"Your offer was tempting, Ma'am, but we'll see," I answered honestly.

May nabanggit kasi sa akin noon ang pinsan kong si Kuya Harrold na parang nagpla-plano yata siyang manirahan sa ibang bansa after niyang mag-out sa family niya and there's something within me na para gusto kong mag-try naman sa bagong environment. You know, I won't be forever living here in the province.

"Bring me a coffee then print 5 copies of this document. Puntahan mo rin si Sir JC at sabihin mo, kailangan ko na iyong record na kahapon ko pa hinihingi sa kaniya. Bilisan mo, ayaw ko ng pagbagal-bagal ang kilos. Make sure you'll be back at five minutes."

"Yes, Ma'am."

Pinigilan ko ang sariling sumimangot at sumagot nang pabalang sa pagka-demanding ni Miss Cudanin. Instead, I flashed an insincere smile before turning my back at her.

"Anong be back at five minutes? Huh! Anong akala niya sa'kin ninja? Siraulo!" pagbulong ko ng reklamo sa sarili habang patungo sa pantry para magtimpla ng kape.

Unfortunately, nagkaroon ng problema ang printing machine at kinakailangan ko pang humanap ng ibang available. Si Sir JC naman ay mayroon pang kausap na client. Kinailangan ko pa siyang hintayin upang masabi ang pakay.

Ang isang utos ni Miss Cudanin ay nasundan pa ng marami. Idagdag pa na pati ang ibang empleyadong naroon ay ako na rin ang inuutusan kahit minsan pakiramdam ko'y walang ka-kwenta kwenta naman ang ipinapagawa nila sa akin.

But still, as much as possible I wanna make my forbearance longer. Grades at kinabukasan ko ang nakasalalay sa internernship na ito.

"Manliligaw mo 'yon, 'di ba? The guy from the engineering department?"

Natigilan ako sa paglalagay ng kilay nang magsalita si Shaeynna. Mula sa hawak kong maliit na salamin ay tumagos ang mga mata ko sa glass wall.

My forehead creased as my eyes darted at the good-looking man who's patiently waiting outside.

"Anong ginagawa niyang dito?" dagdag pa na tanong ni Ynna at nagkibit balikat naman ako.

"Ewan. Ngayon ko lang ulit nakita 'yang si Kim," walang gana kong sagot. Chineck ang phone ko kung ako ba talaga ang pakay niya kaya siya narito. Aba, mahirap na ang mag-assume.

Nang makita ang sandamakmak na mensahe niya sa bago kong numero ay doon ko na napagtanto ang lahat.

From: Unknown Number

Hi, this is Kim Abejo. I just wanna ask kung mayroon kang free time ngayon? Can you lend me some time for a simple date?

From: Unknown Number

Please reply.

From: Unknown Number

I guess you're still busy. Mas mabuti pa siguro kung puntahan na lang kita riyan so I can ask you personally.

Sandali akong nag-isip ng isasagot. Bumuntong-hininga ako bago nagtype ng reply.

To: Unknown Number

Yea, I saw you outside. Hintayin mo na lang ako. Malapit na 'kong mag-out.

Kasunod kong binuksan na mensahe ay kay Jolo.

From: Jejemon na Jose

Tapos knb? Punta na q jan.

I wrinkled my nose because of his typings. Ang baduy! Parang pang-tatay or whatsoever!

"Sigurado kang lalabas ka with that engineering guy? Hindi ba't sabi mo ay ayaw mo sa kaniya? Akala ko nga pinatigil mo na 'yan kagaya no'ng ginawa mo sa nanliligaw sa'yo na taga-Business Ad," litanya ni Ynna.

I pucker my lips and shrugged my shoulders. "Kaya nga ako pumayag na sumama sa kaniya ngayon e. Gusto kong personal na sabihin na tumigil na siya sa panliligaw."

Her forehead knotted, looking so lost and confused. "Oh? Puwede mo namang sabihin sa kaniya iyon na hindi na kailangan pang pumayag sa alok niya, ah?"

I wet my lips and looked at her, annoyed. "Huwag ka ngang oa riyan, puwede ba? Wala naman akong sinasabi na pumapayag ako sa kaniya sa date. Aayain ko siya sa dyan sa park at doon ko na siya kakausapin."

She sighed in relief. "Okay lods, sabi mo eh."

Kaya naman nang mag-out kami ay agad akong nagmamadali palabas. Bukod kasi kay Kim ay nakita ko rin ang pagdating ng pamilyar na tricycle namin kanina. Nakalimutan ko palang mag-reply kanina kay Jolo na huwag na akong sunduin dahil mayroon pa akong dadaanang iba bago umuwi. Pupunta pa ako kina Terrence para kunin iyong set ng make-up kit na pinakisuyo kong bilhin niya sa online.

Nakasandal si Kim sa kaniyang magarang kotse habang abala sa pagpipindot sa cellphone. Pormal ang suot nito at halatang kalalabas lang din kung saan mang internship siyang naroon. Si Jolo naman ay nakasandal din sa tricycle habang naninigarilyo. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay mabilis niyang itinapon ang sigarilyo at tinapakan iyon. Nakapusod ang mahaba nitong buhok at base sa hilatsa ng mukha ay halatang kagigising lang. He's wearing his usual clothes again. A white muscle tee paired with gray sweat shorts.

Sinenyasan ko si Kim na huwag nang lumapit pa sa akin. Dumiretso ako kay Jolo na tumayo nang tuwid habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Kim, ngunit hindi naman siya nagsalita o nagtanong pa.

"Huwag na, Jolo," pigil ko nang akmang kukunin niya sa akin ang shoulder bag ko.

Nagsalubong ang kaniyang kilay, nagtataka. "Bakit, Trisha of the world?"

"Nakalimutan ko palang sabihin na hindi ako magpapasundo sa'yo ngayon. May pag-uusapan kami ni Kim at saka–"

"Edi hihintayin ko na lang na matapos kayong mag-usap. Okay lang naman, wala namang kaso sa akin kung–"

"Huwag na. Hindi na nga kailangan. At saka, may kailangan pa rin akong puntahan," putol ko sa sinasabi niya.

"Oo nga, dude. Ako na ang bahalang maghatid sa kaniya pauwi," sabat pa ni Kim na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa amin, "at saka sa tingin ko mas safe at komportable siya kung sa akin siya sasabay." He then pointed to his luxury car. "Nakikita mo ba 'yang kotse na 'yan? Sa akin 'yan."

Jolo let out a mocking laugh. "Dude, nakikita mo ba 'tong tricycle na 'to?" maangas niyang tanong.

"Oo," Kim replied.

"Same." parang gagong tugon ni Jolo at nasapo ko na lang ang aking noo. Gosh!

"Aalis na ako. Ingatan mo 'yang Trisha of the world ko! Subukan mo lang gumawa ng katarantaduhan at sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw!" anito at masama ang loob na tinalikuran kami ni Kim.

Hindi pa nakaligtas sa tainga ko ang bulong niya habang naglalakad pabalik sa nakaparadang tricycle. "Sus, makikita ninyo. Malapit na rin akong yumaman, pera na lang ang kulang."

"Sino ba 'yon? Ang yabang! Akala mo kung sino. Wala namang binatbat sa yamang mayroon ako. . ." iritang ani Kim. 

I shut my eyes tightly while massaging the temple of my head. Kumikirot ang ulo ko dahil sa dalawang lalaki. And as I contemplate things in my mind, I've suddenly comprehend that maybe I should really end Kim's courtship. Akala ko pa naman ay siya ang pinaka-matino sa lahat ng nanliligaw sa akin. Yes, he definitely has wealth but I was quite turned off with his trashy attitude towards Jolo. Hindi ko naman siya madalas makasama kaya ngayon ko lang nalaman ang ganitong ugali niya. Masiyado siyang maangas at mataas ang tingin sa sarili. . . I don't like that.

And Jolo, kung totoo man iyong sinasabi ng mga kaibigan ko na gusto nga ako ng lalaki, mas mabuti pang ngayon pa lang, hangga't hindi pa malalim, ay kailangan na niya iyong tapusin dahil alam ko sa sarili kong kahit kailan ay wala talaga siyang pag-asa sa akin. It's been clear since day one that I don't like him and I won't ever like him. He's not my type and he didn't even pass the set standards of mine. 

As a matter of fact, the way I see things is that. . . I'm still not ready to fall in love. I'm still not ready to commit myself with someone.

Not yet. Not at this time. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro