Kabanata 5
Strikto si Tatay pagdating sa mga lalaki lalo na't ang intensyon ng mga ito ay ang mapalapit sa akin. Palagi niya ring pinapaalala na ayus-ayusin ko ang pagpili sa mga taong pinapapasok sa aking buhay. At isa pa, siya rin itong nagsasabi na dapat may datung ang lalaking pipiliin ko.
Kaya naman hindi ko lubos na maintidihan na kung bakit tila bumaliktad ang ikot ng mundo.
Nahahalata ko kasi na pinipilit nitong mapalapit sa akin ang tarantadong si Jolo.
My parents are both aware how I loathe that guy to death.
Alam nila kung gaano ka-eksperto ang lalaki pagdating sa pagpapakulo ng aking dugo. At idagdag pa ang katotohanan na tambay iyon. May bisyo pa at tila ba walang matinong direksyon ang buhay. Mas matanda si Jolo sa akin ng dalawang taon ngunit hindi ko pa rin nakikitang mayroon siyang pangarap.
And that's a big no for me.
"Nagpalit ka ba ng numero? Tinetext kasi kita pero hindi ka nagrereply," ani Jolo habang hinahatid ako ulit papasok sa bangko.
"Ang demanding mo. Bakit naman kita rereplyan? Sino ka ba?" masungit kong tugon mula sa loob ng tricycle.
I heard his deep and manly laugh that's why I became more annoyed. "Ako 'to si Jolo na handang hanapin ang 15 billion ng Philhealth pati na rin si Nemo para sa'yo."
I scoffed then pursed my lips. "Ang mema mo 'no? Puwede bang manahimik ka na lang? Sinisira mo ang araw ko, eh."
"Ang sungit. Pasalamat ka't maganda ka. Naku nanggigigil ako sa'yo. . ." bulong niya at hindi iyon malinaw sa pandinig ko kaya kinailangan ko ulit siyang tanungin pero ang loko ay ngumisi lang at binasa ang pang-ibabang labi.
That became my routine everyday. Araw-araw niya akong hinahatid bago siya mamasada at susunduin niya ako matapos mag-boundary. His face is always everywhere and it seriously ruffles my feathers! Simula nang lumipat kami ng bahay ay walang araw na hindi ko nakita ang pagmumukha niya. Walang araw na hindi niya ako sinusura at inaasar. Pero kahit gano'n ay mas pinipili ko na lang na umiwas.
Not until this freaking day comes. Mayroong maliit at simpleng handaan kina Eloisa. Wala sana akong balak dumalo sa kaarawan ni Albert ngunit ayaw ko rin namang magtampo sa akin ang bwisit kong kaibigan. Naka-oo na kasi ako at ayaw ko namang bawiin dahil asadong asado na 'yon.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng bangko ay naabutan ko si Jolo na nakasandal sa sidecar ng tricycle habang pinaglalaruan ang susi nito. Compared to his usual outfits that he wears everyday, he looks different now. He somehow looks more neat and I'm quiet fascinated with his handsomeness.
Wearing his white button down shirt tucked underneath his beige khaki shorts. It was also paired with new white sneakers.
"Wow? Ayos ang pormahan ah?" hindi ko napigilan ang sariling magbigay komento.
Napatuwid siya ng tayo at maangas na pinasadahan ng daliri ang kaniyang mahabang buhok. "Bigay 'to sa akin ni Eloisa noon tapos pinilit lang niya akong isuot. Ayos ba? Bagay ba sa 'kin?"
"Hmm. . ." Muli ko siyang pinasadahan ng mapanuring tingin mula ulo hanggang paa.
Well, mas maaliwalas talaga siya ngayon. Siguro ay nasanay lang talaga ako sa pang araw-araw niyang pormahan. Iyong t-shirt na ginupit ang manggas para gawing muscle tee tapos sweat shorts naman bilang oambaba at kung minsan pa nga ay nakikita ko siyang tumatambay na naka-boxers lang.
"Okay lang. Mukha kang tao today." I shrugged my shoulders but little did he know, my mind was raining compliments about him.
"Wow! Sana everyday!" He then softly laughed and I shook my head, chuckling.
"Tara na nga!"
Sunud-sunod siyang tumango at tumalima. Buong akala ko'y didiretso na siya sa motor para buksan ang makina ngunit mali ako. Bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob ng tricycle ay magaan niyang ipinatong ang palad sa aking ulo upang hindi ako mauntog sa bakal kung sakali.
My cheeks heated at that but I remained unmoved.
"Papunta ka ba kina Eloisa? Gusto mo bang. . . uh, sabay na tayo?"
Natutop ko ang aking bibig sa kaniyang tanong. Sandali akong nag-isip bago dahan-dahang tumango. At dahil nga nasa loob ako ng tricycle ay bahagya pa niya akong sinilip upang makita ang aking reaksyon.
A wide smile formed into his lips.
"Pero kailangan ko munang umuwi sa bahay. Kailangan ko pang magbihis at mag-ayos dahil haggard na 'ko," I informed him.
"Maganda ka pa rin naman." Matunog siyang ngumisi.
Ibinaling ko ang tingin sa labas upang hindi niya makita ang pamumula ng aking magkabilang pisngi. Pasalamat siya at wala ako sa mood makipagsagutan sa kaniya ngayong araw.
I just want a break from our unworthy fights even just for today.
Bilib ako sa haba ng pasensya niya sa paghihintay sa akin. Inabot ako ng mahigit isang oras sa pag-aayos dahil nahirapan akong pumili ng damit na isusuot plus nag-apply pa ako ng light make-up. Natagalan din ako sa pagkikilay.
I was expecting that he's frowning in annoyance or otherwise, he already left me. But I was wrong. Because when our eyes met, he showed me his beaming grin.
Malisyosong ngisi ang isinablubong sa akin ni Eloisa nang makarating kami ni Jolo sa bahay nila. Dumiretso ang lalaki sa mga kaibigan niya habang ako naman ay pumunta kung saan naroon ang Nanay ni Elo at Nanay ni Reyster para magmano. Inabot ko rin kay Albert ang regalo na binili ko bago kami tuluyang dumiretso rito.
"Wow, mukhang nagkakamabutihan kayo ng pinsan ko? Goods 'yan!" pang-aasar ni Eloisa kaya naman agad ko siyang sinabunutan.
"Tanga ka, hindi ah. Masiyado kang ma-issue." I rolled my eyes at her.
"Matagal ka na kasing crush niyan!" she answered.
Nagulat man sa sinabi niya ay nagpanggap akong walang pakialam. Dumiretso ako sa pila ng pagkain at kumuha ng pinggan. Ang tagal kong nanatili roon dahil nahihirapan akong pumili ng kakainin. Ang daming handa! Parang ang sarap magbalot pauwi!
Iniwan ako ni Eloisa para sagutin ang tawag ni Reyster. Punung-puno na ang laman ng pinggan ko at problemado ako kung paano ko pa dadalhin sa lamesa iyong buko salad at isang baso na juice.
"Ako na magdala niyan. Saan ka ba uupo?" Biglang sumulpot si Jolo mula sa likuran ko at inagaw ko ang hawak kong pinggan.
"Ano pa bang gusto mo?" dagdag pa niyang tanong.
Nginuso ko ang buko salad at juice. Tumango siya at pansamantala munang pinahawak muli sa akin ang pinggan. Pinagsandok niya ako ng buko salad at ikinuha rin ng orange juice. Matapos no'n ay inihatid na niya ako sa lamesa na malapit lang din sa table ng mga kaibigan niya.
"Kapag may kailangan ka, huwag kang mahiyang magsabi sa akin," he muttered before turning his back at me.
Kasama ko sa lamesa si Eunice at ang kaniyang cute na cute na baby. Habang kumakain ako ay sakto namang dumating din ang pinsan kong si Kuya Harrold at Rhys. Hindi rin naman sila gaanong nagtagal at kapagkuwan ay umalis na rin dahil papunta pa sila sa restobar. Ilang sandali pa ay kinailangan nang pumasok ni Eunice sa kwarto upang magpatulog ng anak.
Naiwan tuloy akong mag-isa sa table. Hindi kasi pumunta si Ynna dahil marami raw orders ngayon na kailangan nilang habulin. Si Terrence naman ay nagre-review for his LET examination.
At dahil abala pa si Eloisa sa ibang bisita ay naisipan kong lumipat sa table nina Jolo. Wala akong choice eh. Ayaw ko namang magmukhang loner at out of place lang sa isang tabi. And there, Jolo formally introduced me to his friends.
"Kami lang naman ang Kanto Teens. Ang mga lalaking walang direksyon sa buhay at palaging nakatambay. Ngunit huwag ka, dahil ang trabaho namin ay magbigay direksyon sa mga delivery boy at bumbay!" they uttered in unison.
From their lines, tones, and voice, parang kinabisado talaga nila.
"Kanto–what?" I asked again, shocked.
"Kanto Teens." Javien, the kulay mais ang hair, said and laughed.
My forehead creased in a disgusted way. "Ang bantot naman pakinggan!"
"Ikaw din naman, ah! Mukha ka ring mabantot pero may narinig ka ba sa amin?" the masungit guy named Enzo fired back.
Umawang ang aking labi sa pagkabigla ngunit agad ding nakabawi. Aba, hindi lang pala pangalan ng grupo ang bastos kundi ang pag-uugali! Sasagot na sana ako kung hindi lang ako naunahan ni Jolo.
"Hoy, Enzo! Umayos ka! Tatamaan ka sa'kin!" Umamba ng suntok si Jolo sa kaibigan pero agad din itong pinigilan ng isa pa. Si Diego.
"Tigil niyo nga 'yan. Nakakahiya sa mga bisita," mahinang saway pa nito.
Enzo glared at me and I did the same. Huh! Akala niya siguro ay hindi ko siya papatulan.
"Enzo!" muling saway ni Jolo na may halong pagbabanta kaya naman napangisi ako.
Well, kahit na gano'n ang pag-uugali nila ay nag-enjoy naman akong kasama silang lahat. I must say that Kanto Teens is fun to be with! Puno sila ng kalokohan at tiyak na mananakit ang bagang mo sa kakatawa. Lalo na noong unti-unti na silang nalalasing.
Javien started to whine like a brokenhearted man. Sad boy hours na yata niya. Enzo started dancing like crazy on the dance floor. While Diego and Jolo were hugging each other while singing.
"Eloisa, anong hinahanap mo sa isang lalaki?" biglaang tanong sa akin ni Diego at umayos ng upo.
"Uhm. . ." Tumingala ako at bahagyang nag-isip. "Ang gusto ko 'yong may kaya at mayroong maayos na buhay. 'Yong may SSS, PAG-IBIG, PhilHealth or kahit life plan na rin sa St. Peter. At saka 'yong may pangarap sa buhay, walang bisyo, at matino." I answered honestly.
Mula sa peripheral vision ay nakita ko ang pag-tiim bagang ni Jolo sa aking tabi. Tumuwid pa ito ng upo at tumulala sa basong nasa harapan niya at tila malalim ang iniisip. Nagtataka man sa bigla niyang pananahimik ay hindi na ako nag-abala pang tanungin siya.
Baka lasing na o inaantok.
"Grabe naman! Parang sugar daddy yata ang tinutukoy mo, eh!" Javien frowned.
"Ang taas ng standards, hindi naman maganda," dinig ko pang bulong ni Enzo na kababalik lang galing sa pagsasayaw.
I just shot my brows up. Makapagsalita naman 'to, akala mo gwapo!
Diego smirked then faced Jolo. "Eh ikaw Jolo? Sa tingin mo ba may pag-asa ka sa super ultimate crush mo?" usyoso nito.
Halos lahat kaming nasa lamesa ay awtomatikong bumaling ang mga mata sa kaniya, nag-aabang ng sagot. Mula sa paningin niya sa baso ay nag-angat ito ng tingin kay Diego at mapait na tumawa.
I even saw how his jaw tightened. "Iyong totoo? Ewan."
Kumunot ang aking noo at hindi na napigilan ang pagtatanong sa labis na pagiging kuryoso. "Bakit naman?"
My breath almost hitched when he turned his gaze at me. A glimpse of sadness passed by through his eyes.
He the heaved a deep sigh. "Ni isa kasi sa mga tipo niya sa lalaki wala akong nakuha eh. Wala akong pera. Wala akong SSS, PAG-IBIG, PhilHealth at life plan sa St. Peter at mas lalong. . ." he trailed off and smiled painfully. "Wala rin akong maayos na buhay."
My mouth fell open with what I've heard. Like I was really in complete shock and I can't even utter any single words.
Putangina, pain.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro