Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

Walang kibo at panay ang iwas ko ng tingin kay Jolo nang ihatid ako nito sa bangko gamit ang tricycle namin. Hiyang-hiya pa rin sa nangyari kanina. I feel so exposed! Kinailangan ko pang kalmahin ang sarili at mag-ipon ng sangkaterbang lakas ng loob para lang maakalabas ng kwarto at muli siyang harapain.

"Trisha of the world, anong oras ang labas mo mamayang gabi?" tanong nito sa akin habang nagmamaneho.

Kahit nasa loob ako ng tricycle at hindi nakikita ang ekspresyon ng kaniyang mukha ay nahihimigan ko pa rin doon ang tinatago niyang ngisi sa labi. Umirap ako at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. Hindi pa naman siya ngayon magsisimula sa pamamasada, sadyang pabida at pa-goodshot lang talaga siya sa magulang ko.

"Wala ka na ro'n," masungit kong tugon at narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Hindi na muling nagsalita pa hanggang sa maihatid ako sa pinapasukan.

Nang bumaba ako sa tricycle ay hindi na ako nagpasalamat o tinapunan siya ng tingin man lang.

"Bye! Call me maybe!" dinig ko pang pahabol na sigaw ng lalaki sa akin.

I took a glance and raised my middle finger at him. He just laughed, pressed his tongue against his cheeks and brushed his hair up.

Hindi na ako para makipagplastikan pa dahil sa totoo lang, kung itsurang kagwapuhan lang din naman ang pag-uusapan, may panlaban ni Jolo.

Noong unang beses ko nga siyang nakita at nakilala ay napansin ko kaagad ang lakas ng kaniyang dating. Noon ay hindi pa masiyadong mahaba ang buhok ng lalaki, hindi kagaya ngayon na hanggang balikat. Idagdag mo pa ang pag-uugali nito at paraan ng pakikisama na madaling pakibagayan. . . ng iba. Ewan ko ba, basta inis na inis ako sa presensya niya lalo na kapag inaasar ako nito!

Kahit nga ngumiti lang ang lalaki ay nagpupuyos na ang dibdib ko sa pagkauyam at sa isip ko'y dinudurog ko na siya nang pinung-pino.

"To be honest, Jolo is a good catch," ani Shaeynna habang nagpho-photocopy kami ng mga papel na inutos sa amin.

I was holding the photocopy while Shaeynna's holding the original copy of the documents. Siya na rin ang nag-insist ng pagpindot-pindot sa machine.

Umingos ako at pagak na tumawa. "Well, hindi ko naman iyon ide-deny pero kasi 'di ba, alam mo naman iyong hinahanap at qualifications ko sa isang lalaki. Bakla, kahit isa man lang sa mga ro'n, hindi pumasa iyang si Jose Carlo."

Call me hypocrite but kagaya nga ng palagi kong sinasabi sa kanila, ayaw ko sa lalaking palamunin at walang sariling pera. Ayaw ko ng sakit sa ulo. Para sa akin, hindi sapat ang gwapong mukha, dapat gwapo rin ang bulsa.

Kapag nagkaroon ako ng asawa, ayaw kong gumigising kami na pino-problema kung saan kami kukuha ng pera at kung paano namin maitatawid ang maghapon. Kasi sa totoo lang, sa reyalidad ng buhay, hindi kayang busugin ng pagmamahal lang ang kumakalam na sikmura.

"May point ka naman." Shaeynna pouted her lips and shrugged her shoulders afterwards. "Pero alam mo kasi, kapag tinamaan ka talaga ng pag-ibig, wala na 'yang mga qualifications at kinembular na ganiyan. Yes, it's quite true that love won't keep us alive but you know what? It keeps us moving forward and strives harder in life. . ."

"Iyong mga parents natin, bakit nga ba sila nagpapakahirap sa pagtra-trabaho araw-araw? What's their motivation? Us. Their love for us. So logistically thinking, love won't really keep us alive 'coz love gives us reason to lived." mahabang litanya niya. Sinuklian ko lang iyon ng tango at nguso.

Hindi ko na kailangan pang dugtungan o kontrahin ang sinabi niya. It all makes sense to me. Lahat ng tao ay kaniya-kaniyang persepsyon at paniniwala pagdating sa buhay at pag-ibig. Wala namang masama sa paglalahad ng opinyon, as long as wala kang tinatapakang tao at naroon pa rin ang respeto.

My day went well, Nakakastress ang mga utos at trabahong naka-assign sa amin ay ramdam ko pa rin ang init ng saya sa aking puso. Gano'n siguro talaga kapag gusto at bukal sa loob ang ginagawa mo.

Buong akala ko ay susunduin ako ni Jolo pero hindi pala. Kaya ang ending, naglakad ako pauwi.

"Mabuti na rin na wala iyong asungot na iyon! Pakiramdam ko mabilis akong mamamatay dahil sa konsumisyon at poot kapag nakikita ko siya," gigil na bulong ko sa aking sarili habang tinatahak ang maingay at buhay na buhay na kalsada.

Malapit na ako sa bahay nang matigilan ako sa paglalakad kasabay ng paniningkit ng aking mga mata. Mula sa malayo ay tanaw na tanaw ko kasi ang pamilyar na pigurang nakatambay sa tindahan kasama ng tropa nina Jolo na nagkakantahan na naman doon.

Hinding-hindi ako puwedeng magkamali dahil kahit likod pa lang nito ang nakikita ko ay kabisadong-kabisado ko na. Malalaki ang hakbang kong tumungo roon. Imbis na dumiretso sa bahay ay nilampasan ko iyon, bagkus ay dumiretso ako sa tindahan kung nasaan nagkukumpulan ang mga tambay.

At gano'n na lang ang pagkahulog ng panga ko nang malamang tama nga ang hinala ko. Si tatay nga iyong kasama nila sa pagtambay. Malawak pa ang ngiti nito sa labi habang nakiki-jamming sa kantahan nina Jolo.

"Tay, anong ginagawa mo rito?!" gulantang kong usal kay Tatay, dahilan para matigil silang lahat sa kantahan.

"Anak!" Napatayo si Tatay sa gulat.

"Hi, Trisha of the world! Join ka rin sa amin!" sabt pa ng walanghiyang si Jolo. Humithit siya sa sigarilyong hawak niya, hindi pa rin nilulubay ang mapungay na tingin sa akin.

"Tigilan mo akong siraulo ka!" Dinuro ko siya at pinanlisikan ng mga mata. "Ano na namang trip ninyo at dinamay niyo pa talaga 'tong tatay ko?"

He then pointed to himself with lips parted. "Me? OMG, why me? Where did I do to you?" exaggerated nitong tanong.

Parang gago na naman.

Kinulbit siya ng lalaking may kulay mais na buhok na sa pagkakaalam ko'y si Javien. "Bobo, mali ang grammar mo. Hindi where 'yon."

Nagsalubong ang kilay ni Jolo. "Oh? Mali ba? Eh ano pala?"

"When dapat," saad pa noong isang kaibigan nila na si Enzo.

Napakamot na lang sa kilay ang isa pa nilang kaibigan at pinakabunso yata sa kanilang magkakaibigan na si Diego. Napairap ako nang wagas. Wala akong panahon para sa walang kwentang pagtatalo nila! Agad kong hiniklat ang braso ni Tatay at kinaladkad papasok sa bahay. At kagaya nga ng inaasahan ay sandamakmak na sermon ang inabot nito sa amin ni Nanay.

Kinutusan nito si Tatay. "Ayos lang naman na magtatambay ka riyan sa labas ng bahay, ang sa akin lang dapat inuna mo muna iyong inutos ko sa'yong breading mix!"

"Wow! Fried chicken ulam natin, Nay?" maligayang tanong ko ngunit agad ding nabitin sa ere ang malawak na ngiti nang bumaling ito sa akin at sunud-sunod na umiling.

"Hindi! Ginawa ko na lang adobo, sisihin mo 'yang Tatay mong napakatagal utusan!"

"Ayos na 'yon, puwede na 'yang adobo. Tutal marami namang may toyo este toyo rito," pangangatwiran pa ni Tatay.

"Huh? Marami ba? Nasaan? Isang bote lang iyong nakita–" Kumunot ang noo ng aking ina.

Tatay smiled cutely. He then pointed his index finger at me and my mother. "Hindi na natin kailangang bumili ng toyo dahil kayong mag-ina pa lang sapat na.""

Umawang ang labi namin ni Nanay. At bago pa man tuluyang makatakbo palayo sa amin si Tatay ay mabilis ko na siyang nahawakan sa magkabilang balikat habang pinapaulanan naman siya ng kutos at sapak ni Nanay.

"Tama na! Tama na! Tinuro lang sa akin iyon ni Jose Carlo!"

That guy again! Wala na talagang ginawang matino sa buhay.

"Tama na kasi! Binabawi ko na!" pagmamakaawa pa ni Tatay ngunit mas lalo lang hinigpitan ni Nanay ang pagpingot niya sa tainga nito.

A satisfying smile formed into my lips when I heard Tatay scream and beg for help. Oh well, mukhang mayroon na namang mag-a-outside the kulambo mamayang gabi.

I feel bad for you, my dear father. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro