Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24

Dahil nga isang linggo lang akong mananatili rito sa Pilipinas ay tinayak kong masusulit ko ang bawat araw kasama ang pamilya at mga mahal ko sa buhay. Alam ko kasing matatagalan pa ako bago muling makabalik dito o baka nga hindi na.

Hindi ko naman papabayaan sina Nanay at Tatay. Sa totoo nga niyan ay ilang beses ko na silang tinanong tungkol sa posibilidad nilang pagsunod sa akin doon. Oo, masaya ang buhay ko sa Korea at kaya ko nang tumayo sa sarili kong paa pero iba pa rin talaga sa pakiramdam 'yong may kasama kang pamilya.

Sa pangatlong araw na pananatili ko rito sa Pilipinas ay lumabas ako kasama si Shaeynna at Eloisa. Kagaya ng napag-usapan kahapon ay kaming tatlo lang ang lumabas. Tumungo kami rito sa Manila para mamasyal at nang mapagod ay dumiretso kami rito sa Cafe na pagmamay-ari ng ka-batchmate namin na si Bluie.

The food and beverages taste like heaven. Even the ambiance of the place was relaxing and a little bit aesthetic. An instagramable one. Earlier, as soon as we entered the Cafe, the aroma of coffee filled my nostril. Doubtlessly, everything here will make you feel at ease.

"Oo nga pala, binenta niyo na ba ni Jolo 'yong bahay niyo noon? Pati 'yong kotse at iba pa ninyong gamit?" Shaeynna sipped on her frappe.

Tumingala ako para mag-isip. "Hindi ko alam, eh."

That was the truth. Noong umalis ako ay pinigilan ko ang sarili kong alamin kung ano ang mga ginagawa ni Jolo. Para saan pa ang paglayo ko kung patuloy ko pa rin namang aalamin ang mga ganap niya sa buhay?

"At saka kung anumang gawin niya sa mga dati naming gamit, labas na ako ro'n. Iyong bahay at kotse naman ay sa kaniya nakapangalan kaya kung ibinenta man niya eh wala na akong say 'don. . ." paliwanag ko pa.

Kumunot ang noo ni Shaeynna. "Hindi ba't kayong dalawa ang bumili no'n? Pera niyo ang ginamit?"

I nodded my head in response. "Yes but all of those were named after him."

Nalaglag ang kaniyang panga at hindi na nagawa pang makapagsalita. Agad na sumabat sa usapan si Eloisa nang makabalik siya mula sa restroom. "Sa pagkakaalam ko ay hindi pa ginagalaw ni Jolo ang lahat ng iyon. Sinusubukan niyang mag-reach out sa'yo noon para humingi ng permiso mo na ibenta ang bahay, kotse at ibang pang gamit kaso hindi ka naman niya matawagan."

Bumagsak ang tingin ko sa aking baso at mapait na ngumiti. Kahit na nasaktan ko siya ng lubos ay hindi pa rin nawala ang respeto niya sa akin. Sa relasyon namin. Kahit kayang-kaya naman niyang bitawan at itapon ang lahat, hindi niya iyon ginawa. Instead, he still chose to reach out to me and ask for some permission. . . but unluckily, I was nowhere to be found.

"Eh kumusta naman 'yong pagkikita niyo kahapon? Okay ka lang ba? Pasensiya na ha, hindi kita masiyadong naasikaso."

Natawa ako sa sinabi ni Shaeynna at kaagad na umiling. "Ayos lang 'yon. Naiintindihan ko at saka okay lang naman ako. Masaya ako para kay Jolo."

"Hindi ka ba nagsisisi?" tanong ni Eloisa na matiim ang titig sa akin.

My lips formed into a faint smile as I stared at nothingness. Well, hindi naman masama kung isang beses ay magpapakatotoo ako sa sarili ko, 'di ba? At isa pa, kaibigan ko naman sila at tiyak na mapagkakatiwalaan.

Kahit ngayon lang. Kahit hanggang ngayon lang ay gusto kong maging totoo sa nararamdaman ko.

"I did. . ." I looked at them as my eyes started to water. "At hanggang ngayon punung-puno pa rin ng pagsisisi ang puso ko. Paano kung hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko? Paano kung hindi ako basta na lang nagdesisyon? Paano kung hindi ko siya binitawan? Paano kung. . . paano kung mas pinagkatiwalaan ko pa siya?"

Edi sana ako pa rin ang kasama niya ngayon. Ako pa rin 'yong kapiling niya sa bawat masasayang yugto ng kaniyang buhay. Ako pa rin sana 'yong hinahawakan niya nang gano'n.

I didn't expect that my love for him would just turn into the painful 'what ifs'.

"Pero alam niyo kasi, somehow, may parte sa akin na hindi nagsisisi sa ginawa ko. . . lalo na sa tuwing nakikita ko kung nasaan siya ngayon." A sad yet genuine smile plastered on my lips while thinking where he is right now.

Yes, I let him go but it doesn't mean that I stopped loving him. It doesn't mean that I don't care about him anymore. I did let him go for him to save himself, to save myself. . . to save us.

"Nanghihinayang ako sa relasyon niyo ng pinsan ko pero hanggang doon na lang iyon. Sa nakikita ko sa inyong dalawa, pareho naman ng maayos ang buhay niyo. At kung sino man ang bagong parte ng buhay niyo, nirerespeto at susuportahan namin iyon." Eloisa held my hand tightly and gave me her most comforting smile. "At sana makahanap ka rin ng kaligayahan para talaga sa'yo."

Hindi ko na sinabi pa sa kanila ang nangyari kagabi dahil tinotoo naman ni Jolo ang pangako niyang pagka-kain niya ng dinner ay aalis na rin agad siya.

Ngunit ang buong akala ko nga ay magiging matiwasay na ulit ang aking buhay pagkatapos ng simpleng pangyayari iyon ngunit hindi pala. Dahil sa sumunod na araw ay napapansin ko ang biglaan niyang pagsulpot sa harapan ko at maging ang pagsunod niya sa akin kung saan man ako magpunta.

Kagaya nga ngayon, kagigising ko lang pero mukha niya agad ang bumungad sa akin pagkababa na pagkababa ko sa hapagkainan.

"Anong ginagawa mo rito?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

He showed me his beaming smile. "Makikikain ng almusal?" he answered that made me scoff.

"Almusal, huh?" Umupo ako sa harapan niya at sumimsim sa bagong timplang kape. "Coming from someone who knows how to cook and owns a restaurant?"

Sinulyapan ko siya at halos matawa ako nang makita ang mukha niyang halos hindi maipinta. Nanggigigil niyang tinusok ang bacon at inilagay sa kaniyang plato.

"Umagang-umaga, Trisha. Huwag mo 'kong in-english-english."

I laughed at his remark. Umiling na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kung ano man ang dahilan niya kung bakit siya narito ay iyon ang wala akong ideya.

Hindi rin siya nakatiis at muling nagsalita. "Saan ka na niyan pagkatapos mong kumain?"

"Salon,"

"Gusto mo bang samahan kita?"

I was taken aback with his question but immediately shook my head. "Hindi na. Kasama ko naman si Terrence."

"Puwede namang ako ang sumama sa'yo. Uh. . . wala rin naman akong gagawin."

My gaze darted at him. Hope was visible in his eyes but for the second time around, I shook my head again. "Hindi na. Si Terrence na lang dahil usapan na namin 'yon talaga."

Bumagsak ang mga balikat niya at bigong tumango. Nang sulyapan ko siya ay nakayuko na ito at pinaglalaruan na lang ang pagkaing nakalatag sa harapan niya. Muli akong napailing at bumuntong-hininga.

Hindi naman sa nag-iinarte ako. May girlfriend siya at hindi ba na dapat iyon ang sinasamahan at kinukulit niya? Kahit mahal ko siya, alam ko kung saan ako lulugar. Hinahayaan ko siyang pumunta rito sa bahay pero sa loob ko ay may pangamba akong nararamdaman.

Alam ba ni Zaia na narito ang boyfriend niya? At kung hindi, paano kung malaman niya?

Babae ako at ayaw kong may masasaktan akong kapwa ko babae. Zaia was too precious to get hurt. Mali ang ginagawa ni Jolo na pagpunta rito sa bahay ngunit hindi ko naman masabi sa kaniya.

Akala ko ay doon na magtatapos ang pangungulit nya ngunit hindi pa rin pala because the next day before the said wedding, we had a simple dinner at Terrence's house. Hindi kasama sina Shaeynna at Kean dahil hindi sila puwedeng mapuyat; isa pa sinusunod din nila iyong pamahiin na bawal magkita ang groom at bride before the wedding.

Present si Jolo at Zaia. Maging si Eloisa, Eunice, at Rhys ay narito rin. Sa aming magkakaibigan – maliban kina Ynna at Kean – ay si Reyster lang ang wala dahil kasalukuyan itong nagtra-trabaho sa barko. Pero alam ko ay malapit na ulit siyang umuwi dahil may balak na rin silang magpakasal ni Eloisa next year.

"Nagdadalawang isip nga si Esteng kung sasakay pa ba siya ulit o hindi kasi ayon nga 'di ba, medyo hindi niya kasundo iyong ibang kasamahan niya roon. Masiyadong mainit ang dugo sa kaniya," saad ni Eloisa.

"Pero tuloy na naman ang kasal niyo next year 'no?" tanong ko na sinagot naman niya ng tango.

Tapos na kaming kumain at kasalukuyan nang nag-iinuman. Kaunti lang naman dahil hindi rin kami puwedeng mapuyat. Kailangan naming magrest. Oo, hindi na kailangan ng beauty dahil matagal na 'kong mayroon no'n.

"Ikaw at si Terrence na lang naman ang wala pang jowa rito," My cousin, Rhys, commented.

I rolled my eyes at him. "Walang nagtatanong." Mas lalo pang nalukot ang mukha ko nang humalakhak si Terrence na nakaupo sa aking tabi.

"Busy kasi ako at wala pa akong panahon para r'yan," asik niya.

"Aysus! Ang sabihin mo lang walang pumapatol sa'yo! Kunwari ka pang busy busy d'yan eh!" pang-aasar ni Eloisa.

"Aysus! Ang yabang ha? Magsisi sana si Reyster na papakasalan ka niya!" ganti naman ni Terrence dahilan para magtawanan kaming lahat.

Hindi sinasadyang dumako ang aking paningin sa lalaking nasa harapan ko. Awtomatikong nabura ang ngisi ko sa labi nang mapansin ang namumungay nitong mga mata ay mariing sinusundan ang bawat galaw ko. Ni hindi man lang siya nag-abalang umiwas ng tingin.

Kasunod na dumako ang mga mata ko sa babaeng katabi niya. She was looking at him, pain was visible in her eyes.

When our eyes met, she smiled sadly at me. She then stood up and excused herself. Nagtataka man sina Eloisa ay wala silang nagawa kundi ang tumango at pagmasdang lumabas ng bahay si Zaia.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Jolo na nasa akin pa rin ang atensyon. Nagtiim-bagang ako at pinagtaasan siya ng kilay mo.

"Lumabas ang girlfriend mo. Hindi mo ba susundan?" diretsahang tanong ko at doon pa lang yata siya tuluyang natauhan.

Nang mapansin niyang wala na si Zaia sa kaniyang tabi ay doon na siya tuluyang natauhan. Mabilis siyang tumayo at in-excuse ang sarili sa amin para sundan ang girlfriend niya.

And that night, I unintentionally witnessed their fights. Their biggest fight. . . and I overheard everything, even Zaia's pain.

"Simula noong bumalik siya parang nakalimutan mo na 'ko. Parang bigla mo na lang akong inetsapwera. Na para bang bigla mo na lang kinalimutan na mayroong Zaia na nag-e-exist sa buhay mo at nasasaktan ako dahil kahit ilang beses man iyong itanggi ng bibig mo, hindi naman iyon maitatanggi ng mga mata mo. . ." she uttered between her sobs.

Nanghihina akong yumuko kasabay ng unti-unting pagbagsak ng mga luha ko. Alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama ngunit dahil sa narinig ko kay Zaia ay hindi ko maiwasang madurog at masaktan.

Na-gu-guilty ako.

Nahihiya.

Tila nawalan ako ng mukhang ihaharap sa kanila lalong-lalo na kay Zaia.

At noong gabing din iyon, aaminin kong labis kong pinagsisihan ang lahat dahil mukhang sa pangalawang pagkakataon ay nakagawa na naman ako ng maling desisyon.

Kung alam ko lang na ako lang pala ang magiging dahilan ng gulo sa pagitan nilang dalawa, sana ay hindi na lang ako bumalik pa. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro