Kabanata 23
"Galaw galaw, huwag ipahalatang affected pa." Napapitlag ako sa kinatatayuan ko nang biglang may mainit na hiningang tumama sa aking tainga.
I glared at Terrence. "Nagulat lang ako pero hindi na ako affected," mariin kong tugon sa kaniya.
Tumawa naman siya at tinapik ako sa balikat. Ang lahat ng mga kaibigan namin ay nagkumpulan na kung nasaan si Jolo at narinig ko rin na ilang minuto na lang ay magsisimula na ang rehearsal.
I breathe in and out to calm my raging hearts. As much as possible, I won't let them see that Jolo still has these effects on me.
Nakakatawa dahil ako iyong umalis at nang-iwan pero ako rin 'yong hindi pa nakaka-move on at nakakausad. But just like what I've said earlier, hindi ko hahayaang malaman at makita 'yon ng kahit na sino.
With all my strength and courage, I turned around.
Nanginginig ang tuhod kong lumakad papalapit kung nasaan sila. Si Eloisa ang unang lumingon sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko. Siniko niya si Shaeynna at itinuro ako gamit ang nguso.
I shot my brows up to them and asked curiously. "Bakit?"
Pareho silang umiling at natutop ang bibig. Nang ilibot ko ang aking mga mata at hindi sinasadya nitong madaanan ng aking paningin si Jolo na ngayo'y nakatingin na rin sa akin.
My stomach twisted into something unexplainable when I noticed how his beaming smile faded. His jaw fell but eventually his expression became hard and stoic – I can't even read what's on his mind.
My throat went dry as our eyes locked with each other.
Tila ba tumigil ang pag-ikot ng aking mundo at kasabay nito ang pagtahimik ng paligid. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang narito ngayon kahit batid ko ang mga matang nakatitig at nakikiramdam sa amin ng lalaki.
Naramdaman ko pa ang bahagyang pagkurot ni Terrence sa aking tagiliran, hindi naman iyon masakit ngunit sapat na upang mabalik ako sa katinuan.
"It's been a while, Jose Carlo. Nice seeing you again." The side of my lips rose up and formed a tiny smile.
This may seem exaggerated to say but I almost lost my balance when he returned a smile – but it didn't reach his eyes.
"Nice seeing you again too. Mabuti naman at nakauwi ka para sa kasal nina Shaeynna," sagot niya.
Hindi ko alam kung makakahinga ba ako nang maluwag o masasaktan dahil sa tono ng pakikipag-usap nito sa akin. It was too natural. Iyong tipong casual lang at walang bahid na kahit anong hinanakit o galit.
"Kumusta ka nga pala–" My voice vanished when a familiar woman came in.
Wearing her simple white dress that was above the knees, she walked elegantly towards us, without leaving a genuine smile on her face.
"Ba't ngayon ka lang?" malambing na tanong ni Jolo at hinapit ang baywang ng babae papalapit sa kaniya.
The woman answered, "Sorry, late ba ako? Nahirapan kasi akong i-park ang kotse natin." She then faced Shaeynna and gave her an apologetic smile. "Sorry talaga, Shae."
Sumulyap muna sa akin si Ynna bago sumagot sa babae. "Okay lang, Zaia. Hindi pa naman nagsisimula."
"Ay mabuti naman kung gano'n!"
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa habang pinagmamasdan siya. The way she talks, the way she moves, everything screams simplicity yet sophisticated.
Nang magtama ang mga mata namin ay bumakas ang gulat sa kaniya ngunit agad din itong napalitan ng matamis na ngiti at wala akong nagawa kundi suklian iyon.
I felt out of place the whole time of practice. She's indeed a social butterfly. Everyone was fond of Jolo's new girl, Zaia. Too fond that I think they even forgot that I was here.
Good thing, Terrence didn't leave my side.
Wala naman akong pagtatampong nararamdaman sa mga kaibigan ko, ngunit sadyang hindi rin naman maiwasan ang pagbigat ng aking dibdib.
Tahimik lang ako sa buong oras ng rehearsal. Katabi ko sa upuan si Zaia at palagi siyang nag-i-initiate na magbukas ng usapan sa pagitan naming dalawa. Bukod sa pait kumakalat sa sikmura ko ay wala naman akong ibang nararamdaman sa kaniya.
Ramdam kong mabait talaga siya at hindi nagpapanggap lang. Hindi ko kayang magalit sa taong wala namang ginagawang masama sa'kin. That was pure immaturity.
"Marami kang nakilalang Oppa sa Korea?"
Napangiti ako sa tanong niya. "Actually, wala. Puro trabaho lang talaga ang pinagkakaabalahan ko roon at saka minsan gumigimik din ako kasama ang mga katrabaho ko," I answered.
The conversation went on and on. Kahit abala sa pakikipag-usap, mula sa peripheral vision ay kita ko ang pares ng mga matang kanina pa sumusulyap sa'kin o sa katabi ko. Ewan ko baka masiyado lang akong assuming.
Hanggang sa matapos ang rehearsal ay nagkaayaan silang kumain ng lunch sa restaurant ni Jolo pero tinanggihan ko iyon. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko kaya wala na silang nagawa pa kundi ang hayaan akong umalis.
"Labas tayo bukas ha? Iyong tayong tatlo lang," Eloisa uttered and pouted her lips.
"Oo nga. Labas tayong tatlo tas movie marathon kina Kean!" si Shaeynna.
I nodded my head and chuckled. "Oh sige. Sabihan n'yo lang ako kung anong oras."
Si Terrence ang naghatid sa akin. Mabuti na lang ay pag-uwi ko ng bahay ay katatapos lang din ni Nanay magluto ng tanghalian kaya sabay-sabay kaming kumain. Kagaya noong nakagawian, masaya naming pinagsaluhan ang pagkain. Marami kaming pinag-kwentuhan lalo na ang mga nakakatawang karanasan ko sa Korea. Ako na rin ang nag-insist na maghugas ng pinagkainan.
Pagkatapos noon ay pumanhik na ako sa kwarto para magpahinga. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta nagising na lang ako dahil sa ingay na nagmumula sa baba.
I went downstairs, without even minding how I look.
Ngunit nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagbaba sa hagdan ay natigilan na ako nang marinig ang baritono at pamilyar na boses mula sa pinto ng bahay.
"Pumunta lang po talaga ako rito para dalhan ng pagkain si Trisha. Hindi po kasi siya sumama sa amin kanina kaya naisipan ko na lang na dalhan siya rito. . ." I heard Jolo's voice.
"Dito ka na rin kumain ng hapunan! Namiss ka naming kasabay. Gigisingin ko lang si Trisha," tugon ni Nanay.
"Ay h'wag na po baka–"
"Oh ayan gising na pala siya ih!" Tinuro ako ni Nanay.
Awang ang labi ni Jolo nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang marahas niyang paglunok bago muling mag-iwas ng tingin. Bumuntong-hininga ako at saka pinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan. Lumapit ako kung nasaan sila.
"Anong ginagawa mo rito, Jolo?" I asked, brows furrowed in confusion.
He swallowed hard. "Uh. . . dadalhan lang sana kita ng pagkain pero si Tita kasi sinabi niya na rito na lang din ako kumain. O-Okay lang ba? Uh hindi ba–"
"Wala ka bang ibang kasama?" pagputol ko sa litanya niya.
He slowly shook his head and stared at me using his weary eyes.
Hindi ko maiwasang titigan siya pabalik. Batid ko ang malakas na pagkalabog ng aking dibdib ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.
I heaved a sigh as I surrendered. "Fine! Pero pagkatapos ng dinner sana ay umuwi ka na. Hindi tama na pumupunta ka rito mag-isa dahil baka kung anong sabihin ng ibang tao," walang prenong anas ko sa kaniya.
Ayaw kong magkaroon ng misunderstanding sa kahit kanino lalong-lalo sa girlfriend niyang si Zaia.
His cheeks flushed as he nodded his head again. "Uh p-pero puwede bang mag-request?"
"Ano na naman 'yon?" Pinagtaasan ko siya ng kilay ngunit ang loko ay umiwas lang ng tingin sa akin.
Tinuro niya ang aking dibdib. "P-Puwede bang mag-bra ka muna kasi ano eh. . . ayan oh!"
Nalaglag ang panga ko at nanlalaki ang mga matang bumaba ang tingin sa aking dibdib. At nang ma-realize ko na wala nga akong suot na bra ay mahina akong napamura at awtomatikong pinagkrus ang braso ko upang takpan iyon.
Shit nakakahiya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro