Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

Maraming tao ang nabubuhay sa paniniwala na kapag mahal mo ang isang tao, dapat mong ialay ang buong porsyento ng buhay mo para sa kaniya. Na dapat handa kang maubos sa ngalan ng pag-ibig. Na kahit wala nang matira para sa sarili mo, mapatunayan lang ang pagmamahal mo sa isang tao. . . but that belief wasn't applicable for me.

Dahil para sa akin, kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, kailangan mo pa ring magtira para sa sarili mo. Alam ko kung kailan ako magbibigay at alam ko rin kung kailan ako titigil. Hindi ko na hahayaan pa ang sarili kong umabot sa puntong masagad at maubos ako.

Owing to the fact that you can love someone endlessly without losing yourself. And if loving and knowing self-worth means being selfish, then I gladly admit that I am.

Not all people would understand me, I know, but that's the least important for me now. And if they are going to ask me if I regret letting him go?

My answer is no. . .

Because seeing where he is right now, I know I made the right decision. If letting him go means making him realize the right thing and unleashing the best of him, then I would do it without reluctance.

"Magdadalawang taon na, hindi ka pa rin uuwi?"

Napairap ako nang wagas sa kawalan dahil sa tanong niya mula sa kabilang linya. Sa tuwing nagkakausap kasi kaming dalawa ay wala na siyang ibang tinatanong kundi kailan ako uuwi at babalik ng Pilipinas.

I let out a low chuckle before shaking my head, obviously teasing him again. "Sabi ko naman sa'yo, eh. Kung na-mi-miss mo 'ko puwede mo naman akong puntahan dito–"

"Ang kapal mo! Wala akong sinasabing na-mi-miss kita, ha? Huwag masiyadong assuming," defensive niyang sagot dahilan para humagalpak ako ng tawa.

I flipped my hair and fixed the angle of my phone. "Eh ba't mo kasi laging tinatanong?"

"Kasi gusto ko lang ipaalala sa'yo na next year na ang kasal ng kaibigan natin. Miss na miss ka na rin ni Eloisa kaya kailangang umuwi ka. Dapat kumpleto tayo."

"Aysus, 'yon lang ba? Sige susubukan kong i-try." I laughed.

He threw me a dagger look. "Huwag mong i-try, subukan mo."

"At isa pa, may isang beses pa ngang hinanap ka ni Jolo. Gusto ka raw niyang makausap. . ." walang prenong aniya pa niya.

Now that he mentioned that name, a wide smile of mine automatically faded. My heart throbbed in unexplainable emotions and I know Terrence noticed it. He immediately changed the topic and tried to lighten up my feelings again by throwing corny jokes.

Ngunit kahit hanggang sa matapos ang video call naming dalawa ay hindi na naalis ang bigat na nakapatong sa aking dibdib. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago tumungo sa fridge para kumuha ng alak na maiinom. Dala ang isang bote ng scotch whiskey ay tumungo ako sa veranda kung saan tanaw ko mula rito ang abalang kalsada at city lights.

I can't help but to let out a heavy sigh again.

Almost two years.

Mahigit dalawang taon na magmula nang matapos ang relasyon naming dalawa. Mahigit dalawang taon na ang nakalipas magmula nang umalis ako ng Pilipinas at tumungo rito sa Korea. Sa mga naunang buwan ng pananatili, masasabi kong kahit papaano ay okay ako. Sa kabila ng durog na puso, pakiramdam ko ay malaya ako.

Mayroon akong sariling trabaho, humiwalay na rin ako ng condo na tinitirhan, unti-unti kong nabayaran at natapos ang mga utang namin ni Jolo sa Pilipinas at higit sa lahat, nagagawa at nabibili ko ang gusto ko.

At kapag mayroong mga taong nagtatanong kung kumusta na ako o ang puso ko, isa lang ang paulit-ulit kong sinasagot. . .

"Okay ako,"

"Sigurado ka riyan?" Sandra–one of my colleagues–asked, unconvinced with my answer.

Bumagsak ang mga mata ko sa walang laman na basong hawak ko. Batid kong nasa akin lahat ang buong atensyon nila, nag-aabang sa isasagot ko. Sandra, Manilyn and Myra were my closest colleagues here in Korea. Lahat kami ay Pilipino at under ng fashion team ni Kuya Harrold.

"Okay nga 'ko. Palagi naman." I gave them a reassuring smile because that was definitely the truth.

'Yong tipong hindi ka malungkot at hindi ka rin naman masaya. Okay lang. You're just breathing and that's it. Kahit na sa kabi-kabilang magandang pangyayari sa buhay ko, hindi ko maitatanggi na parang mayroon pa ring kulang.

At kahit hindi ko aminin sa sarili, alam ko kung ano. Alam ko kung sino.

"Balita ko tuluy-tuloy na talaga ang pagboom ng negosyo ng ex jowa mo, ah? Wala pang isang taon 'yong restaurant niya pero balita ko ay nagbabalak na ulit siyang magbukas ng second branch," ani Kuya Harrold habang abala sa paglalagay ng nail polish.

Mula sa laptop ay nag-angat ako ng paningin sa kaniya. "Saan mo naman 'yan nabalitaan?"

Today is sunday and I was supposed to be go out for sauna pero hindi natuloy dahil lang sa biglaang pagpunta ni Kuya Harrold dito sa condo ko para lang manggulo kaya heto na lang ako ngayon, nakasalampak sa sofa at nagbo-book ng flight pauwi sa Pilipinas para sa nalalapit na kasal ng kaibigan ko.

"Kay Rhys at saka sa facebook. In fairness, maganda 'yong bagong girlfriend niya, ha? At saka mukhang mabait din. Totoo ngang tuluyan na siyang naka-move on sa'yo–"

Natigilan ako sa ginagawa at awang ang labing nag-angat ng tingin sa kaniya. Ramdam ko ang labis na pagguhit malalim na gatla sa aking noo. "Come again? Sinong may bagong girlfriend?"

Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng eksaheradang paglipad ng isang kamay sa kaniyang bibig. "Oh my! Hindi mo pa pala alam? Hindi na ba kayo friends sa facebook?" he asked.

"I made a new account. I already deactivated the old one, 'di ba?" paalala ko sa kaniya dahilan para masapo niya ang kaniyang noo. "So sino nga 'yong tinutukoy mong may bagong girlfriend? Si Rhys? Akala ko ba ay going strong na sila ni Eunice at magpapakasal na nga sila–"

"Hindi siya ang tinutukoy ko," pagputol niya sa sinasabi ko at hindi nakaligtas ang marahang pagtaas-baba ng kaniyang adam's apple.

My forehead creased with confusion. "Eh sino nga?"

"Iyong ex bebe mo nga. Si Jolo. May bagong girlfriend na siya." He then looked away after saying that information.

My jaw went slack as my heart suddenly felt heavy. Tila mayroong libu-libong karayom ang tumutusok sa aking puso habang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ang sinabi ng aking pinsan. Literal na tumigil ang aking mundo. Ni hindi ko man lang nagawang itago matinding pagkagulat sa mukha ko.

Kinagat ni Kuya Harrold ang kaniyang pang-ibabang labi at natatarantang dinampot ang backpack. "Ay shet naalala kong may lakad pa pala akong pupuntahan. Sige na maiwan na kita, bye! Ingat ka rito, okay?"

Hindi na ako sumagot pa at ang tanging narinig na lang ay ang pagsarado ng pinto. Nang masiguro kong tuluyan ng nakaalis ang pinsan ko ay muli kong hinarap ang laptop gamit ang mga matang nagniningning sa nagbabadyang luha.

Using my trembling hands, I opened my facebook account and searched for his name. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil marami kaming mutual friends. It takes me too much courage to scroll on his wall and I couldn't help myself from being proud of all of the things he'd achieve.

Ang nilalaman ng timeline niya ay halos tungkol sa kaniyang negosyo. He named his restaurant; JOLO–Jo Only Live Once. Catchy kung papakinggan at lalo pa't alam kong kinonekta pa talaga niya ito sa kaniyang pangalan. Naalala ko tuloy iyong isang beses siyang magpadala ng jejemon na group message sa'kin. Na sa sobrang inis ko ay itinapon ko pa ang sim card na ginagamit ko.

A genuine smile formed into my lips as I reminisced about those memories. . .

Ngunit ang ngiting iyon ay unti-unting nabura nang hindi sinasadyang ma-refresh ko ang timeline niya at bumungad ang bagong post niya two minutes ago.

Ang litratong iyon ay kuha sa harap ng kaniyang restaurant. He was wearing a black button-down polo tucked to his beige pants partnered with black sneaker shoes. His face features became more defined now. His well-built body and stance fits perfectly on him.

While looking at him, I can easily determine the changes in him. Physically or I must say. . . even his heart.

Dahan-dahang dumako ang tingin ko sa babaeng katabi niya. Kagaya ni Jolo ay kumikinang din ang mga mata nito at hindi rin maitago ang malawak na ngiti sa kaniyang labi. Halos masakal ang puso ko nang makita kung gaano kahigpit ang kapit ng lalaki sa baywang niya.

Naka-basic tee lang ang babae na naka-tucked sa maong ripped jeans. Hindi makolorete ang mukha nito ngunit kahit gano'n ay litaw na litaw ang kagandahan niya.

Beyond any doubt, I must say that they look perfectly made for each other. . . and it pained me after reading Jolo's caption.

"Dumating ka noong panahong iniwan ako ng tinuturing kong mundo,

Tinulungan mo akong bumangon at muling pagkatiwalaan ang sarili ko,

Ikaw ang nagbigay sa akin ng panibagong pag-asa at kaligayahan,

Kaligayahang kahit kailan ay hindi ko maiisip pa na bitawan.

Salamat sa walang sawang tiwala at pagsuporta. Mahal na mahal kita."

It pained me to the point that I even locked myself in my own room and let my agony eat me alive yet silently. The kind of pain that breaks me all over and over again. And for the first time since I let him go, I felt nothing but regret.

Noon, walang araw na hindi ko pinagdasal na sana ay maging maayos siya at masaya. Ngunit bakit kailan natupad na ang panalangin ko ay labis na nangibabaw sa akin ay ang pagkadismaya?

Buong akala ko ay kaya ko na. Buong akala ko ay handa akong makita siyang may hawak nang iba. . . ngunit hindi. Mali pala. Mali na naman pala.

Ang hirap pala na malaman na 'yong taong palihim mong minamahal at sinusuportahan ay nakahanap na muli ng kaligayahan.

At hindi ako iyon. Hindi na ako. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro