Kabanata 20
"Your parents will surely freak out if they knew about this." Hinilot ng problemadong si Kuya Harrold ang kaniyang sentido.
Yumuko naman at kinagat ang pang-ibabang labi dahil sa sobrang kaba. Wala siyang ideya sa pagsunod at pagsulpot ko rito sa bansa kung nasaan siya. At first, I thought he was in Cali, New York, Australia, or somewhere in the country na marami siyang kaibigan. But to my surprised, nalaman ko na lang kay Rhys na narito siya sa South Korea.
"Bawal ba 'ko rito, Kuya?"
Umawang ang labi niya sa aking tanong. Marahas siyang bumuga ng hangin at ginulo ang kaniyang buhok. He then shook his head firmly.
"Hindi ko sinasabing bawal ka rito," aniya sa matinis na boses, "eksaheradang 'to! Bawal ba akong magulat? Siyempre nasa state of shock pa rin ako hanggang ngayon! Kung sana sinabi mo lang na susunod ka rito, edi sana hindi mo na nakita 'yong dapat ay hindi mo–nevermind!"
Napangiwi ako nang maalala kung iyong nasaksihan ko kanina pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. He was with a man who's half naked and based on how disheveled their hair and how messy the whole room. . . you'll definitely get what I mean. Hindi na naman ako inosente para maging mangmang sa milagrong ginagawa nilang dalawa.
"Bago kita tuluyang patuluyin dito sa condo ko. . . please care to tell me everything?"
My brows shot up. "Everything?"
"Ano, bungol lang? Kailan paulit-ulit?" He spluttered and rolled his eyes. "What I mean is paano ka nakaalis agad ng bansa? Paano ka nakaalis na walang kaalam-alam sina Tita–"
I cut him off. "Rhys helped me. Sa'yo dapat ako hihingi ng tulong talaga pero nag-insist ang kapatid mo. Mayroon daw siyang kilalang puwedeng makatulong sa'kin para mapabilis ang pag-alis ko."
I heard him cursed under his breath but I just shrugged it away.
"At isa pa, totoong walang alam sina Nanay sa pag-alis kong 'to dahil tiyak naman akong hindi ako papayagan ng mga 'yon," dagdag ko pa.
"Eh paano ka nakarating dito kung gano'n? Anong pinaalam mo?"
I wet my lips and smiled cutely at my cousin. "A-Ano, ang sabi ko pupunta lang akong Batangas, mag-u-unwind."
At doon na nga siya tuluyang napamura nang malakas. Kung hindi lang talaga niya 'ko pinsan ay siguradong kanina pa ako nakatanggap ng sabunot mula sa kaniya. At labis pa rin akong nagpapasalamat dahil kahit nanggigigil siya sa akin ay nagawa pa rin niya 'kong tanggapin sa tinitirhan niya.
"This will be your room. Wala pang masiyadong gamit dyan dahil wala namang gumagamit. Kung may mga kailangan ka, ilista mo muna at bukas na lang natin bibilhin," Kuya Harrold uttered and opened the door for me.
Siya na rin ang nagpasok ng mga maleta ko sa loob ng kwarto. Ako nama'y tumango lang at inilibot ang tingin sa kabuuan ng silid. It was just a plain room, I must say. A queen size bed in the center and a beige lamp table beside it. The ceilings and walls were white. There's also a glass window exposing the clear terrestrial night sky together with city lights.
Pinayuhan ako ni Kuya Harrold na magpahinga muna at bukas na ulit kami mag-uusap. Hindi na naman ako umapila pa dahil ramdam ko ang pagod at bigat ng aking buong katawan. Buong akala ko pa ay makakatulog agad ako pagkahiga sa kama ngunit mali. . . hindi pala.
Kahit na anong pilit kong ipikit ang aking mga mata ay patuloy pa rin akong binabagabag ng napakaraming tanong sa isipan ko dahil sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung tama ba itong desisyon na ginawa ko.
This was just a decision I didn't think thoroughly about. I refused to figure out what might be the possible consequence I'd face. For now, I just want to breathe, clear my mind, and regain myself because the truth is I don't know where to start again.
Alam kong sa mga oras na ito ay natawagan na ni Kuya Harrold sina Nanay at Tatay upang sabihin kung nasaan ako. As much as I want to talk and communicate with them, I stopped myself from doing it. Alam ko na rin naman kasi kung saan patungo ang usapan.
Alam kong paulit-ulit nilang ipipilit sa akin ang mga katagang, "Bumalik ka na lang dito. Paano si Jolo? Ayusin n'yo ang relasyon n'yo. . ." and to be honest that's the least thing I wanna hear from now.
Paano magiging maayos ang relasyon namin kung si Jolo mismo ay hindi niya magawang ayusin ang buhay at sarili niya?
But in spite of that, deep down inside me, I couldn't help but to wonder about Jolo's reaction. . . Iniisip ko pa lang na umiiyak siya't hinahanap ako ay naninikip na ang dibdib ko sa sobrang pagkadurog. Kung labis man ang galit na mararamdaman niya sa akin ay tatanggapin at maiintindihan ko. Of course, I didn't bid my goodbyes to him. We don't have a proper and clear closure. Basta na lang akong tumalikod at umalis palayo sa kaniya.
Mabagal ang pag-usad ng mga araw na lumipas. Sobrang nagpapasalamat ako sa presensya at pag-gabay ni Kuya Harrold. Palagi siyang gumagawa ng paraan para pagaanin ang loob ko. Ilang beses niya na rin akong tinanong kung hanggang kailan ako mananatili rito ngunit wala akong maisagot.
Kaya naman nang maka-isang buwan ay kinuha niya ako bilang assistant slash secretary niya. He's currently working as fashion designer at kahit hindi inline iyon sa kursong natapos ko ay pinatos ko na. Ayaw ko rin namang maging pabigat sa pinsan ko lalo na't hindi naman lingid sa kaalaman ko na mahal ang pamumuhay rito sa Seoul.
Besides, I still have a lot of debts to pay, though. Alam kong hindi pa iyon kayang bayaran ni Jolo kaya wala akong ibang choice kundi ang pansamantalang saluhin ang lahat ng natitirang utang namin sa Pilipinas.
"Lumapit siya sa akin no'ng minsan, nangungutang ng pera. Noong una nga ay hindi ko pa siya nakilala kasi naman para siyang pinabayaan. Ang laki ng pinayat niya, sobrang haba na rin ng buhok tapos ang laki pa ng eyebags. . ."
Nakita ko ang pag-iling ni Terrence mula sa kabilang linya. Siya lang ang bukod-tanging kinakausap ko sa lahat ng mga kaibigan. Okay naman kaming lahat pero hindi ko lang maiwasang mahiyang harapin si Eloisa.
"Nangungutang siya? Para saan?"
"Susunduin ka raw niya r'yan. Nagmamakaawa pa nga sa'kin, gustuhin ko man siyang pagbigyan kaso nakiusap sa akin ni Eloisa na huwag. Ewan ko. . . basta ang alam ko lang ay mas lalo pa yatang lumala si Jolo mula noong umalis ka," mahabang litanya niya at tiim-bagang akong tinitigan.
"Kailan ka ba babalik dito?" dagdag na tanong pa niya at tanging isang nanghihinang iling lang ang naisagot ko.
"H-Hindi ko alam. . ."
My heart flinched in extruding pain as I heard that news. Akala ko kapag umalis na 'ko ay muli na siyang babalik sa dati. Akala ko kapag umalis ako ay makakatulong iyon upang maisipan niyang bumangon muli kahit mag-isa na siya. Pero bakit hindi naman yata gano'n ang nangyayari?
I just want the best for him. . . but why did he become the worst?
And that made me question the sudden decision I made.
Mali bang umalis ako't iniwan siya?
Mali bang mas inuna ko ang aking sarili kaysa sa kaniya at sa relasyon naming dalawa?
Ngunit kahit labis akong naguguluhan ay mas pinili ko pa ring panindigan ang aking desisyon. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga sumunod pa na araw at panahon, ngunit kung talaga ngang nagkamali ako ay handa akong harapin ang lahat ng iyon.
Sa ngayon, wala na akong ibang magagawa pa kundi ang ipagdasal ang taong mahal ko. Patuloy kong ipagdarasal na sana'y maliwanagan siya at magawa niyang malampasan kahit wala ako sa kaniyang tabi. Na sana ay sa susunod na magtatagpo muli ang landas naming dalawa ay nagawa na niyang bumangon at tuparin ang mga pangarap niya. . .
And it's indeed true that prayers were really extremely powerful.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro