Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Kagaya nga ng inaasahan ay nang sumunod na linggo ay lumipat na kami ng bahay na tinitirhan. Masayang masaya sina Nanay at Tatay dahil sa wakas ay tuluyan nang natupad ang isa sa mga pangarap nila at iyon ay ang magkaroon kami ng sarili at magandang tahana. With the help of my cousins na rin na sina Kuya Harrold and Rhys.

Pero kung ako ang tatanungin kung masaya ba ako? Pwes, hindi!

Ilang araw na rin ang nakalipas magmula nang lumipat kami rito sa bagong bahay at sa bawat araw ba naman na ginawa ng Diyos ay hindi nito nakalimutang subukin ang aking pasensya. Paano ba naman kasi, kung bakit sa dinami-rami ng lote na maaaring bilhin nina Nanay ay dito pa talaga sa katabing tindahan kung saan madalas tumatambay ang pinsan ni Eloisa na si Jolo na walang ibang ginawa kundi kulitin at bwisitin ako?

"G na g ka talaga kay Jolo, ah?" natatawang saad ni Eloisa at parang patay gutom na sumunggab sa hamburger na kinakain niya.

I can't help but to roll my eyes. Basta talaga marinig ko lang ang pangalan ng pinsan niya ay awtomatiko nang kumukulo ang aking dugo! "Napakakulit, eh! Simula yata noong magkakilala kami niyan ay hindi na ako tinantanan sa mga pang-aasar niya!" reklamo ko.

"Taena mo naman kasi. Pikon na pikon ka kaagad! Pagpasensyahan mo na lang at pinanganak 'yon para magpapansin!"

Ngumiwi ako sa sagot niya. Hindi katanggap-tanggap. Padabog kong inagaw sa kaniya ang kinakain niyang hamburger at kumagat doon nang malaki. Magrereklamo pa sana siya ngunit sa huli ay napakamot na lang siya at palihim na nagmura.

Kasalukuyang nakatambay kami ni Eloisa rito sa aming bahay. Magmula yata noong lumipat kami ay walang araw na hindi siya pumunta rito para makipag-chismisan o di kaya'y para pasimpleng manghingi ng ulam. Ayos lang naman iyon dahil hindi na naman siya iba sa amin. Sanay na sina Nanay at Tatay sa kakapalan ng kaniyang mukha.

Kalaunan ay dumating na rin si Shaeynna kasama si Terrence dahil nag-aya silang magmovie marathon. Solong lalaki lang si Terrence dahil nasa Maynila na nga si Kean at si Reyster naman na boyfriend ni Eloisa ay sumampa na sa barko para sa kaniyang OJT.

"Lulutuin ko na 'tong french fries at pancit canton," wika ni Terrence at naglakad na patungong kusina.

"Oh sige, ako na ang pipili ng movie na papanuorin natin. Tara, Shae?" alok ni Eloisa kay Shaeynna na kaagad din namang umiling.

"Susunod ako, tatawagan ko lang si Kean."

I hissed and shook my head. Binato ko siya ng throw pillow. "Bakla, puro ka na Kean! Hindi ka ba nauumay?"

"Hindi, ah! Kung sa inyo pa, oo," she replied, laughing.

Akmang susugurin ko siya ng sapak ngunit mabilis itong nakatayo sa kinauupuan at patawa-tawang lumabas ng bahay para tawagin ang boyfriend. Biglang gumulo at umingay ang bahay namin dahil sa asaran at tawanan ng mga siraulo kong kaibigan.

Sumasakit ang tainga ko sa lakas ng sigawan nila tuwing nag-uusap kahit magkakalapit lang naman, pero kapag narito naman sina Nanay at Tatay ay akala mo'y kung sinong mga maaamong puta este tupa.

"Hoy, Tris! Bumili ka muna ng coke para may silbi ka naman sa samahang ito!" bulyaw ng loko-lokong si Terrence sa akin.

"At sino ka naman para utus-utusan ako?" I fired back, glaring at him.

Itong lalaking 'to, akala mo kung sino! Ka-pangit naman!

He shut his eyes and sighed dramatically. "Please bumili ka na lang. Sundin mo na lang ang inuutos ko dahil busy pa ako sa pagluluto. I'm so tired now, you know? Hindi mo alam kung gaano kahirap ang ginagawa ko–"

Eloisa roared with laughter. "Kapal naman ng mukha mo, Rence! Akala mo naman eh napakahirap lutuin ng pancit canton!"

"Ang babantot ng ugali n'yo 'no? Parang ang sarap magpalit ng kaibigan." Terrence showed us his middle finger that made us convulsed into laughter.

At bago pa man tuluyang mainis sa amin ang lalaki ay sinunod ko na ang gusto niya. It's already seven in the evening. A cold wind lingered on my skin as soon as I went outside our house. Kahit mayroon akong suot na hoodie ay nanunuot pa rin ang lamig ng simoy ng hangin.

May ngiti sa labi akong tumungo sa tindahang nasa katabi lang ng aming bahay, ngunit ang ngiting iyon ay agad nabura nang makita kung sinu-sino iyong mga nakatambay doon.

Jolo and his gang.

Nagkukumpulan sila sa isang sulok habang ang isang lalaki na kulay mais ang buhok ay may hawak na gitara, ang isa namang lalaki na mukhang masungit ay nakaupo sa cajon na kaniyang hinahampas gamit ang palad at daliri, dahilan upang maglikha ito ng tunog na parang beatbox. Si Jolo at iyong isang lalaki na naman ang parang lasing na kumakanta.

Psh, in fairness ha? Ang gaganda ng boses!

Nang dumako ang mga mata ni Jolo sa akin ay agad ko siyang inirapan. I flipped my hair and walked confidently towards the store. Habang hinihintay ang tindera ay nakita ko mula sa peripheral ang vision ang pagtigil ng mga kalalakihan sa kantahan. Tumayo nang tuwid si Jolo at lumapit sa gawi ko.

"Hi, Trisha of the world! You look so beautiful in white," parang tangang bati niya kaya nagsimula na namang kumulo ang dugo ko.

Bumaba ang tingin ko sa suot kong hoodie at hinanap kung nasaan ang kulay puti roon, ngunit wala naman.

"Walang white na kulay sa suot kong damit," I spatted at him.

A wicked smile plastered on his lips as he brushed his above the shoulder hair using his fingers. "Uh-huh. Kaya nga next time magsuot ka ng puti para beautiful ka." He then let out an annoying chuckle.

Uminit ang aking pisngi dahil sa pagkapahiya lalo na nang marinig ko ang mahihinang hagikhikan ng mga tropa niya.

I gave him a deadly glare. "Tigilan mo 'ko puwede ba? Kapag ako'y hindi nakapagtimpi sa 'yo, susuntukin kita pati 'yang mga kaibigan mo," pagbabanta ko.

Ngunit imbis na matakot ay nagkatinginan lang sila bago muling bumunghalit ng malakas na tawa.

Jolo raised his both hands as a sign of surrender. "Oh chill ka lang! Nagbibiro lang iyong tao, eh."

Tumingala ako upang magpantay ang paningin naming dalawa. "Bakit? Close ba tayo para magbiro ka?" walang emosyong tanong ko.

Naningkit ang kaniyang mga mata. Binasa niya ang pang-ibabang labi kasabay ng muling pagpasada ng daliri sa kaniyang mahabang buhok. He then stepped closer to me and crouched a bit as to correspond with my intense gawp.

"A-Anong–" Umatras ako upang hindi tuluyang maglapit ang katawan naming dalawa. "Anong ginagawa mo?"

"Paano bang close? Ganito ba, hmm?" He then smiled playfully.

Nanlaki ang mga mata ko nang bahagya pa nitong ilapit ang mukha sa akin, halatang nang-aasar. Ngunit imbis na itulak siya palayo ay napakurap-kurap lang ako at natulala sa kaniya.

As luck would have it, heaven gave me a chance to appreciate his beautifulness. With his dark hooded eyes, thick eyebrows, pointed nose, red and pouty lips, and chiseled jaw, I was definitely mesmerized by his hard features.

My heart hammered wildy inside my chest.

But saved by the bell, before I got drowned, someone interrupted us.

"Ano, neng? Bibili ka pa ba o maglalandian na lang kayo riyan sa harap ng tindahan ko? Kaya ako minamalas, eh!" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro