Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

"Ayaw ko na," ang mga katagang paulit-ulit kong sinasambit sa tuwing sinusubukan akong kumbinsihin nina Nanay na bumalik na sa bahay namin ni Jolo.

Walang araw na hindi nila ako kinulit at pinakiusapan. Kahit nga si Jolo ay walang palya ang pagpunta rito sa bahay para suyuin ako ngunit kahit isang beses ay hindi ko siya hinarap man lang.

Halos mag-iisang linggo na nang umalis ako sa bahay namin ni Jolo at umuwi kung nasaan ang mga magulang ko. Maghapon at magdamag akong nagkukulong sa kwarto at doon umiyak nang umiyak.

My ponderous heart cannot take all the unending questions over and over again. I am too exhausted with all of the shits happening to our relationship. Parang paulit-ulit na lang at walang pagbabago.

Nakakapagod 'yong palagi ka na lang uunawa, magtitiwala at aasang may aayos pa, ngunit sa huli mas lalo lang lumalala. Minsan nga naiisip ko rin na siguro tama talaga 'yong sinabi nina Grace na sa una lang talaga siya magaling at kayang patunayan ang sarili.

Natauhan ako mula sa malalim na pagkakatulala nang bumukas ang pinto ng aking kwarto at may buong pag-iingat na pumasok sa loob si Nanay. Hindi ko siya nilingon at nanatili lang ang mga matang nakatanaw sa labas ng bintana.

It's already late in the afternoon but the sun hits differently. The infiltrating lights penetrated my whole room. As I watched the birds freely flying to wherever they wanna go I can't help but to feel envy. . .

"Anak, nasa baba 'yong wedding organizer. Ngayon daw naka-schedule 'yong fitting–"

"Hindi na, Nay. Sabihin mo wala nang kasal na magaganap," pagputol ko sa sinasabi niya.

Suminghap siya kasabay ng pag-awang ng labi. "Anong hindi matutuloy? Trisha, huwag kang padalos-dalos sa mga desisyon mo!"

"Hindi na basta-basta lang ang mga pinagsamahan n'yo ni Jolo. Marami na kayong pinagdaanan. Bakit ngayon mo pa siya iiwan kung kailan kailangang-kailangan niya ang suporta mo?"

I heaved a heavy sigh and gave her a look using my weary eyes. "Hanggang kailan? Hanggang sa tuluyan na akong maubos at wala nang matira para sa sarili ko?"

Ilang beses ko siyang sinagip at pinilit na hinihila paangat ngunit habang ginagawa ko iyon ay kabaliktaran naman ang nangyayari dahil imbis na umangat kaming dalawa ay ako na iyong hinihila niya pababa.

Natutop niya ang kaniyang bibig at hindi na nakasagot pa. Muli akong nagpakawala ng malalim na butonghininga nang magpaalam si Nanay at tuluyan nang lumabas ng aking silid.

Hindi rin naman nagtagal ang pagmumukmok kong iyon at agad din akong bumalik sa pagtra-trabaho. Tambak na ang trabaho ko at isa pa'y wala rin naman akong mapapala kung patuloy ko lang ikukulong ang sarili ko sa lungkot at sakit. Sapat na ang ilang araw na pagluha dahil sa kaniya.

Sa ngayon ay mas gusto ko munang pagtuunan ng pansin ang sarili ko. Kailangan kong bumangon para sa sarili ko. Oo, sa sarili ko lang at wala nang iba pa.

"Trish, kausapin mo naman ako. Pag-usapan natin 'to. . . ayusin naman natin oh," pagmamakaawa ni Jolo nang minsan niya akong puntahan sa bahay at naabutang nakatambay sa labas.

"Jolo, puwede ba? Tantanan mo na 'ko. Tantanan mo muna ako." Pagod ko siyang tinitigan nang diretso sa kaniyang mga mata.

His jaw tightened with what I've said and shook his head firmly. "Hindi. Uuwi na tayo at pag-uusapan natin ito." He tried to hold my hand but I immediately moved away from him.

"Hindi na, ayoko na. . ." nanghihina kong saad gamit ang mahinang tinig ngunit sapat na iyon upang marinig niya.

Hindi ko magawang titigan nang tuwid ang kaniyang mga mata dahil mas lalo lang akong nahihirapan. Desidido na ako sa desisyong tapusin na muna ang lahat ng ito at natatakot ako na baka sa isang pitik lang ay biglang magbago ang isipan ko.

Mula sa liwanag na nanggagaling sa poste ay kitang-kita ko ang ilang pagbabago sa pisikal niyang anyo. Wala pang dalawang linggo ang lumipas ngunit pansin ko na ang bahagyang pamamayat niya. Mapungay at malalaki ang itim sa ilalim ng kaniyang mga mata at kapansin-pansin din pagtubo ng bigote at balbas. Magulo ang kaniyang mahabang-mahabang buhok. Hindi rin nakaligtas sa akin ang gusot-gusot niyang damit at magkaibang pares ng tsinelas ang suot.

Nagsalubong ang makapal niyang kilay at kasabay noon ang bahagyang pag-awang ng kaniyang labi. Natawa pa siya nang pagak na animo'y hindi talaga niya naiintindihan ang sinabi ko.

"Aayusin ko ang sarili ko. Hindi mo na ako kailangang tulungan pero ang gusto ko lang naman ay manatili ka sa tabi ko–"

"Eh ayaw ko na nga!" My voice thundered the whole place as I cut him off. "Hindi mo ba naiintindihan? Hindi mo ba napapansin? Umalis na 'ko! Iniwan na kita kasi hindi ko na kaya!"

"Call me hypocrite but this is the truth, Jolo. I am not settling for less and I will never settle for less. And to make you understand more, what I'm trying to say is. . . I will never ever settle with a man like you." I added using my cold and stern voice before turning my back at him.

Maybe for him it wasn't still clear but for me, I considered it as the end of us. Patuloy pa rin siya sa pangungulit at may mga pagkakataon naman na gusto kong bumigay na lang ulit. May mga araw at gabi na naiisip kong bumalik at ayusin na lang ngunit sa huli ay pinipigilan ko ang sarili ko.

Marahil ay hindi ako naiintindihan ng ibang tao. Marahil ay iniisip nila na masiyado akong mababaw. . . ngunit sa totoo lang ay hindi ko ito ginagawa para lang sa sarili ko. Hindi ko siya tinalikuran at iniwan dahil lang makasarili ako.

Hindi. hinding -hindi.

Ginagawa ko ito para sa kaniya. Ginagawa ko ito dahil gusto kong matuto siyang maniwala at magtiwala sa sarili niya. Na hindi niya kailangan ng kahit na sinong tao para maging maayos ang buhay niya.

Right now, he only needs himself. He needs to stand on his own. . . at gano'n din ako.

"Ilang linggo nang hindi lumalabas si Jolo sa kaniyang kwarto. Nakakulong lang siya roon at sinusunog ang baga sa alak at sigarilyo. Ni isa'y wala siyang kinakausap sa amin. Nag-aalala na kami. Trisha baka naman puwede mo siyang puntahan at pakiusapan–"

"Hindi, Eloisa. Sorry," pagputol ko sa sinasabi niya dahilan para matigilan siya't mapatitig sa akin nang matagal.

I let out a sigh before shaking my head, giving her an apologetic smile. "Sorry pero hindi ko gagawin 'yan. Iniiwasan kong magkrus ang landas naming dalawa dahil baka kapag paulit-paulit niya lang akong makita ay paulit-ulit lang din siyang umasa na babalikan ko pa siya."

"Bakit hindi na ba?"

Natigilan ako at napaisip sa kaniyang tanong. "H-Hindi ko alam. S-Siguro?" I answered then she scoffed.

"Siguro? Kapag maayos na ulit ang buhay niya? Alam mo. . . ang unfair mo. Kaibigan kita kaya pinagkatiwala ko sa'yo ang pinsan ko. At ikaw mismo, nangako ka sa'kin na hindi mo siya iiwan."

I cannot stand the unconcealed disappointment in her eyes so I slowly averted gaze. "I'm sorry, Eloisa. . ."

Naging okay din naman kami noong araw din na iyon. Hindi naman kami totally na nag-away pero alam ko at ramdam ko na disappointed talaga siya sa akin. Naiintindihan ko siya at hindi ko rin naman siya masisisi pero pansamantala ko munang inilayo ang sarili ko sa kaniya o kahit kanino.

Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na magfo-focus ako sa sarili ko ay hindi ko pa rin magawa nang maayos kasi patuloy akong binabagabag ng mabigat kong damdamin. Walang araw na hindi ako sinusuyo ni Jolo at aaminin kong mas lalo akong napapagod sa ginagawa niyang iyon. Ilang beses niyang sinasabi at pinapangako na aayusin niya ang kaniyang buhay pero sa bawat panahon na lumilipas ay wala naman akong nakikitang magandang pagbabago sa kaniya.

He became worse. Worse than I expected.

Imbis na bumangon ay mas lalo lang niyang nilulugmok ang sarili sa pagmumukmok at bisyo. Anila pa'y madalas din daw itong masangkot sa mga away at gulo. Kaya naman nang isang gabi, habang nakatulala at malayang lumilipad ang isip ay nakabuo ako ng isang desisyon.

Isang desisyong mabigat at mahirap ngunit tiyak kong makakabuti para sa aming dalawa. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro