Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

"Hindi ba't ang sabi ko sa'yo na hugasan mo agad ang pinaglutuan at pinagkainan mo? Huwag mo nang itambak pa sa lababo," mahinahong paalala ko kay Jolo na prenteng nakatambay sa labas ng bahay at umiinom ng beer.

Ngumiwi siya at nahihiyang kumamot sa ulo. "Oo nga pala. Sige bebe, ubusin ko lang 'to."

Pinanliitan ko siya ng mga mata at tinuro gamit ang index finger. "Siguraduhin mo lang, ah? Makukurot na talaga kita sa singit na lalaki ka!"

A manly yet naughty laugh escaped his mouth. "Wow! Parang gusto ko 'yan!"

Ang nakasimangot kong mukha ay agad na lumiwanag at napalitan ng isang malawak na ngisi dahil sa kalokohan niya. "Tse! Para kang sira! Babalik na 'ko sa kwarto dahil marami pa akong ginagawa. Ikaw, pumasok ka na rin at baka malamigan ka pa riyan."

"Okay po, Mi."

"Anong Mi?" My forehead knotted. "Mommy? Lucky Me? Lomi–"

He cut me by using his roaring laughter. "Gagi, hindi. Sinasabi mo riyan?"

"Eh ano nga? Mommy ba 'yan?" kuryosong tanong ko kasi hindi ko talaga alam kung anong ibig niyang sabihin.

Binasa niya ang pang-ibabang labi, pilit na tinatago ang multo ng ngiti. Umiling siya at sinuklay pataas ang hanggang balikat niyang buhok. "Mimiyuuuh," pagkanta niya na may pakulot-kulot pa ang boses.

Nalukot ang aking mukha at inismiran siya. "Corny amputa." Pinagkrus ko ang aking braso at padabog siyang tinalikuran patungo sa aming kwarto.

Muli akong bumuntonghininga nang pagkapasok na pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang mga damit na sinuot ni Jolo kanina sa kaniyang trabaho. Nakakalat iyong lahat sa sahig. Imbis na pagsabihan pa siya ay ako na mismo ang pumulot at naglagay noon sa laundry basket. Pagkatapos no'n ay lumabas muli ako ng kwarto upang kumuha ng tubig inumin. Nadatnan ko pa nga sa dining table ang napakaraming upos ng sigarilyo na paniguradong kagagawan na naman nina Javien.

I roamed around my eyes on our small apartment and seeing these mess every corner made my lips twisted. Tila ba nakakasakit sa mata ng mga kalat. Hindi ako napapalagay sa tuwing ganito dahil pakiramdam ko'y napakabigat sa dibdib kapag hindi maaliwalas ang paligid. Kaya naman sa huli ay tinawag kong muli si Jolo upang tulungan niya ako sa paglilinis ng bahay.

Panay ang pagbubunganga ko sa kaniya habang gumagawa kami ng gawaing bahay, ngunit dahil isa't kalahating siraulo nga si Jolo ay sinasabayan niya ng beatbox ang kung anumang sinasabi ko. Nang-aasar pa, parang tanga!

It's been half of a year since we decided to live together. Totoo nga pala iyong sinasabi nila na lubos mo lang na makikilala ang isang tao kapag nakasama mo ito nang matagal sa iisang bubong.

Noong una'y tutol pa ang mga magulang namin sa desisyon naming dalawa ngunit kalaunan ay wala na rin silang nagawa pa. Anila'y doon na rin naman kami patungo at hindi na rin kami bumabata pa. At hindi ko alam kung matatawa ba ako sa binitawang payo sa akin ni Tatay bago ako tuluyang umalis ng bahay.

"Huwag mo siyang papakasalan hangga't hindi mo siya nakikitang magalit,"

It didn't make sense to me beforehand. Akala ko noon ay kung anu-ano lang ang sinasabi niya but then, as the time goes on, it becomes clearer and clearer than the water.

Dahil kagaya nga ng sinasabi ng iba, sa dalawang dahilan mo lang malalaman ang tunay na katangian at pag-uugali ng isang tao; una ay kapag lasing at pangalawa naman kapag galit sila.

Mahirap mag-adjust noong mga naunang buwan ng pagsasama. Para kaming nasa madilim na kwarto at nagkakapaan kung nasaan ang switch. Para kaming aso't pusa dahil magkasalungat na magkasalungat ang nais naming dalawa.

Sanay akong matulog na bukas ang ilaw ngunit siya naman ay hindi. Ang dahilan niya?

"Kailangan nating patayin ang ilaw para hindi tayo makita ng mga lamok,"

"Wala namang lamok dito sa apartment natin, Jolo!"

"Akala mo lang wala pero meron, meron, meron!"

Gusto ko na organized ang cabinet namin ng damit o kahit anong kagamitan dito sa bahay ngunit siya naman 'tong may ayaw.

"Kailangang palaging maayos lahat ng gamit para naman maaliwalas tingnan sa mata at saka hindi nakakahiya kung sakaling may biglang dumating na bisita,"

"Aayusin mo pa, magugulo rin naman. . ." parang gago na namang dahilan niya.

Ilan lang 'yan sa mga bagay na hindi namin napapagkasunduan noon pero kagaya nga ng sinabi ko ay noon iyon. Ngayon ay pareho na kaming nakakapag-adjust. Araw-araw kaming may natutuklasang bago sa isa't isa at malugod naming tinatanggap iyon.

Little by little, we became more passionate to each other. As we discover our flaws and differences, our relationship becomes extremely intense and stronger.

Everything between us is settled. Pareho kaming may permanenteng trabaho. Ako bilang accountant at siya naman ay bilang assistant chef sa isang kilalang hotel. Idagdag pa na mayroon din kaming ibang income na pinagkukunan. Nakakatulong ang lahat ng iyon para sa pinaplano naming kasal.

Pero sabi nga nila, hindi palaging saya ang iyong matatamo. Ayaw mo man, darating at darating ang araw na pakiramdam mo'y pinagkakaisahan ka ng mundo. Darating at darating ang araw na pakiramdam mo'y mali ang mga desisyon mo. . . na hindi siya ang tamang tao para sa'yo.

"Anong nangyari?" Napabalikwas ako sa kama dahil sa gulat nang kumalabog ang pinto at pumasok ang basang-basang si Jolo.

Hindi siya sumagot at dire-diretsong tumungo sa kaniyang cabinet para kumuha ng damit. He's still wearing his uniform. His hair was damped and droplets of water were streaming down to his body.

"Jolo? Bakit ngayon ka lang umuwi? Kanina pa kita tine-text at tinatawagan pero hindi ka sumasagot. At saka–"

"Bukas na tayo mag-usap. Pagod ako," putol niya sa akin at tiim bagang na hinubad ang suot na t-shirt. Basta na lang niya iyong inihagis kung saan bago damputin ang isang puting towel.

"A-Ano bang nangyayari–"

"Gusto mong malaman?" asik niya at padaskol na humarap sa akin. "Wala na akong trabaho."

My mouth fell open as my eyes widened on his sudden revelation. Ilang beses kong sinubukan na igalaw ang aking labi upang magsalita ngunit walang lumalabas ni isang kataga.

Namayani ang pansamantalang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kinalma ko ang sistema at nagpakawala ng malalim na buntonghininga bago muling nagsalita.

"What do you mean?" mahina ngunit sapat na upang marinig niya.

Wala talaga akong maintidihan sa nangyayari. Okay naman siya kaninang umaga, masaya pa nga siyang umalis ng bahay, eh. Tapos nitong sumapit ang gabi ay hindi ko na siya matawagan at hindi rin siya nagre-reply sa mga text.

"Nag-resign na 'ko." His jaw tightened. "Napaka-toxic ng work environment ko. Nakaka-pressure. Iyong chef namin paulit-ulit na pinapamukha sa akin na wala akong bachelor's degree kaya pinapalabas niya na wala akong karapatang sumalungat sa baluktot niyang ginagawa. Kaya bago pa ako tuluyang mawalan ng gana. . . tinapos ko na. Umalis na ako," mahabang paliwanag niya at sinuklay ng mga daliri ang basa niyang buhok.

"Eh paano na 'yan? Ano na ang plano mo?" Iyon lang ang bukod tanging naging tugon na lumabas sa bibig ko kahit na ang utak ko'y punung-puno ng napakaraming katanungan.

"Bahala na. Maghahanap ako ng bagong trabaho. Marami pa naman d'yan. Pero habang wala pa akong nahahanap, doon muna ako sa talyer natin habang naghahanap ng trabaho."

Hindi ko man lubusan na maunawan ang lahat, pinilit ko pa ring inintindi ang desisyon niya. Isinantabi ko muna ang mga tanong dahil hindi iyon ang kailangan niya ngayon.

Pinagkatiwalaan ko ang kung anumang plano niya. Noong sinabi niya na sa talyer pagmamay-ari namin muna siya magtra-trabaho ay hindi ko na iyon kinontra o hinadlangan pa kahit na batid kong hindi kalakihan ang kinikita roon.

Kahit dalawang buwan na ang lumipas at wala pa rin siyang nahahanap na trabaho.

Pinagkatiwalaan ko pa rin siya.

Ngunit hindi ko alam kung hanggang saan ba itong pagtitiwala ko lalo na noong isang gabi ay umuwi na naman siyang basang-basa sa ulan at lasing pa. Padabog siyang pumasok sa loob ng apartment at kulang na lang ay ibalibag ang lahat ng gamit namin.

Abot-abot ang tahip ng dibdib ko dahil sa kaba na baka kung anong gawin niya. Ngunit laking ginhawa ko ng dire-diretso itong pumasok sa loob ng kwarto para magpalit ng damit. Dala ang lakas ng loob ay sinundan ko siya at nilapitan.

"Ano na naman bang problema, Jolo? May nangyari ba?" Pinilit kong itinago ang namumuong inis sa dibdib ko.

Gamit ang pagod at namumungay na mga mata ay nag-angat siya ng tingin sa'kin.

"Wala na ang talyer," aniya na siyang ikinagulat ko nang sobra.

"Ano?! Ano na naman bang ibig sabihin–"

"Nilimas ng isa nating tauhan lahat ng pera at ilang kagamitan. At ngayon, hindi na siya mahanap kaya wala na akong ibang choice kundi pansamantalang isarado ang talyer."

Bumagsak ang dalawang balikat ko. Tila gumuho ang aking mundo kasabay ng unti-unting pagguho ng tiwalang binigay ko sa kaniya.

I just hate to admit this but since that day. . . I started to doubt his capability. As a person, as a man, and even as a partner of mine. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro