Kabanata 15
Masaya ang lahat para sa aming dalawa. Napakainit ng pagtanggap na ibinigay nila sa amin at damang-dama ko ang buong pusong suportang ibinibigay nila.
At first, I was thinking that they'll get mad at me. Akala ko ay kagaya sa mga napapanood kong teleserye ay mayroon ding hahadlang sa pagmamahalan naming dalawa, ngunit wala naman pala. Siguro gano'n talaga kapag napapaligiran ka ng mga totoong tao sa paligid mo.
"So anong plano n'yo?" Natigil ako sa pagnguya ng kinakain ko dahil sa biglaang tanong ni Tatay.
I shot my brows up at him. "Anong ibig mong sabihin, Tay?"
Dapat ba may plano kami?
Mula sa kusina ay sumulpot si Nanay na may dalang isang tupperware na coffee jelly. Ipinatong niya iyon sa lamesa bago muling umupo sa tabi ng asawa.
"Baka ang ibig sabihin ng Tatay mo ay hindi sana makaapekto ang pakikipag-relasyon mo sa pagre-review para sa darating mong board exam," maingat na ani Nanay at bahagya pang sumulyap sa akin para pagmasdan ang reaksyon ko.
Mahina akong natawa at naiiling na bumalik sa pag-kain. "Nay, Tay, ano baga? Nagka-boyfriend lang ako pero hindi pa ako mag-aasawa. Huwag kayong mag-aalala, okay? Malaki na ho ako at alam ko na ang mga responsibilidad ko," paninigurado ko sa kanila at nakita ko kung paano sila nakahinga nang maluwag at nabunutan dahil sa sinabi ko.
Kahit hindi direkta ang paraan ng pagkakatanong sa akin ni Tatay ay alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Siguro iniisip nila na anytime soon ay magpapakasal o mabubuntis na kaagad ako.
I almost laughed at how advanced their thought was. Well, of course I'm not gonna deny, in the near future we'll get there. . . pero kasi sobrang tagal pa no'n. Ni hindi pa kami umaabot ng isang linggo ni Jolo, eh.
Sa kabila ng kalandian ko sa buhay ay hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang mga goal ko. Sa mga sumunod na araw, linggo, at buwan ay mas ginugol ko ang aking oras sa pag-aaral. Si Jolo naman ay abala rin sa kaniyang trabaho at nitong nakaraang linggo lang ay nagsimula na rin ang pag-aaral niya sa TESDA.
Ang alam ko ay related sa pagluluto ang kinuha niyang kurso roon. Hindi naman araw-araw ang pasok niya roon kaya mayroon pa rin siyang oras na inilalaan para sa kaniyang sarili, trabaho, at sa relasyon namin kahit na hindi kami madalas magkausap na dalawa. Sapat na ang pag-u-update namin sa isa't isa at kung minsan naman ay lumalabas pa ring kami kagaya ng nakagawian. Simpleng pagtambay, kumustahan, kwentuhan at asaran.
Katulad na lang ngayon. Day-off niya sa trabaho at wala rin siyang pasok kaya naman nagdesisyon kaming kumain sa labas. Ang usapan namin ay sa kakain kami sa bagong bukas na restaurant, ngunit ang nangyari ay napunta kami sa fishball-an at mga palamig.
"Medyo masakit sa bulsa ang gastos dahil araw-araw kami nagluluto tapos kung makatikim 'yong teacher, akala mo naman ay siya 'yong may pinakamalaking ambag kahit wala naman,"
Hawak namin ang pagkain habang naglalakad kami patungo sa park o mas kilala sa tawag na "gitna" dahil literal na ito ang center ng bayan namin. Nasa tapat lang iyon ng municipal hall. Sa gitna ng park ay mayroong malaking monumento ni Jose Rizal, kulay tanso iyon. Ngunit kung titingnang mabuti ay mapapansin na putol na ang daliri ng rebulto ng bayani. Para sa mga matatandang mamamayan na nakatira sa bayan namin, ang sinasabi nila ay binaril daw iyon ng pulis nang minsang magwala ito sa parke.
May mga bleachers na nakapalibot sa buong parke na nakapwesto sa ilalim ng puno na mayroon ding mga nakasabit na christmas light. Sa katabi ng park ang kilalang Patio Rizal Hotel.
A low chuckle came out with my lips as I hit his arm. "Ang sama ng ugali mo! Malamang sila 'yong unang titikim kasi sila 'yong magju-judge!"
"Judgemental pala siya, eh!"
"Ano ba? Siraulo ka talaga!" Halakhak ko.
He just winked at me and pinched my cheeks. "Cute cute naman ng bebe mag-laugh. Pa-laugh laugh nga?"
Nabitin sa ere ang panga ko kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Gulat na gulat sa kaniyang sinabi.
"A-Anong. . ."
Mas lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang labi at kapagkuwan, ilang saglit pa, ay humagalpak na ito ng tawa. Nakahawak pa sa tiyan ang siraulo habang ang isang hintuturo ay nakaturo sa'kin.
"G-Grabe. . . a-ang epic ng mukha mo kung alam mo lang," he uttered between his laughs.
By good fortune, as the time goes on, we get to know each other even better. Totoo nga iyong sinasabi nila na kapag nagmahal ka, kahit ang pinakapangit na bagay sa kaniya ay tatanggapin at mamahalin mo rin.
Nang sumapit ang mismong araw ng board exam ko ay kasa-kasama ko siya. Hindi na naman kailangan ngunit siya itong mapilit. Habang tinutungo ang lugar kung saan gaganapin ang pagsusulit ay hindi niya binitawan ang aking kamay. Sa tuwing kinakabahan at pakiramdam ko'y pinanghihinaan ako ng loob ay agad niya ako papaulanan ng magagaang salita.
And indeed, it was extremely helpful.
"Kaya mo 'yan, lods! Fight fight lang!" Tinapik niya ang balikat ko at bahagya pang pinunasan ang butil-butil na pawis na nabubuo sa gilid ng aking noo.
Hindi ako kumibo at nanatili lang ang mga mata sa corridor na tinatahak namin. Tumigil kami sa paglalakad nang marating namin ang room kung saan ako kukuha ng pagsusulit. Tiningala ko siya at binigyan ng tipid na ngiti.
"Anim na oras akong mag-e-exam. Baka mainip ka, puwede ka namang mauna nang umuwi–"
"Dito lang ako. Hihintayin kita," may pinalidad na pagputol niya sa'kin.
"Sigurado ka?" I bit my lower lip.
Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa mga labi ko bago marahas na lumunok. Pinilig niya ang ulo at mariin na pinikit ang mga mata.
"Hmm. . ." tugon niya nang muling magmulat. " Huwag mo akong isipin, bebe. Dapat mag-focus ka sa exam. Huwag kang mag-alala, kahit gaano pa katagal 'yan, hindi ako aalis. Dito lang ako at hihintayin kita."
Wala na akong nagawa pa. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago dahan-dahang tumango sa kaniya. At bago tuluyang tumalikod ay naramdaman ko ang marahang pagdampi ng kaniyang labi sa aking noo.
"Good luck, my CPA."
I slowly pushed him away then laughed. "Hindi pa ako CPA. Bago pa nga lang mag-e-exam, oh."
"Pero ngayon pa lang proud na proud na 'ko sa'yo. . ." he sincerely said.
At totoo nga dahil sa dalawang araw na pagta-take ko ng board exam ay damang-dama ko ang suporta at paggabay niya sa'kin. Hanggang sa dumating ang resultang pinakahihintay ko ay nariyan pa rin siya sa aking tabi at halos magtatalon-talon pa siya sa tuwa.
Even his friends–Kanto Teens–did a simple celebration for me. At doon ko talaga mas lalo pang napagtanto kung gaano ako ka-swerte pagdating kay Jolo.
I am blessed to have him. I am blessed how he supports and motivates me and I then commit myself that starting from now on, we will both work in progress to grow more and build our future together.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro